CHAPTER NINETEEN | Aurora
tw: mentions of self-harm
***
ARIANNE
"Arianne! Over here!"
Lahat kami ay nagulat nang narinig namin ang boses ng isang babae sa isang di-kalayuan. Pagkatapos naming sumakay ng eroplano ay kasama namin sina Martin, Kuya Benj at ang buong pamilya nila dahil makikibakasyon sila sa'min sa Aurora at isa pa, nandoon rin ang mga kamag-anak niya roon sa Baler.
Lumingon ako sa kanila at nakita ko si Ate Trina, isang babaeng nakasuot ng grey na shirt, black na maong, apricot na sling bag at red boat shoes. Katabi niya rin ang ate niyang si Monique na may dala siyang pasalubong para sa'ming tatlo.
"Ate Trina!" masigabo kong bati sa kanya, mabilis akong naglakad kasama ang maleta ko bago namin niyakap ang isa't isa. Ngumiti kami sa isa't isa at sumama na si Ate Monique sa yakapan, maging sina Kenzo at Marco.
"Hoy, Kenzo! Marco! Hindi naman ako makakahinga sa yakapan niyo!" wika ni Ate Trina na nagpahagikgik sa'ming apat. "Pero, hi! Ang tagal na nating 'di nagkita ah!"
"Oo nga," dagdag ni Ate Monique. "It has been 2 years since you paid the last visit right?"
Tumango naman kami bilang sagot bago ako nagsalita, "Namimiss ko po kasi kayo, e. Lalo na po noong huli tayong nagkausap sa phone noong New Year."
May mga times na nag-uusap kami via call at paminsan ay ginagawa namin ito kapag hindi masyadong busy sina Ate Trina at Ate Monique. Parehas kasi silang may trabaho sa Maynila at kahit maliit o malaki man ang sinusweldo nila ay iniipon nila iyon para may maipadala sa mga magulang nila kung kinakailangan, lalo na sa mga gamutan.
Paminsan-minsan pumupunta sila ng Aurora para rin bisitahin ang mga magulang nila at kung minsan ay kasama ang ex ni Ate Trina na si Eli. Yes, it's been years since they broke up, leaving her desprate and full of gloom; pero paunti-unti ay nakakarecover naman siya sa sakit na naranasan niya.
"At eto pa, naaalala niyo ba ang ginawa ni Kuya habang nagkakausap tayo?" pabirong saad ni Marco, "sumasayaw tapos nagpakita ng ab—"
My older cousin cut off what he said saka ko siya kinotongan sa batok, "Hoy Brent Marco kahit kailan pinaalala mo pa langya ka!"
Napahagikhik sa tawanan ang dalawa bago tumingin si Ate Monique sa likuran at sinilip ang dalawang lalaking nag-uusap sa 'di kalayuan.
"Arianne, sino iyang dalawang lalaking kasama mo?" tanong niya sa'kin.
Tinuro ko ang dalawa, "Sina Martin at Kuya Benj, taga-St. Bernadette High tapos po mga kaibigan ko sila. Actually po, matagal na po naming kilala si Benj bago si Martin sa SBNHS kaya…"
Tinawag ko silang dalawa bago niya sinenyasan ang dalawa. Lumapit sila papunta sa kanya at kumaway sa dalawa kong pinsan.
"Hello po, ako po si Karl Benjamin, 'eto naman po ang kapatid kong si Jan Martin. Pero pwede niyo po kaming tawaging Benj tsaka Martin kung gusto niyo. Nice meeting you po!"
"Hello!" Ate Trina greeted the two of them at ganoon na din sila.
Tinignan niya ang oras sa relo niya, "3:26 na pala ng hapon, baka hinihintay na tayo ng van, tara na?"
***
Nakatulala na lang ako sa bintana ng van nang tinawagan ako ni Ate Monique na nasa tabi ni Ate Trina, "Jade, kumusta ka?"
Nakikita ko rin na nagpapatugtog si Marco sa earphones niya, lalo na sina Martin at Kuya Benj na nanonood sa phone ng isang movie. Si Kuya Kenzo naman ay nasa tabi ng kanang bintana at mukhang nangingisay sa kilig habang may ka-chat siyang babae, at pati ang mga magulang ng magkabilang panig ay natutulog habang nasa biyahe. Maski si Tito Joel na nasa harapan ng van ay nag-uusap tungkol sa mga isyu sa paligid katabi nito ang kanyang driver.
Huminga ako nang malalim, "Maayos naman po."
Kahit ang totoo ay marami akong mga bagay na hindi sigurado tungkol sa'kin.
"'Yung puso mo, Jade, maayos na ba?" tanong ni Ate Trina sa'kin. Iyan ang isa sa mga pinakamahirap na tanong na ibinigay sa'kin, lalo na't alam ng mga pinsan ko ang tungkol sa'min noon ni Gio ilang buwan na ang nakararaan. As she asks me a question, I remember all the hard times I did just for myself, even after our classes. Many times I was listening to sad love songs that made me cry whenever I could think of him each passing night.
