CHAPTER TWENTY-FOUR | Farewell once again

ARIANNE

Dalawang araw na ang lumipas simula noong natapos ang biyahe namin pabalik ng Maynila at heto ako ngayon, nasa loob ng kwarto ng 5:28am. Iniisip ko pa rin kung bakit ko ba naramdaman ang lahat ng ito, kung bakit sa edad kong 'to, ay naranasan ko pa ring masaktan, mapag-iwanan, at ang mas masakit pa ay nagagawa nila iyon sa pare-parehas na dahilan.

Being ungrateful to someone is so hard that I even have the guts to experience those. Sabay-sabay na trauma ang pumasok sa'kin dahilan upang mapabalik ako sa square one, at kahit alalahanin ko ang mga araw na binilinan ako nina Mama, Kuya Kenzo at ng mga kaibigan ko na huwag sasama kay Gio, hindi na ako nakatiis pa.

Huminga ako nang malalim. Tumayo muna ako sa kama at kaagad kong pinagmasdan ang labas ng bahay namin. Kokonti at wala pang tao sa labas ng bahay namin kung kaya't may iilan sa kanila ang maagang nagising upang bumili ng pandesal.

Naisipan ko munang pumunta ng rooftop para magpahangin, pero bago iyan ay inayos ko muna ang kama ko bago ako pumunta sa itaas ng bahay. Pag-akyat ko ay nagpahangin ako kahit saglit at kung minsan ay sinasaksak ko ang earphones sa cellphone para makinig ng music.

Hindi ko pala namamalayan na 5:43 na ng umaga ay nakaramdam ako ng pagkaantok kaya pinili ko na lang na matulog dito kaysa sa kwarto ko. Presko ang hangin kaya malaya na akong makakapagpahinga nang walang masyadong iniisip.

Unti-unti ko nang ipinipikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako. Nang lumiwanag na ang kalangitan ay saka ako inimulat ang mga mata ko at tinignan kung sino: si Marco.

"Ate Arianne, gising na po pala kayo," pagwiwika niya sa'kin. "Siya nga pala, bakit dito po kayo sa rooftop natutulog?"

Iniangat ko ang magkabilang balikat ko bago ako magsalita, "Wala lang, gusto ko lang. Mahangin kasi."

Tumango-tango na lamang siya. "Ate Arianne, mag-agahan na po kayo. Bumili po si mama ng pandesal para po sa'tin. Tapos mamaya may bibisita po sa inyo."

"Sino?"

He shrugged for a moment. "Hindi niya sinabi ang pangalan eh. Pero alam kong kilala niya po kayo at gusto niya po kayong makausap."

"Okay..." iyan na lamang ang tangi kong nasagot.

***

Kumain na ako ng agahan at pagkatapos ay nakipagkulitan kina Kuya Kenzo at Marco. Nasa rooftop kaming tatlo ngayon at pinapanood namin si Kuya Kenzo na sumayaw sa harapan pero nakatalikod. Tila isa siyang K-Pop trainee dahil sa ginagawa niya, pero ang hindi niya alam ay pagtitripan namin ni Marco itong kuya niya, kaya anong ginawa ng nakababata niyang kapatid?

Tumayo siya sa kinaroroonan niya at dito ay pinindot nang tatlong beses gamit ang kanyang hintuturo ang batok ng kuya niya saka siya tumakbo papunta sa'kin. Naghagikhikan kami hanggang sa nalaman iyon ni Kuya Kenzo. Nagturuan kaming dalawa bago kami tumakbo at habulin na parang mga prey na palaging tinatakasan ang isang leon sa gubat.

Hingal na hingal kaming dalawa sa staircase nang aming maulinigan ang boses ni Mama, "Arianne! May naghahanap sa'yo!"

Pagod man, pero kumakapit pa rin ako sa magkabila kong tuhod bago bumaba. "Kuya Kenzo, Marco, time first muna ako. Kayong dalawa na muna ang bahala."

Bumaba ako galing itaas para hanapin iyon kung may lumitaw na agad sa harapan ko. Nakasuot siya ng white t-shirt, white pants and black slippers, at kung hindi ako nagkakamali, si Gio iyon.

