CHAPTER SIX | Truth or dare?

From halfway there, new scenes will be added and rewritten on the story.

***

THIRD PERSON

Pink printed crop top, black skirt at grey na rubber shoes — ilan lang ito sa napiling suot ni Arianne na siyang gagamitin para sa birthday party ng kuya ni Martin, bukod pa rito ay hinanda niya ang regalo na hawak niya at ang purple rounded sling bag na may lamang cellphone, wallets, panyo at mga tirang kendi sa bulsa.

Kinuha niya ang pulbo sa itaas ng drawer bago niya ilagay sa buong mukha niya dahilan upang matakpan ang mga tagiyawat na nagmumula sa bawat sulok ng kanyang mukha, at para mas lalong gumanda ay pinahid niya ang light pink niyang lipbalm na nabili sa isang tiangge malapit sa bahay ni TJ.

"Arianne, parating na ang traysikel!" bulyaw ni Kenzo sa kanyang pinsan mula sa malayuan. Iniangat niya muna ang kanyang labi sa loob para tignan kung may naiwang lagpas bago ito alisin. She popped her lips for one second, plastering a smile on her face as on cue.

"Ayan, lalo ka nang bumu-blooming, Arianne Jade!" masiglang bati niya sa kanyang sarili sabay hagod sa kanyang itim na buhok. Sinuot niya muna ang sling bag bago nilisan ang kanyang kwarto at sinarado ang pinto. Bumaba siya sa kanyang kwarto at nakita niya sina Kenzo at Marco — na ngayon ay pormang-porma sa kanilang sarili na tila manonood sila ng sine sa isang mall.

Weird.

Tinawag niya ang panganay sa kanyang pangalan, "Alam niyo po, hindi po bagay sa inyo ang magsuoy ng beret lalo na po't sa bahay lang naman tayo ni Kuya Benj pupunta."

"Oo nga naman po Kuya," ani Marco na nakasuot ng itim na leather jacket na sa loob ay may plain white na damit, itim na pantalon at puting sapatos na talagang sumisilay ang kagwapuhang tinataglay niya. Maunat ang buhok ni Marco, bilugan ang kanyang mga mata na siyang hinahaluan ng pagkatangos ng ilong at pagkanipis ng kanyang labi.

Sa kanilang dalawa ni Kenzo, sa ina ni Marco namana ang mala-gatas niyang balat at ang kanyang visuals na tila kamuhang-kamukha ng kanyang ina mismo sa unang tingin pa lang. Mula sa mga litrato ay magkakahawig sila ng ngiti subalit pagdating sa tangkad, nataasan na ng binata ang height ng kanyang ina na nasa 4'9 ang sukat.

The older one rolled his eyes, "What? This is my style—HEY!"

Tinanggal ni Marco ang asul na beret na suot ni Kenzo bago niya pinasa ang trono kay Arianne, subalit nang pinasuot siya nito ay agad siyang namangha sa kanyang nakita.

"Kuya… siguro naman alam niyo na po kung kanino bagay ang beret niyo," ani Marco sa kanyang panganay na sinabayan pa nito ng hampas sa kanyang tagiliran.

Napadaing siya nang peke, "Masakit, a!"

***

"Mag-ayus-ayos ka na, p're," ani Samara sa kanya habang tinatapik ang braso ni Martin ilang minuto bago ang party. Magmula noong elementary ay naging magkaibigan na sina Samara at Martin at kahit kailan ay hindi sila napaghihiwalay ng panahon subalit pagkalipas ng kanilang Graduation ay nauna nang pumasok ang dalaga sa SBNHS bago ang binata.

"O, ayos na ba?" anito sa kanyang kaibigan nang natapos nang ayusin ang kanyang sarili. He's wearing a shirt with pink, green and white stripes, light blue maong jacket, white pants and black shoes that perfect suits his style for his day today. Ang kanyang unat na buhok ay napantayan dahil nasuklayan nang maayos at higit sa lahat, hindi niya pwedeng kalimutan ang brown niyang bracelet na binigay sa kanya ng kanyang kuya bago siya lumipat sa school ng kaibigan niya.

Sinuri ni Samara ang kanyang estilo mula ulo hanggang paa, "Bagay nga talaga sa'yo. Binatang-binata ka na talaga, a!"

