CHAPTER TWO | His reds became her greens
ARIANNE
Recess time na, kaya bumaba ako kasama sina Martin, Andrea at TJ papunta sa dining area para kumain at mag-usap, pero napansin ko na tinitingnan pala kami ng apat na lalaking naka-uniform na tumatambay sa lugar nila. Rinig ng dalawang tenga ko ang pag-uusap ng isa sa kanila, "Mukhang may bago tayong mabibiktima sa campus."
"Sino?" Medyo pamilyar sa'kin ang boses na iyon, hindi ako bingi, ni lingon ay hindi ko ginawa dahil ilang buwan na kaming tapos.
"Iyong lalaking kasama ng ex mo," seryosong wika ng isa nitong lalaki. "Kasama rin niya 'yung mga kaibigan niya. Papunta na sila sa canteen."
"Sandali lang," tumingin siya sa aming apat at nakita niya si Martin, na kasabay naming naglalakad. "So, ibig sabihin yung bagong lipat dito? Yung Lacanlale?"
"Opo boss," rinig na saad ng isa pang lalaki na nasa tabi ni Gio.
"Sundan natin sila."
Umabot kami sa pila, nang narinig ko na bumibili si JM ng kanyang makakain para magkaroon ng laman ang tiyan niya.
"Ate, pabili po ng isang fries," wika niya. "Kayo, want some?"
Ani ko, "Sige ba!"
"Di na, salamat. Cheese stick na sa'kin," pagtanggi ni TJ na siyang nagpa-thumbs up kay Martin, ganoon din si Andrea.
Sumingit si Andrea sa usapan, "Ikaw Martin, anong gusto mo?"
Hindi na siya nakapagsalita pa nang may narinig kaming pekeng ubo sa likuran namin. At kung minamalas ka nga naman, yung Gio and Company pa ang sumulpot sa likuran naming apat, a!
"Gio, anong ginagawa mo-"
Hindi ko itinuloy ang pagsasalita ko nang bigla niyang sinabi ang katagang "Tabi!" bago niya ako itulak at matamaan ang braso ko sa semento. Muntik na rin mabagok ang ulo ko bago ako alalayan ni Andrea, even the two boys who witnessed the scene.
"Ayos ka lang ba, Arianne?" ani Andeng.
"Oo, ayos lang."
Pinagmasdan ko si Gio at nang mga tropa nang magkaharap na sila ni Martin. He felt horror-struck when he saw my ex-boyfriend staring at him like he's gonna tear every inch of his skin.
"What's your name?" he seriously asked Martin, he felt his heart pounding and nervous based from his expression. Unang tingin mo pa lang sa kanya ay talaga nga namang matalim na tulad ng isang kutsilyo na anytime ay mapapansin mo kung gaano siya kapurol at katulis, gaya ng pananalita at tingin niya.
"A-ako po si Martin..." he stuttered. Doon ko nalaman ang emosyon niya noong una siyang makita ni Gio. As I can see, his eyes were full of nervousness while I felt his heart pounds onto something. "Baguhan lang po ako dito sa campus na i-ito..."
"Baguhan ka pala, ngayon ako naman ang magpapakilala." Naglakad siya palapit sa kanya, seryoso ang kanyang hitsura at nananalaytay pa rin ang nakakatakot niyang aura sa kanyang mukha.
"Ako si Gio Franco Floriano. Galing akong Class 10-7 at kaya ako nandito kasama ng mga katropa ko dahil may bibilhin ako sa canteen kaya tumabi ka muna diyan dahil ako ang mauuna sa pila!"
Matapos niyan ay tinulak nang malakas si Martin tulad ng ginawa niya sa'kin, na habang nakatayo ako ay hindi niya maiwasan ang mainis sa ginawa ng ex ko sa kanya. Katulad ko, natamaan ang braso niya ay ang malala pa roon, ay medyo naumpog ang ulo niya sa sobrang lakas ng tulak niya. Naririnig ko ang mga bulung-bulungan ng mga tao nang dahil sa nangyari. Na kesyo, batas daw ba siya sa canteen, kesyo hindi man lang ba naawa sa transferee nila, at ang mas malala, sumusobra na raw siya.
