One
A/N: Hi everyone! How are you? Did I make you wait? Lol. But by the way, this will be JV and Nathan's point of view: for you to better understand the hidden story of Jonathan Montenegro. Plus I want to include third person point of view too.
Expect some roller coaster plot twist again.
hayahae!
Maligayang araw ng mga puso!
Message me in:
sayout.me/say/uglyjollymeee
---
"𝐏𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐰𝐚 𝐦𝐨 𝐧𝐚, 𝐢𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐦𝐨 𝐬𝐢𝐲𝐚" 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐬𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐤𝐚𝐚𝐰𝐚.
𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐠𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐤𝐨 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚. 𝐆𝐢𝐧𝐚𝐰𝐚 𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐲𝐮𝐧 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚'𝐲𝐨.
𝐒𝐚𝐛𝐢 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧 𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐃𝐚𝐝𝐝𝐲, 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐦𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐨 𝐢𝐢𝐰𝐚𝐧. 𝐏𝐞𝐫𝐨...
𝐒𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞 𝐢𝐲𝐨𝐧?
𝐍𝐚𝐤𝐚𝐥𝐢𝐦𝐮𝐭𝐚𝐧 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐤𝐚𝐲 𝐃𝐚𝐝𝐝𝐲, 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐡𝐢𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚?
"𝚂𝚊𝚗𝚊 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚔𝚊 𝚗𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚒𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊."
𝐌𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐨 𝐦𝐢𝐬𝐦𝐨, 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐭𝐢𝐧𝐢𝐢𝐬 𝐤𝐨 𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐤𝐨.
𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲, 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐩𝐚𝐫𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐤𝐨.
𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 "𝐬𝐨𝐮𝐥𝐦𝐚𝐭𝐞." 𝐒𝐚𝐛𝐢 𝐦𝐨 𝐩𝐚 𝐧𝐠 𝐧𝐨𝐨𝐧, 𝐤𝐚𝐤𝐨𝐫𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐲𝐮𝐧.
𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐢𝐭𝐚, 𝐧𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐛𝐢𝐠𝐥𝐚.
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐧 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐤𝐨 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐧.
𝐌𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐤𝐨 𝐦𝐨 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐲 𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐚𝐤𝐨? 𝐏𝐰𝐞𝐝𝐞 𝐛𝐚?
𝐍𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐬𝐢 𝐚𝐤𝐨. 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐬𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐤𝐨. 𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐧𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐤𝐚 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐛𝐢 𝐤𝐨.
𝐏𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐝.
✿
Isang malakas na sigaw ang gumising sa'kin na animo'y nasusunog na ang buong bahay namin.
"Kabanas naman Kuya Lem! Natutulog pa yung tao aba!" Sinabayan ko pa ito ng paggulo sa buhok ko na parang pinagpiyestahan ng sampung kalapati.
"Hoy! Anong akala mo? Nasa high school ka parin?" Naguluhan ako sa sinabi ni Kuya. Sakto naman na pumasok din sa kwarto ko si Kuya Jemuel.
"First day mo sa college ngayon. Meron tayong orientation sa school ngayon."
Loading...
Processing...
Complete.
"What the heck?!" Sabay akong tinignan ng masama nitong kambal kong Kuya.
"Maligo ka na. Hihintayin ka namin sa baba." Tumango nalang ako sa kanila kaya naman lumabas na din sila sa kwarto ko.
Dinampot ko ang cellphone na nasa bedside table ko at tinignan ang oras.
"Hayop na putragis kayo Kuya!" Buong lakas kong sigaw na halos mabulabog na ang buong bahay. Rinig ko pa ang tawa nila habang pababa sila sa hagdan.
Gisingin ba naman ako ng alas kwatro ng madaling-araw?! Ampupu. Ngayon pinagsisihan ko na humiling pa ako ng kuya.
Teka, tumataas ata ang presyon ko.
Napailing nalang ako at tumayo na para maligo. Ano pang magagawa ko? Kapag matutulog ulit ako, male-late naman ako mamaya.
Grabe naman kasi si Master Henri. Kakauwi ngalang namin ni Nathan last week tapos bibigyan ulit kami ng misyon. Edi hayan, fully book ang weekend ko ng misyon.
