CHAPTER TWENTY-ONE | An unexpected visitor
ARIANNE
"Marco! Nasaan ba ang star ng Christmas Tree?"
Isang araw na bago ang Pasko at ngayong umaga ay kasalukuyan nang binubuo ang Christmas Tree namin para sa Noche Buena mamayang gabi. Pinapatanong ni Ate Monique sa pinsan ko kung nasaan ang star na siyang ipapangsabit sa itaas ng puno. Parang kailan lang, puro swerte at malas ang dumating hindi lang para sa'kin, maging ng pamilya ko. Paano na lang kaya kapag isa pang pagsubok pa ang darating sa'min hanggang sa matapos ang taon?
Hindi ko na alam.
"Nandito sa'kin!" Nilakasan niya ang kanyang boses dahilan para ito’y marinig ni Ate Monique bago isabit sa itaas. Matapos ang ilang oras na pag-aayos, sa wakas at nakabuo kami ng isang simple pero magarbong Christmas Tree na siyang inipon mula sa storage room. Mula sa mga Christmas balls na kulay gray at red hanggang sa decorations na pinagplanuhan namin tulad ng snowflakes, gold lights, brown and gray stringed garlands, ganoon na rin ang tinsels na parehas ang kulay. Mukhang maganda naman siya, pero may sinabi si Kuya Kenzo sa'min. Palipat-lipat siya ng tingin mula sa Christmas tree hanggang sa'ming apat.
"Alam niyo, parang may kulang."
"May… kulang?" rinig kong banggit ni Marco sa kuya niya. Tumango muna siya bago siya naglakad papalayo sa'min. Narinig ko ang bawat padyak ni Kuya Kenzo dahil tila may kukunin siya sa itaas ng kwarto nilang dalawa. Pagkatapos niyan ay bumaba siya papunta sa'min dala ang dalawang regalong nakabalot at inilagay iyon sa ibaba ng Christmas Tree.
"Heto, mukhang mas maganda siya kaysa sa inaasahan," suhestyon niya bago kami utusan. "Arianne, Marco, tulungan niyo akong kunin yung mga regalong pinadala nila galing doon sa Maynila. Bilisan niyo, ha!"
Sumunod naman kaming dalawa at salitan kaming kumuha ng regalo na ilalagay namin sa ibaba ng punong iyon, habang sina Ate Trina at Monique naman ay kumuha na rin ng puting parisukat na unan at puting laundry rack na pabilog para sa iba pang mga regalo.
Nang matapos ay lumingon kaming lima at palipat-lipat rin ang tingin namin sa mga sinabit namin sa loob ng bahay.
"That's looks perfect,” bulong ni Marco habang tinatanaw niya ang mga iyon. Sumilay ang mga ngiti na nangniningning mula sa’ming mga mata na parang ramdam na ramdam namin ang Pasko. Nagtawanan kaming lima at pagkatapos ay tinungo namin ang lamesa para roon kami mag-agahan pagkatapos ng ginawa namin kanina.
***
"May isa pa akong kwento na hindi ko pa nasasabi kina Arianne at Kenzo," panimula ni Ate Trina pagkatapos niyang punasan ang kanyang kamay dala ng kanyang paghugas. “naikwento ko na kasi ito kay Marco noon."
Break time na namin ngayon at bago kami magpatuloy ay kakain muna kami ng agahan — tinapay at palaman na may kasamang gatas. Niyaya namin si Marco na kumain na, pero aniya, susunod na lang siya dahil may aasikasuhin siya kasama si Tito.
"Ano po iyon?" tanong ko sa kanya bago siya umupo at inumin ang kanyang gatas. She sighed, ready to tell her story about her boyfriend. Matagal na yatang walang balita sa'min kung kamusta na ba sila ng nobyo niyang si Elijah, kung nag-aaway na ba sila o hindi.
"2 months ago, Elijah and I broke up due to the fact that his ex got pregnant," she revealed melacholicly without shedding any tear in her eyes. "That night was a painful day for me. I gave him all that I wanted, binigay ko na ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya, lahat ng efforts ko ginawa ko tuwing monthsary namin, na kahit busy siya, tinuloy-tuloy ko pa rin iyon. Ni sarili ko nga wala akong matira dahil nasa kanya lahat ang atensyon ko.
