Eight

JV's

Ngumisi ako sa naging tanong ni Mr. I-don't-know-his-name pagdating nila sa mesa namin.

"There's nothing wrong here Mr." Sagot ni Rayne.

"Okay." Inilapag na nila ang order naming mga babae.

I said thanks to Nathan before he sit down next to me. Kaharap namin si Shelia.

Dahil gutom na ako at medyo naaasar na din ako sa babaeng nasa harap namin, sinimulan ko nang kumain dahil kumakain na din ang mga kasama ko.

I'm not being bitch here but I do really feel something from Shelia.

The basic training for us, agents, is to feel the aura of someone. I know, it is a bit hard but I manage to learn it before.

"She kinda look like someone." Bulong sa akin ni Rayne na nasa kaliwa ko.

"Who?" Sumubo ako ng strawberry shortcake.

"I still can't figure it out but she really look like someone we know." Here she is. Rayne or Morana, magaling siyang mangtanda ng mga bagay-bagay at tao.

"Nana?"

"Hoy, bakit nadamay na naman yang babaeng yan?" Sabat ni Shau sa usapan namin ni Rayne. From that day, she never calls her mother, Mama, again.

"Just guessing?" Then I shrugged.

"No. It's not Nana. Katabi na natin ang kamukha niya kaya imposible---Aray!" Binatukan kasi siya ni Shau. Masama namn niyang tinignan ang katabi niya.

"Jiyo, ilayo mo itong babaeng ito bago ko pa siya masupalpal." Baling naman nito kay Jiyo na naiiling nalang sa amin.

"Kumain na nga kayo." Suway sa amin ni Kuya Jemuel.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa namin? Nagsasayaw?" Kontra sa kanya ni Rayne kaya nagsimula na naman ang tagisan ng masamang tingin dito sa table namin.

"Don't you know the proper etiquette while eating?" Sabat ni Shelia. Muli akong napangisi sa kanya pero inirapan lang niya ako.

"Don't you know the proper way to roll your eyes?"

"Burn" rinig kong bulong ni Rhynne at Jackson sa kanan dahil sa isinagot ni Zia sa kanya.

Tumahimik na muli kami at nagpatuloy na sa pagkain.

"Tara na?"

"Anong oras ba next class niyo, Nathan?" Tanong ko sa katabi ko habang pinupunasan ng tissue ang bibig ko dahil sa kinain kong shortcake.

"One in the afternoon."

"I'm not talking to you." Agad na sagot ko kay Shelia nang siya ang sumagot sa tanong ko.

"What? I just answered your question for Jon."

"That's it. It's JONATHAN whom I'm talking to, not the person named Shelia." Ewan ko pero bigla akong nainis sa kanya.

Umirap nalang ulit siya sa akin.

"Sa inyo ba, Jackson?"

"Eleven." Tanging sagot nito.

"Tara na kung gano'n. Exactly eleven din ang klase namin nila Ven." Nagsimula na kaming tumayo sa inuupuan namin.

"Saan na kayo ngayon?" Tanong ko sa katabi ko, which is Nathan.

"Makiki-sit-in muna ako sa class niyo." Napatingin naman ako sa kanya.

"Are you sure?"

"Yes."

Naghiwa-hiwalay muli kaming lahat ng daan dahil nga iba-iba ang kurso namin.

Shelia went to the other side without even looking at us. Maybe, naisipan na niyang hindi niya kami kayang pakisamahan.

"If you need anything, just call me. I'm still the president of student council here so i have the responsibility for new students like you." Deretso niyang sabi bago nagpaalam.

Kanina ko pa napapansin ang ibang kilos ni Nathan mula nang nakasama namin si Mr. President-kuno.

I'll try to ask him about that. But for now, malapit na kaming malate sa last class namin this morning.

Wala na kaming choice kundi ang takbuhin ang hagdan papunta sa floor kung nasaan ang room namin.

Dali-dali kaming pumasok sa classroom. Napatingin sa amin ang ilan sa mga kaklase namin dahil nagmamadali kaming umupo sa silya namin. Sa likod ko umupo si Nathan dahil wala namang nakaupo doon at wala din siyang katabi dahil kakaunti lang kami dito.