"Syempre, ako pa!"

Nagtawanan silang dalawa bago sila bumaba sa sala para mag-usap nang biglang dumating ang isang traysikel na nakaparada sa bahay nila.

"Is this Arianne?" Martin asked as he's staring at her from afar while fixing her bag. Hindi siya pwedeng mamalik-mata dahil kasama niya si Kenzo at isa pang lalaki na kasama sa tabi ni Ari.

"Tin, anong ginagawa mo?"

Mabilisan siyang lumingon, "Sinisilip si Arianne. Bakit?"

"Wala naman."

Huminga siya nang maluwag at kinuha ni Samara ang speaker bago siya magpatugtog gamit ang kanyang cellphone. Saglit nang lumabas si Martin dahilan para buksan ang pintuan ng gate at nang marinig niya ang pamilyar na boses ay agad siyang kumaripas ng takbo.

"Arianne Jade!" masiglang bati niya sa kanyang kaibigan bago siya yakapin sa bisig nito. Ramdam niya ang mahigpit na kapit nito sa kanya na tila kadena na nakakabit sa kanyang sarili at halos hindi na siya makahinga sa ginawa ng kaibigan niya sa kanya.

“Samara, hindi ako makahinga sa yakap mo,” papilit niyang tugon bago siya kumalas mula sa kanyang ginawa. “Tsaka, Arianne na lang tawagin mo, huwag na buong pangalan ko! Isang taon na pero hanggang ngayon sanay ka pa rin?”

“Wala, e.”

Walang ginawa ang dalawa kundi ang tumawa bago sila pumasok sa loob. Samantala ay nagkukwentuhan naman sina Martin at ang magkapatid na Umali tungkol sa kung ano ang ginawa nila kanina hanggang kahapon nang may tinanong ang isa sa kanila.

"You must be Marco Umali, right?" Martin asked him. Tumango na lamang ang binata bago sila nakipagkamay sa isa’t isa, “Jan Martin Lacanlale from Class 8-2.”

Marco formed an “O” about what he said. “So, ikaw ‘yung transferee na kinukwento sa’kin ni Ate Arianne kahapon?”

Napatango si Martin sa tanong ng pinsan niya. Matapos ang kanilang pag-uusap ay biglang dumating si Benj at ang mga kaibigan nito na may dalang regalo at tila kakagaling lamang sa isang gala.

"Kuya, wala pa po 'yung girlfriend mo?"

Umiling na lamang ang kanyang kuya, "Susunod na lang siya mamaya."

***

"Truth or Dare?" tanong ni Benj kay Andrea nang tinapat ang kanyang bote papunta sa kanya. Napabuka ang kanyang bibig at halos hindi makapaniwala sa ginawa ng kapatid ni Martin sa kanya, pero kailangan niyang kapalan ang mukha niya sapagkat sasagutin na niya ang tanong na binigay sa kanya ni Benj

"Dare."

Napatango naman si Benj sa kanyang sinabi, "I dare you to kiss your seatmate on the right."

Napatingin si Andrea kung sino ang katabi niya. She left in shock when she realized that she'll kiss Alexis' boyfriend, "Kuya Benj! Si TJ pala 'yung hahalikan ko!"

"Go Andrea!" Arianne cheered and laughed, leaving her best friend dumbfounded and shocked by what she said.

Meanwhile, at Martin's side, he leaned at Arianne who's seating beside him. Her teeth shows brighter than the rest of the sun, also her widest smile and contagious laugh which make him fall for her even more. Sa dalawang araw na pagkikita nilang dalawa ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na linungin siya dahil nakikita niya sa kanyang mga mata na masaya siyang tignan kumpara noong break-up nila ni Gio.

Na walang ibang iniisip kundi siya — ang mismong sarili niya.

"Ayoko! Baka kasi magalit girlfriend niya!" pagpipigil ni Andrea sa kanyang sarili, maski si TJ ay napailing na lamang sa sinabi ng kapatid ni Martin sa kanya. "Ano ba naman itong kuya mo!"

Napakunot siya ng noo, "At ako pa talaga ang may ganang sabihin mo sa'kin a!"