"Pero noong gabi na naghiwalay kami, sabi ko sa sarili ko, sana maging okay na ang lahat sa'ming dalawa. Noong mga isa o dalawang linggo halos ‘di na kami nagkakausap kaya tinatak ko sa isipan ko na, 'Siguro masaya na siya ngayon sa ex niya.'" Sa kinuwento niyang iyon ay hindi niya ito maiwasan na mapaluha sa situwasyon niya. Bawat salaysay mula sa kanialng nakaraan ay may kaakibat na luha na basta na lang nangilid sa kanyang mga mata, dahilan upang siya'y yakapin ng pinsan kong si Kenzo. Hinagod niya muna ang likuran niya bago niya ito pakalmahin at punasan ang kanyang luha sa huli.
"Minsan kong tinanong at naisip ang sarili ko kung napakaselfless ko ba… pero it depends on the situation naman kasi, ‘yung tipong wala ka nang pake kung may matira man sa sarili mo kasi…” She trails off afterwards, “kasi wala na, e. Nandiyan na lahat. Binigay mo na ang buong-buo sa kanya, ultimo pagkababae mo binuhos na agad sa minamahal mo… but what about yourself? Tingin mo ba iingatan mo ang kaisa-isa mong birhen pagkatapos ng lahat ng ito?"
Ganoon naman talaga sa pagmamahal. Sa sobrang pagpapadala mo sa iyong karelasyon, nakakalimutan mo na rin na magtira para sa sarili mo. Nakakalimutan mo na rin na pati ikaw mismo ay hindi ka man lang nagbigay ni isang regalo o pagkakataon na para sa'yo lang. Dapat give and take. Isipin mo ang sarili mo bilang isang mailman. Sa kakasulat at kakabigay mo ng letter para sa ka-penpal mo ay hindi mo lubos maisip kung sinusulat mo ang sarili mong liham tulad ng diary. Do you think they will take it as a token, or it will just abandon it?
Ibinigay ni Kenzo sa pinsan niya ang tubig hanggang sa ito'y mainom bago ako magsalita, "Ate Trina, ganoon din ako. Nagtira naman ako sa sarili ko paminsan pero mostly sa ex ko, I gave him my heart. I mean, I gave him all that I wanted and he felt the same way as well. But in the end, tama ka naman. Parang isang gamit na kakabigay mo lang eh bigla mo na lang itinapon nang basta-basta. That's how I felt about it."
"You do?"
Tumango-tango ako habang sinasabi ko ang sagot sa pinsan ko. Sa murang edad ay noon lang ako naging selfless sa isang tao.
I hate to admit it, but it's tiring.
Kaya habang tumatagal ay parang lumalayo na sa'kin si Gio noon dahil sa ilang rason; una, para maghanap ng iba at pangalawa, ayoko niyang makita na nasasaktan ako sa tuwing ginagawa niya iyon.
Magpapasko na bukas, pero bakit tila napopoot ako sa tuwing inaalala ko ang bagay na iyon?
***
Kinagabihan ay bumaba na ako sa kwarto suot ang kulay red na skirt, white crop top at boots na kaparehas sa kulay ng aking pang-itaas. Pero laking gulat ko na lang na nakapagpalit na rin ng damit sina Kuya Kenzo at Marco at arehas silang naka-red na polo, white jeans at red and white na sapatos.
Mula sa malayuan ay nakita ko sina Martin at Kuya Benj na parehas ang suot — red and black striped polo, black jeans and white shoes. Ganito ang theme ng suot namin ngayong Pasko at ito ang unang beses na gagawin namin ito nang kaming lima lang.
Lumapit naman kaming lima sa isa't isa at sinabi ni Kuya Benj habang nililingon ang aming mga tingin, "We're looking good, is it?"
His younger sibling nodded, "Actually this is the first time that we're wearing the same outfit as friends, right Jade?"
Tumango-tango naman ako bago ako ngumiti sa kanya. Tinignan ko ang oras sa'king cellphone saka ko ito pinatay nang niyaya ako ni Kuya Kenzo, "Tara, tambay tayo sa rooftop?"
"Sige!" sabay-sabay naming sagot bago kami umakyat sa itaas. Narinig naming sumigaw si Marco, "Ma, rooftop lang po kami!"
"Sige lang, Marco!"