I weeped heavily due to the fact that I still love him, even during the past moments that we're together as a couple. Subalit nang lumamig na ang relasyon naming dalawa tulad ng isang patay na hangin, dito ko na napatunayan na kahit kaya ko pa siyang mahalin, hindi niya talaga maiiwasan na hindi ako mahalin pabalik.
As time goes by, I realized that begging for someone to stay is tiring. Kumbaga mapapagod ka na lang at magsasawa kapag ginawa mo ang bagay na iyon, even tears.
Nakakapagod umiyak. Sobra.
Isama ko pa ang ilang beses kong paghiwa ng aking braso dahilan para mawala na ang sakit na nararamdaman ko at iniinda ang lahat ng bigat… pero hindi dito natatapos ang lahat.
Dahil mga ilang linggo ang dumaan, nagising na lang ako na, okay ako.
Wala nang emotional pain ang bumabalot sa loob-loob ko.
At least, I have to say to myself that I survived.
I survived all the pain. Sinuko ko na lahat ng hinanakit na dinaranas ko mula sa isang dalangin. Isang dalangin na taimtim kong binanggit mula kay Bathala, at iyon ay ang mabigyan ako ng isa pang pagkakataon para ayusin ang sarili ko, at nang hindi na magkandagulo-gulo pa itong nangyayari sa'kin.
May pangarap akong dapat tuparin at may mga tao rin na kaya akong damayan sa lahat ng problema ko. I said to myself once, 'Oo na, sige na. I'm giving up. Ayokong isuko ang buhay ko nang dahil lang dito, kundi kailangan kong isuko lahat ng sakit at pait na nararamdaman ko.'
And it worked.
Nang naalala ko iyon saka ko sinagot ang tanong niya, "Hindi ko man masasabing fully okay ako, pero kahit mahirap ang proseso ay kinakaya ko. Hindi na ako naging marupok sa kanya kasi, heto ako eh. Kinalimutan lahat ng mga alaala maliban sa mga aral na ibinigay niya sa'kin. At iyon ang dahilan kung bakit ako lumalaban at lalo lang ako nagpupursige sa pag-aaral."
After saying those words, suddenly, I started to weep once again. Napayuko na lamang ako sa kanilang tatlo dahilan upang mailabas ang bawat hikbing dinaramdam ko mula sa'king nakaraan, kasabay nito ay ang paghagod ni Ate Trina sa'king likuran, sinasabi na ayos lang na umiyak ako.
Ayos lang kung iyakan ko ang lahat ng kinikimkim ko galing sa nakaraan. Ang mahalaga, nagawa ko na siya at ang tangi ko na lang gawin ay ang paghilumin ang sarili ko mula sa nakaraan.
Tuluyan niya akong niyakap at pinagaan ang loob ko, "I love you, Jade. I'm glad that you're here and still fighting; lalo na sa mga araw na pakiramdam mong inayawan ka na ng mundo. And I know you can heal, because you're strong, right?"
***
Habang tinatanaw ko ang ganda ng Aurora ay naaalala ko ang ilang mga beses na napuntahan namin ang lugar na iyon ilang taon ang nakararaan. Naglaro kami roon sa bahay ni Ate Trina, gumawa ng kung anu-anong mga kalokohan, umakyat ng puno at kung anu-ano pa.
Sabi nila, every place has a reminiscence. Iyan ang palagi kong napapatunayan sa sarili ko mula noong bumalik kami ngayon sa parehong probinsya na iyon. Sa katunayan, maraming mga masasayang alaala ang napagdaanan namin, mula sa buhusan ng tubig kapag tag-araw hanggang sa pagtanaw sa buwan kapag gabi.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may bumukas na pintuan sa van namin, hudyat na tumigil na kami sa unang destinasyon nang dahil sa isang rason — bababa muna si Kuya Benj.
"Pareng Benj, kitakits mamaya!" pamamaalam na banggit ni Kuya Kenzo sa kanya habang sila'y pababa sa bahay nila dala-dala ang kanilang mga bag at maleta.
Dumagdag naman siya at nagsalita kay Martin, "Hindi ka ba magpapaalam kay Arianne?"
He leaned on to my cousin, "Ay, oo nga pala."
Pumasok ulit siya sa van at kaagad na lumapit sa'kin, pagkatapos ay niyakap niya ako nang pagkamahigpit. Halos hindi na ako makahinga sa ginawa niya sa'kin, kasabay nito ay ang pagramdam ng mint niyang perfume sa batok niya. Marami naman ang kinilig sa ginawa naming dalawa kasabay ng paghagod ng likuran ko gamit ang kanyang kamay.
Pinakawalan niya ako sa bisig niya bago siya lumingon sa pamilya ko at pabalik sa'kin, "Siya nga pala, may gusto sana akong sabihin sa'yo."
"Ano iyon?"
Inilagay niya ang kanyang mukha sa kaliwang tenga bago niya ako binulungan, "I'm proud of you. As always."
***
Happy 2nd Anniversary, BHALS!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top