CHAPTER TWENTY-FIVE | A poem titled you
ARIANNE
"Teka, parang namumukhaan kita ah," panimulang wika niya sa'kin, "hindi ba ikaw yung babaeng hinatid ko kasama ng dalawa mong pinsan papuntang St. Bernadette? Ikaw 'yung Arianne Jade, tama ba?"
Saglit, kilala ako ni Manong Driver? Nadala na siguro ako sa emosyong natatabunan ko na kahit sa loob ay dala-dala ko pa rin ito.
Tumango naman ako, "Aba'y jusko, bakit ka umiiyak? Ilang hikbi lang ang naririnig ko at halos bumuhos ang emosyon mo. May problema ba?"
Ni isang salita ay hindi ko mailabas sa bibig ko pagkatapos niya akong tanungin. Not until my tears flowed from my eyes down to those trailing cheeks before caressing my back afterwards.
"Tahan na... huwag ka nang umiyak. Alam mo, nararamdaman kita habang naririnig ko na umiiyak ko. Naalala ko kasi ang asawa ko."
Napalingon ako sa kabila ng poot na namumuo sa'king mukha, "Teka, ano po bang nangyari sa inyo ng asawa niyo?"
"Halika, sa tindahan tayo mag-usap."
Agad kong pinunasan ang mga luha ko bago pumunta ng tindahan at kwento niya sa'kin lahat ng nangyari. Rito ko napag-alaman na katulad ko, hiwalay na sila ng asawa niya dahil nalaman niya na may mahal na siyang iba, pero ang mas masaklap ay nagawa pa niya itong hiwalayan dahil wala na siyang nararamdaman sa asawa ni Manong Driver.
Sa tono ng boses niya ay ramdam ko ang lungkot mula sa mata niya at ang konting patak ng luha pero pinigilan niya iyon habang kinukwento niya sa harapan ko ang nangyari, "Masakit sa'kin iyon dahil mas mahal pala ang bago niya kaysa sa'kin. Aba, nauna ako eh. Lagi niya akong niyayakap noon. Iyon nga lang, kasama niya ako, pero hanap niya iba. Kailangan ko siya, pero siya? Hindi."
Sa tuwing sinasabi niya iyon ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaiyak. Naaalala ko kasi si Gio, at sa pananaw ko ay parang may pinapahiwatig sa'kin — na ako ang kailangan, pero hindi ang mahal.
Napatingin ako sa kawalan bago ako magsalita. "Manong, ramdam na ramdam ko po kayo," paiyak kong banggit. "Kasi ako, katulad ko po kayo. Sumugal ako, pinaglaban ko pa rin siya hanggang sa napagod na siya sa'kin. Pinilit ko ang sarili ko noon na maging matapang pero ang totoo, naging lantang gulay ako kasi… hiwalay na po kami. 'Yung summer ko po noon, naging malungkot na dahil sa nangyari.
"Kaya ang ginawa ko po, hayun," tumigil muna ako bago huminga nang malalim. "Pinalaya ko na po siya. Pinili ko noon na patawarin siya at ipaubaya kasi sa dami ng mga kasalanang nagawa niya sa'kin pakiramdam ko, nagsisisi na siya."
Tumango-tango siya hanggang sa lumapit ang tindera sa'kin at binigyan ng tubig pagkatapos. Nagpasalamat naman ako sa kanya bago siya magsalita, "Arianne, mabuti nang pinatawad mo siya. Kasi kapag ginawa mo iyon, tiyak makakalaya ka na sa rehas ng iyong nakaraan. Magiging masaya ka sa kanya, diba?"
Tumango naman ako bago dumagdag si Manong Driver, "At ako, mas pinili ko noon na gayahin ang ginawa ni Arianne kaysa ipaglaban ko ang relasyon namin ng asawa ko kahit ayaw niya talaga. Tsaka teka, ilang taon ka na ba?"
"16 po."
"Aba'y bata ka pa pala, Arianne. Iyang pangyayaring iyan ang magsisilbing aral para sa'yo. Pakatandaan mo iyan," sambit niya.
