CHAPTER ONE | Arianne
This version that you're reading is different from the original version — now with new chapter titles. Hope you enjoy. :>
***
ARIANNE
"Arianne, may assignment ka ba sa English?" Tyler Jude said as he entered the classroom habang tinatanggal ang muta sa kanyang mga mata. As usual, lagi niyang tinatanong sa’kin kung may assignment ba ako sa lahat ng mga subjects or wala, habang ako naman ay inaayos ko ang mga gamit ko para sa klase mamaya.
Gwapo itong lalaking 'to, gamer, nagpapakopya kapag may assignments, magaling kumanta at hinahangaan ng mga kababaihan sa school na pinapasukan namin — ang St. Bernadette National High School. Siya kasi, katamtaman ang payat nito. Mas matangkad ng onti sa'kin, bilugan ang mata, pango ang ilong at higit sa lahat, medyo makapal pero mapula ang labi nito.
Lumingon ako sa kanya. "Meron. Bakit? Mangongopya ka na naman?"
Then he nods. Binigay ko ang English book ko sa kanya saka siya nagsimulang kopyahin ang mga sagot ko.
Well, to be honest, we're friends with him. Mula pagkabata ay close kami sa isa't-isa, lagi kaming nag-aasaran, nagtutulungan kami sa lahat ng bagay, including Math. Sadyang malakas talaga ang trip ng lalaking ‘to, lalo na sa amin ng kaibigan kong si Andrea.
Habang may ginagawa ako ay sa wakas, pumasok na siya. Siya si Maria Andrea Francisco. Maganda, may hubog ang pangangatawan, matalino, mapang-asar, at magaling sumayaw. Normal ang kanyang katawan, medium length ang buhok pero kapansin-pansin nito ang kanyang bangs na nakatago sa kaniyang noo. Matangos ang ilong, mapungay ang kanyang mga mata, medyo makapal ang bibig niya ngunit tinataglay nito ang kanyang cremang balat na naaayon sa kanya.
Parehong-pareho sila ng pinsan kong si Kenzo Luis Umali, na kahit anong parte ng sayaw, mapa-interpretative man o hip hop, yakang-yaka niyang gawin. Iyon nga lang, paminsan ay tahimik ang datingan niya na parang may kung anuman ang meron sa kanya.
"Kayong dalawa lang ang nandito?" tanong niya sa aming dalawa na ngayon ay nasa right side ng table namin.
"Oo. Actually nagpapakopya si TJ sa assignment ko, tapos ako, gumagawa ako ng reviewer para sa quiz mamaya.”
“Oh, I see.” Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nagbabasa sa kanyang cellphone, pero kahit na ganoon ay kaibigan namin siya at nagkakasundo kami sa isang bagay, mapa-K-pop man or kung ano pang mga hilig na gusto namin.
Wala pa ang dalawang minuto ay tinapos na ni TJ ang assignment niya. "Tapos na 'ko, Arianne," aniya bago niya ibigay ang libro ko mula sa kanya. Si Andrea naman ay mukhang tinapos ang isang chapter ng binabasa niya kaya nilagay niya muna ang phone sa bulsa ng palda niya bago siya pumunta sa’min.
"TJ, Arianne, remember when Mrs. Cordova said yesterday?” she asks bago kami napalingon sa kanya. "Na may bagong transfer sa campus natin?"
“Yes, anong meron?” She gasped. Alam ko na kung ano ang sasabihin niya.
"Mukhang gwapo ang magiging transferee sa section natin!" At tumili pa nga ang mokong. Sabagay, namimingwit iyan ng pogi itong si Andeng, pero slight. While me?
I just rolled my eyes off.
Nagtaka at nagkatinginan kami ni TJ, "Sumama kayo sa baba!" Wala na lang kaming ibang magawa kundi ang sumunod sa sinabi niya. Bumaba na kami ng campus then nakita naming tatlo na iilang mga babae — maski mga lalaki — ang nagbubulung-bulungan at tila may chinichismis tungkol sa kanya.
