Seventeen
Malakas na ang buhos ng ulan nang pinalabas kami mula sa huling klase.
Nang magkaroon na ako ng malay, ang unang bumungad sa akin ay sina Arye at Master Henri. Sila na din ang nagbigay ng rason sa mga kaibigan ko. Ang sabi nila ay kailangan kong magpahinga lalo na at marami akong natamong sugat mula sa tama ng baril.
Tinanong ko si Master Henri kung ano ang ibinigay niyang rason sa kanila. Ang sabi niya'y inutusan niya ako para sa isang misyon pero hindi niya sinabi sa kanila ang nangyari sa akin.
Tatlong araw ang nakalipas bago ako bumalik sa kanila. Hindi niya pinayagan ang tatlo na bumisita sa headquarters dahil tiyak na magaalala lamang sila sa akin.
Kaya heto ako ngayon at todo alaga nila dahil nga hindi naman basta basta na mawawala ang mga sugat ko. Pero iyon ngalang ay sobrang dami nilang tanong sa akin, lalo na kung bakit pagbalik ko ay may mga sugat na ako.
Hindi pinaunlakan ni Master Henri ang tatlo na magtanong sa kanya. Hinayaan niyang ako ang sasagot sa lahat ng katanungan nila.
"Ikalimang araw na, Ven. Hindi mo pa rin ba sasabihin sa amin kung saan mo iyan nakuha?" Pang-ilang beses na ding tanong ni Shau sa akin habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Sa misyon." Agarang sagot ko dahil naririndi na ako sa kakatanong nila. Malayo pa ba ang parking lot? Umulan lang, parang lumayo na ang parking lot.
"Veniz!" Isa pa itong masarap hambalusin sa mukha e. Hindi ko nalang pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad.
"Veniz!" Tawag ulit nito sa akin at nahablot na niya ang kamay ko. Lintik ka, mag sugat pa yan.
"Ano?" Asar na sambit ko habang masama ang tingin sa kanya. Pansin ko naman sa kanan ang dalawang tao na akala mo mag-syota na. Kung makalingkis, wagas. Itali ko kayong dalawa e.
"How are you? I heard what happened."
"Oh? Narinig mo pala? Bakit mo pa ako tinanong?"
"How are you?" Ulit na tanong nito. Napakamot naman ako sa pisngi ko dahil nae-stress na ako sa lalaking ito.
Pero teka, mabuti pa pala itong bisugong ito, kinakamusta ako. Samantalang itong isa diyan, nakikipaglingkisan sa ahas na galing Amazon forest.
"Buhay pa. Nakikita mo nga ako ngayon o, edi buhay pa." Halatang nawawalan na siya ng pasensya sa akin. Ako na ang unang tumalikod at nagtuloy-tuloy na papunta sa parking lot. Pero bago ako naglakad palayo, nagsalita muna ako.
"Pero salamat sa pagtatanong." Humarap sa ako sa kanila at kay Vince.
"Mabuti ka pa nga kinakamusta ako hindi tulad ng iba diyan na nakikipaglingkisan sa isang ahas na maraming kolorete sa tainga." Pagpaparinig ko o sadyang sinasabi ko na talaga dahil kaharap ko naman silang lahat.
Agad namang lumapit sa akin si Shelia.
"What? Anong sabi mo sa akin? Ahas?" Ako ang natatanga sa mga tao ngayon e. Narinig na nga, tinatanong pa. Naiintindihan ko pa kung lutang, pero hindi siya lutang kundi ay nakalingkis.
"Oo. Bingi ka ba?" Ngumisi lang ito sa akin.
"Nagseselos ka ba dahil hindi ka man lang kinamusta ng boyfriend mo? O baka natatakot kang mawala siya sa iyo ng isang iglap lang?"
Lumapit ako sa kanya. Eksaktong naka-heels pa ako ngayon dahil nagustuhan ko ang regalo ni Papa sa akin. Mabagal lang ang lakad ko papunta sa kanya habang rinig na rinig ang huni ng takong ko kasabay ng ulan.
Nang makalapit na ako sa kanya, unti-unti kong pinapagapang ang hintuturo ko mula sa noo niya hanggang sa dibdib.
"Hindi mo ako matatakot."
"Of course, dahil meron ang mga kaibigan mo kaya ka matapang." I mockingly laugh in front of her.