"Isa pa, mas maigi na tuparin mo lahat ng pangarap mo sa buhay. Isantabi mo muna ang pag-asang magmahal ka ulit, unahin mo muna ang kapakanan ng iyong pamilya at piliin mong maging masaya. Ako, pinili ko noon na kumayod sa pamamasada ng traysikel para sa pamilya ko. Apat ang anak namin at mag-isa kong tinataguyod iyon. Pero kahit papaano ay ginagabayan ako ng mga mahal sa buhay, mga pamilya ko at syempre, kay Bathala na nasa itaas. 48 ako ngayon pero masaya pa rin ako, ngunit mas sumasaya ako kapag nakikita kong lumalaki na ang mga anak ko.
"Kaya Arianne, hangad ko ang ikakasaya mo sapagkat pagdating ng hustong edad ay makakahanap ka ng lalaking magmamahal sa iyo. Sa huli, piliin mong maging matapang dahil walang ibang kakapit sa'yo kundi ikaw lang."
***
December 31, 6 days after…
Pagkasakay ko ay nagpatugtog ako ng ilang mga awitin sa phone ko habang ako'y nagmu-munimuni nang mag-isa. Kasabay ng awiting pinapakinggan ko ay bumabalik sa'kin lahat ng mga magaganda at masamang nangyari sa buhay ko, pero kahit papaano ay may natututunan ako sa mga bagay na ginagawa ko, lalo na ng huling pag-uusap namin ni Gio.
Every person is a lesson. Minsan talaga darating tayo sa puntong makikilala natin ang isang tao na siyang magtuturo sa'yo kung paano mo ito gagawin, pero pagkatapos ng nangyari ay saka sila magpapalam sa'yo, gayunpaman ay may natututunan ka mula sa bawat taong nakilala mo.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na ako sa street food section ng park bago kitain si Alexis at Andrea na kumakain ng fishball at kwek-kwek.
"Jade!!!" magiliw na bati ni Alexis sa'kin habang tumatakbo siya at niyakap nang mahigpit. She's wearing an off-shoulder gray shirt with navy blue maong pants and white boat shoes. Sa ginagawa namin parang matagal na kaming hindi nagkikita nang mga oras na iyon, "Namiss kita!"
"Namiss din kita, Alexis! Namiss ko rin kayo nina Samara at TJ noong nasa Aurora kami," I said back. Ngayon na malapit nang matapos ang taon ay magkikita kami ulit para sulitin ang mga bagay na hindi pa namin nagagawa.
Sumunod naman si Andrea at pagkatapos ay binigyan niya ako ng mga kwek-kwek at fishball sa isang baso. "Speaking of, nasaan kaya ang dalawang iyon?"
"Nandoon, may pinuntahan lang," rinig kong wika ni Alexis sa'kin. Nagsimula kaming maglakad at mag-usap tungkol sa mga ginawa namin sa Aurora, hanggang sa hindi pala namin namamalayan na nakarating na silang dalawa... at ang isang nakapiring na lalaki?!
Sa bibig pa lang ay nahahalata ko na sa isipan ko kung sino at maging ng kanyang hitsura kahit nakapiring ito. Could it be Martin?
Nang tinanggal ni TJ ang piring sa kanyang mga mata ay tama ang hinala ko — si Martin nga! Nagtama ang pagtingin naming dalawa at kasabay nito ay ang biglaang pag-alis ng mga kaibigan ko na siyang hudyat upang mag-usap kami.
"Hi..." parehas namin sinambit iyon. Nabalot na yata kami ng kahihiyan lalo pa't kakabalik niya lang galing Aurora pero ni isa sa'min ang hindi kumibo kahit nakatayo kaming dalawa sa loob ng ilang segundo.
Nabasag ang katahimikan naming dalawa nang may isa sa'min ang nagsalita.
"Siya nga pala, para sa'yo..." nahihiyang banggit ni Martin at halos hindi siya makatingin sa'kin na parang tilapia kung umasta sa harapan ko. Ibinigay sa'kin ang isang nakatiklop na papel na may ribbon sa gitna nito, bago ko siya pasalamatan.
I insisted, "Shall we go?"
Tumango naman siya at kaagad kaming pumunta sa bench — ang lugar na kung saan pinanood namin ang sunset noong birthday ko. Ah, how I miss this place.
"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta doon. Sa tanong kong 'to parang ilang taon kaming di nagkita, a.