Gwapo, medyo makapal ang kanyang kilay, payat, makinis ang pangangatawan at medyo seryoso ang mukha niya. Maunat ang buhok nito at normal din ang kanyang pangangatawan. Medyo tindig lang ng konti pero ayos na rin.
Napatulala na lang ako nang biglang tinatapik-tapik na ako ni TJ sa balikat ko. "Huy, Arianne Jade! Ano titingin-tingin ka na naman sa bagong transfer na iyan?" medyo pa-baklang saad niya sa'kin, pero di ko sinagot ang tanong niya.
I am Arianne Jade Umali, a student from SBNHS. Simple lang akong tao sa campus. Matalino, kalog, masayahin, mabait, at may mga kaibigan talaga ako na lagi silang masasandalan para sa'kin. Mga maatitude kung minsan ang mga iyan, pati ako nahahawa na sa ugali nila.
Tulad ng mama ko at kay Andrea, crema ang kutis ng balat ko. Hindi gaanong singkit ang mga mata ko, matangos ang ilong ko, medyo makapal rin ang bibig ko at itong buhok ko? Kaparehas ng sa kanya, medium length, subalit wala akong bangs unlike her, na ngayon ay patubo pa lamang ito. Pare-pareho kaming tatlo na medyo matangkad kaya kapag nakatayo kami, its either pantay ba o may isa sa amin ang tumangkad na.
Nakatulala na pala ako sa transferee na lalaki na nakasuot ng civilian t-shirt, habang ang isa naman ay naka-school uniform. Ngunit sa kakatulala ko at sa nakabibinging tawag ni TJ ay bigla na niya akong binatukan at tila iniinsulto ako na parang may ginawa akong masama.
"Hoy Arianne Jade! Ano? Nakatulala ka wagas, a! Bingi?" anito. Pero seryoso. Nagugwapuhan ako sa kanya, also with his stunning visuals, almost perfect jawline… pero di ko alam ang pangalan niya.
Agad ba akong na-infatuate ng husto sa lalaking 'to?
"Sige na po, Kuya Benj. Aakyat na po ako," Kaagad siyang nagpaalam sa kuya niya bago sila magkanya-kanya ng punta. Hindi kaya, magkaiba sila ng section?
He passed through us, "Hey, fellas!"
"Hi!" bati naming tatlo sa kanya. Napakabait pala itong transferee namin, di tulad ng mga nababasa ko sa libro na umaakyat yung guy tapos magkabungguan kasama ang girl then maiinis sa isa't-isa.
Sounds cliche, right?
But… of all the students na nag-aaral dito bakit tatlo kaming kinausap niya? Where are his other section mates?
"Uhm, sa Section 2 ba kayong tatlo?" he asks, sabagay, transferee siya sa campus kaya dapat na niyang malaman kung anong section niya.
"Yup. Ikaw ba?"
"Section 2 din ako. 'Yung kuya ko section 4, Grade 9 student. Tsaka, sabi ng principal ng school na magiging kaklase ko na kayo kaya ayun."
So, totoo nga ang sinabi ni Andeng sa aming tatlo ni TJ? Na may bagong transfer sa campus? Palipat-lipat ang tingin naming tatlo, pero tinigilan iyon mula noong nagpakilala siya sa'min.
"Uhm, by the way, I am Jan Martin Lacanlale from Class 8-2. You can call me Martin if you want. Also, I'm new here on this campus so nice meeting you all."
Nilakaran niya ang tingin niya papunta sa'kin, "How about you, miss...?"
***
MARTIN
Hindi ko ini-expect na mata-transfer ako sa St. Bernadette National High School na talaga namang maganda sa paningin ko at sa ibang tao unlike sa eskwelahang pinasukan ko since last school year. Pagtapak ko sa eskwelahang ito ay medyo dagsaan na ang mga nagtitiliang mga babae at tinatawag nila akong Handsome Transferee, medyo na-flattered ako ng husto rito — pero alam ba nila na yung kuya kong si Karl Benjamin ay gwapo at maginoo rin?