Tapos kabanas din. Hindi namin mahanap hanap yung mastermind. Kapag nakita ko talaga kung sino ang mastermind, gigilitan ko siya sa leeg. Pero joke lang syempre. Hindi na kami under doon.
About drugs ang naging mission namin for three consecutive weeks. Pero talagang magaling ang mastermind ng malawakang pagbebenta ng droga.
Hindi lang dito sa Pilipinas ang naghahasikan nila ng kayawahan, nakarating narin sila sa iba't ibang bansa.
Kaya nandoon kami sa Beijing ni Nathan noon samantalang sina Morana at Jackson naman ay sa London.
Pagkatapos kong maligo ay sakto naman na umilaw ang cellphone ko. Halos forty minutes din pala ako sa banyo. Alam niyo na, ritwal ritwal din kapag may time. Basa ng konti ang paa tapos talon talon. Malamig kaya!
"Good morning" bungad sakin pagkasagot ko ng tawag niya.
"Anong maganda sa morning?" Sagot ko naman at pumunta sa closet ko para kumuha ng damit. Hindi na kasi kami required magsuot ng uniforms sa bagong university namin at tutal naman ay college na kami.
"Ikaw" sagot niya kaya napatigil ako ng bahagya sa paghila ng longsleeve ko.
"Buang. Umagang-umaga bumabanat ka." Bagot na sagot ko pero ang totoo ay pulang-pula ang pisngi ko nang madaanan ko ang full length mirror dito sa kwarto ko.
He chuckled and it makes me roll my eyes upwards. Natuto na akong magmaldita dahil do'n sa dalawang bruha e.
"See you later, Veniz." And he ended up the call. Napailing nalang ako at nagpalit na.
Pagdating ko sa sala, nadatnan kong nanonood ng basketball game ang magaling na kambal. Walang imik akong pumunta sa likod nila. Rinig ko pa ang pinaguusapan nilang dalawa.
"Tingin mo, babawi yun?" Ako ata tinutukoy nito.
"Siya pa ba? Parang hindi mo kilala ang kapatid natin." Ako nga ang pinag-uusapan nila. Tutal at pinag-uusapan narin naman nila na babawi ako, edi gawin ko na ngayon.
"Nasa labas si Zia at Rayne" bulong ko sa pagitan na at heto naman ako pilit tinatago ang matinding tawa.
Parang bulang nawala ang kambal sa paningin ko pero rinig ko parin ang sinasambit nila dahil sa pagkataranta.
"Takte hindi pa ang ako nakaligo"
"Hayop na yan! Mababalian na naman ata ako ng buto" at tuluyan na silang nawala sa paningin ko kaya humalagapak na ako ng tawa. Bawing-bawi na ako.
Wondering why they panic right after hearing those names? Pftt.
Zia is pursuing my Kuya Lem pero halata kong crush din siya ni Kuya kaya naman ship na ship ko sila.
And Rayne, she's Morana by the way. Since my family already knows my work, Morana often visit here in our house.
And for Kuya Jemuel, nagsimula lang siyang matakot kay Rayne simula noong pinagbubugbog siya ni Rayne. Noong time na yan, galing kami sa isang misyon plus the fact na galit na galit talaga siya kasi hindi niya nagawang mahabol yung isa sa mga pakay namin noon.
Kamalas-malasan, si Kuya Jemuel ang napagbuntunan niya dahil lang sa cookies na inagaw sa kanya ni Kuya.
Kaya ngayon, bwala! Wala na sila dito sa sala at halos mautas na ako kakatawa.
Mamayang six pa sila pupunta dito para sabay-sabay kaming pumunta sa new university namin. Pero dahil nga uto-uto yung dalawa kong kuya e wala na, maligaya na naman ang araw ko.
Pumunta nalang ako sa kusina para magluto ng almusal namin. Nadatnan ko doon si Manang Fate na hinahanda ang mga iluluto niya.
"Manang Fate, ako na po ang magluluto." Binuksan ko ang ref para tignan kung ano ang pwedeng iluto.