Martin quickly stood up, as I saw his tears started to fall from his eyes. He quickly went to TJ and hugged him, "Huwag kang umiyak, Martin..."
Andrea started to ask TJ, "A-anong nangyari? Ba't siya umiiyak?"
Pero ang tanging sagot niya nang hindi siya tumitingin sa kanya ay ang, "Mahirap ikuwento. Mamaya na lang," habang siya'y umiiyak at inaakap ang kaibigan ko.
Pagkatapos bumili ng mga kaibigan ni Gio ay kaagad siyang humarap kay Martin, na ngayon ay bakas pa rin ang mga luha sa kanyang mga mata, pero kinimkim niya lang iyon. Nang matapos ay binuhusan siya ng isang mangkok ng fries sa ulo niya dahilan para sila'y tumawa ng malakas nang bigla ko silang dinepensahan.
"Gio Franco Floriano!" tawag ko sabay tinapunan niya agad ako ng lingon. "Bakit? Anong maipaglilingkod ko, ex?"
Ex.
Iyan ang tawag sa'kin magmula nang iwan niya ako isang linggo bago ang summer. Isa rin ito sa mga pinakamasakit na tawag na narinig ko mula sa kanya - at iyon ay dahil sa nagbreak kami recently.
"Sa tingin mo ba aapihin mo ng ganyan si Martin? Tranferee siya rito plus, naka-civilian siya!" depensa ko sa kanya noong nagtama ang paningin namin ni Gio.
"Bakit? Hilig kong mangbiktima ng mga baguhan dahil una sa lahat, batas ako dito sa canteen. Pangalawa ay Campus Bully ako dito, at pangatlo, hindi lang ako sa canteen naging batas, pati sa buong SBNHS kung kaya't kinatatakutan nila ako dito!"
Talagang nanlilisik ang mga mata niya, all eyes on me ika nga. Grabe na siya ngayon kung makatitig sa'kin, leaving me in shock and fear.
"So kinatatakutan ka na nila? E ako? Noong bago pa lang naging tayo 'di ka naging takot sa'kin!" I explained back, recalling all of our memories with him.
"Pero ngayon? Maraming estudyante ng St. Bernadette High na ang takot sa'yo, including this guy..." I paused while pointing at Martin. "This guy na kakatransfer niya lang! Buti nga naka-move on na ako sa'yo, kung hindi..."
All of the students left speechless after I said this to him. Wasn't it bad? Wasn't it bad to remember all of the things that we've had, after all?
"Bahala ka sa buhay mo! Makaalis na nga dito!" he said his final words bago siya umalis kasama ang mga kaibigan niya.
***
"Are you okay?" tanong ni TJ sa kaibigan namin. Nakaupo sila ngayon sa dining area kasama ang pinsan kong si Kuya Kenzo kung saan nag-uusap sila at nagtatanong kung ano ba ang nangyari kanina.
May hitsura si Kuya Kenzo. Sa tito ko namana ang pagiging matangkad, medyo singkit ang mata, unat ang buhok pero may konting bangs sa left side, manipis ang labi at matangos ang ilong. May abs ang pinsan ko tsaka magaling sumayaw, yun nga lang mapang-asar at mahilig gumawa ng pranks, ayan tuloy pati ang isa kong pinsang si Brent Marco ay nadamay sa kalokohan ng kapatid niya.
"Yea, I'm okay," sagot niya na lang. Napansin niya na may maliit siyang pasa sa braso niya kaya agad siyang nagtanong. "Ano ba kasing nangyari? Tsaka, maliit ang pasa mo dito sa braso mo."
Kinuwento niya sa pinsan ko kung paano siya tinulak ng ex ko at binuhusan ng pagkain sa ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Gio pero sobra ko itong ikinagalit na parang sasabog na ang dugo ko dahil sa mga napansin ko.
Also, my cousin knows Martin so well. Mula sa kwento ng kaibigan niyang si Karl Benjamin ay minention niya ang kapatid niya, kaya gumawa siya ng paraan para kausapin ang kaibigan namin, at iyon na nga.
He explained, "Martin, kung alam mo lang, nakakatakot ngayon si Kuya Gio mo kumpara noong last year. I guess because of what happened recently..."