Umakyat kami hanggang sa mapuntahan namin ang rooftop at doon ay nagsimula kaming lima na umupo sa mga upuan namin. Samu't saring mga bagay ang ginagawa namin habang nasa itaas: nagtatawanan, nag-uusap, may oras na may nilalaglag sa'min, pero ang pinakaimportante sa'min ay ang ilan sa mga tugtugan ilang oras bago ang Pasko.
Habang nilalakasan namin ang tugtog ay bigla akong kinausap ni Marco, "Ate Arianne, imposible bang may snow sa'tin dito sa Aurora?"
"Imposible namang may snow dito, Marco," I answered. Gusto kasi niyang makita ang snow kapag Pasko, kaya lang… wala. Tsaka, para lamang iyon sa may mga lugar na sakop ng four seasons, ano?
Habang nag-uusap kaming dalawa ay pinapanood namin sina Kuya Benj at Martin na sumasayaw at napapaindak sa mga K-pop songs at sa mga paborito nilang mga kanta hanggang sa niyaya kami ni Kuya Kenzo na sumayaw kaming dalawa at hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa.
Masaya.
Ito ang nararamdaman ko kapag kasama ko silang lima.
Sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang kami nagkita-kita at magsasama-sama sa iisang lugar na pinupuntahan namin. Finifeel lang namin ang beat, rhythm at melody ng bawat tinig, isa pa, sinusulit namin ito dahil bukas, mukhang hindi na kami makakasayaw dahil babalik na kami sa Maynila sa araw ng Pasko. At kahit abutan man kami ni Mama ayos lang. Ang mahalaga ginagawa namin ito upang magsaya.
Patuloy lang kami sa pag-indayog nang biglang may sumampa sa likuran ko. Agad kong nilingon si Martin na nakangiti at nakatitig sa hazel kong mga mata. Sinulyapan ko siya pabalik, mula sa tsokolate niyang tingin at unat ng kanyang buhok ay nararamdaman ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal nang palihim.
Kung dati ay iniiwasan kong mahalin ko siya pabalik alang-alang sa pagkakaibigan namin, ngayon ay nag-iba ang ihip ng hangin. At ngayon, habang ang iba ay nagsasayahan sa likuran, kami ni Martin ay nakadantay sa nagtatanong naming mga mata, iniisip kung handa na bang isugal ang pag-ibig naming dalawa.
Agad siyang bumaba mula sa likuran ko at hinawakan ang kamay ko, naglakad papunta sa hagdanan ng rooftop hanggang sa labas ng bahay nila. Pagdating sa labas ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagsimula akong magpatugtog ng isang kanta — Only ni LeeHi.
Sinimulan niyang paikutin ako bago ako kumapit sa batok niya, habang siya'y sa baywang ko. Ramdam ko ang kamay ni Martin, malambot at masarap hawakan. Naaayon ito sa cremang kutis niya, maganda at malinis tignan.
Parehas kaming nakangiti't ninanamnam ang bawat saliw ng awitin, at nang lumapit kami sa isa't-isa, ay agad kaming napatigil.
Sa isip ko, gusto ko ulit halikan ang labi niya kaya lang pinipigilan ko dahil mga bata pa kaming dalawa. We smiled once again, not until my mind urged myself to kiss his forehead.
"Regalo ko na iyan sa'yo," I spoke silently. "In a few minutes, Pasko na. Merry Christmas, Martin."
"Merry Christmas din, Arianne."
He held my hand and kissed it, nudging our nose before silently shutting our eyes afterwards. Ang tangi lang namin nararamdaman ay ang pintig ng puso naming dalawa, masayang tugtugin sa itaas ng rooftop at ang kanta para sa'ming dalawa ngayong Pasko.
As long as he's here, ayos na sa'kin. Kahit sa araw ng Pasko, masaya ako ngayon. Wala na yata akong kawala sapagkat kung nasaan ako, doon din siya.
Ramdam ko ang hininga ni Martin na nagmumula sa kanyang labi, nang biglang bumukas ang pinto ng pamamahay namin. Napatigil kami agad sa pagsasayaw hanggang sa bumulagta ang isang pag-iisip sa pagdating ng pamilyar na tao sa'king paningin.
Malamlam ang kanyang tingin, walang kulubot sa katawan at tindig ang hitsura… pero ang alaalang iyon ang mismong sisira sa'kin dahil ang taong nasa harapan ko ay ang lalaking sumira sa buong pamilya namin at kung paano winasak ang puso ni Mama.
"Arianne… ang tagal kitang hindi nakita. Ako ito, ang papa mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top