CHAPTER NINE | Ano bang meron?

THIRD PERSON

"Marco, ba't parang natulala ka na kay Louisse a. Ano bang meron?" 

Rinig ni Marco mula sa tabi nito ang malalim na boses ni Kenzo kasabay ng pagramdam ng mainit niyang balikat sa kanya. Kahit hindi man siya nito linungin, agad niyang inalam ang agenda ng bunso nito — ang tuluyang mapatitig sa gandang tinataglay ng kaibigan nilang si Louisse kahit sa malapitan.

Siya ang tinaguriang Miss Friendly at 2nd Runner-up ng Mr. and Ms. Intramurals dahil hindi lamang sa visuals nanggagaling ang estilo niya, kundi maging sa pagiging palakaibigan at ang pagiging barkada geek nito sa mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na kina Kenzo at Benj. A talented and a ray of sunshine, she's their motivator and a happy pill to many; however, when it comes to Marco, she feels safe and secured because of his attitude and style.

Wearing her signature black dress that suits her creamy skintone is one of Marco's cups of tea when it comes to fashion. It defines her about who she is and when she flashed her sunny smile, his heart drummed all of a sudden. 

Perhaps that's one of the reasons why Kenzo said it to him at the beginning.

He leaned at his brother before whispering his question bluntly, "Ako? Natulala?" 

He shrugged as a response. Seryoso siya nitong tinitigan bago sila makalayo sa lugar na kung saan hindi maririnig ni Arianne ang ilan sa mga pag-uusap nila, "Tigilan mo ako sa mga palusot mo, Marco! Tell me, do you have a crush on her? I thought she's just your best friend and nothing else? Anong nangyari?"

"Kahit kailan talaga si Kuya..." bulong niya sa kawalan. He took a deep breath before leaning back at her down to his brother, “However, what you said resonates with me. Yes, I love her — as a friend. Pero kahit na ganoon ang pagkagusto ko sa kanya, hindi pa rin iyon mababago. Nothing more, nothing less.”

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"

"Anong ibig mong sabihin?" 

Nilakaran niya ang kanyang kapatid nang kaunti bago niya tawagin ang kanyang ngalan, "With just a phrase, maaring magbago ang atmospera niyong dalawa ni Louisse habang nagsasama kayo bilang magkaibigan. Pwedeng magkaroon ng awkwardness sa isa't isa, romantic tensions or worst, magiging wala na lang sa inyo ang lahat."

Biglang nablanko ang emosyon ni Marco sa sinabi ng kanyang kuya. Napaisip kaagad ang binata kung may mali ba ito sa kanyang sinabi subalit agad niyang ibinalik ang atensyon nito kay Louisse na ngayon ay humahagikhik habang kausap si Arianne. 

"Ngayon, ibabalik ko na sa'yo ang tanong. Tingin mo ba hanggang doon na lamang ba ang paghanga mo sa kanya? O ipagpapatuloy mo pa?"

Hindi nakaimik ang binata, bagkus ay tinapik niya ang balikat nito bago siya bigyan ng payo, "Alam mo Marco, normal lang sa isang taong katulad mo ang magkaroon ng crush. Kumbaga, paghanga lamang ito para sa isang tao, whether admiration or a romantic feeling man ito para sa'yo. Pero once na umamin ka ng feelings mo towards him or maybe her, maghanda ka na kasi dalawang posibilidad ang meron nito — either acceptance or rejection."

Napatango naman si Marco bilang sagot, "Kaya hangga't maaari e hanggang crush lang muna. Hindi ka pwede magka-girlfriend, sinasabi ko sa'yo. Pero, nakadepende sa inyo kung susundin mo ito o hindi. Kasi sabi sa kanta, 'Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.'"

***

"Pwede ba tayong mag-usap?”

Napalingon si Martin nang nagsalita si Samara mula sa kanyang likuran. Napangiti naman ang dalaga sa kanya habang siya’y nakasuot ng plain black shirt tucked-up with ripped maong pants, black leather jacket at white rubber shoes na nababagay sa mala-Koreana nitong hitsura. Napa-kunot noo naman ang binata sa sinabi, “Bakit? Anong meron?”

“Ano ka ba, Lacanlale? Tayong dalawa lang naman. Huwag kang mag-alala, hindi malalaman ni Arianne ang totoo tungkol sa feelings mo. I have ways."

Muli ay nagtaka ang binata at inisip kung may nasagap na naman siyang tsismis sa SBNHS, pero hindi na ito nag-isip nang matagal dahil pumayag na siya sa alok ng dalaga sa kanya bago sila lumabas sa bahay ni Arianne.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong nito sa kanya subalit tinapunan siya nito ng tanong na galing sa kanya, "Crush mo ba si Arianne?" 

Napaawang naman ang kanyang paningin sa tanong nito bago siya sagutin nang mapurol, "Hindi. Alam mo naman na anti-romantic si Arianne, tatanungin mo pa ako nang ganyan."

"Seryoso ka?" Napatango naman si Martin bilang sagot. Nilingon naman niya ang kilos ni Samara sapagkat kinuha niya ang kanyang cellphone bago niya ipakita  ang ilan sa mga conversations ng dalawa sa Messenger. His brows once again were furrowed, not leaving one single word left on his mouth from his cerebellum.