Mas marami kasing boys ang nag-take ng computer science. And halos thirteen lang kaming mga babae ang nandito sa class na ito.

Napansin kong halos mabali na ang leeg ng mga kaklase ko. Lahat ng mga babae ay napatingin kay Nathan.

Who wouldn't? He's handsome. From his lethargic eyes, to his spotless face, down to his perilous lips. Wait, stop na JV.

Mabuti nalang at dumating na ang professor namin for this subject. Hindi niya pinansin ang mga naki-sit in for this subject. Hindi naman kasi bawal dito na naki-sit in.

Our professor started the lecture for today.

Nakinig lang kaming lahat buong time ng lecture niya. Ang sabi-sabi kasi dito, terror daw siya kaya naman parang nasa morgue ang feeling dito lalo na at ang lamig pa nung hangin ng aircon.

"Woah shet, natapos din." Nag-inat pa si Rayne nang makaalis na si Ma'am.

"Siguro single pa din si Ma'am kaya terror." Segunda naman ni Shau habang nag-aayos ng gamit tulad ko.

"Sumbong nga kita." Sabi ko naman at natawa.

"Tara na?" Tumango kami kay Nathan. Hindi kami katulad ng mga couple diyan na bubuhatin niya ang bag ko.

Sabi ko sa kanya noon, ayoko ng ganun kasi may kamay naman ako para buhatin ang bag ko.

Pero ang mas kakaiba, si Shay at Jiyo. Natatawa ako kapag naiisip ko 'to e.

Meron kasi noon na inasar namin sila and then sabi namin ay buhatin dapat ni Jiyo ang bag ni Shau. E yung bag ni Shau, parang bag nalang tuwing mamamasyal, ang liit e.

Dahil naasar sa amin noon si Shau, walang pakundangan niyang inilagay sa loob ng bag ni Jiyo ang bag niya tapos nauna na din siyang umuwi noon. Tawang-tawa kaming lahat sa reaksyon niya. Hindi kasi siya sanay na binubuhat ng iba ang bag niya.

Ang sabi pa nga niya noon, "This is a precious bag of mine, so shoo. I don't need someone to hold it."

Pero kung naglalambingan naman silang dalawa ni Jiyo ay pwede na nang langgamin ang paminta. Daig pa nila ang chocolate dahil sa ka-sweetan nilang dalawa kapag nabubuang si Shau.

"You're smiling." Medyo nagulat ako dahil biglang nagsalita si Nathan sa tabi ko. Nandito na pala ang lahat, hindi ko pa namalayan.

"May naalala lang ako," Sagot ko naman at muling natawa sa loob loob ko.

"Sa labas ba tayo magla-lunch?" Tanong ko sa kanila.

"Ayos lang sa'kin."

"Kahit saan basta may pagkain." Ngumiti pa ng pagkatamis-tamis si Rhynne.

"Sa Sunny's nalang tayo." Suhestiyon ni Zia. Kapag talaga usapang pagkain, ang dami niyang alam na kainan.

"Tara na. One in the afternoon pa next class namin e." Sagot naman ni Kuya Jemuel.

Hindi na nila ako pinayagang magdrive. Ang OA naman kasi nila.

Malapit lang pala yung sinasabi ni Zia na restaurant sa school.

"Tara na!" Nauna na sila ni Rhynne sa loob. Ganoon na ba talaga sila kagutom?

"Someone is following us." Bulong sa akin ni Nathan.

"Yes, I know. Pero pabayaan nalang muna, wala naman siyang dalang armas." Ngumiti ako kay Nathan na kunwari'y hindi namin napansin ang taong kanina pa sumusunod sa amin.

"Sayang at hindi mo kilala si Tanda, Thana." Segunda naman ni Rayne habang busy sa cellphone niya.

"He or she is one meter away from us." Pagbibigay impormasyon sa amin ni Jackson.

"Tara na sa loob." Hinila ko na sila dahil napansin kong kinuha niya ang cellphone niya.

Hindi namin matukoy kung babae o lalaki ba siya.

"Oh shit"

---

Dedicated to: DenjieAbello
Thanks for guessing.

-𝓜𝓮𝓲𝓟𝓮𝓷𝓲𝓫𝓸𝓸

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top