"Ayos naman," sagot naman niya, "Ikaw?"
Nakasuot siya ngayon ng pink collar shirt with brown maong shorts and boat shoes... pero kapansin-pansin mula sa kaniyang paningin ang suot kong Jade Necklace na kahit pagpunta namin sa Aurora ay suot-suot ko pa rin iyon.
Kaagad akong umamin sa kanya, "Medyo naghihilom pa rin naman kahit papaano."
Oo nga naman, hindi lang ako ang naghihilom sa pagkakataong ito, kundi pati na rin sa mga taong nasasaktan pa rin in all aspects. Sa pagkakataong ito, ayos lang sa'tin ang masaktan tayo pero darating ang araw na tayo'y hihilumin ni Bathala, magkaroon ng suporta sa mga taong pinagkakatiwalaan mo at disiplina sa iyong sarili para makapagsimula ulit tayo ng panibagong umaga sa'tin.
"Bakit naman?" anito at kaagad kaming umupo sa bench.
"Kasi kahapon, nagawa ko ang isang gawain na kahit mahirap ay kakailanganin ko para magpatawad, makalaya at umusad sa buhay."
"And that is?"
Huminga ako ng malalim, alam na niya ang gusto kong sabihin. "Magpaubaya sa isang taong kahit mahal mo, pipiliin mong gawin iyon para sa ikasasaya niya at ng dati niyang mahal, o kahit bago niyang mahal."
With that, kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari kahapon sa parehas na lugar na iyon, maging ng pagkukwento ko kay Manong Driver kinuwento na rin.
Binigyan niya ako ng konting payo para sa'kin, "Well, tama naman talaga yung sinabi nila. Matuto tayong magpatawad para sa taong mahal mo. At isipin mo, bago mo kilalanin ang bagong taong makakasama mo, ayusin mo muna ang gusot sa sarili mo. Kasi kung magmamahal ka ulit tapos ikaw, ubos na ubos ka na, ano na lamang gagawin mo, hindi ba?" payo ni Martin sa'kin bago niya tinapik ang balikat ko nang mahinahon.
"Iyon lang muna ang sinabi ko kasi nasabi na nila sa'yo iyon kahapon kaya medyo ginaya ko na rin ang sinabi nila."
We laughed softly until our smiles beamed at each other. Grabe, nakakamiss pala 'yung feeling na kasama ko si Martin kahit dalawa lang kami, at least nag-aasaran at nagkukwentuhan sa isang tabi nang walang istorbo.
Nang matapos ay agad kong kinuha ang regalo at pagkabuksan ko ay tumambad mula sa mga mata ko ang isang tula na isinulat niya para sa'kin.
***
AJ
Sa totoo lang, hindi talaga
Ako marunong gumawa ng tula
Pero alang-alang sa aking babaeng hinahangaan
Gagawin ko itong espesyal para sa kanya
Ako'y isang lalaki na nagkaroon ng mabigat na pinagdadaanan
Tila ako'y nag-iisa lang sa mundo at pakiramdam ko'y wala na akong masasandalan
Ako'y lubos na nahihirapan at tila ako'y walang kalaban-laban;
Pero noong dumating ka, ako'y nabuhayan nang narinig ko ang iyong ngalan
Arianne Jade. Labin-isang letra pero itong puso ko?
Para nang kumakanta nang narinig ko ang pangalan niya
Sa ngiti pa lang, talagang tatamaan ka talaga
Dahil sa talino't karisma niya ay tila ako'y nabubuhayan na
Pero teka, hinay-hinay lang muna
Dahil ako'y bata pa at sa pag-ibig ako'y walang kaalam-alam
Para akong nahihibang kung iisipin
Pero pagdating sa'yo? Mukhang wala na akong ibang hahanapin
Arianne Jade. Dalawang magandang ngalan
Na naaayon sa dilag niyang kagandahan
Kahit magbago man ang kanyang katawan
Sa paningin ko'y maganda siyang tignan
Nasaktan ka man, ako'y handa kang tulungan
Nasa bingit na ako ng pagkahulog ay agad mo itong sinalo
At kahit siraan ka man ng ibang tao
Handa kitang ipagtanggol at protektahan sa anong laban
Arianne Jade. Sa tila porselana niyang mukha
Na kung iisipin ay para siyang prinsesa-
Siya'y kaibig-ibig at katangi-tangi kung maituturing
Ang isang tulad niya na marikit at mahinhin
Saglit lang, nasabi ko na ba sa iyo
Na tila kahawig mo ang mang-aawit na nakilala ko?
