CHAPTER TWENTY-TWO | Can't control myself
ARIANNE
"Myrna, maghiwalay na lang tayo."
Magmula noong sinabi ni Papa kay Mama ang tungkol sa hiwalayan ay nasa itaas ako ng kwarto, umiiyak habang nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. Yakap-yakap ang kulay rosas na teddy bear ay umuusbong pa rin ang likido sa'king mga mata habang si Mama ay nagmamakaawang pigilan na ang kanyang desisyon, at rito ay mas lalong dumudurog ang puso ko sa nakikita.
Hindi ko lubos maisip na ang dating masayang pamilya ay napalitan ng lungkot sa kadahilanang may ibang kinakasama si Papa habang kami ni Mama ay maiiwan sa ere at makikitang naglalakad papalayo sa'min.
"Raffy, paano kami ng anak mong si Arianne? Mas lalong mawawalan siya ng ama nang dahil sa gagawin mo!" singhal ni Mama, basag na basag ang kanyang boses habang iniisip kung ano ang mangyayari sa future namin, maging sa'kin.
Bumaba ako sa itaas ng kwarto at nakita ko silang dalawa na nagtama ang kanilang pagtingin habang si Papa ay kumakapit sa magkabilang braso ng asawa niya, "Minsan, hindi maintindihan ng ating mga anak — lalo na si Arianne — ang tungkol sa paghihiwalay natin, pero balang araw, sa paglaki niya, maiintindihan niya kung bakit ganito ang pamilya natin. Maiisip niya na kaya palagi niya akong hinahanap kasi hindi niya alam na wala na tayo. Na may mahal akong iba."
Nang matapos ay patuloy pa rin ang paghagulgol ko habang yakap-yakap ang teddy bear at naglalakad patungo sa kanilang dalawa. Hindi ko malilimutan ang mga gabi na maririnig ko silang nag-aaway nang dahil sa gastos, sa'kin at lalong-lalo na sa pambabae ni Papa. Halos umiiyak ako habang nakakulong sa loob ng kwarto habang pinapanalangin ko kay Bathala na sana, magkaayos kaming dalawa.
But then, it didn't happen.
"Mama… Papa…" lumuluha kong banggit sa harapan ng dalawa. Nilingon niya kaming dalawa at sabay na pinunasan ni Mama ang kanyang mga luha habang si Papa ay lumapit sa'kin at lumuhod pagkatapos. Kitang-kita ko mula sa kanyang mga mata ang panghihinayang at kalungkutan dahil ito ang huling beses na magkakasama kaming dalawa—
Mali.
Magkakasama kami bilang buong pamilya.
"Arianne, ito ang tatandaan mo. Aalis muna ang Papa, ha? Rito muna kayong dalawa ni Mama habang nagtatrabaho ako sa malayo. Alagaan mo siya nang maayos, okay po?"
Sa mura kong edad ay naiintindihan ko ang sinabi niya at halos mapatango ako sa bilin sa'kin. Nilingon ko si Mama na tuloy-tuloy ang pag-agos ng kanyang luha papunta sa pisngi nito dahilan upang mayakap ko siya at si Papa.
Nitong mga gabing iyon ay wala akong tigil sa kakaiyak kakaisip kina Mama at Papa, pero makalipas ang walong taon ay rito na bumalik sa'kin ang mga alaalang pinagsaluhan namin simula noong bata pa.
Dahil sa Araw ng Pasko, pagkalipas ng mahabang taon ay nagparamdam si Papa sa'kin pagkatapos niya kaming iwan at saktan si Mama. Binitawan ko ang kamay ni Martin sa pagdating niya, at dito ay halos mamuo na ang galit sa loob ko dahil dito.
"Jade, siya ba ang sinasabi mong—"
"Oo, Martin," ani ko nang pinigilan ko siyang magsalita. "My first heartbreak since childhood."
Dali-dali siyang tumakbo sa'kin at sa pagtanggal ng kanyang backpack ay tuluyan niya akong kinulong sa kanyang bisig. Halos hindi ako naglagay ng ekspresyon matapos niyang gawin sa'kin sapagkat ang tangi ko lamang inaalala ay ang hiwalayan nilang dalawa ni Mama nang gabing iyon at ang mga nagawa niya sa'kin bilang anak niya.
Tinawag niya ang pangalan ko habang nagsisimulang tumangis ang kanyang luha sa kanyang mga mata, "Patawarin mo sana ako sa mga kasalanang nagawa ko sa'yo, lalo na sa inyo ng Mama mo. Alam kong nagsisisi ako na may mahal akong iba, sadyang… sadyang nadala lang ako sa tukso nang mga panahong iyon—"
Halos bumitaw ako sa kanyang pagkakayakap nang malaman ko ang tungkol sa dahilan niya. Halos gumuho ang buong pagkatao ko at ang tangi kong ginawa ay ang ilapit ang mga luha ko papunta sa pisngi dahilan para mailabas ang galit na matagal kong tinatago ilang taon ang nakalipas.
"Bakit, anak?"
Napalingon ako sa kawalan at hindi makapagkumpas ni isang salita na lumalabas sa bibig ko. Si Martin naman ay hindi makatiis na lumayo papunta sa'min at bago niya ako tanungin ulit ay may mga salita na akong nabuo mula sa'king utak na siyang isusumbat ko sa taong nanakit sa'min.
