CHAPTER THREE | Was he?
ARIANNE
"Hello mahal!" I joyfully said as I immidiately answered his call. Sabado ngayon, maliwanag ang sikat ng araw na sumisinag sa'kin at sa blue tarpaulin na nagsisilbing yero para sa rooftop. Iyon nga lang, noong nagsalita siya ay napapansin ko sa boses niya na parang kakaiba.
"Hi, Arianne..." aniya. "May sasabihin sana ako sa'yo."
"Ano iyon? May problema ka?" tanong ko sa kanya. Anito, wala naman siyang problema pero... bakit sa tono ng boses niya tila naguguluhan siya?
"Bakit parang naguguluhan 'yung isipan mo?"
Huminga siya ng malalim na siyang naririnig ko mula sa kabilang linya. "Mahal, kaya ako napatawag sa'yo kasi... ngayon pa lang e mukhang mas mabuti na sigurong marinig sa'kin 'to," malungkot niyang saad.
"Mas mabuti na ang alin?"
Nagulat ako nang biglang sinabi sa'kin ang isang nakakalungkot na pangyayari na sa di inaasahan ay magagawa niyang sabihin iyon. His voice was in pity as he said those words, "Mas... mabuti na lang kung tapusin na yung relasyon natin."
Doon ako nataranta. Tatapusin na ba niya ang relasyon naming dalawa?
Pero bakit ganoon?
Sa loob ng isang taong relasyon namin ay matatapos na ang lahat sa tawag man lang at hindi sa personal?
Nagsimula na namang umusad ang mga luha ko mula sa'king mga mata, hindi ako makakapayag na hiwalayan niya ako nang ganoon ganoon na lang dahil alam ko sa sarili ko na minahal ako ni Gio subalit... bakit?
Nagtaka naman ako, "T-teka bakit? May mali ba akong nagawa?"
"W-wala. Wala kang kasalanan."
"Pero bakit ka nakikipaghiwalay sa'kin? Magbigay ka nga ng paliwanag."
Nagsalita naman siya, "Pero Arianne-"
I cut him off, thus I released myself. Screaming in fury, letting out all the pain while tears are trembling in my eyes.
"God damn! Would you please give me an explanation why you're breaking up with me? Langya naman, o!"
Halos napasigaw na lang ako sa galit na nararamdaman ko laban sa kanya na tila ang mundo ko'y pinagsakluban ng langit at lupa. Umiiyak pa rin ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sumagot si Gio sa mga tanong ko.
Katulad ng nangyari kay mama, nabasag na ako. Nasaktan na naman ako na katulad ng isang pader na kapag gumuho ito gamit ang wrecking ball, tiyak pira-pirasong mga bato ang sasalubong mula sa lupa kasabay ng mga malalaking tipak nito sa bawat gilid.
Kinuwento ko sa kanya lahat ng napapansin ko tungkol sa kanya, "O ano? Di ka magpapaliwanag? Uunahan na kita, mula noong nagbago ka ay parang ang sagot mo sa'kin kapag nagtatanong ako ay, 'ok lang ako', 'sige', kahit ang totoo ay may itinatago ka sa'kin noon pa man.
"Noon pa man ay iniisip ko kung may iba ka na ba o may nangyari bang masama sa'yo, tapos ngayon di mo ako bibigyan ng explenasyon kung bakit mo ako hihiwalayan? Alam mo, isa lang ang masasabi ko. Duwag. Duwag ka lang talaga. Duwag ka lang talaga kasi hindi mo sinasabi kung anong meron sa'yo!"
He stormed off, "So, pinapalabas mo sa'kin na duwag ako, ganoon?"
"Oo! Duwag ka lang talaga. Ngayon, tatanungin na kita. May iba ka na ba? Ha?" I said, full of gloom and melancholy. Natahimik naman siya.
"Sumagot ka, Gio!"
He raised his voice na siyang nagpapikit sa'kin nang mariin, "Oo na, oo na, sige na, Arianne Jade! May iba na ako! Oh, masaya ka na?"
All my life, it felt like all my dreams were scattered and torn into pieces. Parang nag-iba ang mundo ko nang nalaman kong may iba na ang ex-boyfriend kong si Gio. Hindi ko nilayo ang sigaw niya sa earpiece ko dahil kahit magbingi-bingihan man ako, wala akong pakialam dahil mahal ko pa rin siya...
...or so I thought.
Nagtanong na naman ako sa kanya, but this time, with tears in my eyes. "Gaano na ba kayo katagal?"
"Actually... mga dalawang buwan mahigit habang tayo pa lang."