Kung ganoon, sa tula ko pala nasabi sa iyo
Akala ko kinikimkim ko na ito
Pero seryoso. Salamat sa'yo
Kasi kung hindi dahil sa iyo, binigyan mo ng kulay ang mundo ko
At kung hindi ka man lang dumating,
Sa ngayon, aba hindi ko na kung anong gagawin
O siya, sasamantalahin ko na ang pagkakataon
Kung nababasa mo ang tula kong 'to
Gusto ko lang sabihin sa'yo
Na ikaw ang bida sa kwentong binabahagi mo
***
Nagulat ako nang binasa ko ang ginawa niyang tula para sa'kin. And there goes my soft side of me, again — tutulo bigla ang mga luha ko kapag may isang bagay na nagpapatagos sa puso ko. Bakit kaya?
"Wait..." panimula ko sa kanya. "Akala ko ba hindi ka marunong gumawa ng tula?"
"Tinuruan ako ni Marco kung paano eh," pag-amin niya sa'kin. I knew him so well, sa kanilang dalawa ng pinsan ko si Martin lang ang hindi marunong gumawa ng tula, at sa pagkakataong ito kahit kailan ay hindi siya magaling pagdating sa mga ganitong bagay.
So kaya pala siya nagpaturo at gumawa ng tula para sa'kin ay dahil sa kaibigan niyang kapag nagsusulat ng tula ang subject niya palagi si Louisse. Oops.
Napatango na lang ako sa sinabi niya, "Pero infairness, maganda ang tulang sinulat mo. Salamat, a."
Napapangiti na lamang ako habang binabasa ang ilan sa mga nakaukit na salita sa papel. It tackles on how I am today at nagmula ito sa puso ni Martin habang sinusulat niya ito.
Napatahimik kami ng ilang segundo bago ako humarap sa kanya, "Martin, I'll promise you to wait for me until the time comes. The time when we're now ready to fall in love. Ipagdarasal pa rin kita at kapag dumating na ang araw na ibibigay ni Bathala sa'tin, that's the time na panghahawakan natin iyon."
He nodded before continuing my speech, "Pero sa ngayon, magkaibigan ang turingan natin sa isa't isa. Oo, aaminin ko, mahal kita pero higit pa roon ang nararamdaman ko. Iyon nga lang, hindi pa ako handa sa ganito. Kilala mo naman ako, kakagaling lang sa isang masakit na nakaraan. Ayokong maranasan ulit na masaktan, ang gusto ko lang, maranasan na habang buhay, mamahalin at mamahalin pa rin kita hanggang sa pagtanda."
He smiled. Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko bago i-kandado ang tingin sa'kin, "Thank you, Jade. Pinapangako ko sa sarili ko na mamahalin at hihintayin kita hanggang sa maging tayo na at maayos na ang lahat sa'ting dalawa. Palagi kitang ipagdarasal dahil kahit kailan, hindi mawawala ang pagmamahal na dinaramdam ko para sa'yo. At sana, sa araw na ito, maging memorable sa'tin ang lahat, lalo na ang mga pangako natin sa isa't isa."
Sa totoo lang, kahit kami'y mga bata pa kaming ay willing ako na maghintay para sa lalaking pinakamamahal ko ng husto. Willing ako na mag-commit at mag-take ng risk para sa'ming dalawa, pero sa ngayon, friends muna. Wala namang masama kung magkaroon ako ng puppy love, hindi ba?
"Promise?"
"Promise."
Ngumiti kami sa isa't isa at hinawi niya ang buhok ko bago namin pinagdikit ang noo naming dalawa. Rito ko naramdaman na kahit umabot ng sampung taon ang paghihintay namin, ang mahalaga ginawa namin iyon para kapag dumating na ang tama para sa'min, saka ko mare-realize na, 'Aba, worth it 'to.'
Biglang bumulong si Martin, "Happy New Year, Arianne. Hintayin mo ako, hihintayin kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top