"Ako si Arianne Jade Umali, but you can call me Arianne, Ari, Jade o kung anuman ang itawag mo sa'kin," she introduced herself in a calming way.
Grabe. Ang ganda pala ng Arianne na iyon. Nakatali ang buhok niya, maganda ang boses niya, at… ang cute niyang tignan, kahit siya'y nakasuot ng pink school uniform with black shoes and her ID.
Ang mga mata ko ay kusang nagningning nang nakita ko si Arianne na ngumingiti sa'kin. Mula sa kanyang perlas na ngipin ay sumisinag ito na tila araw na sumisikat sa umaga, sa makapigil-hiningang kagandahan na umukit bigla sa'king kaluluwa hanggang sa mala-anghel niyang tinig na kapag pinapakinggan ko siya, para akong nasa langit kung iisipin.
"And these are my friends, Tyler Jude Moreno and Maria Andrea Francisco."
They wave at us, sumilay mula sa kanilang dalawa ang ngiting sintamis ng kendi and their lips looked amused as they saw me. Lumapit ako sa kanila. "Nice meeting you, Tyler and Andrea—"
"Uhm, TJ na lang para mas madali" he advised. "Nakakahiya kasi pag-Tyler. Pangalan pa lang, Amerikano na ang dating."
Mahinahon naman akong tumawa saka ako nag-apologize, “Sorry TJ ah.”
“Ayos lang.”
Matapos niyan pinasok namin ang buong room na may locker malapit sa pintuan, plain white walls with brown paint and many monoblock chairs with tables. Namangha ako roon sa classroom nina Arianne — simple pero maayos ang dating.
“Martin, gusto mo bang libutin ang buong school? Kasama ko sina TJ and Arianne,” pag-ayang banggit ni Andrea sa’kin, sumang-ayon naman ako then lumabas na ng classroom. Pagtingin ko sa relo, 30 minutes before 7:00am ang simula ng pasukan kaya sulitin ko na ito bago mag-flag ceremony.
"At ito naman ang student's resting area," TJ said like he’s a school tour guide habang nililibot niya ang resting area ng campus na ito. "Riyan kami tumatambay ng mga kaibigan ko kapag may problema sila sa isa't-isa. O di naman kaya kapag gusto nilang mag-munimuni, ganito, ganyan.”
Iyan na siguro ang kahuli-hulihang area na napuntahan namin bago kami bumalik sa classroom. Tiningnan ko ang oras sa watch ko, it’s five minutes before 7. Sa ayaw kong mahuli sa flag ceremony dahil transfer ako rito ay gustong-gusto ko nang makabalik sa classroom, kung hindi ay yari ako.
"Guys, balik na lang kaya tayo ng classroom? Malapit nang mag-7am eh."
Tiningnan ni TJ ang cellphone niya, he open-mouths when he saw a message from his phone. "Hala oo nga! Balik na tayo ng classroom kasi baka nandito 'yung jowa ko!"
***
ARIANNE
Pagbalik namin ay tama nga ang sabi ni TJ. Nandyan nga ang sinasabing jowa niya, si Lorraine Alexis Del Rosario at pati mga iba ko pang mga kaklase. Halos lahat ng mga nasa loob ay nagkukumpulan at nagchichismisan, especially to our new transfer.
"Arianne! Saan kayo galing?" tanong niya sa'kin, habang si TJ? Ayun. Napatulala na lang sa jowa niya habang sa balikat ko pa siya napahawak.
In a relationship sila ngayon ni Alexis; mag-iisang buwan na nang sinagot niya ang matamis niyang oo at masasabi kong mahal na mahal nila ang isa’t-isa — kahit ayaw sa kanya ng pamilya ni Alex ay pinaglalaban pa rin nila iyon, at kakayanin nila ito hanggang dulo.
"Nilibot kasi namin yung bagong transfer sa campus,” sagot ko naman sa kanya, na ngayon ay nagtatago na sa likuran ko si Martin. The reason why he's hiding at my back is because he's nervous, subtle, and he doesn't know where to start.
