Nine
Warning: Strong Words Ahead!
Third Person Point of View
"Oh shit" sabay-sabay nilang mura nang mapansin nilang may pulang marka na nakatutok sa ulo ni Zia.
Dali-dali namang tumakbo si Jemuel Clifford sa kinaroroonan ni Zia.
"Bakit?" Tanong nito nang mapansin niyang nagmamadali ang mga kasama niya na lumapit sa kinaroroonan nila.
"Meron na namang nakabantay sa atin." Sagot sa kanya ni Jace Veniz.
Sinadya nilang makitabi ng lamesa sa isang grupo malapit sa kanila.
"Veniz, bantayan mo sila. Ako na ang mag-o-order." Dahil sa kaseryosohan ng boses ni Jonathan ay agad na nalaman ni Jace Veniz ang plano nito.
Hindi nila pwedeng ipahalata na alam nilang may mga nakasunod sa kanila kanina pa.
Nang si Jonathan na ang kukuha ng order, agad niyang hinagilap kung ilan ang nakasunod sa kanila sa pamamagitan ng salamin na nasa tabi.
Nang makabalik na ito sa pwesto nilang magkakaibigan ay agad niya itong ipinaalam kay Jace Veniz.
"There are five mens behind us. I think there is one more up there," and he pointed the tall building near the restaurant where they are.
"Eat up. Kailangan nating umalis dito." Tumango naman sila at nagsimula nang kumain.
Hindi naman mapakali si Jace Veniz sa kinauupuan niya. Iniisip niya na baka isa kanila ay bigla nalang bumulagta sa sahig. Kapakanan ng mga kaibigan niya ang mahalaga ngayon lalo na at hindi nila alam kung sino sa kanila ang tunay na pakay ng mga sumusunod sa kanila.
"Dito pala kayo kumakain." Biglaang sambit ng isang tinig mula sa likod nila.
"Woah, teka" sambit nito nang bigla nalang hilain ni Shau ang kamay nito dahil sa gulat at pipilipitin na sana niya ito.
"Bakit ba bigla ka nalang sumusulpot, Mr. President?" Mataray na tanong ni Zia.
"Bawal ba akong pumunta dito sa restaurant? Bawal ba akong kumain?"
"Yang mukha mo ang bawal. Baka ipagpalit ko si bebe ko bigla." Sinamaan naman ng tingin ni Lemuel John si Zia dahil sa sinambit nito.
Tumawa naman ang lalaki dahil sa sinambit ni Zia.
"What are you still doing here, Mr. President?" Segundang tanong ni Rayne.
"My name is Vince Vizcarra."
"So? Tinatanong ba namin?" Mataray na sabi ni Shau.
"No, but you keep on calling me Mr. President. That's why I told you my name. Have a great lunch." And he left.
Agad silang umalis sa Sunny's nang matapos silang kumain. Pero tila may udyok kay Jace Veniz para ayain ang mga kaibigan niya na dumeretso na ng uwi.
Habang lulan sila ng sasakyan ni Jonathan, bigla na lamang silang nawalan ng access sa manibela nito. May ibang komokontrol sa sasakyan nila.
"What the heck?!" Tarantang bulalas ng kambal na kapatid ni Jace Veniz nang makita nilang pagewang-gewang ang sasakyan kung nasaan ang kapatid nila.
"Hack this car, Jackson!" Rinig nilang sigaw ni Jace Veniz na dali-dali namang ginawa ni Jackson.
"Shit!" Sabay-sabay nilang mura nang muntik na silang mabangga.
"Kung sino mang tangina ang gumagawa nito, tumigil kana! Sino ba talaga sa amin ang target mo ha?!" Hindi mapigilang sigaw ni Jace Veniz.
Natahimik silang lahat nang may boses silang narinig mula sa loob ng dalawang kotse. Halakhak ang bumungad sa kanila.
"Who the fucking are you?!"
"Oh shit!" Muli nilang bulalas dahil kaunti nalang ay babangga na sila sa malaking puno na nasa harap nila.
"Jackson! Fuck! Yung kapatid ko!" Rinig nilang sigaw mula sa isang kotse.
"Be ready." Huling sambit ng tinig at sakto naman iyon na napatigil ni Jackson ang kotse kung nasaan sila Jace Veniz.
Nanginginig na tinignan ni Jonathan ang kasintahan dahil bigla nalang itong natulala sa kawalan.