"What is it?"
Out of his curiosity, he revealed that I had a relationship with him, tapos malaki na rin ang pagbabago niya mula noong napasabak na naman si Gio sa mga kaibigan niyang bad influence.
He rolled his eyes out, tila alam na niya ang sasabihin niya, "Aish."
Martin suddenly thought, Did her friends, Andrea and TJ, know about what happened?
He asked Andrea kung pwede ko bang i-kwento ko sa kanya ang totoong nangyari then pumayag naman ako sa kanya. Huminga ako nang malalim, nilingon ko ang mga taong naglalakad papasok ng canteen bago ako magsalita.
"Hayaan niyo muna akong i-retell ang kwento kong ito sa inyo, lalong-lalo ka na JM," panimula ko sabay kuha ng fries at kinain ito. Sina Andrea at TJ ang nakakaalam sa love story ko, tanging si Martin lang ang hindi.
That time sadyang tinago ko sa pamilya ko ang totoong estado ng relasyon namin, not until I spilled it right after our break-up... or so I thought. But, I still have the guts to say this...
"Stage play rehearsals namin noon nang nakilala ko siya when I was in 7th grade. Sa una ay ma-attitude siyang tingnan, halata sa mukha niya ang nakakatakot niyang hitsura na kinaiinisan ko naman noon. Pero noong nagkausap kami ay napansin ko sa kanya na mabait naman siya, sadyang 'yung attitiude niya talaga ang naiba.
"Gwapo, ang ganda ng mga mata niya, at syempre, yung ngiti niya na mas lalong naatract sa kanya. Pero kapansin-pansin nito ang kanyang curtain bangs na siyang nag-eexpose sa malapad niyang buhok. Masarap siyang kausap, sa katunayan pa nga noon, nagkikita naman kami kapag break time kaya mas lalong nagkalapit ang damdamin namin sa isa't-isa.
"We texted each other, minsan umaabot pa ng 12 midnight ang pag-uusap namin. Kahit nag-aaral ako ay kinukulit pa rin ako, hanggang sa dumating ang isang araw na nasanay na ako sa mga chats niya, not until I fell in love with him."
Nagulat si Andrea nang malaman ang totoo kaya "What the freak?" na lang ang kanyang nasabi. Muntik pa siyang mabulunan ng cheese stick at kaagad siyang inubo pagkatapos na parang mabubulunan siya kapag nagkaganoon. Buti na lang mayroon siyang dalang tubig before she gulped it all over herself.
"Seriously, Arianne?" Kuya Kenzo asked me, then bahagya ko siyang tinanguan. He explained his side, "Guys, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit noon pa lang ay dineny na ni Arianne ang relationship status nila ni Gio kasi na-in love pala siya sa isang bully na kagaya niya!"
JM asked, "But Gio was so nice to her before, right Kuya Kenzo?"
"Yes, Martin. Binawalan namin siya na huwag siyang sasama sa gagong iyon dahil sa may namamataan akong mga red flags sa kanya pero anong ginawa niya? Wala," anito na tila iniinsulto niya ako sa ginawa ko last time.
Huminga siya nang malalim mula sa kawalan, "Pero, ayan na. Wala na tayong ibang magagawa pa. Tuloy mo, Jade."
I sighed, "Hanggang sa pumayag siya na ligawan ako. Simula noon ay ginawa niya iyon kaya mas lalong nakikilala na namin ang isa't isa. Napag-alaman kong hindi talaga siya pinapansin ng mga magulang niya noon pa simula noong nagkaroon sila ng trabaho, kumbaga, mas mahalaga ang pera kaysa sa sarili nilang anak. Pero kaagad ko naman siyang tinanggap ano pa man ang kanyang nakaraan.
"Lumipas na ang dalawang buwan ay naging official na kaming dalawa. Tuwang-tuwa at kinikilig ako magmula noong sinagot ko siya sa personal, iyon nga lang, pinili namin na maging pribado ang relasyon namin kasi strict pa noon ang mama ko when it comes to relationships."
