CHAPTER TWENTY | Unsend voicemails
THIRD PERSON
"Hoy, Martin! Kinikilig ka na naman?" kantyaw ni Kuya Benj sa kanyang kapatid habang nakasakay sa maingay at gumagalaw na traysikel. Magmula noong niyakap niya si Arianne bago sila umalis ay biglang uminit at namula ang pisngi ni Martin at ramdam niya iyon bago kapain ng kanyang kapatid.
"Anong kinikilig?" sagot ko na kunwari e naiilang sa ginawa ko. "Kuya Benj naman, magkaibigan po kami ni Arianne, okay? Normal lang po sa'ming dalawa ang magyakapan."
He sets his attitude and stares directly at his younger brother, "Are you sure? Because for some reason, you looked like a tomato due to your cheeks."
Martin completely nodded while defending himself, "I swear, we hugged each other but it's not necessarily mean that we're together as a couple."
"Okay. Sabi mo."
Sinukbit niya ang kanyang earphones sa kanyang cellphone bago ito magpatugtog habang ang kanyang bunso ay nakatulala sa isang tabi, tinitignan ang bawat tindahan at bahay na dinaraanan ng sasakyan. Hindi niya aakalain na lalong lalalim ang kanyang pag-iisip at alalahanin ang kanyang sarili — si Jan Martin na insecure at negative thoughts sa kanyang isipan. He remembered some of his transferee days, whereas he had been left off due to his own situation, and one of those was not knowing one's worth after all...
"Pakiramdam ko, parang hindi ako masyadong worth it noon, lalo na sa sarili ko," malungkot niyang turan kay Vincent, isa sa mga kaibigan ni Martin habang sila'y nakaupo sa bakal ng terminal ng traysikel, naghihintay ng masasakyan papauwi sa kanilang mga bahay. Kakatapos lamang ng kanilang klase at magkasabay silang uuwi nat maghintay ng masasakyan bukod pa rito, ang ibang tao naman nasa tindahan, bumibili at naririnig na nakiki-Marites sa magkabilang gilid. nagchichismisan.
"Bakit naman, Martin?"
Huminga siya nang maluwag, napayuko na lamang sa kanyang sarili at hinarap ang kanyang kaibigan, "Minsan kasi nawalan ng kumpiyansa sa sarili ko, parang napaisip ako kung, pangit ba ako sa paningin ko? Sa paningin ng mga tao sa campus? Oo, iilan lamang ang may gusto sa'kin, pero noong mga panahon na binubully pa rin ako ng ex ni Arianne kahit pa wala akong kasalanan, in unti-unti na akong nilalamon ng takot sa sarili ko."
Vincent understands it so well because he knows about his tragic and at the same time, traumatic past. Alam niya rin na nagkakaroon siya ng emotional breakdown nang dahil sa nangyari, at ang mas masakit ay hindi na maintindihan ni Martin ang kanyang sarili kung bakit ito nagkaganito.
He was lost and felt like he didn't know where he should go first and knowing that he also didn't know the directions. Bumabalot sa kanya ang kadilimang pumasok sa silid ng kanyang katawan na siyang hudyat upang mawalan ng gana, konsentrasyon, kumpiyansa at higit sa lahat, pinanungunahan ng takot at kaduwagan.
"Naisip ko noon, may mas hihigit ba sila kaysa sa'kin? May makakaintindi ba sa totoong nararamdaman ko? Hindi ba wala?"
"Martin, huwag mong sabihin iyan." Tinapik niya nang dahan-dahan ang balikat ng kanyang kaibigan na hanggang ngayon ay unti-unti na siyang nilalamon ng lungkot, "Sa tingin mo ba, hahayaan mo na lang ang sarili mo na agawin ang kasiyahang naramdaman mo? Tingin mo ba, abot hanggang pagtitimpi na lang ang gagawin mo lalo na kapag sinasaktan ka ng maraming tao sa paligid mo?"
Mula sa kanyang pagtitig ay naramdaman ng binata kung gaano siya kahalaga sa buhay niya bilang isang kaibigan, "Isang buwan pa lang tayo magkakilala pero nararamdaman ko ang side mo. Nevertheless, always remember, you're valid. Mahalaga ka. Huwag mong pairalin ang takot na nararamdaman sa loob-loob mo. Let darkness bring light, and so are you.
"All you have to do is to do what you like or what you love the most. Pwedeng magbasa ka, magmeditate, magpinta, o 'di naman kaya e humarap ka sa salamin mo at sabihin mong, 'Ang gwapo ko.' Be confident to yourself. Nang sa gayon ay matatanggap mo kung sino ka ba talaga dahil ikaw si Jan Martin.
