CHAPTER SIXTEEN | The rising action

ARIANNE

"Good morning, Arianne!" panimulang bungad ni Kuya Kenzo sa'kin papalapit sa'king mukha. Jusko, anong ambag ng pinsan kong 'to at bakit nilapit niya ito tsaka... ewww! Naamoy ko yung mabaho niyang hininga na pang isang isda na lumalansa papunta sa'ming ilong!

Nice Insan, ang gandang bungad niyan sa'kin ah. Sa suot niyo pong all-white sando, short at slippers ay kitang-kita ko ang tindig ng katawan niyo, yun nga lang, para na akong masusuka dito sa amoy panis na hininga niyo!

"Yikes, Kuya!" pandidiri kong banggit sa kanya. Nilayo ko ang aking mukha  bago ako tumayo sa kama, "Ang baho po ng hininga niyo! Hindi na naman po ba kayo nagsipilyo?"

He shrugged. 

"Sabi ko na po ba! Siguro ganyan yung ginawa niyo kay Marco, ano po?" 

Then he nodded one more time before I finally realized. Siguradong iba ang magiging reaksyon ni Marco kapag naamoy niya ang mabahong hininga ng kuya niya. 

"O bakit ikaw? Di ka ba nagsipilyo kagabi bago tayo matulog?" tanong niya sa'kin. Aba, sa suot kong all red sleepwear ay makikita mong nagsipilyo ako kagabi sa lababo ng kusina! 

"Opo!"

"Sure ka?" Tumango naman ako, "Weh?"

"Nagsipilyo po ako, noh! Si Marco rin, nagtoothbrush! Sadyang hindi lang kayo nagsipilyo sa'ting tatlo. Mouthwash lang sapat na po sa inyo," paliwanag ko sa kanya nang biglang... 

"Kuya Kenzo! Ate Arianne! Ano po bang hinihintay niyo?" wika ni Marco sa'ming tatlo habang nakatapis ang kanyang puting tuwalya sa ibaba. "Maligo na po kayo at may pasok po tayong tatlo!" 

Nagkatinginan kami ng pinsan ko, oo nga ano! May pasok pala kami at isa pa, sabay kaming magpapahatid patungong campus. Ano ba naman iyan, Arianne!

"Wait lang, Marco! Aayusin ko lang yung higaan ko," banggit ni Kuya Kenzo papalayo bago niya ako inutusan. "Jade, 'yung higaan mo!"

"Opo, kuya!" 

Sa'ming tatlo, si Marco ang maagang gumigising. Maaga pa lang ay gising na agad siya bago kami... sadyang ang kuya niya lang ang 6AM kung gumigising kakapuyat sa ka-chat niya kaya minsan ay nalelate sa campus.

"Morning po, ma!" bati ko sa mama ko na ngayon ay naghahanda ng baon at breakfast sa'ming tatlo. May nakalagay na tigta-tatlong isang daan sa lamesa kaya kinuha namin iyon. At syempre, may nakahandang agahan na niluto para sa'ming tatlo.

"Morning, Arianne. At good morning sa inyo, Kenzo at Marco. Heto, agahan niyo," malumanay na wika ni mama bago kami umupo sa hapag at kumain. Habang kumakain kami ay may biglanng nag-vibrate sa phone ko. Binitawan ko ang isang tinidor para buksan iyon at nang makita ko, si Samara pala iyon.

Samara:
Arianne!
Anong balita sa date nyo ni Martin?

Hays. Heto na naman po siya. Hinayaan ko na lang ang phone ko na magpatunog ng notifs at nagpatuloy sa pagkain nang bigla akong tanungin ni Kuya Kenzo, "Jade, sino yung tinitignan mo sa phone? Si Martin?"

"Hindi po," tanggi ko, "si Samara po. Nagtext sa'kin."

Tumango si Kuya Kenzo at nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Nang matapos ay tinignan ko ang oras. 6:38AM na. Hindi ako pwedeng ma-late…

Ngayon pa lang ay nagpaalam na kaming tatlo kina mama, sina Tita Clarisa at Tito Jun mamaya pa sila gigising dahil as usual, mga 11pm sila natutulog. "Bye po tita!" paalam na banggit ni Kenzo kay Mama sabay halik sa pisngi, ganoon din si Marco. Niyakap ko na rin siya at lumabas kaming tatlo para maghanap ng masasakyang traysikel. 

Nang dumating ay kaagad na kaming pumasok kasama si Marco, si Kuya Kenzo ay sa tabi ng drayber. Habang nakasakay kami ay biglang nag-vibrate ang phone ko sa'king bulsa, hudyat samu't-saring mga messages ang bumungad mula kay Samara — in all caps.

