Sixteen

If looks can really kill, matagal nang patay ang dalawang tao sa harapan ko.

"Are you enjoying?" Malamig na tanong ko sa dalawa. Pansin ko naman na napalunok si Nathan dahil sa lamig ng boses ko.

"Do we need to get out of here?" Dinig kong tanong ni Rhynne kay Kuya Jemuel.

"Magandang eksena ang mangyayari, dito muna tayo." Si Rayne naman ang nagsalita.

Inside me, I'm calming myself not to punch their faces. Huwag nilang dagdagan ang inis ko ngayong araw.

Malakas akong napabuntong hininga.

"I'm enjoying, how about you?" Mapang-asar na sambit ni Shelia.

"More than enjoying. You know what I am thinking?" Lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Calm down, Veniz." I smiled at Nathan. I'm doing it right now, darling.

I look again at Shelia. Sinadya ko naman na ilapit ang bibig ko sa tenga niya para mas marinig niya ang sasabihin ko.

Pasensya ka na mare kung ikaw ang makakasagap ng ilang porsyento sa inis ko. Well, you quite deserve that.

"I'm slowly killing you in my mind. But what's more exciting? I'm planning to do that in reality, soonest." Alam kong rinig nila ang sinabi ko at hindi lang si Shelia. She even stiffed to what I've said.

Nauna na akong umalis sa kanila. Dumeretso na ako sa cafeteria para ikain nalang ang inis ko.

Kumakain na ako nang dumating sila. Wala sa kanila ang pinansin ko dahil busy ako sa pagkain ko at naiinis pa rin ako sa lahat. Baka sila pa ang mapagbuntunan ko.

Saktong pakain na sila nang natapos ako. Walang sali-salita na umalis ako at pumunta sa engineering building. Sa rooftop nila ako napadpad. Gusto kong magpahangin man lang. At sana isama na din ng hangin ang lahat ng iniisip ko.

Habang nilalanghap ko ang sariwang hangin, naramdaman kong may tao sa likod ko.

"Arye told me," I hummed as a response to Jackson.

"Any other information?" Lumapit siya sa kinaroroonan ko bago nagsalita.

"The aim is you." That's the only thing he said before we stayed silent akong the time we spent in the rooftop.

So, it's really me again. Ano na naman bang gusto niya?

Hindi nagtagal ay naisipan na din namin ni Jackson na bumalik sa klase namin dahil tapos na ang breaktime.

Sana lang ay huwag ko nang makita ngayong hapon si Shelia. Nababanas ako sa pagmumukha niya. Sarap ihambalos sa pader. Kung makapaglandian sila sa harap ko wagas.

Nang mag-uwian na, hindi naman ako pwedeng mag-commute pauwi kaya kailangan ko talagang sumabay sa kanila.

Sa kanila Kuya ako sumabay pauwi. Baka mabangasan ko lang si Nathan ng dis oras.

Pagdating namin sa bahay niya, sa kwarto agad ako pumunta para magpalit.

Nahingi ko na kanina kay Arye at Jackson ang other information na kani-kanina lang din nila nahagilap.

Ayos naman at saktong hindi pa nagbabago ng lokasyon ang gagong Johnny na iyon.

Pagbaba ko ay nakita ko silang may kanya-kanyang ginagawa doon sa sala. Alam ko na ang ginagawa ni Jackson kaya hindi ko na kailangan pang tanungin.

"Saan ka pupunta?" Agad na tanong ni Kuya Lemuel sa akin.

"Tawag ako ni Master Henri. Papabili daw siya ng ramen." Ang gago lang ng sagot ko. Natawa nalang ako sa isip isip ko.

"Pinagloloko mo ba ako, JV?"

"Hindi naman Kuya LJ. Sige na, alis na ako."

Tumango sa akin ang dalawa-- Rayne and Jackson dahil panigurado na alam talaga nila kung saan ako pupunta.

"Samahan na kita, Ven." Ngumiti nalang ako kay Shau.

"Mag-iingat ka, Ventot." Paalala naman ni Zia at ngumiti sa akin gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Kapag wala pa ako mamayang dinner, mauna na kayong kumain. Baka pupunta pa ako kay Ate Yssy." Sabi ko at sakto naman na napatingin ako kay Nathan.

Parang sinasabi ng mga mata niya na, kasalanan ko ba kaya ito aalis?

Kaya umiling ako sa gawi niya bago tuluyang lumabas sa bahay.

Sumakay na ako sa motor ko at mabilis na nakalabas sa subdivision.

I tap my earrings that serves as my communication device to Arye and Shadow. When we are in mission, we need to call each other by our agent names. While when we are in the headquarters, we are using the numbers.

"Don't go near in his place, Thana." Paalala sa akin ni Arye.

"Copy. Shadow, wala ka naman na siguro sa sala ano?"

"Hindi naman ako gano'n katanga, Thana." Pareho kaming natawa ni Arye.

"How about Morana?"

"She's distracting them."

Hindi na kami muling nagsalita matapos iyon dahil nasa mismong lugar na ako kung nasaan si Johnny. Ten meters away from me, I can see some mens outside.

Indeed that there is someone in his back. But who?

Ilang minuto pa akong nagtagal nang may mapansin ako. Parang may mali.

"Thana, umalis kana." Tarantang sambit ni Arye mula sa earpiece ko.

"Bakit?"

"May mali," rinig kong napamura si Jackson at tinatawag na si Morana.

Dali-dali naman akong sumakay sa motor ko paalis sa lugar.

Pero habang nasa kalagitnaan ako ng kalsada ay may limang mabibilis na motor ang parating sa likuran ko.

Mas binilisan ko ang pagmamaneho ko nang magpaputok sila ng baril sa gawi ko.

