CHAPTER TEN | An ex-lover's tale

GIO

Simula noong nakita ko ulit si Arianne, parang may kakaibang nangyari sa'kin. Ilang buwan na ang lumipas simula noong nagkahiwalay kami ay bigla ko na lamang siyang inaalala kahit may iba akong girlfriend nang mga panahong iyon. Nagbago man ang nararamdaman ko para sa kanya, ngunit ang kanyang pagmumukha ay hindi pa rin dala siguro ng laging pagpapakita ng mukha niya na naglalaro sa'king utak.

Wala.

Umaasa pa rin ako.

Umaasa pa rin ako na sana, magkabalikan kaming dalawa pero anong nangyari?

Nang dahil sa'kin, nasira na lahat ng pangarap na nabuo naming dalawa. Gumuho na ang lahat ng alaala namin nang dahil sa isang pagkakamali — isang pagkakamali na kung maibabalik ko lamang ang panahon, dapat ngayon pa lang ay pinagsisihan ko na kaagad ang nangyari… ngunit wala na akong magawa dahil huli na ang lahat ng nasa amin.

Kung ako, si Gio Franco Floriano, ay kaagad naramdaman ang pagmamahal na pinaramdam ni Jade sa'kin, paano pa kaya kapag sa sariling magulang ko pa? Kahit pa ang mismong tahanan na pinanggalingan ko, hindi ko lubos maisip na mawawala na lamang bigla ang pagmamahal na pinaparamdam nila sa'kin… dati.

Nag-iisang anak ako na nanggaling sa isang marangyang pamilya. May tinatakbong negosyo ang aking mga magulang subalit mas inuna nila yung mga iyon kaysa sa'kin. Kapag pagod sa trabaho ay binabati ko sila ng "good morning" o "good evening," pero ni bati pabalik e wala man lang silang pasabi. ‘Yung mga kamag-anak ko nasa malayo, ang iba naman ay nasa abroad para mag-trabaho at tumira roon it's either pansamantala o panghabambuhay.


Magmula noong elementary, wala akong naging mga kaibigan ni isa. May mga oras na kinukutya nila ako at sinasabi ng kung anu-ano, na higit pa sa pagmamahal ang kaya nilang ibigay, at iyon ay ang trabaho pati ang yaman.

Wala e, they're used to it. And so am I.

Pagkatapos ng mahabang panahon, nagsimula akong mapabarkada. Minsan sumasabak ako sa mga gulo laban sa iba ko pang mga estudyante kaya ang ending pinapa-guidance nila ako sabay patawag ng mga magulang ko at sa huli ay manenermon na naman sila sa'kin sa bahay. Papasok sa utak, lalabas sa tainga, ika nga.

Another thing that I didn't mention is the next day, I didn’t have the chance to attend classes. Umabot ito ng ilang linggo bago nila napagalaman na kaya hindi ako pumasok ay dahil sa maglalakwatsa kami ng mga kaibigan ko, magyo-yosi o kung anuman.

Wala.

Naimpluwensya na ako.

Madami akong ginawang mga kalokohan sa loob at labas ng school katulad ng cutting class, iinom tapos papasok ng lasing… hanggang sa dumating ang araw na pinatalsik ng school kasi marami na akong mga nilabag na rules and regulations at mga records na naisulat ng mga teachers that time.

Isang gabi, nagtalo kami ng pamilya ko at nang napuno na ako ay umalis na ng bahay dahil sa mga kinikilos at sinasabi nila sa’kin. Paglabas habang bitbit ko ang iba pang mga gamit ay bumuhos ang luha sa aking mga mata, kasabay nito ay ang biglang pagdagundong ng malakas na ulan na naging hudyat upang sabihin ang gusto kong sabihin.

Na kung bakit ako nagsisisi.

Akala ko kasi noon, habambuhay ko silang mamahalin… pero hindi pala. Kasi ni minsan sa buhay ko, hindi na nila naramdaman ang pagmamahal na binigay nila sa'kin. Hindi rin nila ako sinusuportahan sa pag-aaral ko, tingin nila kasi ng mga magulang ko sa’kin,  tamad na tao lang ako.

Walang magawa.

Walang pakinabang.

Walang silbi.

Palamunin at lasinggero.