Kinuwento ko sa kanya kung bakit ginusto namin na itago ang relasyon namon ay dahil sa ayaw ng tito at tita ko, lalo na si mama na magkaroon ng boyfriend, at kapag nalaman niya ito for sure grounded ang abot ko rito. My parents got separated when I was young at kahit kailan, ayaw niya talagang maulit ang ganitong pangyayari, marahil ay dahil sa matinding trauma na naranasan niya.
"Matanong lang. Mayroon bang high expectations 'yung mama mo about sa magiging jowa mo?" TJ asked.
"Simple. She wants a man who is responsible, kind, and intelligent. Hindi babaero, loyal tsaka mapagkakatiwalaan. Ganito ang gusto ng mama ko para sa'kin. Pero kung hindi man, ayos lang. Makakapaghintay naman ako, hindi ba?"
***
After how many weeks ay naging masaya ang relationship naming dalawa hanggang sa noong nag-1st monthsary ay niyaya ako ni Gio na mamasyal sa park para mamasyal at manood ng paglubog ng araw.
"Love, ang ganda ng paglubog ng araw ano?" sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa may malapit sa alon. Magkahawak kami ng kamay habang pinapanood namin ang paglubog nito na hudyat na magsisimula na ang gabi.
"Kasingganda mo," banat ni Gio habang nakatingin sa'kin.
"Hoy, Floriano! Bumabanat ka na naman ah!" sabi ko sabay hampas sa balikat niya na may kasamang tawa, nakalabas ang kumikinang kong mga ngipin dahilan para mahulog lalo ang loob niya sa'kin.
Dumaing pa ang loko, "Totoo naman ang sinabi ko!"
"Then explain why?"
"Kasi kung ihahambing mo pa sa araw, mas maganda ka pa doon."
"Talaga?"
"Oo naman. Kaya ganyan kita kamahal eh," sabi niya at nagtama ang pagtingin namin sa isa't isa. Sabay kaming ngumiti habang ibinaling ang atensyon namin sa alon na humahampas mula sa dagat papunta sa lupa, at sa araw na ngayon ay palubog na. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa braso niya at kinausap, "Ang ganda talaga rito sa pinuntahan natin. By the way, happy monthsary, babe."
"Happy first," aniya sabay halik sa noo ko.
"I love you."
"I love you too," sabi ko sabay ngitian ko siya. Maya't-maya ay dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa'kin at ipinikit ang kanyang mga mata. He inched a little closer, forcing himself to kiss me.
Masuyo niya akong hinalikan ni Gio habang nakaupo kami sa may parke. His kisses were soft and sweet, parang cotton candy na kahit kailan ay ramdam ko ang bawat sarap nito. An intoxicating mood rushes down into my spine, followed by my tensions that runs from my feet as I kissed him.
Pagakatapos noon ay kumalas na ang mga labi namin na parang hinahabol na kami ng hininga. He suddenly asked, "Nabigla ba kita?"
I nodded truthfully. "Sorry, a."
"Ayos lang. Hindi ko kasi i-expect na magiging ganito ang gagawin mo sa'kin," I stated.
He laughed softly, one of the reasons why I fell in love with him was because of his laugh. Stress reliever ko talaga ang mahinhin niyang tawa kahit lalaki siya, and he never fails to make me smile and at the same time, cry from his past memories.
"But next time, we need to set our limitations, okay?" he informed me. "Yes, I stole your first kiss, but next time wala na, okay? Hanggang yakap lang tayo."
"Okay po." Niyakap niya ako nang pagkamahigpit at kasabay nito ay ang paglubog ng araw sa kalangitan na siyang sasalubong ng nakabibighaning buwan sa langit.
Kung pwede ko lang samahan nang pangmatagalan itong lalaking 'to, malamang ginawa ko na... kaya lang baka mabuko kaming dalawa ni Mama at nang mapagalitan pa ako, ayoko pa naman ng ganoon, hindi ba?
Days passed at kasalukuyan akong nag-aaral para sa Science exam when suddenly, he chatted me.
lovely gio:
11:11
I love you.
Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko habang pinipigilan ko ang aking kilig dahil baka marinig pa ako ng mga magulang ko, even my cousins na natutulog ngayon sa tabing bahay.
lovely jade:
11:11. I love you most. Kahit pag-isahin man tayo ng mga tala.