Pisting animal na buhay ito oh.

Kung nasa karera siguro kami, marami nang tao ang nagpustahan.

Pagewang-gewang naman ako sa kahabaan ng highway at mabuti nalang ay walang masyadong sasakyan. Pero posible pa din silang madamay dahil nagpapaputok ng baril ang mga sumusunod sa akin.

Nang makarating kami sa mahabang tulay ng siyudad, mas dumadami na ang mga sasakyang nakakasabay namin kaya natigil nila ang pagpapaputok ng baril.

Mas binilisan ko pa ang takbo ng motor ko at sinadya ko pang pumunta sa kabilang lane. Bahala na.

Puro busina ng mga sasakyang nakakasalubong ko. Hindi na ako magtataka na may susunod na sa amin na mga pulis.

"Shit," Mura ko nang makita kong may makakasalubong akong malaking truck na naglalaman ng mga de-lata. Ponyawa. Queennanina.

Kinabig ng driver ang manibela niya kaya tuluyang naharang sa harapan ko ang truck.

Pansin ko ang ngisi sa mukha ng driver. Kasabwat nila. Mga poto del leche.

Akala mo ba ikaw lang ang marunong ngumisi?

Mas binilisan ko ang takbo ng motor at talagang aakalain nila na ibabangga ko ang motor ko sa truck. Bobo nalang ako kung ibabangga ko.

Agad kong kinabig ang motor ko para dumausdos sa kalsada. Mabuti nalang at sakto ang size ng motor ko sa ibaba ng truck. Lumusot ako at mabilis ding pinaandar ang motor ko paalis doon.

Pero talagang may utak din kahit papaano ang mga sumusunod sa akin dahil nasundan pa din nila ako.

Ngayon, wala na talagang kahit isang sasakyan sa dinadaanan namin. Kamalas-malasan pa ay pakurba ang daan kung nasaan kami.

Sunod sunod ang mga putok ng baril sa gawi ko.

Zigzag na ang takbo ng motor ko sa madilim na kalsada.

Wala na akong choice kundi ang kunin na din ang baril na nasa tagiliran ko.

Ang bilin kasi sa amin ay hindi kami pwedeng maglabas ng baril hangga't hindi sakop ng misyon. Pero misyon naman ito hindi ba? Iyon ngalang ay wala sa utos ang pumatay. Like duh, I don't want to kill too. Not today, darlings. May dapat na mauna sa inyo.

Mabilis ang ginawa kong pagkasa ng baril dahil bahagya kong binitiwan ang manibela ng motor ko.

Ayaw ko naman na ako ang mauna sa dapat na mauna.

Gamit ang side mirror ng motor, tinignan ko kung sino ang mas malapit sa akin.

I aimed my gun to the guy behind me. Hindi naman talaga siya ang target ko kundi ang gulong ng motor niya. Takutin lang natin ng kaunti.

Hindi ako nagpakita ng takot nang itinutok din niya ang baril sa akin.

Saktong pakurba ang daan ay binaril ko ang gulong ng motor niya dahilan para nagpagewang-gewang siya bago sumemplang sa kalsada.

Walang nagtangkang tumulong sa kanya na kasamahan niya dahil hinahabol pa din nila ako kahit lagas na ng isa.

Ang kukukit naman ng mga ito. Ayaw ako tantanan. Magkano ba ang halagang ibinabayad sa kanila ni Johnny?

"Thana!" Isang sigaw ang nagpangiwi sa akin.

"Oh?"

"Kanina ka pa namin kinakausap dito na dumeretso ka sa headquarters!" Bakit ba ito sumisigaw?

"Tapos?" Dahil siguro sa inis ay napabuntong hininga ng malakas si Morana.

"Nakaabang ang mga inutusan ni Master Henri doon. Kanina pa namin sinasabi sa iyo pero hindi ka nakikinig."

"Okay. Copy."

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ini U-turn ang motor ko dahilan para humarap ito sa apat pang sumusunod sa akin.

Wala na akong pagpipilian kung hindi ang tutukan din sila ng baril. Sa isip-isip ko ay gumagawa na ako ng sunod na plano kung paano sila matatakasan na wala akong sugat. Pero imposible dahil na corner na nila ako.

Ngunit hindi ito ang panahon para sumuko ako.

Sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagpapatakbo ng mas mabilis pa sa motor ko.

Isa sa kanila ang natamaan ko at isa din ang napatamaan ko ng gulong.

Pero hindi talaga maiiwasan na hindi ako matamaan ng bala ng baril. Hindi naman ko si Flash para iwasan ng mabilis ang mga bala.

Sa braso ako napuruhan at isa ang tama ko sa binti. Magaling silang umasinta pero kung gusto talaga nila akong mamatay, dapat sa puso o sa ulo ko. Mga shunga naman. Dapak, parang sinasabi ko na din na gusto kong mamatay.

Ilang shortcut na ang nalusutan ko pero heto pa rin ay nakasunod pa rin sila sa akin.

Malapit na ako sa headquarters nang maramdaman ko ang sobrang pamamanhid sa tagiliran ko kasama na ang isa pang braso ko.

Sa natitirang lakas na meron ako, sunod-sunod ko din silang pinaputukan ng baril.

Alam kong damay lang din sila sa gulong ito pero wala akong magagawa dahil kung hindi ko sila lalabanan ay ako naman ang mamamatay.

Nahihilo na din ako dahil ilang oras din na nagpaikot-ikot kami bago nakarating dito sa bukana ng headquarters.

"Requesting for medical support to come here ASAP!" Huli kong narinig bago ko ipinikit ang mga mata ko dahil sa pagod.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top