Nasanay na akong sinasabihan nila ako ng ganito. Wala na akong pake sa sinasabi ng ibang tao sa'kin. Cold na kung cold pero wala. Iba talaga kapag kaharap mo tapos kausap mo sila, at kapag nakatalikod ka, mararamdaman mo na lang na bina-backstab ka na nila.

Sinasabihan ka nila ng kung anu-ano tungkol sa'yo.

Masakit, pero ganun talaga ang buhay.

Minsan iniisip ko, ano ba ang pagkakamaling nagawa ko sa mga magulang ko?

May ginawa ba ako sa kanila kaya iyan ang nagiging resulta nitong nangyari sa pamilya namin?

Ang sagot: hindi ko alam.

Makalipas ang isang buwan simula noong nagbago na ang ugali ko at sumatutal, naging cold-hearted ako. Tahimik, walang kausap, mag-isa.  Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila pero bakit ganito?

Bakit ganito ang nangyari sa'kin ngayon? Bakit ba ganito ang kinahinatnan ng pamilya ko? Wala naman akong alam na ibang gawin kundi ang lambingin sila, dati. At sa huli, bakit pati ng mga kaibigan ko ay tuluyan na silang lumayo ng paisa-isa?

Mahirap para sa'kin ang sinapit ko noon. Pero anong magagawa ko ‘di ba? Sinaktan at ginamit nila ako na tila isang laruan na kapag nagsawa na, saka pa ito ibabalik sa dati nitong lalagyanan. Kaya gaya ng nabasa kong libro, ipinangako ko noon sa sarili ko noon na hindi na ako magtitiwala pa sa ibang tao, o kahit na sa pamilya ko.

But on my 15th birthday, something unexpected happened.

***

A year ago…

"Uy Gio! Puntahan mo na si Arianne, dali!" yayang sabi ni Matt sa'kin. Magmula noong pumasok ako sa St. Bernadette High, dito ko na siya nakilala kasama sina Paolo at Roi. Grade 9 pa kami noon at magkasama kaming apat sa isang theater club kung saan sa hindi ko inaasahan, nandito rin si Arianne sa nasabing organisasyon.

"Pre, kasi..." nahihiya kong saad sa kanya. Napalingon ako sa kremang kutis at iksi ng buhok niya habang kinakabisa niya ang mga linyang sasabihin para sa stage play. Ako’y isang tipo ng lalaki na hindi makatingin nang diretso nang dahil sa kanya dala ng sobrang hiya at sa parehas na pagkakataon ay kilig ang naramdaman ko simula noong una ko siyang makita.

“Medyo nahihiya kasi ako, e.”

Nirolyo ni Roi ang kanyang paningin papunta sa’kin, "Ano ka ba naman, Floriano! Ang KJ mo! Maganda kaya si Arianne! Mabait, matalino at higit sa lahat, friendly! Saan ka pa!"

"Oo nga," pakling sabi ni Paolo. Nagdadalawang isip ako kung paano ko ba siya haharapin ng husto: dapat ba akong magpakilala sa kanya?  Do I have the chance to say, “hello?” Baka kasi sungitan niya ako kapag nagkaganoon…

Hinilamos ko ang mukha ko habang pinag-iisipan kung ano ang aking gagawin habang ang tatlong ugok ay hinikayat nila sa'kin na gawin iyon na tila mga kandidato na nangampanya bago dumating ang Mayo para sa eleksyon, subalit wala namang masama kung sususbukan diba?

“Tangina, sige na nga! Pumapayag na ako!” singhal ko sa kanila bago nila ako itulak papunta sa kanya.

"Go Gio! Walang hiya hiya rito, tanga!" bungad ni Roi habang tinatahak nila ang daan patungo sa pwesto ni Arianne na ngayon ay kasalukuyang nakaupo sa sahig ng covered court ng SBNHS.

Sumalo naman sina Matt at Paolo sa usapan, "You can do it! Para sa bayan!"

Matapos nito ay nagpakilala na ako sa kanya at dito nagsimula ang aming pagkakaibigan — sa isang role play kung saan kaming dalawa ang bida sa kwentong aming gagampanan. Nang matapos ay hindi pa rin nawawala ang connection naming dalawa hanggang sa napagtanto ko na lamang na may gusto na ako kay Arianne nang dahil sa kanyang attitude at kabaitang ginawa niya sa'kin. Samantala…

"Gio, kamuta ang panliligaw mo kay Arianne?" panimulang tanong ni Roi sa'kin.  Sabado ngayon at wala naman akong gagawin sa bahay ng kaibigan ko kaya nagpasya ako na maghanda ng makakain at maiinuman para sa araw na ito.