Pero ba't parang umunat ang buhok niya?

Tinawag ko ang kanyang pangalan, "Anong ginagawa mo rito?"

Nasa labas ako ng bahay kung saan hindi kami pwedeng makita ni Kuya Kenzo dahil malaki ang galit nito sa kanya pagkatapos ng break-up at sa pagkikita namin noong victory party ng Mr. and Ms. Intramurals. Ito rin ang dahilan kung bakit sa parehas na panahon ay nagtangka akong magpakamatay pero mabuti na lang at pinigilan iyon ni Marco bago ako mawalan ng ulirat.

Nagpabuga muna siya ng hininga sa kawalan, "Gusto ko ng closure. I want a closure between us nang sa ganoon ay malaya na tayong makakapagsama pa. Malaya tayo sa mga bagay na gusto natin."

I stuttered, "Anong ibig mong sabihin? Closure?" Napatingin ako sa kawalan at nagtataka kung bakit, pero hindi ba dapat kahit sabihin man nila na magkakaroon sila ng closure e hindi na maibabalik pa ang damage nito sa dati?

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pero, gusto mo?"

"Oo," sagot niya na lang. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakaranas ng ganoong set-up. But as a woman who experienced being heartbroken, mas mabuti na siguro 'to kasi para makalaya na ako sa kanya at isa pa...

...kailangan ko na siyang ipaubaya para sa kanya.

***

Nakaupo kaming dalawa sa upuan habang tinatanaw ang pag-agos ng tubig sa lupa. Sa mga sandaling iyon ay naka-proseso na sa utak ko lahat ng nangyari sa parehas na lugar, pero hindi ko lubusang aakalain na magagawa kong lumuha na sa isang iglap ay mapapasabi na lamang ako.

Na traydor ang mga alaala.

Narinig ko ang paghingang malalim ni Gio bago ko tinawag ang pangalan niya. "Pwede ba tayong mag-usap?"

He looked at me, "Sige, go ahead."

I looked at him with pity, even if my tears are swelling up onto my face. "Noong nakita ko ang mga pictures niyo ng bago mo habang 'yung phone mo iniwan sa campus, labis akong nasaktan sa nangyari. Para akong glass bottle na kapag nabasag mo na, maiiiwan na doon yung mga bubog sa sahig. At kapag kinuha mo ang kahit maliit na bubog lang at natusok ka, saka ko naramdaman ang sakit.

"And that's how I felt when I saw you with the other girl, walking and laughing each other even inside the campus. Syempre noon, nagkunwari akong okay lang kahit may klase ako, pagkatapos ng klase bigla na lang akong iiyak..."

Napatulala na lang si Gio sa sinabi ko, "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nang mga oras na iyon kaya heto, itatanong ko na sa'yo ang mga nasa isipan ko."

I fought my tears as I said those words after wiping it, "Did you cheat on me that time? Napagod ka na ba kaya mas pinili mo na iwan mo na lang ako sa ere, ha?"

Hindi nakaimik si Gio dahil mula noong hiwalayan niya ako ay saka ko naisip ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko. Tuluyan na ba siyang napagod sa pagmamahal na ibinigay niya sa'kin? Mas pinili pa rin ba niya na sumama sa bago niya kaysa sa akin?

Ilang segundo ang nagdaan bago siya umamin, "Oo, nagawa ko na lahat."

Halos gumuho na ang mundo ko at hindi makapagsalita mula noong sinabi niya sa'kin ang lahat ng iyon. After all this time, I thought he would never do this to me, but what happened?

Staring out of nowhere, I'm still flowing a river, leaving myself speachless and stuttering ever single word I follow. "Bakit mo ginawa iyon?"

"Alam mo ba kung bakit ko ginawa iyon?" Kusa niya nang bumigay ang mga luhang sa kanyang mga mata, "Kasi wala na akong nararamdaman para sa'yo. Pinilit ko ang sarili ko noon na mahalin ka kaya lang, wala eh. Wala na talaga. Kaya ang ginawa ko ay naghanap na ako ng iba. Naghanap ako ng ibang mamahalin bukod sa'yo.