"Hey," tapik nito sa pisngi ni Jace Veniz. Unti-unting tumulo ang mga luha niya dahilan para kabigin siya ni Jonathan para yakapin.
"Paano nalang kung may napahamak sa atin? Paano nalang kung may mamatay sa atin? Paano---"
"Huwag ka ngang magisip ng ganyan, Ven. Makakaya natin ito, malalagpasan natin lahat ng 'to." Putol ni Shau sa sinasabi ni Jace Veniz at hinawakan ang kamay nito.
"Ayoko lang na may mapahamak na kahit isa sa inyo. Hindi ko na alam. Ayoko na nito." Hindi parin siya matigil sa pag-iyak.
"Hush now. Umuwi na tayo bago pa nila tayo balikan dito."
"Tahan na diyan, baby princess." Pagpapatahan naman sa kanya ng kapatid niya.
"Kuya..." Niyakap siya ng dalawa niyang kaibigan na nasa likod.
"Hindi ko ba pwedeng sabihin ito kila Papa?" Biglaang tanong ni Rhynne na kasama din nila sa kotse.
"Lawyer sila at baka matulungan nila tayong kasuhan ang mga nagtatangka sa buhay nating lahat."
"Hindi tayo pwedeng mandamay ng mga inosente dito, Rhynne. May sariling paraan ang organisasyon para sa mga nangyayari." Sagot sa kanya ni Jonathan.
Dumeretso sila sa pamamahay ni Jonathan dahil mas safe doon. Hindi dahil malaki ang bahay niya kundi ay gawa ang bawat parte nito ng mga hi-tech na bagay.
Dinisenyo ng dati niyang kaibigan ang bahay niya. Dahil mahilig ang dati niyang kaibigan na gumawa ng mga kakaibang bagay, naisipan din nito na gawan ng seguridad ang pamamahay ng kaibigan.
Alam niya na ang trabaho ng kaibigan kaya tinulungan niya ito sa pamamagitan ng mga hi-tech na bagay na nasa bawat parte at sulok ng bahay.
Pagdating nila ay agad namang pinuntahan ng kambal ang kapatid nila.
"Tahan na." Niyakap siya ng mga kapatid niya kaya muli siyang napaiyak.
"Paano nalang kung may mangyari sa inyo Kuya? Paano nalang si Papa kung may nangyari sa atin? Paano kung isa sa atin ang mamatay dahil dito?" Sunod-sunod na tanong nito sa mga kapatid habang hindi maawat sa pag-iyak.
Awang-awa ang mga kaibigan niya sa kanya dahil ramdam nila ang hirap nito.
"Parang bumalik lang lahat noon kay Tita Nana."
Tahimik lamang silang lahat. Alam nilang natakot lang si Jace Veniz sa nangyari sa kanila. At alam din nilang nag-aalala lang siya sa mga kaibigan.
"Pumasok ka muna sa kwarto, Ven. Tara na para makapagpahinga ka muna." Pigil sa pag-iyak ang mga kaibigan nila nang pilit itong tumango ay pumunta sa ikalawang palapag ng bahay na walang imik pero rinig parin nila ang bawat hikbi nito.
"Kailangan nating mas mag-ingat ngayon." Sambit ni Jonathan nang tuluyan nang makapasok si Jace Veniz sa kwarto nilang mga babae.
"Noong nakausap ko ang lahat ng miyembro namin, sinabi nila na handa silang tumulong sa atin ano mang oras." Pagpapaalam ni Lemuel John sa kanila.
"Handa ding tumulong ang lahat ng nasa last section, Jon." Tumango si Jonathan sa sinabi ni Jiyo.
"Naaawa na ako kay Ven." Biglaang sambit ni Zia pagkaraan ng ilang minuto.
"Ang dami na niyang napagdaanang hirap sa buhay, tapos eto na naman. Meron na namang panibago na dumating." Segunda ni Shau sa sinabi ng kaibigan.
"Minsan hindi lang niya sinasabi pero pagod na yan. Pagod na sa lahat." Usal ni Rayne bago tumungo sa kusina para uminom ng tubig.
"Malalagpasan nating lahat ito." Huling sambit ni Jonathan bago niya tinungo ang kwarto niya.
"Sana."
---
Dedicated to: @ChristineFabronero
Thanks for guessing
-𝓜𝓮𝓲𝓟𝓮𝓷𝓲𝓫𝓸𝓸
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top