"Ayos naman," pasimple kong sagot. "Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para mapasagot ko siya, iyon nga lang,  iniisip ko kung kailan ko siya sasagutin."

"Teka," nauutal na saad niya bago pa siyang mabilaukan sa kinain niyang tinapay, muntik nga lang. "Anong sabi mo? Sasagutin mo si Ari? Pre, she's 13 years old and you're 15! Ambabata niyo pa para pumasok sa isang relasyon!"

"Roi, buo na ang desisyon ko. Bahala na kung anong mangyari basta sisiguraduhin ko na mamahalin ko si Arianne: iingatan at hindi pababayaan, tumanda man o bumata."

"Pero Gio—"

"Roi, anong magagawa ko e nandyan na.  Isa pa, alam ko sa sarili ko na kaya ko. Kaya ko siyang mahalin nang totoo, hindi tulad ng mga magulang ko na mas iniisip ang yaman kaysa sa'kin. Pero si Arianne? Mararamdaman at mararamdaman niya pa rin ako. Na mahal niya ako. At iyan ang pinakanaiisip ko sa kanya."

"Sigurado ka ba diyan?" tanong niya sa'kin na siyang ikinatahimik ng aking kaluluwa. "Alam mo pre, sa totoo lang,  hindi talaga siya naghangad na magkaroon ng boyfriend kasi sapat na sa kanya na ang mga pamilya niya pati kami, tapos ikaw?"

"Hindi naman sa pagmamayabang. I know her already. Mula sa buhok niyang maiksi hanggang sa mabaho niyang paa eh talaga nga namang kilala ko kung anong meron sa kanya," I explained to him. Alam kasi niya na wala pa kami sa tamang edad para magmahal kaming dalawa ng tuluyan, pero wala eh. Buo na ang desisyon ko. Desisyon kong mahalin ko si Arianne ng buong-buo hanggang sa pagtanda namin.

Napabuntong-hininga na lang si Roi, "Ikaw bahala. Desisyon mo yan, e."

***

"Ano Gio? Kinakabahan ka pa ba?" tanong ni Roi sa'kin, di ko alam kung tama bang gagawin ko iyon kasi isa lang ang posibilidad kapag tinanong ko siya kung pwede ko ba siya maging girlfriend pagkatapos ng ilang buwan kong panliligaw sa kanya. Kung reject, e 'di tatanggapin ko na lang. Mare-realize ko na tama pala ang mga sinabi niya sa'kin.

Na hindi talaga kami pwede para sa isa't isa.

Na masyado pang mga bata para pumasok sa isang relasyon na hindi ko alam kung handa na ba kami o sadyang hindi ko talaga kaya.

"Hindi ko alam eh," nag-aalinlangan kong sagot. "Pero sisiguraduhin ko na gagalingan ko alang-alang kay Arianne at sa magiging future namin."

Ginulo niya muna ang buhok ko, "Sigurado ka? At talagang iniisip mo pa agad ang magiging future niyo ni Ari, a! Mag-hunos dili ka!"

Huminga ako nang maluwag bago namin tinunton ang Class 7-3, "Oo nga! Tarantado talaga 'to!"

Nakita ko siya pati ang mga kaklase niya na kumakain, ang ilan ay naglalaro ng 5v5 action game kaya ang ginawa ko na lamang ay nagplano ako sa kanila for the last time.

"O ayan, nandito na tayo," wika ko sa kanilang tatlo saka ko sinabi isa-isa ang kanilang gagawin sa araw na ito. Naiintindihan naman nila iyon kung kaya't sabay-sabay kaming bumaba patungo sa lobby maliban kay Roi na ihahatid si Arianne mula sa section nila papunta sa'kin.

Pumipintig pa rin ang puso ko sa sobrang kaba, pero ito na yata ang tsansang gagawin ko para mapasagot ko siya — at maging totoo ang mga firsts na ibibigay ko para sa kanya.

Kaya mo iyan, Gio. Darating din ang araw na masasambit ni Arianne ang matamis na oo na palagi mong hinihiling tuwing gabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top