He swiped his best friend's phone after reading a single message from Arianne, but when he reached a part where she ranted about her insecurities, suddenly, his heart started to flutter and all he left was a smile that rained on his face while reading their conversation… 

***

Arianne Jade:
Am I not enough? Pangit ba ako sa paningin niya mula noong nagbago ang pakikitungo niya sa'kin? Sa relasyon namin?
Does he think that I am beautiful in my own possible way? Or so I thought?
Crap, those thoughts are killing me...

Jan Martin:
Ari...
Parte ng isang kagandahan ang mga flaws na napapansin mo sa sarili mo. 
Huwag mong papansinin ang mga sinasabi ng ibang tao sa'yo,
Kahit may acne ka, o pimples, maganda ka pa rin naman in your own way. Accept your flaws. Know your worth as a woman. And lastly, you are a God's masterpiece as well.
Tsaka, may dadating naman sa'yong isang lalaki na sa hindi mo inaasahan ay darating din iyon paa sa'yo. Baka nasa paligid lang, umaaligid at nagtititingin sa kagandahan ng isang Arianne Jade Umali na kagaya mo.

Arianne Jade:
You know, napapaiyak na ako kapag sinasabihan mo ako ng ganyan, ano?

***

Nang matapos ay binigay agad kay Samara ang cellphone niya bago siya magsalita nang tuwiran, "Alam mo Martin, pakiramdam mo binali mo na ang rule na binigay ko sa'yo. 

Nagulantang ang binata sa sinabi ng kanyang kaibigan, naiwan na lamang itong tikom ang bibig at tila hindi siya makapagsalita at nauutal sa sinabi nito sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" 

"Nakalimutan mo na yata na hindi ka pwedeng magkagusto sa isang taong hindi pa fully committed sa kanyang relasyon. Sinunod mo ba talaga iyon? O sadyang nahuli ka na ng dating?" 

"Teka—" 

Tatakbo sana si Martin sa kinaroroonan ni Samara nang bigla siya nitong hatakin ng kanyang kwelyo sa kanyang likuran, ang kanyang mga mata ay nanlilisik nang nakita niyang tumakas ang binata nang dahil sa kanyang sinabi, "At saan ka naman pupunta, ha? Isang takas mo lang, sasapakin na kaagad kita! Aminin mo na kasi, nagagandahan ka ba kay Arianne kaya ganoon na lamang ang nangyari? Kahit katiting na feelings para sa kanya, nagkaroon ka na ba ng ganoon?"

Sa isipan ni Martin ay minumura-mura niya ang kanyang kaibigan lalo pa't hindi siya pwedeng tumanggi sa tanong nito sa kanya. Nagtatalo ang kanyang puso't isipan nang tanungin siya tungkol sa kanyang nararamdaman, aminin man natin o hindi, simula pa lang ay nagkagusto na kaagad siya kay Arianne ngunit nang dahil sa nangyari sa kanila noong kaarawan ng kanyang kapatid, pinipilit niya itong pigilan subalit…

Binitawan ni Samara ang pagkakahawak nito sa kwelyo ni Martin bago niya sagutin ang kanyang tanong, "Oo, tama ang pahiwatig mong nagagandahan ako kay Arianne. Pero hindi porke't sinabihan ko siya ng ganoon, e may gusto na kaagad ako sa kanya — o iyon ang inakala ko. Kahit suwayin ko man ang rule na binigay nila sa'kin, sa kanya pa rin talaga ang bagsak ko. Tumibok ang puso ko simula noong una ko siyang makita, at wala naman akong ibang ginawa kundi ang sundin ang itinitibok nito."

Binagalan ng kanyang kaibigan ang kanyang palakpak matapos pakinggan ang paliwanag ni Martin sa kanya na tila isang pasyente na nakawala sa isang mental hospital. Anito, "Ayan! Sinuway mo na ang rule hindi ba? Ito na ang magiging consequence mo, gago ka!"

***

Kinagabihan ay nagsimula na ang victory party para kina Arianne at TJ — na ngayon ay nakaupo sa harapan at tumatawa sa harap ng maraming tao. Habang sumasayaw at kumakanta ang mga taong dumalo sa event ay sa hindi inaasahan, magpapakita ang isang bisita na hindi imbitado pero nangahas na magpakita hindi para makisaya, kundi para panoorin ang isang taong palagi niyang hinihintay simula noong naghiwalay silang dalawa.

Nakasuot ito ng kulay blue na t-shirt, gray pants at red slippers at kasalukuyan itong nasa tapat ng tindahan ni Aling Lucing. Samantala, nagpaalam kaagad si Marco sa kanyang Kuya Kenzo at kasalukuyang sumasayaw na tila… ewan.

Tinahak niya ang daan patungo sa lalaking iyon dala ng kanyang kuryosidad, at hindi siya ito nagkakamali. Dahil sa kanyang singkit na buhok, pantay na tangos ng ilong at manipis ang kanyang bibig ay madali itong maaninag kung sino ang pamilyar na lalaking umusbong sa kanya.

"Kuya Gio?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top