Doon ay nilabas ko na ang galit sa kanya, mula sa puso papunta sa bibig ko. Nabasag na ang puso ko sa nangyari, parang hindi ko kakayanin ang sakit na bumabalot sa'kin mula sa kinatatayuan ko ngayon. Mas nangibabaw sa'kin ang hapdi na aking naramdaman dahil tila bato ang sumalubong sa'kin nang marinig ko ang huli niyang sinabi:
"I'm sorry, pero mas mabuti pang itigil na natin 'to. Tama na siguro ang ilang buwan ng relasyon natin, Jade. Pigilan mo na ang anumang nararamdaman mo para sa'kin. Dahil sa mga oras na ito, pipigilan ko na rin ang sarili ko na mahalin at magustuhan kita. Forget all of our memories that we've had. Forget me, forget everything.
"Makakahanap ka rin ng isang tao na karapat-dapat kang magustuhan. Pero hindi na ako iyon. Hahayaan pa rin nating dalawa ang maging masaya para sa isa't isa. Sorry, but it's time for me to meet the sun, my moon. Sige na, ibababa ko na ang tawag."
Ang sakit.
Sobrang sakit.
Pakiramdam ko noon, tila mga pira-pirasong karayom na tumutusok sa'kin, lumalalim nang lumalalim hanggang sa tuluyan na siyang dumaloy papunta sa'king kaluluwa. Mula noong inamin niya sa'kin na may iba na siyang mahal, doon ako mas lalong nasaktan nang sobra.
Even when it hurts, I am not aware.
I am not aware of those things that happen when I'm in a relationship.
At ngayon ko lang ito nalaman.
Hanggang sa mga oras na ito ay gusto kong mailabas ang sama ng loob ko nang dahil sa kanya. Napaupo ako sa kahoy na upuan habang kinakapa amg malambot na unan na siyang yayakap sa'kin dahilan para paglandasin ang mga luha ko nang walang nakakarinig sa pamilya namin.
Ayoko lang nilang malaman na umiiyak ako, gusto ko lang maiparamdam sa kanila na okay ako. Na nasa maayos na akong kondisyon, kahit ang totoo ay nasasaktan ako. Si Arianne Jade na ngayon lang nakaranas ng ganoong katinding sakit mula sa kanyang nobyo.
I don't know why but it hurts so bad seeing myself hurting due to my love for him, but then I just realized... tama ang payo sa'kin ni Kuya Kenzo noon.
"Arianne, kahit anong gawin mo, huwag na huwag kang makikipagrelasyon sa Gio na iyon, okay? Kilala mo naman ako, allergic ako sa mga tao na noong umulan ng red flags ay talagang sinalo na nila lahat, at ito ang isa sa mga bagay na talagang kinaiinisan at nagpasuka sa'king kalamnan."
Kung nakinig ako noon sa payo niya, e 'di sana ginawa ko na. E 'di sana umiwas na lang ako sa kanya... pero wala. Sadyang nagpabulag ako dala ng intensyon niya sa'kin.
Hindi ako nakinig sa payo niya, bagkus ay tinuon ko ang atensyon ko sa mga green flags na siyang binago ko para sa kanya... pero nagkamali ako.
Wala akong kaalam-alam na sa likod ng bawat mga ngiti niya'y isa siyang traydor - na para sa'kin, si Gio ay bayolente at talaga nga namang babaero sa paningin ko.
Naging tanga na ako... at flagpole.
What more could I expect from mine?
***
"Ang saklap pala ng nangyari sa inyo," seryosong saad ni Martin nang matapos ang kwento ko habang siya'y kumakain ng tira niyang fries, kasabay niyan ay ang paglabas ng isang buntong-hininga mula sa kawalan.
"Yeah," I said, sipping a little bit of softdrink before glancing out of nowhere. "And that is the story of how Gio and I ended in a tragic way. Well, I just realized what Kuya Kenzo's advice meant to me after all... that I deserve better more than they could expect. I don't deserve all of the red flags from the people I encountered with. That I deserve love and assurance not just for the people like you guys, but for myself as well."
Tumango na lamang si Martin sa nasabi ko. Nakakatawa lang na alalahanin ang mga alaalang napagsaluhan namin noon, pero sa totoo lang, talagang natuto na ako sa paraang tinanggap ko na kung ano ang kinahantungan ng istorya naming dalawa. Magmula nito ay itinuon ko ang atensyon ko sa pag-aaral at pag-explore ng iba pang mga bagay nang sa ganoon ay makalimutan ko siya... kahit masakit.
"Ibig sabihin ba nito, si Gio, siya yung Campus Bully na naging girlfriend mo noon?" naunang tanong ni Martin pero hindi ako nakasagot sa dahilang ayokong alalahanin ang tanong na iyan, sa halip ang pinsan kong si Kuya Kenzo na ang sumagot sa tanong niya.
"Oo, at hindi lang siya bayolente - babaero itong ex niya kung kaya't ewan ko ba sa pinsan ko, ginawang berde ang pula," banat ni Kuya Kenzo sa'kin kasabay ng pag-alis sa pwesto niya upang magtapon ng basura.
Wow. That hit a nerve.
Sumabat naman si Andrea sa usapan, "Balita ko last week, may panibago na naman si Gio ah?"