"Nako kang bata ka, ako nalang. Maupo ka nalang doon." Ngumiti nalang ako sa kanya at kinuha ang isang tray ng itlog pati ang kamatis at sibuyas para sa lulutuin ko. Ngayon nalang ulit ako magluluto para sa kanila.
"Tulungan niyo nalang po ako Manang. Magluto nalang po kayo ng fried rice. Ako na po dito." Wala na siyang nagawa kaya sinunod nalang niya ako.
Matapos kong mahiwa ang kamatis at sibuyas, sinimulan ko na ding timplahin ang itlog.
Isinalang ko na ang non-sticky pan at nilagyan ng mantika.
Sinimulan ko nang ilagay ang kamatis hanggang sa maging half-cooked ito kaya isinunod ko nang ilagay yung sibuyas.
Nang pwede na ay nilagay ko na din ang natimplahang itlog.
"Tapos ka na ba diyan, JV?"
"Ah, opo Manang." Isinalin ko na ang niluto kong ulam sa serving plate.
"Ako na. Umupo ka na doon. Nakapagtimpla narin ako ng gatas mo at kape nila Papa mo."
"Sige po" pumunta ako sa sala para tawagin sila Kuya pati narin si Papa na nasa garahe. Ang aga-agang maglinis ni Papa ng kotse ha? Saan ba to pupunta?
"Mga uto-uto kong Kuya! Baba na diyan! Kain na tayo! Papa, tama na po muna yan!" Buong lakas kong sigaw dito sa sala at paniguradong rinig iyon ng lahat. Rinig kong napatawa si Manang Fate sa kusina.
"Nakaka-miss ka talagang bata ka" sabi niya sakin pagbalik ko sa kusina at umupo na sa upuan ko dito sa hapag.
"Yung pasalubong ko po pala nasa kwarto niyo na po."
"Iyon bang nakalagay sa karton?" Tanong nito at inilapag na ang fried rice na pinaluto ko sa kanya kanina.
"Opo"
"Salamat" niyakap naman niya ako kaya napangiti nalang ako. Siya yung nag-alaga kila Kuya noong nasa ibang bansa pa sila kaya naman close na close kami sa kanya. Yes, kasama na ako doon.
"Ang sama sama mo talagang bata ka" sabay na sambit ng dalawa kong Kuya. Sakto naman na dumating si Papa kaya naman siya ang kinukulit namin ngayon.
"Papa inaaway ako nila Kuya oh!" Parang bata kong sumbong.
"Siya nga po ang nang-aaway samin Pa e!" Kambal nga kayo, sabay na sabay.
"Kids, enough. Nasa hapag tayo." Nag-make face nalang ako sa kanilang dalawa pero lumapit din ako sa kanilang dalawa kalaunan at hinalikan sila sa pisngi.
"Sorry na po mga Kuya." Sabay lang nila akong binatukan kaya natawa nalang samin si Papa.
Pumunta din ako kay Papa at hinalikan din siya sa pisngi bago ako umupo sa pwesto ko.
"Ako nagluto niyan." Proud kong sabi kaya nagulat naman sila. Minsan lang kasi ako magluto.
Hindi pa man ako nakakakuha ng ulam ay nangalahati na iyon.
"What the?!"
"Kainan na!" Napailing nalang ako.
"Ventot!" Isang sigaw ang narinig namin sa sala at sabay na napabuga ng kape ang kambal. Natawa nalang ako at tinawag sila Shau dito sa kusina.
Mabuti nalang at sinadya kong damihan ang niluto ko.
Habang hinihintay kong matapos ang mga kaibigan ko ay biglang tumunog ang telepono na nasa sala. Ako na ang nagprisintang sumagot sa tawag tutal naman ay tapos na akong kumain.
"Hello? Who is this?" Halos isang minuto kong hinintay kung may sasagot ba o wala pero nangilabot nalang ako bigla nang nagsalita na ito.
"It's payback time."
---
So walang nakahula ng title? Haha it's fine. I will dedicate every chapter to those who tried their best to guess the new title.
UglyJollyMeee
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top