"Pa, dapat ako po ang nagtanong sa inyo niyan. Bakit, Pa? Sa dinarami-daming tao na hinahangaan ko simula pagkabata bakit ikaw pa? Ikaw po 'yung tipo ng tao na palaging mong iniiwasan ang tukso makasama niyo lang po kami pero bakit? Bakit hindi niyo po makontrol? Ang sakit-sakit lang po sa'kin at sa asawa mo na makita ko po kayong may kahalikang iba at ang mas masakit, nalaman ko na lang na nabuntis mo siya! 'Yung babaeng tatlong dekada ang agwat niya sa'yo!"
"Arianne Jade, huwag mong idaan si Rosalina sa usapan!"
"At bakit ko po ba idadaan ang babae niyo po sa usapan? Dahil sa mas magaling po siya kaysa kay Mama? Dahil tingin niya sa'yo sugar daddy, ha?"
Habang nilalabas ko ang galit kay Papa ay sinalo ako nina Kuya Kenzo at Marco upang pigilan ako at pakalmahin subalit hindi ko na talaga kaya.
"Jade, watch your language!" sita ni Kuya Kenzo pero hindi ko siya halos pinakinggan bago aminin ni Papa sa'ming tatlo ang totoo.
"Oo!" galit na galit na sagot ni Papa at kitang-kita mula sa kanyang mga mata ang apoy na nasusunog sa'king paningin. "May rason ako kung bakit ako natuklaw sa tukso—at nang dahil sa tama ang sinabi mo."
Inamin ni Papa sa akin nang deretsahan kung paano sila nagkakilala ng Rosalinang iyon, paano naging sila habang magkasama si Papa at ang mas masaklap, ginawa niya pang rebound ang kabit niya pagkatapos ng pag-file ng divorce case laban sa'min.
"Pero Pa…" humihikbi kong saad sa kanya, "bakit nagawa niyo pa ring mangaliwa? Hindi niyo na po ba kami mahal?"
Dahan-dahan siyang tumango sa'ming tatlo na siyang hudyat upang mas lalong lumakas ang galit ko sa kanya, pero mas lalo kaming nagulat nang sumulpot si Mama sa usapan at pinili niyang paghahampasin at sampalin ang asawa niyang naging sanhi ng pananakit nito habang legal pa ang kanyang kasal.
"Walang hiya ka! Ang kapal kapal ng mukha mong sabihin sa'kin na hindi mo ako mahal! Pare-pareho lang kayo ng ex ni Arianne, mga manloloko kayo!" galit na galit na sagot ni Mama sa Papa kong may bahid ng tukso sa kanyang katawan. Nang humupa ang sitwasyon sa tulong ni Tita Clarisa ay rito na bumuhos ang apoy na matagal nang umaalab sa kanyang kaluluwa.
"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko pagkatapos mong sabihin sa'min sa loob ng mahabang panahon! Ano bang pagkukulang ang nagawa ko sa'yo, ha? Binigay ko naman ang lahat kahit pagtapos ng kasal pero binalewala mo lang ang lahat ng iyon! Nang dahil sa'yo, pati anak kong si Arianne ay natulad na rin sa'kin noon!"
Kitang-kita ko mula sa mga mata ni Mama ang galit na namumuo nito sa kanyang mga mata pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng ito sa Papa ko. Ramdam ko simula pagkabata ang mga paghihirap na dinaranas ni Mama nang maghiwalay silang dalawa, at para kalimutan ang aming nakaraan ay lumuwas kami ng Sitio Masagana nang kaming dalawa lang.
Niyakap ako ni Marco sa kanyang bisig bago niya ako pakalmahin at sabihin na magiging maayos ang lahat, "Pero paano si Mama?"
"Ate Arianne, sooner or later. She will be fine, okay?"
Napatango ako sa kanyang sinabi at pagkatapos ay tinititigan ko nang bahagya ang awang-awa na ekspresyon ni Papa, "Myrna, patawarin mo naman sana ako… kahit isang beses lang. Kaya ko namang iwan si Rosalina para sa'yo, hindi ba? Nakikiusap ako sa'yo na—"
"Ano pakikiusapan ko? Na balang araw magsasama tayong tatlo sa iisang bubong? At haharapin na naman ni Arianne ang trauma na dinaranas ko noon?"
Nilingon ko si Kuya Kenzo na ngayon ay nangingilid ang kanyang mga luha pagkatapos sabihin ni Mama ang tungkol sa'kin. Tinitigan niya ako sa'king mga mata, lalo na kay Marco na ngayon ay umiiyak pa rin dahil sa'kin. Siguro, alam nila na kahit kailan ay hindi ko pwedeng maranasan ang sinapit ko mula pagkabata hanggang sa naging karelasyon ko si Gio.
Ayaw nila akong masaktan pa kaya kinulong muna ako sa kanilang bisig at sinabi na balang araw, mawawala lahat ng sakit at traumang naranasan ko hanggang ngayon. Masakit sa'kin na kahit ang mga alaala na kung dati ay pasasayahin ka, ngayon ay tatraydurin ka dahil sa isang masalimuot na nakaraan.
Kung kanina ay umuusbong pa rin sa kanya ang luhang dinaranas niya, ngayon ay pipilitin niyang ilaban iyon sa harapan niya nang walang pasabi, "Ito ang tatandaan mo. Hindi lahat ng tao sa mundo ay may second chance. Ang iba ay hindi na makatiis na ibigay iyon sa taong mahal mo, pero para sa'kin?"
Dismayadong umiling si Mama, "Hindi na lang."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top