CHAPTER SEVENTEEN | Collision

tw: suicide ideation, mentions of death, mild abuse and self-harm

***

ARIANNE

"Ano nga?" tanong ko sa harapan ni Martin bago ko sipatin ang buong paligid ng room. Tinignan nito ang paligid kung may CCTV sa detention room, mukhang wala pa naman. Luckily, may kurtina ang nasabing lugar kung kaya't noon ay wala pa sa unang sulyap niya pa lang. Tumayo siya't nilingon niya ako sa'king kinauupuan bago isarado ang kurtina dahil sa mga sumusunod: una, sa nasisisilayan kami, at pangalawa...

He left a sigh before lowering his head while muttered something. Naglakad siya bago ito bumalik sa'king tabi, at gamit ang kanyang kanang kamay ay pinakiramdaman niya ang aking mala-porselana kong pisngi pagkatapos.

"Arianne, patawad... sadyang hindi ko na talaga kasi mapigilan itong nararamdaman ko para sa'yo," paghingi niya ng tawad sa'kin subalit bago niya abutin ang aking ulo ay hinawakan ko ang malambot niyang kamay na siyang hudyat upang mapalingon siya sa'kin.

Napangiti ako nang marinig ang sinabi niya, agad pumintig ang aking puso sapagkat hindi ko agad naisip na mukhang pareho kami ng nararamdaman...

...or so we thought.

Suddenly, he lifted up his head to mine, and as I deeply closed my eyes, his soft lips started to crash in collision. It was soft and tender, but as it got mild and deeper, an unexpected memory captured my brain's attention, causing myself to flash a single tear that streamed into my cheeks before pulling myself away from him...

"Arianne, please, pasensya na," panimulang saad ni Gio, nagmamakaawa sa'king harapan at pinakiramdaman ang pait na dinulot nito sa'kin. "Pasensya ka na sa mga nagawa kong mali sa'yo. Sana tanggapin mo ulit ako, kahit... kahit pansamantala lang."

Hinawakan niya ulit ang braso ko pero kaagad ko itong binitawan dala ng may galit at poot na naramdaman sa'king puso pagkatapos ng hiwalayan namin. Nagsimula na naman tumulo ang mga luha sa'king mga mata dahil imbes na awa ang naramdaman ko ay galit ang nagparamdam sa'kin.

Ang galit na noong una ay kinikimkim ko iyon hanggang sa ito'y hindi kinaya nang bumalik siya sa piling ko.

Tumawa ako nang napakahina habang sumasabay sa agos ang mga luhang pilit na kumakawala papunta sa'king pisngi, "Sa tingin mo ba mapapatawad pa rin kita, kung paulit-ulit mo akong niloko at sinasaktan? Lalo na 'yung pride, ego at ugali mo?"

Natahimik si Gio sa kawalan habang sinasabmit ko ang bawat linyang binabato niya sa'kin, "O ano? Hindi ka makasagot? Sige, ipapaliwanag ko na sa'yo. Kasi noong sinabi ng kaibigan mo sa'kin na magkakaanak na kayo ng Trisha na iyon, umiiyak pa rin ako. Bakit? Tsaka eto pa, hindi lang ako ang sinaktan mo emotionally, pati si TJ!

"Si TJ na pati yung physical pati mental health niya nadadamay na rin. Alam mo kung bakit? Kasi nang dahil diyan sa ugali mo! Sinaktan mo siya, e. Tinrato ka niya bilang kaibigan tapos ito pa ang igaganti niya sa'yo? Bugbog? Sipa? Walang hiya ka talaga!"

Yes, I finally spilled the beans. Nasambit ko na lahat ng mga itinago at mga di pa niya nasasabi sa'kin subalit 'di pa rin umimik ang loko.

"Sorry. Pero alam mo, nakakgago na kasi. Kasi noong naghiwalay tayo, nagsimula na akong umasa. Umaasa na sana magkabalikan tayo. Na sana, sana babalik ka rin sa'kin. Pero wala eh, huli na. Huli na ang lahat," malungkot pero nagagalit kong saad sa kanya. Aaminin ko, mula noong naghiwalay kami, noon pa lang nagsimula na ako maging ganito. Pinilit kong labanan ang relasyon namin, naging marupok ako, pero sa huli... tuluyan na akong napagod.

I lost the fight.

The fight of love na meron kami.