Samara:
NICE TALKING
DI KA MAN LANG NAGREPLY
HOY JADE MAG-REPLY KA NAMAN ANO

Aba, aba, aba! Napakabilis mo naman Samara, ano? Siya ang pinakanagmamadali sa'ming magbabarkada. Kumbaga, gusto niya siya ang mauuna sa'min bago kami. Rush kasi 'tong babaeng 'to, kaya siya laging ginoghost ng mga past crushes niya. At talagang hindi pa soya nagpatinag, a!

Arianne Jade:
KUMAKAIN KASI AKO KANINA
kaya di ako makapagreply sa'yo

Hay nako. Kahit kailan talaga itong babaeng 'to. Saksakan ng pagkarush. Napahagikhik na lang ako habang tinatype ko yung mga sinasabi ni Samara nang hindi nalalaman ni Marco, na ngayon ay nakatulog na sa balikat ko. 

'Di ba? Ang sweet ng pinsan ko. For sure mamaya pag nakarating kami ng SBNHS ay gigisingin ko siya.

Samara:
Sorry naman!

***

"Bayaran ko na lang po," sambit ni Kuya Kenzo kay Mamang Drayber pagkatapos ng maiksing biyahe papuntang SBNHS. Iniabot niya ang 50 pesos na bayad at mula niyan ay hindi siya nagbigay ng kahit na anong sukli galing sa pinsan ko. 

"Sakto na, sapat na," hayag niya sa pinsan ko. "O siya, aalis na ako."

Kumaway na kaming tatlo sa kanya bago siya nagmaneho papunta sa malayo. Pumasok na kami ng campus, at saktong-sakto ay pumasok sina Martin at Kuya Benj na dala ang kanyang bike, at sina Samara at Ate Louisse na kakasakay nila ng traysikel. 

Sa isang sulyap at kaway ni Louisse kay Marco ay abot hanggang adrenaline rush ang kilig ng batang 'to at abot tenga pa ang kanyang ngiti na konti na lang ay mapupunit na ito nang dahil sa kanya.

"Huy  Marco!" tawag ni Kenzo kay Marco, ngunit ni isang salita ay walang sinagot sa kuya niya. Natulala na lang ang siya sa kagandahan ng isang babaeng mas matanda sa kanya, isa pa, alam namin na puppy love ito para sa nakababata kong pinsan.

"Hello? Earth to Brent Marco?" Sabay kaway ng kamay niya katapat ang kanyang mukha. Napapikit na lang siya saka siya yumuko at kinusot ang mata nito.

"Anong sabi niyo, Kuya?" tanong ni Marco sa Kuya niya, but the older smirks on him. He lightly punches his younger sibling's head before he speaks, "'Yan kase, Marco! Kakatulala mo kasi kay Louisse! Ayan tuloy, biglang nawala bago ka yumuko." 

Nang walang kaanu-ano'y hinayaan ko na lang ang pag-uusap nilang dalawa bago ako umakyat patungong Class 8-2. Bahala silang ma-late sa klase.

***

"Hoy Jade! Anong balita?" bungad na tanong sa'kin ni Samara na nakatayo sa likuran ng upuan ko. Ngayon kasi wala ang mga teachers dahil may mga meeting sila para sa SBNHS. May iilan sa'min ang matutuwa't madidismaya, pero ang pinaka-advantage rito ay sa wakas, pwede na silang mag-ingay at gumawa ng kung anu-ano na wala ang mga teachers. 

"Tungkol saan?" tanong ko sa kanya na kunwari ay wala akong alam tungkol sa nangyari. 

"Tungkol sa inyo ni Martin! Anong balita tungkol sa inyo? Umamin na siya sa'yo? Naging kayo na?"

"Grabe ka na, Samara!" banggit ko sa kanya. "Napaka-rush mo talaga kahit kailan."

"Sorry naman! Nae-excite na kasi ako na maging kayo, e!" pabulong niyang sabi saka kinilig ang loka. 

Kinurot ko siya sa tagiliran nang marinig ko ang kanyang sinabi, "Huwag kang magsasabi ng ganyan, Samara! Baka marinig ni Martin kapag nangyari iyon!"

"Chill Arianne, huwag mong ganyanin si Samara," dagdag ni Alexis na nakaupo habang ngumunguya ng lollipop sa harapan ko at katabi si Andrea na nagbabasa ng libro. "Dahil sa'ting lahat, alam na namin ang tungkol sa inyo ni Martin. Hula ko nga palagi kayong magkasama at magkasabay pauwi tsaka, muntik mo na kami makalimutan because of him." 

