CHAPTER TWELVE | She should not have loved him

tw: self-harm, mentions of blood and abuse

***

THIRD PERSON

Several months later...

Banungot.

Iyan ang dumating kay Arianne pagkatapos malaman ng kanyang paningin na nagpapakita si Gio sa labas ng kanilang bahay. Hindi siya kaagad halos makapagsalita, ni galaw ay tuluyang nanigas habang pinagmamasdan siya — nagyoyosi at ginagala ang kanyang mga mata papunta sa kanya. She released a gulp before running away, others were scattering around, swaying and singing while holding their cups out of nowhere.

Sa mga oras na ito ay ayaw niya munang magpakita sa harapan niya sapagkat sa tuwing nagpapakita mula sa anggulo ng kanyang utak ang pagmumukha nito ay tila binubunutan na siya ng tinik tuwing maalala niya ang masaklap na karanasang nangyari sa kanya. Suddenly, unwelcoming tears start to shed unto her while locking herself up in the bathroom, facing on the sink to their mirror as her make-up starts to dissolve while remembering the reason behind their break-up: it's Gio.

Kasama ang bago niyang babae na nasa tapat niya.

May pasa ang binata sa kanang pisngi pagkatapos bigyan ng suntok mula sa kanyang ama nang dahil sa isang rason: magiging tatay na siya sa mura niyang edad.

Habang tinatakasan ng dalaga ang kanyang masamang pangitain ay nagtaka si Kenzo kung nasaan ang pinsan nito, kumunot ang kanyang noo habang hinahanap siya nito — bago niya malaman ang sagot sa kanyang tanong.

Kitang-kita ng kanyang paningin ang noo'y pamilyar na hitsura: ang hitsura ng isang walking red flag na siyang kinainisan nang husto.

Ang taong sumira sa damdamin ni Arianne, at ang sanhi ng kanyang trauma mula sa nakaraan.

Napamura siya nang mahinahon sa kanyang sarili kasabay ng pagpasok sa loob ng kanilang bahay, subalit napagtanto niya na wala ang dalaga sa sala kung kaya't dito na siya halos nataranta. Tinanong niya ang kanyang ina na kasalukuyang kumakain ng hapunan sa lamesa, "Ma, hindi niyo po ba napansin si Arianne?"

Tanging tango naman ang sinagot ng kanyang ina sa kanya, "Nasa banyo, Kenzo. Kanina siya tumakbo bago siya pumasok doon, hindi ko alam kung bakit, e."

Agad tumakbo ang panganay bago umalis papunta sa banyo, papasok sana siya nang bigla niyang napansing naka-lock ang pintuan sa loob nito. Subalit ang pinakamasakit sa lahat ay noong narinig niya ang hikbing bumabalot sa kanyang kaluluwa, at isa lang ang ibig sabihin nito:

Nasa loob ang pinsan niyang si Arianne!

Naka-ilang katok nang malakas si Kenzo habang tinatawag niya ang kanyang pangalan, sinasambit na magpakita siya dahil may sasabihin itong importante sa kanya. Sumunod na nagpakita sa listahan si Marco na ngayon ay hawak ang susi ng buong bahay bago niya isukbit sa doorknob ang pintuan ng banyo. Pinipigilan niya ang kanyang paghikbi kasabay ng kanyang pag-iisip na baka may mangyari sa kanyang dalaga katulad ng dati...

...at hindi agad siya nagkamali. Dahil noong nakita ni Marco na sinasaktan ng kanyang pinsan ang sarili nito ay kaagad siya nitong niyakap nang mahigpit sa kanyang likuran na siyang hudyat upang mapatigil ang dalaga sa kanyang ginagawa.

Halos mapaluha ang bunso sa sinapit ng kanyang pinsan kasabay ng pagsulyap ng dugo sa kanyang braso — umaagos at dumidiretso papunta sa faucet ng banyo. Burning tears in his eyes, the older man didn't know what's happening while covering his mouth using his left hand until he saw a pieces of blood shading through her wrist. Maiinit na emosyon ang bumugso sa pisngi ni Marco habang sinasabihan siya na huwag hiwain ang kanyang sarili dahil sa isang daplis lang, maari niyang tapusin ang kanyang buhay na tiyak pagsisishan niya sa bandang huli.

Isang bitaw.

Sa bawat pagbitaw ng kanyang blade papunta sa faucet ay hindi pa rin siyang tumitigil sa pagtangis bago hawakan ni Marco ang kanyang kanang braso upang hugasan at takpan ng bulak't benda pagkatapos. Nauna nang magsalita si Arianne sa likod ng dalawa habang siya'y nababalot ng kirot at hinagpis mula sa nakaraan, "Gusto kong takasan ang banungot na dala-dala ko. Hanggang ngayon nandito pa rin sa'kin ang sakit at hirap na inabot ko nang dahil sa kanya. Pakiramdam ko napag-iwanan na ako pagkatapos ng lahat ng ito hanggang sa tinanong ko ang aking sarili: am I a disappointed person who wants to fall in love with the person whom I trust? Did I broke the rule just to escape our freaking relationship... ended up with nothing?"