"Alam kong mahirap para sa'kin ang pagsabayin kayo pero—"

"Para hiwalayan mo ako? Ginawa mo lang akong panakip butas! Pati babae mo?, ginawa mo siyang reserba sa puso mo!" paiyak kong sagot sa kanya. "Tapos ngayon magmamakaawa ka?"

"Kaya ko nga ito ginagawa para sa'yo," aniya, "para sa relasyon natin. Please?"

"Ayoko," pakli kong sagot.

"Sige na..."

"Sabing ayoko!" Saka ko siya tinalikuran papunta sa bahay namin, subalit ay hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako binigyan ng isang nakakapanggigil pero mapusok na halik sa labi.

Mga halik na nagpasuyo sa'kin noong naging kami.

At mga halik na sa tingin ko, iyan ang nagpabalik sa'kin mula noong naging kami ngunit... hindi ko na ito kaagad na tinugon.

Mula sa'king pagkabitaw ay isang malakas at malutong na sampal ang umabot sa'king pisngi,"Ang kapal ng mukha mo para halikan mo ako ng ganyan?At 'yung mga halik mo ngayon? Nakakasuka!"

Oo, medyo harsh ko itong sinabi sa kanya pero para saan pa? Matapos niyan ay babalik ulit ako sa bahay, pero bago iyon ay hinarap ko siya saka ko sinabi ang huli kong sasabihin sa kanya, habang nilalabanan ko ang bawat patak ng luhang dumadaloy sa'kin.

"At, siya nga pala. Sinira mo ako noon diba? Sana huwag mo ding sirain si Trisha, okay? Lalo na yung bago mong girlfriend," malamig kong turan habang pinipilit kong maging normal ang aking boses. "Sige na, papasok na ako."

Sa tuwing naaalala ko ang karanasan kong iyon ay para akong nasusuka. 'Yung tipong magpapalamon ka na lamang sa putik kapag iniisip ko ang ilan sa mga karanasan kong iyon, pero sa katulad ko, masasabi kong seryoso siya 'di tulad ng inaasahan.

"Jade, you okay?"

Napatango nama ako sa'king sinabi, "Sadyang... sadyang may inaalala lang ako noong araw na iyon. Masakit, oo. 'Yung tipong kapag naiisip ko 'yung pangyayaring iyon, the fact na hindi ko tinugon ang sa kanya is something that I hated the most. Parang diring-diri na ako sa sarili ko nang nagparamdam siya sa'kin nang araw na iyon. Worst, noong after party pa."

His mind's full of curiosity as he thinks about what I said. "Ito ba 'yung—"

"Oo. Masakit kung sasabihin ko pero... sadyang nanghina ako noong nasa banyo ako. The rest, I got blocked out. The scar... the pain..."

Napayuko ako sa'king sarili kasabay ng pag-agos ng luha sa'king mga mata. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin, sadyang ang mga alaala ang siyang nagpatraydor sa'kin upang mawala ang saya na dinaramdam ko. Hinagod niya ang aking likod upang pagaanin ang sakit na nararamdaman ko pero...

...bumibigat pa rin.

"Arianne, do you want to vent something? Kasi kung meron man, sasamahan kita. We'll get through this together."

***

MARTIN

After our talk inside the detention room, suddenly, I have two realizations. First, that black out part triggers my whole painful memories of mine, and secondly, I didn't confess to her my feelings... once again. Kung tinamaan ka ba naman ng lintek, mas naunahan ako ng isa pang kaduwagan kaysa noong nag-transfer ako sa SBNHS at nakita si Arianne sa unang tingin pa lang.

I know to myself that this is some sort of infatuation, and I just can't control myself lately whenever I think about her. Those times when I questioned myself — that am I really wondering about her? O baka naman sa puntong ito ay ang kalalabasan nito ay hanggang friends lang. Pero itong black out?

Tumama na sa'kin.

Kahit nakabalik na ako sa klase ay iniisip ko ang bawat linyang binitawan ni Arianne sa'kin. Tila ako'y balisa na at mananatili pa ring tikom ang aking bibig hanggang sa maitanong ni TJ ang kaisa-isang tanong na mahirap sagutin:

"Martin, ayos ka lang ba?"

Pinili ko pa ring tumango kahit labag sa kalooban ko ang mag-isip ng kung anu-ano laban sa'kin. Ang ironic ng buhay ko ngayon. Ang hirap magpakasigurado sa isang nararamdaman na kung saan hindi lang kaduwagan ang mapupunta sa'kin, pati emosyon at ang alaalang magpapaguho sa'king buhay.