Sa totoo lang, para na yata akong kinakabahan sa sinabi niya sa'kin. Paano niya nalaman ang tungkol sa'min ni Martin? Did she had any ideas just to know about us? 

How?

My jaw dropped. "Wait, what?"

***

THIRD PERSON

"Anong alam niyo ang tungkol sa'min ni Jade?" tanong ni Martin kay TJ na nasa tabi niya at hinihintay ang update tungkol sa kanilang dalawa. Nakakakaba kapag ikukwento sa mga kanyang mga kaibigan ang tungkol sa nangyari, dahil sa totoo lang, iba ang magiging epekto nito. 

"Simple," pakling sambit ni TJ bago siya magpaliwanag. "Base sa obserbasyon, madalas namin kayong nakikita ni Arianne na naglalakad papauwi sa inyong mga tirahan, kung minsan ay hinahatid mo siya sa pamamahay niyo. Nagkunwari na lang kami na walang alam nang dahil sa nangyari, pero kapag may isa sa inyo ang sasama sa inyong dalawa, alam mo ang sinasabi nila pagkatapos?"

"Ano?" 

Nagsalita si TJ papalapit sa kanya, "Nati-third wheel na sila sa inyo. Maski ako, hindi makapaniwala sapagkat ginagawa niyo na akong chaperone kapag naglalakad kayo ng kaibigan ko, pati ang mga pinsan ni Arianne e mukhang nadapuan ng hiya dahil sa inyo!

"Hindi naman sa nakikichismis ako pero, usap-usapan na kayo sa Grade 8 maski sa hallway kung alam mo lang," ani TJ na kung makapagsalita siya ay iisiping isa siyang private investigator na tinatanong ang lahat ng mga nangyayari sa loob ng interrogation room.

Umiling na lang si Arianne at ganoon na rin si Martin, na ngayon ay nasa side niya kasama ang kanyang kaibigan.

"Kung pwede ko lang sanang i-normalize ang sa'ming dalawa ni Arianne, ginawa ko na kaya lang…" ani Martin sa kanyang kaibigan, na ngayon ay napapalibutan na ng inis nang dahil sa pangyayari. Napapaisip ang binata matapos niyang sabihin ang linyang iyon, na normal ba mula sa kanila ang pagiging magkaibigan na galing sa opposite sex?

Sa bagay, isang galaw niyo lang, iba ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa inyong dalawa. Na sa mundong ito, kapag magkatabi, issue agad. Kapag maglalakad, magpupunas ng pawis o nagtutulungan ang dalawang tao, automatic pagchichismisan ka nila. At iyon ang naramdaman nina Arianne at Martin nang mga oras na iyon.

Maya-maya lamang ay kinuha niya ang kanyang cellphone bago niya i-text si Arianne:

Jan Martin:
Hope you don't mind, but can we talk?
Privately?

***

Kahit wala silang kasalanan ay agad silang pumunta sa detention room — malayo sa mga taong nagpasimula ng tsismisan sa 8-2. He taps his feet while Arianne started singing to ease the awkwardness and tension between to two of them. Ilang saglit pa ay biglang tumayo si Martin, kinuha't nilapit ang upuan ni Arianne bago ito tumabi sa kanya. 

"Jade," tawag niya sa kanyang kaibigan. Lumingon agad ito sa kanya,"Ma-issue ba talaga ang mga kaibigan mo?"

"Lagi namang ganun," she answers. "Makita ng isa sa'min ang mga issue sa internet, pagchichismisan pa namin. Tsaka, wala naman kaso sa'min iyon. Ang kaso, damay pati tayo. Ayan tuloy, nao-awkward na talaga tayo sa isa't-isa. Even sa klase."

"Hayaan mo na iyon," ani Martin bago niya hinawakan ang kaliwang kamay ni Arianne. "Syempre may iba sa'tin na hindi alam ang kwento nating dalawa, e magkaibigan naman talaga ang turingan natin sa isa't-isa diba?"

Kitang-kita ng binata sa mga mata niya kung paano siya nag-alala tungkol sa sinasabi nila, pero parang naiintindihan na niya. May mga tao talagang kahit kailan ay masasabihan ka ng kung anu-ano nang di nila alam ang buong kwento nito.

Ilang segundo pa ay nagsalita ulit si Martin, "Arianne..."

"Yes?"

Kaagad siyang buminga nang malalaim at ang kanyang mga paa ay mabilis na pumipilantik nang mahinahon dulot ng kaba na kanyang nadarama kasama siya.

"May gusto sana akong sabihin sa'yo." 

***

Bago ko pa makalimutan. Samara from BHALS is different from Amara from OAAH. Same sila ng pangalan, iba nga lang ng personalities. Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top