"Pero nagpadala ako sa bugso ng damdamin kung kaya't nabuntis ko siya... at ngayon, malapit na siyang manganak at kasabay nito ay ang pag-alis ko sa SBNHS next year."

Hindi na ako nagsalita pa. "Kaya Arianne... I'm sorry. I'm sorry kung niloko kita, kung naghanap ako ng iba, kung napagod at iniwan kita ng basta-basta, kung nagselos ako at sorry..."

He paused, "...pero hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Mas pinili ko siya kaysa sa'yo at iyon ang totoo."

Walang tigil ang pagbuhos ng likido papunta sa'ming nga pisngi, at habang nagsasalita si Gio ay muli ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata.

"Jade, minahal kita noon pa. Kahit noong naghiwalay tayo ay hindi ka nawala sa isipan ko pero nagbago iyon mula noong minahal ko siya. Sana, sa susunod, makakatagpo ka rin ng taong magmamahal sa'yo ng buong-buo, 'yung tatanggap sa pagkatao mo, at tatanggapin ka sa kung sino ka. I loved you, but I still love her more."

Oo nga naman. Mas pipiliin pa rin niya ang bago niya kaysa sa kanya. At sa huli, talo ako.

I risked everything, nag-effort ako sa kanya kahit ang totoo ay tila hindi niya iyon naaapreciate, not even small things.

"Gio..." I tried to speak, pero hanggang ngayon ay tumutulo pa rin ang mga luha ko at para na akong nanghina sa ginawa ko. "I'm sorry..."

"Jade, huwag kang mag-sorry," he calmly said. "Hindi ikaw ang may kasalanan. Kundi ako. Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to..."

Bakas sa tono ng boses niya ang tila garalgal at pagpiyok niya habang nagsasalita siya at kasabay nito ay unti-unti niya akong niyakap nang mahigpit. Para kaming mga tanga kung umiyak sa isang public place, pero wala.

"Hindi. Tayo. Tayong dalawa ang may kasalanan ng lahat ng 'to," sambit ko pabalik habang nasa bisig niya. Pagkatapos niya akong yakapin ay tinitignan ko siya sa mga mata niya habang patuloy na rumaragasa ang mga luha sa'king mga mata, "Kasalanan ko rin naman eh. Sorry kung naging marupok ako, kung ibinigay ko sa'yo ang lahat lahat, at sorry kung napagod din ako sa labang 'to. Wala, talo na ako."

"Huwag mong sabihin iyan, Jade," banggit niya sa'kin sabay punas ng luha ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, "May pag-asa ka. May pag-asa ka na magmahal ulit. Huwag kang mawala ng pag-isa, isa pa, bata ka pa, 'di ba?"

Malungkot akong napatango sa kanya. Tama naman talaga si Kuya Kenzo, marami akong matututunan sa mundong ito na hindi ko pa nalalaman mula sa ibang tao.

"Kaya sige Jade, pinapatawad na kita..." malungkot niyang banggit, at dahil dito'y niyakap niya ako nang pagkamahigpit. Pareho kami ngayong umiiyak habang niyayakap namin ang isa't isa sapagkat ito ang huling beses na magyayakapan kami dahil sa mga oras na ito'y isa na kaming mga ibon na makakalaya na mula sa isang pugad - ang nakaraan.

"Sana maging masaya ka na ngayong araw na ito. Advance happy New Year sa'yo."

Hinahagod niya ang likod ko dahil sa grabeng emosyon na naramdaman ko, "Gio... pinapatawad na kita."

At kasabay nito ang pagsabi ng mga kataga na siyang hudyat ng pamamamaalam namin sa isa't isa at ang huling araw na makikita ko ang mukha niya. Babaunin ko na ang mga aral na iniwan niya sa'kin at ililibing ko na ang mga alaalang napagsaluhan namin ni Gio.

"I hope you do. I hope you're happy with someone else. Once again, farewell to you, my star."

***

Good morning. :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top