Magsasalita dapat si Marco nang bigla siyang pinatahimik ng kanyang pinsan, "Kung iniisip mo na banggitin ang pangalan niya, huwag. Sapagkat pinilit kong labanan ang relasyon naming dalawa pero sa huli, napagod ako. I lost the fight... even myself."

***

KENZO

"Arianne, hindi ba sabi mo noon sa pageant, remember to love yourself?" malumanay kong pangaral sa'king pinsan habang mahimbing na nagpapahinga patungo sa kwarto niya. Nababalot pa rin ako ng lungkot sapagkat hindi ko alam na nilalaslas niya pala ang kanyang sarili simula noong maghiwalay sila ng walking red flag na iyon, ayon kay Marco na siyang nakasaksi sa nangyari sa kanya.

Hindi ako pwedeng umiyak ngayon. Kailangan kong maging matapang alang-alang sa pinsan ko subalit kahit anong gawin ko, saka pa susulpot ang mga luhang nagpaparamdam sa'kin. Ang ironic, hindi ba?

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may bar codes ka sa braso mo? Hindi kita pipilitin na sagutin mo ang tanong na iyan, saka mo iyan gawin kapag handa ka na, okay? Paalala lang, huwag kang maghabol sa isang tao na kahit kailan ay hinding-hindi ka naman papansinin. Nakakapagod iyan, Jade, sa totoo lang. Don't settle for less just because you love that person, okay?"

"Tama si Kuya," sumingit naman si Marco sa usapan. "You know what, you don't deserve someone who abuses and controls your life just because you love him. Hindi mo kasalanan ang magmahal, sadyang may mga bagay talaga na palagi tayong sinasaktan nang paulit-ulit, na kahit pati ikaw, nasasaktan ka na at parang nauubos na ang iyong sarili kakabigay sa kanya. Kaya sana, maintindihan mo kung bakit ko ito sinasabi sa'yo: ay para ipaalala na dapat ikaw muna ang mauuna. Na dapat, sarili mo naman ang intindihin mo bago ang ibang tao. Trust me, you will appreciate it, just like how you value your worth as well."

Nagpipigil pa rin si Marco habang ako naman ay maka-ilang butil ng luha ang sumibol sa'king pisngi dahil hindi ko na kinakaya ang sakit na bumalot kay Arianne mula sa kanyang nakaraan. Gusto kong ipanalangin kay Bathala na sana matapos na ang banungot na dumating sa kanyang nakaraan at nang makapagsimula siya muli ng panibagong buhay kaya lang... panahon na lamang siguro ang makapagsasabi kung kailan.

Kung kailan ba mahihilom ang pusong iniingatan ni Arianne ilang panahon ang nakalipas.

Kung kailan ba ulit iingatan at babantayan ang kanyang sarili gayong isang beses na siyang nasaktan pero grabe ang naging impact nito sa pinsan ko.

At panghuli, kung kailan ba masasabi kay Arianne na fully okay na siya, gayong puro peklat ang bumalot sa kanyang katawan?

Matagal pa ang aabutin niya bago mawala ang sugat mula sa kanyang nakaraan, gayundin ang dumi mula sa iba't ibang bahagi ng katawan na malapit nang luminis at mawala nang tuluyan. Malalim akong nagpabuga nang hininga at humiling sa kanyang isipan na sana, ma-realize ni Arianne na mali ang kanyang nagawa, kahit noong mga panahong balak nang magpakamatay ang pinsan ko sa sobrang bigat na kanyang nadarama. Nevertheless, if there's any other realization that she'll keep in mind, I would say is this: she should not have loved him.

Sa anim na pantig na salitang iyon ay gusto kong itatak sa kukote niya na hindi niya pwedeng mahalin ang isang taong may bahid ng pagka-red flags, katulad ng nasabi ko sa kanya dati. Sana, maramdaman niya kung gaano kasakit ang magmahal na kawangis sa ina niyang labis ang kanyang hinagpis nang malaman niyang sinasaktan siya ng kanyang asawa...

Whenever I think about the abuse that they've encountered, I can't help but to bawl my eyes out, even at night. Hindi ko maiwasan na mapatanong kung ano ba ang nakain nila at nagawa nilang saktan ang mga taong nagmamahal sa kanya?

Bakit nagagawa nilang lokohin at paasahin sila, at ang mas malala, pinipinta nila ang mga pasa sa katawan ng kanyang minamahal?

Ayokong isipin ang ganoong mga bagay pero pagdating dito, nasasaktan ako. Bakit pa ba kailangang kalimutan ang napagsaluhan ng dalawang taong nagmamahalan kahit pa nasasaktan sila?

Paano?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top