He asked me about what I am doing and I'm still here, reviewing for our exam while he's finishing his project in English. As a person who's deeply in love with him, masarap talaga sa pakiramdam ang kamustahin ka ng boyfriend mo, kahit wala siyang ginagawa gagawin niya just to update me.
lovely gio:
totoo naman talaga mga sinabi ko ah
lovely jade:
kaya nga
lovely gio:
nga pala pagkatapos mong mag-review tulog agad ah? may pasok ka bukas
or if u want, gusto mo usap tayo?
lovely jade:
can't. i have so many things to prepare tomorrow
lovely gio:
ayos lang, naiintindihan ko.
o siya, tatapusin ko na ito then matutulog na
*sends love GIF*
He's concerned about my health, lalo pa't pinagbawalan ako na magpuyat dahil may klase kami bukas ng 7AM. Pagkatapos kong i-chat ay ipinagpatuloy ko ang pagrereview ko hanggang sa nakatulog ako bago mag-alas dose.
Hanggang sa dumating ang mga araw at mga buwan ay dumating ang mga hindi inaasahang pagkakataon na susubok sa'ming relasyon. Nariyan ang mga awayan at tampuhan, pero nagkakaayos kami kinalaunan. Inabot na ng Christmas at New Year ang relasyon namin hanggang sa hindi ko namamalayan na mag-wo-one year na kami ngayon as a private couple. Still, hindi namin pinagsabi sa kahit na sino ang tungkol sa relationship naming dalawa, bagkus ay mariin naming itinanggi ang tungkol sa'min ni Gio.
Habang nagsasama at nagkikita kami ay may napansin akong kakaiba sa relasyon namin, including him. Hindi siya ang dating Gio Franco na nakilala ko ng husto. Hindi na siya naging sweet pagdating sa'kin, at may mga times na nagkakalabuan na kami sa isa't-isa. Isa pa, hindi na ang dating Gio na maalaga at maalahanin - in short, lumamig na ang samahan naming dalawa as a couple.
Nang malaman ni Mama ang tungkol sa pakikipagrelasyon ko sa kanya ay nagalit siya sa'kin dahil sinuway ko ang bilin niya na hindi ako basta-basta na gawin iyon sa kahit na sinong lalaki, dahil kapag nangyari iyon ay sasaktan nila ako tulad ng nangyari sa kanila ni Papa. Hindi ako pumasok sa klase ng dalawang linggo kung kaya't naging grounded ako sa loob ng bahay namin.
Sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag. At ito ang isa sa mga na-realize ko na siyang naging dahilan ng pagkapribado ng relasyon namin. Hindi rin kami kumibo ni Mama sa parehas na linggo, kaya noong lumabas na ako sa kwarto ay humingi ako ng tawad sa kanya.
"Arianne, anak, sinabi ko sa'yo na huwag kang basta-basta magkaroon ng boyfriend, 'di ba?" My mom said in dispair. "Pero anong ginawa mo? Nagpadalos-dalos ka sa damdamin ng ibang tao na hindi mo alam, tuluyan ka nang masasaktan in the near future."
Hinagod niya ang likod ko habang iniiyakan ko lahat ng pagsisisi niya sa'kin. Saktong-sakto ay nararamdaman ko sa sarili ko na nagkakaroon na ng lamat ang relasyon namin, that's why I vented out my frustrations and overthinking towards my mom. Iyan ang isa sa mga naramdaman ko habang nakakulong ako sa kwarto ko at iniisip ko kung baka nagkaroon siya ng iba habang nasa relationship kami.
She called me by my name, "Kung sa tingin mo ay nagkakaroon ng problema sa inyong dalawa, kailangan niyo nang pag-usapan. Iyan ang isa sa dahilan para magkaroon kayo ng understanding sa isa't isa. Dapat kausapin mo siya nang mahinahon nang sa ganoon ay magkakaroon kayo ng sapat na dahilan kung bakit nagkaganoon ang relasyon niyo. Hindi 'yung magkakaroon lang kayo ng konting tampuhan, break na agad, hindi ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top