"Alexis, si Martin nga pala, bagong transfer ng Class 8-2."
He greeted her shyly, "H-hi… Nice meeting you…"
“Nahihiya ba siya?”
"Yup. Actually, ako, si TJ tsaka si Andrea lang ang nakikilala niya kaya—" Hindi ko natapos ang pagsasalita ko nang biglang tumunog ang bell. Hudyat na magsisimula na ang flag ceremony ng school namin kaya't nagsimula na kaming bumaba papuntang school grounds, ang lugar na kung saan nilibot namin nina TJ at Andrea kay Martin kanina.
***
"Class, listen," panimula ni Ms. Cordova sa'ming mga estudyante, kasabay nito ay English ang first subject namin kaya nakaupo kami ngayon sa kani-kanya naming mga upuan.
"May bagong transfer dito sa ating section at gusto ko siyang ipakilala sa inyo."
Matapos iyon ay pinatayo niya si Martin at pumunta sa harapan. Sa una ay kinakabahan siya pero noong sinenyasan ko siya, tumingin siya sa'kin at binigyan ko siya ng thumbs up, saka niya ako ngitian.
"I am Jan Martin Lacanlale, I am a new student here in this campus. Nice meeting you all…" sabi niya na halata sa expresyon niya kung gaano siya kinakabahan. "But you can call me Martin if you want to."
Napatulala na lang ako sa kanya. Tama nga ang sabi ni Andrea. Ang gwapo talaga niya. As in sobra. When he speaks, parang hulog na hulog na ata ako sa kanya—pero ayokong gawin iyon. Bakit?
Una sa lahat, ayokong ma-infatuate ako sa isang tao. Pangalawa, dahil bata pa ako, marami pa akong mae-explore at malalaman sa mundo once I grow up, at pangatlo, ayokong maulit pa ang nangyari sa'kin ng ex kong si Gio.
Yes.
He's my ex-boyfriend.
Grade 7 pa lang ako habang Grade 9 si Gio nang naging kami. Also, gusto ko ay hanggang dito lang talaga kami ni Martin since bagong transfer lang siya.
"Sige na Mr. Lacanlale, you can now take your seat beside Ms. Umali," sabi ni Ms. Cordova bago siya umupo sa tabi ko. Matapos niyan ay kinuha ko ang English book ko dahil iche-check namin yung assignment nang biglang bumulong sa'kin si Martin.
Tinitignan kasi yung bulletin board ng room namin before he asks, "Psst, Arianne, sino si Samara Castro? President ba ninyo yun?"
"Yup. Sa katunayan, siya ang pinakamatalino sa'min last Grade 7, tas Top 1 pa," I explained to him, whispering. "Actually, Top 3 ako sa klase since last year, ewan ko na lang ngayon."
Tama naman ako e. Sa’ming magkakakaklase last school year si Samara ang pinakamatalino sa’min, medyo mataas ang IQ niya kaya namin siya binansagang “7-2’s Walking Encyclopedia”.
"Okay."
"Bakit, crush mo agad?" I asked sarcastically.
"Hindi, a!"
Natapos ang first and second subject namin ay kaagad na pumunta si Andrea sa'kin, "Arianne, nagugutom na ako, tara kain tayo."
"Agad?" pagtataka kong tanong na kaagad niyang tinanguan. Sabagay, lagi naman siyang gutom sa klase, hindi kasi siya nakapag-breakfast bago siya pumunta rito.
"Sige! Kayo TJ, Martin, gusto niyo ba?"
"Game!" sabay na sabi nilang dalawa at lumabas na kami ng classroom. Pababa pa lang kami nang napansin ko na may naririnig akong bulung-bulungan tungkol sa'ming apat.
Tinitingnan nila kami ng apat na lalaking naka-uniform at parang mas matanda sila kaysa sa'min, isa na roon ang ex-boyfriend kong si Gio Franco Floriano. Sanay siya sa bugbugan at expert sa gulo kaya hindi ko alam noong last year kung bakit niya ako naging girlfriend noon.
Ay basta.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top