SPECIAL CHAPTER | Valentine's Day
Samara Castro
active now
9:28PM
Samara:
Pre, malapit na Valentine’s, a. Anong balak mo ngayon?
Jan Martin:
Hay naku.
Alam mo namang nag-aaral ako, iistorbo ka pa?
Samara:
Sorry naman!
Bakit ba kasi di uso silent phone sa’yo?
Jan Martin:
May hinihintay kasi ako
Samara:
Siya na naman?
Jan Martin:
Oo
Samara:
Ayan na nga ba ang sinasabi ko, e
Tol, mukhang nahuhulog ka na talaga sa kaibigan ko, ano?
Jan Martin:
Syempre
Bakit, selos ka?
Joke 🤣
Samara:
Heh!
Baka nakakalimutan mong babae rin tipo ko
Jan Martin:
| Baka nakakalimutan mong babae rin tipo ko
Understanbale.
Samara:
Baka understandable?
Samara bumped their message:
Pre, malapit na Valentine’s, a. Anong balak mo ngayon?
Jan Martin:
| Pre, malapit na Valentine's…
Hindi ko pa alam.
Samara:
Anong hindi mo alam?
Kaibigan natin si Arianne, and at the same time crush mo siya!
Hoy, huwag mong sabihing hindi mo siya ililibre sa mga galaan, a!
Teka, bibigyan kita suggestion
Jan Martin:
Kailangan pa ba yan?
Samara:
Malamang! Ano ba ako sa tingin mo, isang suggestion, pwede na? Ulul
Jan Martin:
Chill
🖕🏻 1
Samara:
• movie date
• love letters
• chocolates and flowers
• simpleng libre sa night market na may kasamang live band na manonood ng show
👍🏻 1
Samara:
Ayos na?
Jan Martin:
WEH?!
AYAN LANG YON???
Samara:
Eto naman apaka-OA
Oo! At hanggang diyan lang ang kaya ko kasi may paplanuhin din ako sa 14
Tell me: anong mas bet mo sa apat?
Jan Martin:
Pag-iisipan ko pa
Samara:
Anong pag-iisipan mo?
Jan Martin:
Teka lang, bakit mo ako pinapapili?
Samara:
Gusto mo explanation?
Kasi kapag pinili mo ‘yung all of the above, aaray ka sa badyet! Isipin mo, may mga binabayaran kayo ni Kuya Benj sa bahay, tapos may tuition pa, saan ka pa?
Diyan ka na sa praktikal
Jan Martin:
Wow. What a strategy.
Thanks for the opinion, BitSamara
Samara:
Abat ginawa mo na ako bitcoin???
Etong sayo🖕🏻🖕🏻🖕🏻🖕🏻🖕🏻🖕🏻
***
JM @jnmrtnlcnll • 23s
Anong nakain ng kupal na ‘to at dinaanan ako sa "marketing strategy"?
💬 🔃 ❤
***
Beautiful gem, like this girl <3
active now
12:54AM
martin the hush rush:
May plano ka ba para sa Valentines?
Beautiful gem, like this girl <3:
So far, kakain pa kami sa labas kasama sila Marco
Actually wala pa kaming matinong balak kundi yun lang
Ikaw?
martin the hush rush:
Ako?
Hindi ko pa kasi alam
Wala pa sa plano ko. Tsaka balak ko kasi na magbigay ng yakap since yan yung palagi kong ginagawa sa Valentines
Beautiful gem, like this girl <3:
Kanino ba?
martin the hush rush:
Sa’yo | deleted
Secret hehe
Beautiful gem, like this girl <3:
Ikaw talaga, ang galing galing mo magtago
So it’s a surprise?
martin the hush rush:
Yeah…
Isa pa, bakit ayan ang naging plano niyo?
Beautiful gem, like this girl <3:
Wala
Tsaka, mas mabuti na rin siguro
Kaysa naman sa magmukmok ako gabi-gabi kakaisip sa kanya | later deleted
martin the hush rush:
Kita ko message mo
Masakit pa rin?
Kung hindi ka pa handang ikwento, ayos lang
Beautiful gem, like this girl <3:
| Masakit pa rin?
Konti pa :)
Tsaka, sanay na ako sa ganito. Di mo notice?
martin the hush rush:
Napapansin ko pa rin
May resentment ka pa rin ba sa papa mo?
Beautiful gem, like this girl <3:
Sorry, but please stop mentioning my father in this conversation.
Galit na lang ang naramdaman ko, yun lang
martin the hush rush:
It’s okay.
I won't say anything.
Basta kapag may kailangan, one call away ako, okay?
Beautiful gem, like this girl <3:
Hindi mo na ako kailangang alahanin 😅
***
tin 🔒 @martincan • 1h
Papers✅
Pencils✅
Ruler✅
Eraser✅
Glue✅
Gunting✅
🤞🏻🤞🏻🤞🏻🤞🏻
💬 🔃 ❤
tin 🔒 @martincan • just in
Parang dati lang, ginawan kita ng tula, a? Ganyan kita ka-loyal hanggang ngayon. Heh
💬 🔃 ❤
***
Ari @ariannejadeee • 9h
At talagang nag-effort ka pa na gumawa ng paper flowers, a! Thank you, Martin!!!
💬 🔃 ❤
JM @jnmrtnlcnll • 25m
With my date, kaya lang bumibili pa @ariannejadeee
💬 🔃 ❤
Ari @ariannejadeee • 24m
Sorry a, gutom pa ako, e. Pero salamat sa libre!
JM @jnmrtnlcnll • just in
Kasangga kita palagi. Happy Valentines! @ariannejadeee
💬 🔃 ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top