"Unlike you who's trying to fit in with us. If I were you, I'll go back to the place where I came from. At the first place, you're not welcome in this circle of life. Go back to your forest, little snake." Tila naasar ito sa mga sinabi dahil bigla niya akong sinampal ng pagkalakas-lakas dahil napaatras ako. Sinasabi ko na nga ba.
"How dare you to insult me like that? Aminin mo nalang kasi na takot kang mawala sa'yo ang taong wala nang pakialam sa iyo ngayon!" Isang sampal muli ang tumama sa pisngi ko.
"Hey! Tama na yan!" Pang-awat nila sa amin.
Napamura nalang ako ng palihim nang si Shelia ang nilapitan ni Nathan na awatin.
Kahit nandito sina Kuya, hindi na nila ako napigilan dahil mabilis ang naging hakbang ko palapit sa kanilang dalawa.
With the use of my heel, I kick her face that cause her nose to bleed. Hindi pa ako nakontento at hinablot ko pa siya mula kay Nathan at ibinalibag sa pader malapit sa amin.
Agad naman itong nakabawi at hinila ang buhok ko. Sinadya pa niyang idiniin ang kuko niya sa sugat ko sa braso na hindi pa tuluyang gumagaling.
Napahiyaw naman ako sa sakit. Gumanti naman ako at sinuntok siya sa mukha. Ang akala ba niya hihilahin ko din ang buhok niya? No way. It's so cheap, you know. Mas better ang suntok.
"Stop it!" Sigaw ni Nathan sa aming dalawa habang ang iba naman ay takot na lumapit sa amin dahil talagang pati sila ay madadamay kung pipigilan nila kaming awatin.
Alam na nila ang ugali ko. Hinding hindi ako magpapatalo sa kahit an anong laban. Kaya huwag niyang sagarin ang pasensya ko.
Kumirot ang puso ko nang si Shelia na naman ang nilapitan niya.
"Are you okay, Shelia?" Tangina niyong dalawa. Magsama kayo sa ilalim ng lupa.
Naglakad na ako para umalis sa lugar na iyon pero napukaw ang atensiyon ko sa sinabi ni Nathan.
"Won't you say sorry, JV? You've just insulted her."
"Why would I?" Tugon ko. You're hurting me, Nathan. And it's the first time she called me JV. It hurts, a lot.
"You're not like that. Ano ba ang nagyari sa'yo? Nawala ka lang pero ganyan ka nang bumalik? Is that boy named Vince changed you?"
I didn't answer him instead, I laugh like a crazy woman.
"Oh my gosh. Natawa ako doon ka Mr. Montenegro."
"You're hurting my sister, Montenegro." Seryoso saad ni Kuya Lemuel habang masama ang tingin nito kay Nathan-- no, it's Montenegro alone.
He's starting to build hatred in me.
"I'm just telling the truth."
"Telling the truth, my ass! You are the one who changed!" A sudden out burst came from Shau.
"And you little shit!" Dinuro pa nito si Shelia.
"You are purposely want to break their relationship, do you?" Itinaas ni Shelia ang kilay niya. Ahitin ko yan, makikita mo.
"So? It's not my decision anymore if they will break up." Let me slice your throat, you dumbass shit.
"Inamin mo rin na gusto mo talaga silang mag-break. Ikaw naman Montenegro, are you going to choose that shit than Ven?" Palipat-lipat ang mata ni Montenegro sa amin. It's like he don't know what would he choose. It's breaking me more seeing your actions, Nathan.
Let me make your decision easier.
"He don't need to choose." Inaakala siguro nilang ipaglalaban ko ang relasyon namin mula kay Shelia pero nagkakamali sila.
"One year? Two years? It's already enough for me. Go on, find your real happiness. Don't choose between maybe and not sure."
This time, tuloy-tuloy na talaga akong pumunta sa parking lot. Mabuti nalang pala talaga at nagmotor ako kanina.
Kahit malakas ang ulan ay sinuong ko pa din.
Mabilis namang nakasunod sa akin ang mga kaibigan ko.
Are they going to leave me too, someday?
Tears can't help but to stream on my cheeks. Ang sakit pala. Ang sakit pala na nahihirapang pumili ang taong mahal mo kung pipiliin ka niya o hindi.
Ano ba ang nagawa ako? I only did a mission then when I get back, someone is already sitting at my place.
Do love really like this?
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top