"Oo nga. Narinig ko na rin na ka-fling niya na rin yung kasama niya dito sa campus," ani TJ sa kanya. Maliban sa'kin ay sinulyapan nila si Gio at sa bago niyang kalandian - na ngayon ay nasa lobby at nag-uusap nang masinsinan.
Talagang nagsama pa ang mga walang hiya, a! Sa bagay, walking red flag naman talaga siya.
The bell rang, hudyat iyon na tapos na ang recess namin at babalik na kami sa kani-kaniyang mga classroom kaya nagpasya kami na magpaalam sa pinsan kong si Kuya Kenzo. Wika ko, "Sige na po, aakyat na po kami sa room namin. Kayo po ba?"
"Sasabay na ako sa inyo."
Tinapik niya ang balikat ni Martin bago siya nagsalita, "Ikaw Lacanlale, ayusin mo iyang pinagkainan mo, a!"
***
"Arianne, was he having an another woman when you two broke up?"
Nagulat ako sa tanong na binato ni Martin sa'kin habang nagrereview para sa quiz namin. Nilingon ko ang tsokolate niyang mga mata at hindi ako nakasagot sa kanyang tanong, kahit hindi ito kumportable para sa'kin at mananatili na lamang itong sikreto kahit kailan.
"Sorry, I'm uncomfortable to answer that question."
"Ayos lang, naiintindihan ko," malumanay niyang banggit. Bakas sa kanyang mukha ang hiya na kanyang naramdaman na parang gusto siyang lamunin sa lupa. Nilayo niya muna ang mukha niya bago ito tinapat sa'kin kasabay ng pagligpit ng mga gamit niya na siyang ilalagay sa bag.
He called my second name, "Pero, kung may maipapayo man ako sa'yo dahil bago pa lang ako sa campus, isa lang ang masasabi ko. Nagmahal ka ng totoo, pero sa maling tao pa. Ngayon kasi, marami nang mga lalaki ang nagloloko at ang malala pa rito, pinapaiyak nila ang mga babae na dapat ang trato sa kanila ay prinsesa... pero di ko naman nilalahat."
Napahagikhik siya sa tawa niya... at inaamin ko, ngayon ko lang nagustuhan ang kalmadong tawa niya. Mukha itong straight to the point at halata sa kanyang mukha ang mala-kuneho niyang ngiti na bumabagay sa kanya.
"Ang pinupunto ko rito ay, tama naman si Kuya Kenzo. Huwag kang basta-basta magpapabulag sa mga red flags na katulad niya sapagkat pagsisihan mo ang lahat ng ito sa dulo. Para naman sa iyo ito, hindi ba?"
Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Pagkatapos ng mga quizzes at lectures ay nagpasyahan naming apat kasama si Alexis na mag-lunch sa canteen, tutal siya naman ang nagyaya sa'min dahil ika nga niya, libre sapagkat kakatapos lang i-celebrate ang first monthsary nila.
Habang hinihintay ang pagkaing inorder nina Alexis at Andrea ay nagtanong sa kanya muna ako kay TJ tungkol sa kanila ni Alexis. Ani ko, "Matanong lang kita. Bakit mo naging crush si Alexis? No wonder, pinili ng tadhana na maging kayo kahit na aso't pusa kayo parati noong last year."
Nang sinabi ko sa kanya ang tanong ay tuluyan siyang napahagikhik, senyales na mukhang kinilig siya sa tanong ko.
"Ayiee, TJ! Kinikilig ka, ano? May 'di ka pala sinasabi sa'kin!" pagbibiro ni Martin na siyang tinanggihan ng Tyler na iyon.
"Hindi! Huwag kang maniwala sa kaibigan mong colorblind-"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Anak ka ng pu- anong colorblind?
Napatawa na lamang si Martin sa sinabi ko, "Simula noong nasa klase tayo kanina e hindi mo maalis-alis ang tingin mo sa girlfriend mo habang kumakain! Ikaw talaga..."
"Kita mo na, TJ! Kahit baguhan siya, ganyan agad ka-spy si Martin pagdating sa'yo kaya huling-huli ka na!"
Napamura siya nang mahinahon, simula noong Grade 7 ay naging crush ni TJ si Alexis kaya parehas ko silang shini-ship dahil sa pagiging aso't pusa nila. Palagi silang nag-aasaran at nagbabangayan maging sa loob ng campus kung kaya't lagi silang napapagalitan ng adviser namin and worst, pinatawag sila papunta sa principal's office dahil sa ginawa nila, isa pa, umaasa kami nina Andrea at Samara na sana, silang dalawa ang magkatuluyan... at iyon nga, dininig ni Bathala ang hiling namin sa kanilang dalawa.
Talagang tinotoo nila ang katagang, "The more you hate, the more you love," a!
"Loko kayo, Arianne at Martin!" sabi niya sa'kin sabay hagalpak sa tawanan naming dalawa.
"Sagutin mo muna tanong ko," wika ko. "Bakit mo naging crush si Alexis?"
"Uhm..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top