"Si Martin na mapagmahal at makulit kaya na-detention noong isang araw," biro ni Vince kay Martin dahilan para huminto ang kanyang luha at nang mabatukan pagkatapos.
"Loko 'to, a!" anito habang pinupunasan ang luha gamit ang kanyang kaliwang kamay.
"At, paalala lang," dagdag ni Vincent sa kanya, "choose the right path that's best for you. Hindi yung maliligaw ka papunta sa dinaraanan mo. Sabihin na lang natin na pumunta ka sa isang saradong gasoline station. Lumabas ka, doon mo itapon lahat ng toxic shit sa buhay mo, ang mahalaga ay pagkatapos nito, makakahinga ka nang maluwag kapag tinapon mo lahat ng bagay sa loob-loob mo. Huwag kang mag-alala, may isang gabay na magtuturo sa'yo na tahakin ang tamang daan na iyon. Yung hindi ka na maliligaw pa."
He asked him, "Sino?"
"Si Bathala."
Nang maalala ni Martin ang sinabi ng kanyang kaibigan ay dito na pumasok ang linyang, 'I can do anything. Kahit labag man ito sa'king kalooban.'
Kahit murahin man nila si Martin, hinding-hindi niya talaga ito tatantanan. Laitin man siya, batuhin man ito ng mga masasakit na salita ay wala siyang pake. He doesn't give a heck towards those toxic people, including Arianne's ex.
But please, don't get him wrong.
Hindi kasama sila Samara sa mga tinutukoy niya.
Ang sinasabi niya rito ay ang mga nakikichismis sa campus o kahit sa kapaligiran natin na kung makapagsalita ay parang alam na nila ang backstory ng isang tao. Sila rin ang mga tao na kung makalait, para sa kanila ayos lang, ang hindi nila alam ay nakakasakit na sila ng damdamin ng ibang tao.
Isang pagkakamali mo lang, lahat ng tao ay nanonood sa'yo. Kasi hindi nila nakikita ang kabutihang ginawa ng ibang tao. Nilalaktawan nila iyon, kumbaga.
Nakakalungkot isipin.
Sobra.
***
Samantala, mabilis lumipas ang mga oras at halos gumagabi ang buong paligid. Nakatambay si Arianne sa rooftop ng bahay nina Ate Trina pagkatapos nilang makarating kaninang hapon. Malamig ang simoy ng hangin sapagkat malapit na ang Pasko, at tamang-tama dahil nakahanda ang mainit na gatas at dalawang pirasong biskwit na nasa mesa, at ang kanyang rosas na jacket ay nakasampay sa likod ng upuan kung sakaling siya'y malamigan.
Ramdam niya ang bawat ihip ng hangin na tila sinasampal nito ang kanyang kaluluwa, lumalamig ito at nararamdaman niya na talaga kahit wala pa ang mismong araw nito — ang ika-25 ng Disyembre. Patuloy siya sa pagmumunimuni habang inaaalala ang mga mapait ngunit matamis na nakaraan: break-up, celebrating big and small wins, and first date… pero sa totoo lang, marami siyang firsts, lalo na kapag kasama niya si Martin. Huminga muna nang maluwag si Arianne bago siya ngumiti nang malapad mula sa kanyang sarili, "Salamat at kinaya ko, at kakayanin ko pa rin hanggang sa Bagong Taon."
Agad niyang ininom ang isang tasa ng gatas bago ko tignan ang kanyang phone para manood at tumingin ng pictures sa social media nang biglang may nag-notify sa'kin.
Isang email ang bumungad sa kanya at agad pinag-isipan kung scam ba o wala. Pero 'pindutin mo kung ano ito' ang nakalagay at kinakabahan si Jade baka kung ano pa man ang mangyari. Dala ng kanyang kuryosidad ay pinindot niya ang notification na naglalaman ng isang voice mail and pagkapindot ko, isang voice mail na may caption na: "to AJ."
Mula sa email na sinend para kay Arianne ay alam niya na kung sino ang nagrecord nito para sa kanya. Naghintay ng ilang minuto bago niya mapakinggan ang recording na ang bungad ay ang magiliw na boses ng kaibigang kakilala niya.
"Hi, Arianne! Si Martin 'to. Bilang malapit na ang Pasko, gusto kong magpasalamat sa iyo. Gusto ko nang sabihin sa'yo lahat ng bagay na ilalabas sa puso, isip at kaluluwa ko. Alam ko't alam mo pero para sa'kin, hindi ako magsasawang magsabi ng thank you sa'yo. Kasi kung bibilangin mo ang ilang araw at mga buwan na magkasama tayo, lalo na ng panahong kasama natin sina TJ, Andrea, Alexis," tumigil muna saglit bago ito nagpabuga ng hininga, "malamang hinding-hindi na natin mabubuo ang mga alaala nating lahat. Ngayong araw, sasamantalahin natin ang pagkakataon para tayo ulit ang magkasama sa isang voice mail.
