dear yeorobeuns, i'm sorry. | February 24, 2024
2020 was a year whereas with just one masterpiece, it became part of my journey as a writer. Little didn't I know, itong kwentong 'to ay mag-eexpand pa ng panibago — karakter, konsepto, pero ang mga aral ay hindi mawawala. Subalit, sabi nila, lahat ng bagay ay may hangganan. That's why...
I, archivesniayeng, informing you that I will not be continuing Umali Cousins Series anymore.
May mga rason ako kung bakit kailangan kong i-discontinue itong entirety ng series na ito. Habang sinusulat ko ang story ni Arianne way back, nagpaplano na agad ang utak ko para kina Marco at Kenzo, for example, kung ano ang magiging ending ng story nila, sinu-sino ang mga characters, at iba pa. Nakaka-overwhelming siya kung alalahanin ko, pero noong isusulat ko na 'yung pangalawa, pakiramdam ko nawawala na ako.
Nawala to the point na hanggang Prologue at Chapter One ang naisulat ko. At the height of my career, nag-eexplore pa ako ng iba pang concepts all throughout from 2021 until today. One and A Half was there, my other novels is still there, but what about Marco? From BMAU's synopsis, mabigat 'yung concept na binuo ko (plus may mga little to known spoilers na ilalagay mula sa kanya hanggang kay Kenzo), though kung ikukumpara ko sa Morales Cousins Series, kaya ko naman siya due to epistolary x naaration format plus light ang theme na may konting bigat sa part ni Luigi.
"Ayeng, kinaya mo naman 'yung sa MCS, 'di ga? Bakit hindi mo gawin sa UCS though stand alone sila?"
Okay. Para sabihin ko sa inyo, magkaiba ang format nina Peach at Luigi sa kina Arianne, Marco at Kenzo. Iyon nga lang, in this case, novel form siya na aabot ng mga 20, 30 or 40 chapters depende sa takbo ng kwento. But I don't think I can continue writing that story anymore, given na student pa rin ako and may mga pending stories ako na kailangang gawin until my retirement.
Mga bente siguro na planning stories. Samahan mo ng mga on-goings.
Although stand alone with connected parallels ang UCS, pasensya na kayo, pero noong iniisip ko siya, hindi talaga ako nababagay diyan. Other characters from UCS, especially the three main characters from different books, will appear in different stories as cameos or supporting characters, guests maybe.
But for the entirety... I can't make it. I'm sorry.
Sa magiging fate rin ng Lacanlale Brothers, hindi ko rin sila gagawan ng series. Ang maiiwan na lang ay sina Arianne at Martin — na ngayon ay gagawan ko na sila ng duology. Pero kahit na ganoon, nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay minahal at tinangkilik niyo ang mga karakter pati ang konsepto ng istoryang 'to, ngunit dito na magtatapos ang lahat.
To Arianne, Kenzo, Marco, Martin, Benj, and all of my characters, I apologize for this sudden announcement. I know it's hard that I will be graduating from this series, however, let's hope for the best, okay? Hinding-hindi ko kayo malilimutan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top