A single tear escaped into my eyes, however, I gulped to myself and said that I'm still okay... even though it hurts so much. Kailangan kong mailabas ang bigat na nararamdaman ko.

Kahit ngayon lang.

"TJ, kapag nagtatanong si Ma'am Cordova, pakisabi nasa banyo," utos ko sa kanya habang kinakaya kong maging normal ang aking boses. "Mukhang magtatagal kasi ako roon, e."

Napatango naman siya habang pinilit kong maging peke ang aking pagtawa. Hindi ko pwedeng ipadama kay TJ na nasasaktan na ako — na sa tuwing maaalala ko ang salitang black out ay para na agad akong nahihirapan sa ganito.

"Okay, Martin. I got your back," anito bago ako makaalis sa klase. As soon as I got out from the class, tears spilling out from my eyes collided with a painful memory that changed my entire perspective. I remember what Kuya Benj said that he don't want to see myself — laying on a casket or worst, burning in ashes. Ayaw niya ako makitang nakadahusay sa sahig ng sarili niyang kwarto dahil kapag nangyari iyon, sasabog ang puso niya kapag ganito ang mangyar sa'kin.

I vivdly remember him, even his painful visuals. Naalala ko noong araw na iyon ay tinatawagan ko si Kuya Benj dahil wala na akong matawagang tulong bukod sa kanya. Bawat katok ng pintuan ay naririnig ko bago ko simulang itutok ang blade sa'king braso, senyales na kailangan kong tapusin ang buhay kong iyon. Pero nang binuksan niya iyon, sadyang... may bumulagta sa'kin na isang katotohanan.

Na hindi ko pwedeng sayangin ang buhay ko nang dahil lamang sa isang pagkakamali.

As he opened my room, I hurredly walked past by him before hugging me tightly... slowly and gripping like a teddy bear who wants to give soft hugs every night. My eyes got swollen, bursting into tears as my brother started to comfort me, saying that I should keep crying to release the burden that I am keeping on. Hinagod niya ang aking likod bago niya ako kalasin sa'king pagkakayakap sa kanya.

Nilingon ko si Kuya Benj mula sa'king likuran habang tinititigan ang blade na siyang gagamitin ko sana sa pagkitil ng aking buhay... kung kaya't tinapon niya ito sa labas ng bintana bago niya tignan ang aking braso — salamat sa Diyos at maayos pa ito... pero nandoon pa rin ang pag-iisip ko noong nasa harapan niya ako.

"Alam mo bang mapapahamak ka nang dahil sa ginawa mo?" bilin niya sa'kin habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Oo, mas bata ako sa kanya, ngunit ayokong makita ko siyang ginagawa ang bagay na iyon sa paningin ko. Yes, I got traumas and everything. But as for my brother who's his perspective is the same as mine, why did I let this to happen?

Deserve ko bang maging malungkot kahit dumating na ako sa puntong na parang napapagod ka na?

Noong nakita niya ang mga pasa ko sa katawan, mas lalong bumuhos ang emosyon nito bago ko siya akapin nang mahigpit. Sa pagkakataong ito ay agad akong umamin sa kanya sa kabila ng mga luhang umaagos sa'kin, "Sorry po, Kuya... hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko... pagod na pagod na po kasi ako... nahihirapan po ako... hirap na hirap. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat pero sa tuwing naalala ko iyon, hindi ko magawa. Gusto ko na ring mawala sa mundong 'to. Sorry po pero... gusto ko na pong tapusin ang buhay ko..."

Kahit umupo man ako nang pangmatagalan sa cubicle ay hindi ako titigil hangga't hindi ko pa nalalabas ang emosyon ko. Rito ko na napagtanto kung bakit nasabi ni Arianne sa'kin ang lahat ng naging karanasan niya sa buhay... dahil naranasan ko na ito.

Muntik nga lang.

Nang matapos ay lumabas ako bago ako humarap sa salamin. Ilang segundo ang lumipas bago na-realize ang sinabi ni Kuya Benj at Arianne sa'kin. Na kung ginawa ko ang lahat ng ito, paano na ang pamilya ko? What about the memories we've shared?

I stared at the reflection as I asked something through my thoughts — who am I?

Sino ba talaga ako?

Sino si Jan Martin Lacanlale noong carefree days...

...at nasaan na siya ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top