"Go TJ!" rinig na banggit ni Kenzo sa kaibigan niya. "Wala naman si Alexis, e. Tsaka, huwag kang maarte, ugok!"

Sumuko na si Andrea sa laban, "Sige na nga!"

Huminga ng malalim si Andrea saka niya hinalikan si TJ sa pisngi. He left speechless after what she did to him, with no words left to produce.

"Ano, natameme ka, ano? For your information, hindi tayo talo, tanga!" Andrea said in an attitude tone which made the voiceless TJ left in shock. "Ako naman!" 

Pinaikot niya ang matigas na plastik ng bote bago ito tinapat kay Martin na kasalukuyang nagfi-fidget ng kanyang ballpen sa kamay nito. Tinawag ni Marco ang kanyang pangalan, "Hello? Earth to Jan Martin?"

He shooked his head when he realized that the bottled turns to him, "What the—"

Alam ni Martin na baguhan siya hindi lang sa klase, maging sa buhay nila subalit hindi talaga siya makakaligtas sa mga kalokohang dala nila tulad nito:

"Truth or dare?" Andrea said with full authority. Buong tapang binanggit ni Martin ang kanyang sagot, "Truth."

Tumango-tango na lamang ang binata pagkatapos sagutin ang tanong na iyon, subalit nabasag ito nang sabihin ng dalaga ang pinaka-basic na tanong na cliché man pero kailangan niya itong sagutin.

"As of now, sino ba ang crush mo? Huwag kang matakot, kami-kami lang ang nandito."

Blank.

That's what Martin felt.

Tila isang yelo na nanigas sa kanyang kinauupuan nang marinig niya ang tanong na galing sa kanya, ang kanyang labi ay halos hindi maigalaw at nanatiling blanko at ang kanyang utak ay pinoproseso kung ano ang kanyang isasagot.

Hindi ka talaga makakaligtas, Martin. Kahit sabihin man iyan sa kanyang sarili na hindi siya kumportable ay talagang pipilitin siya nito ng kanyang konsensya na gawin iyon, kahit mga sigawan ng kanyang mga kaibigan maliban kay Arianne.

Si Arianne ay nananatiling tahimik sa kung ano ang isasagot ni Martin sa tanong ni Andeng.

"Sige na nga! Para matapos na ang tanong mo!" singhal niya, dahilan upang sagutin ang tanong na kaagad pumasok sa utak at puso ng binata.

"Si Arianne…"

Lahat ay nagulat dahil sa sagot ni Martin, ang ilan naman ang kinilig habang ang iba ay nagtaka kung bakit, including TJ. Napasapo tuloy siya sa noo at lumingon sa kawalan, "Teka, ano?! May crush ka kay Ari? Kailan?"

"When I transferred St. Bernadette High," Martin answered. "Nakita ko kasi sa kanya kung gaano siya kabait at friendly sa mga nakakasalamuha niya, lalo na kila Andrea at pati na rin sa'yo. Kaya roon pa lang ay na-admire na ako sa kanya, lalo na noong kinuwento niya sa'kin ang tungkol sa kanila ni Gio."

Nilingon niya si Arianne mula sa hazel niyang mga mata at halatang sa kanyang sarili na hindi siya makasagot noong inamin niya kaagad sa kanyang sarili na may gusto siya sa dalaga.

"Dalawang araw pa lang kami nagkakakilala pero sa dalawang araw na iyon, parang na-love at first sight na ako sa kaniya," dagdag niya. "Pati na rin sa chat e agad akong kinikilig na kulang na lang, maabutan na ako ng kuya ko na nakangiti habang sumasandok ng kanin, e. Yung tipong kapag kausap ko siya, gumagaan ang mood ko pagkatapos ng nangyari sa'kin."

Huminga siya nang bahagya, "Noong nagkaroon ako ng isang pangyayari na ayaw kong pag-usapan pero dahil sa may tiwala naman ako sa inyo, sige."

"Anong nangyari?" tanong ni Marco. He lets out a sigh and starts speaking about his past but before he'll do, Arianne starts to walk out right away.

Nilingon niya ang dalaga at kaagad siyang tumayo para tumakbo sa pwesto niya, "Arianne, sandali!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top