Four
---
"Saan ka ba nagpunta, JV?" Yan ang bungad nila sa'kin pagdating ko sa cafeteria. Akala ko nga uwian na sa oras na makarating ako dito. Pero naalala ko, pinalabas lang pala kami kanina para e tour ang sarili namin.
So in short, ngayon palang ang breaktime.
"At bakit may gasgas ka sa kamay?" Napa-huh naman ako sabay tingin sa kamay ko.
"Ah, eto ba? Nadapa lang ako kanina." Sabi ko nalang at umupo na sa tabi ni Nathan.
"Saan ka nagpunta?" Tanong ulit ni Kuya Lem sakin.
"Diyan lang"
"Saan ka nagpunta?" Si Kuya Jemuel naman ngayon.
"Tsk, kambal nga kayo. Sabi ko, diyan lang po." Tumaas ang kilay nung mga babae tapos napa-tsk naman ang mga lalaki kasama na ang katabi ko.
"Okay, fine. Sasabihin ko na." Huminga muna ako ng malalim.
"Pero walang sisigaw ah?" Sila naman ngayon ang napa-huh.
"Nakidnap ako kanina nung umalis ako sa pinagtambayan natin."
"Eh?" Ay wow. Yan lang ang reaksyon nila? Oo, lahat sila ganyan lang ang naging reaksyon.
"Sino naman ang nagkainteres sa'yo, Ate Jace?"
"Manahimik ka nga diyan Rhynee" sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang sabi lang sa'kin ni Tanda kanina, If I cannot kill him, then I'll get his precious treasures. Ang weird nga e kasi hindi ko naman sila kilala tsk." Natahimik naman silang lahat pagkatapos kong sabihin yun.
Napagkasunduan kasi namin na wala nang maglilihim ng sekreto sa isa't isa. At para naman alam namin kung mapanganib na ba yun o hindi.
Tutal ay alam naman nilang kalahati dito sa barkada ay agent, pumayag sila. Actually we have a motto.
Your fight, our fight.
"Nakilala mo ba yung tanda na sinasabi mo?"
"Lintek ka talaga Jiyo, di ka ba nakikinig?" Asar na sambit ko. Naramdaman ko naman na kinuha ni Nathan ang kamay ko na may gasgas at nilagyan ng band aid.
"Pero bakit ka nila kinidnap? At sino namang he ang sinasabi niya?" Takang tanong naman ni Rayne.
"Ewan ko doon. Pero isa lang ang nasisigurado ko sa ngayon." Sambit ko at tumingin naman silang lahat sa'kin. Sakto naman na dumating ang order nilang pagkain. Ang sosyal talaga ng school na to.
Agad kong hinablot ang pagkain ni Zia na nasa tabi ko lang at nilantakan.
"Hoy Ven! Ano yung nasisigurado mo?" Nag-sign naman ako ng sandali. Nginuya ko muna yung kinakain ko tyaka ko itinuloy ang sinasabi ko kanina.
"Lahat tayo, target nila. May posibilidad na may mahalaga sa atin na habol nila. At sa kamalas-malasan, ako ang unang nakuha nila." Natahimik kami ulit.
"Sabihin kaya natin ito kay Master Henri?" Suhestiyon naman ni Jackson.
"Pwede rin pero hindi pa tayo sigurado kung sino si Tanda."
"Ang kailangan nalang nating gawin ngayon ay bantayan ang isa't isa." Sabi naman ni Nathan.
"Walk out pa kasi" masama kong tinignan si Kuya Lem.
"Isip bata kasi" banat ko naman. Napasampal nalang sa noo si Kuya Jemuel sa amin.
Uwian na namin at napagdesisyunan namin na mag convoy nalang tutal kanya kanya naman sila ng sasakyan. Oo sila lang. Ayaw ipagamit sa'kin nila kuya yung motor ko, isama mo na din si Nathan.
Habang nasa daan kami, biglang may humarang sa daan namin.
"Shit, balik!" Sigaw ni Nathan kaya agad namang kumilos sila Kuya Lemuel at Jackson. Tatlong kotse kasi ang gamit namin. Dito ako sa kotse ni Nathan sumabay kasama si Rayne at Shau.
"Hinahabol tayo lintek" nakakapag-communicate kami dahil kinonek ni Jackson ang radio wave ng bawat sasakyan namin kanina.