"Na kahit ilang milya man ang bahay natin sa Aurora, hindi lilipas ang isang araw na makakausap kita, mapa-text man o tawag. Kani-kanina lang sa bahay habang nagmumunimuni ako sa rooftop, bigla kasi kitang namimiss. I miss your smile, your voice, everything. Pero syempre, hindi ako nagpadalos-dalos sa ganito, 'di ba? Hindi naman ako nagmamadali, syempre miss kita bilang isang kaibigan.
"Siya nga pala, I just want to say thank you. Na-appreciate ko ang ginawa mo kasi nang dahil sa'yo, nakangiti ulit ako. Naging masaya ako. At dahil dito, naging espesyal ako. You're the best girl that I've ever met in my life."
***
ARIANNE
Naku po, heto na naman ako, nato-touch sa bawat sinasabi ni Martin. I felt like I'm being appreciated by the people I love. Kasi sa tuwing nag-iisip ako ng kung anu-ano sa utak ko, sa bawat sasabihin ni Martin na, 'Jade, everything's alright,' ay gagaan ang loob ko.
Lumuha ako ng kaonti pero pinigilan ko ito habang umiihip ang simoy ng hangin sa'kin. "It's okay to not be okay. Anim na salita na sinabi mo pero hanggang ngayon nariyan pa rin sa kukote ko. Ayos lang sa'kin na hindi ako maging okay, basta kailangan kapag nahihirapan na, sasabihin ko ito sa mga kaibigan o kay Kuya Benj ang dinaramdam ko, kahit si Bathala. O siya, tama na ang daldal at sasamantalahin ko na talaga ang pagkakataon para sabihin ang isang napakagandang regalo para sa'yo. Handa ka na ba? Kasi kung ako, 'eto na."
Nakikinig ako, Martin. Nakikinig ako.
"Arianne, advance Merry Christmas. Salamat dahil ikaw ang nagbibigay ng regalo at pag-asa sa'min sa Class 8-2. Nagpapasalamat rin ako dahil tinanggap niyo pa rin ako kahit may flaws ako na ewan ko kung napapansin niyo ba o hindi. Thank you na rin dahil tiniis mo ang kadaldalan ko sa tawag, alam mo naman ako, 'di ba?"
Natatawa ako sa sinabi niya. Paano, kada tawag o usap sa classroom may bagong tsika na ibabato sa'kin, dinaig pa niya si Samara, e. Kada pasok bagong chismis ang bungad.
"Mula sa pagtututor mo sa'kin sa Math, pagbibigay mo ng advice hanggang sa paglibre mo sa'kin ng tsitsirya sa airport bago ang flight, thank you na rin. Tatanawin ko ang lahat ng utang na loob na maibibigay ko para sa'yo. Thank you for lifting each other's up, lalo na buong section natin. You and Samara are both partners as well.
"Salamat sa pamilya mo dahil kahit papaano, mula umpisa, tinanggap niyo ako. Lalo na sina Kuya Kenzo pati si Marco. Gusto ko na rin silang i-shoutout silang dalawa at sabihing, 'Hoy, mga tukmol! Basketball tayo kasama si Kuya!'"
Mas lalo akong natawa nang mahinahon dahil hanggang ngayon ay kalog pa rin siya sa mga pinsan ko, lalo na sa airport. Gustong-gusto ko talaga ang bond na kasama silang apat, lalo na kapag nandyan ako. Kasi iba ang feeling na nagkakasama kaming lima — naglalaro, kumakain at higit sa lahat, natutulog sa byahe.
"At panghuli, nagpapasalamat ako kay Bathala dahil binigyan Niyo pa ako ng mga kaibigan na kahit kalog sila ay hindi magsasawang pagaanin at pasayahin ang isa't isa. I'm so happy to have them, lalo na ikaw."
Hinigop ko muna ang gatas at kinain ang isang piraso ng biskwit bago siya magsalita. "So, mukhang wala na akong sasabihin ano?"
Natawa naman siya nang marahan, "Paano ba iyan, baka bukas mabibisita ko na kayo. Text na lang kita, okay? O siya, tatapusin ko na ang voice mail. Merry Christmas and a Happy New Year, Arianne Jade!"
At natapos na ang voice mail na may ngiti sa'king labi. Kahit malamig ang simoy ng hangin at mainit-init na gatas ang iniinom ko ay ramdam ko sa loob-loob ko ang kilig nang marinig ko ang boses ni Martin.
Anak ng—naging marupok na naman ba ako?
***
Di pa dito natatapos ang lahat. HAHAHAHAAHAH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top