"Ponyawa!" Gulat na sigaw ni Zia at Shau nang bigla silang nagpaputok ng baril.
Agad kong binuksan ang glove compartment ng kotse at kinuha doon ang baril ni Nathan. Lahat ng sasakyan namin ay may kanya kanyang baril for emergency purposes.
Naghayag ang bagong order si Macaria na pwede nang gumamit ng baril ang Second Division at hindi na yung dati naming ginagamit na kuryente lang ang dumadaloy. Sa First Division naman ay pinayagan na niyang gumamit sila ng bow and arrow at riffle.
Inilabas ko ang kalahati ng katawan ko sa kotse at pinaputukan ang gulong nung isang kotse na sumusunod sa amin.
"Lintek ka JV! Pumasok ka sa kotse!" Tarantang sigaw nung dalawa kong Kuya kaya napatawa ako.
"Hoy! Agent kaya ako! Trabaho ko to ano!" Sigaw ko pabalik sa kanila at pinaputok ulit ang isa pang gulong nung sumusunod sa amin na kotse.
"Bad news. Lima ang nakasunod sa atin. Pakibilisan ang pagmamaneho mga pare."
"What?!"
"Gosh! Wag naman kayong sumigaw! Naka speaker kaya kayo!" Umupo na ulit ako at dinagdagan ang bala ng baril na hawak ko.
Sumeryoso na ang awra ko dahil sa tingin ko, ako muna ang mag le-lead ngayon. By the way, ako ang pangalawa sa lahat ng taga Second Division. Pangalawa na kanang kamay ni Master Henri. Si Nathan ang main na kanang kamay niya.
"This is Thana of Second Division. I order Morana and Shadow to take down the other shits behind us."
"Copy"
"Ano nang nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Shau dito sa amin.
This is their first time to witness us, the four of us, in this type of battle.
Ngumiti nalang ako kay Shau.
"Azriel, drift the car in nine o'clock."
"Copy"
"Kuya Lemuel, stop the car when I told you and get Shau with you."
"Sige."
"Jiyo" si Jiyo ang nagmamaneho ngayon sa kotse na minamaneho kanina ni Jackson.
"Drift the car in three o'clock."
"Sige." Hinintay ko lang na makarating kami sa madilim na parte ng tulay.
"Now!" Mabilis na kinabig nila Nathan at Jiyo ang kotse sa eksaktong lokasyon na sinabi ko sa kanila. Lumabas na din si Shau at lumipat kila Kuya Lemuel.
Sabay naman kaming nagpaputok nila Jackson at Rayne sa apat na kotse na sumusunod sa amin. Wala na yung isa dahil binaril ko na kanina ang gulong nila.
"Don't kill them!"
"Alam ko hoy!" Natawa naman ako.
"Iwan ka namin e" banta ko naman sa kanya.
"Gago!" Oh diba? Nagawa pa naming magbiruan sa sitwasyong ganito.
"Retreat!" Biglaang sigaw ko nang mahagilap ko na naglabas na ng armalite ang tatlo doon sa mga sumusunod sa amin.
"Ano na bang nangyayari?" Garagal na tanong ni Zia.
"Jiyo, doon ka kay Nathan. Ako na magmamaneho dito."
"Jace Veniz!" Sigaw ni Nathan sa'kin.
"Bilisan mo!" Tumakbo papunta kay Nathan si Jiyo at dali-dali naman akong sumakay sa driver sit.
"Calm down guys" pagkasabi ko pa lamang yun ay sunod-sunod na silang nagpaputok pabalik sa amin.
"Shit, yuko! Tara na!"
Para kaming nasa karera sa bilis ng pagmamaneho namin. Si Rhynne at Kuya Jemuel pala ang kasama ko dito sa kotse.
Mabilis naming ipinasok ang mga kotse sa loob ng garahe ni Nathan. Dito kami dumeretso dahil mas mapanganib kung uuwi pa kami sa mga bahay namin.
Pagpasok pa lamang namin sa bahay ni Nathan ay nagtanong kaagad si Shau at Zia sa amin. Tahimik naman ang mga lalaki at kami ni Rayne.
"Akala ko ba agent lang kayo, pero bakit may ganito? Bakit parang gusto na nila tayong patayin lahat?"
"Sino ang mga yun?"
---
Dedicated to: Kimi_line
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top