CHAPTER FOURTEEN | Maaari ba?

THIRD PERSON

Bawat luha.

Sa bawat luha na pumatak sa kanyang mga mata ay patuloy na hinahagod ni Martin ang kanyang likod kasabay ng sensasyong bumalot sa kanyang nararamdaman. Pagkatapos ikwento sa kanya ang nangyari sa kanilang pamilya ilang taon na ang nakararaan ay halos hindi niya na kinakaya ang bawat nangyayari kung kaya't pinili niya munang pigilan ang pagbabahagi, mailabas ang sandamukal na luhang umusbong sa kanyang mga mata.

Oo, nakalaya na siya sa rehas ng kanilang nakaraan kasama ang ulupong na ex-boyfriend... pero hindi ang alaala ng buong pamilya. Marahil ay hindi pa siya nakakalabas at nakakulong pa rin siya sa kanyang pagkatao, kung kaya't may naisip na paraan si Martin na siyang makakatulong upang pagaanin ang kanyang nararamdaman tulad ng dati.

Tulad ng mga araw na malaya pa si Arianne sa kanyang silid.

"Do you want to shout all the pain and throw out all of the negativities in life... like what I did to myself months ago?' tanong ni Martin na siyang nagpakunot sa noo ng kanyang kaibigan. "I just throw away all my shits in life. Na para bang walang nangyari at all."

Pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang isang kamay bago siya hampasin nang malumanay. Tuluyan na siyang napahagikhik na tila isang baliw sabay sambit ng katagang, "Martin, iyang bibig mo!"

Kaagad naman siyang natawa nang mahinahon nang dahil sa sinabi nito at dahil dito'y hinawakan niya ang makinis at malambot nitong kamay sa kanyang palad. "Jade, I want you to know that you need to shout your thoughts and whispers from your head. Sa buhay, kailangan mong ilabas ang sama ng loob na dumarating sa iyong isipan nang sa gayon ay maging maayos na ang buong kaluluwa mo at nang mas maging kalmado ang iyon isipan — pero hindi iyon maging madali."

Natahimik ang dalaga sa sinabi ni Martin tungkol sa kanya. Nilayo niya muna ang kanyang kamay bago niya isipin kung ano ang kanyang gagawin: na paano?

Paano na lamang kung may isa sa kanya ang huhusga sa tuwing isasambit niya ang buo nitong katotohanan sa kawalan? Tatanggapin ba kaya niya ang bawat sasabihin niya? Magbibingi-bingihan na lamang siya o aawayin niya ito pabalik? Hindi madali ang gagawin nilang dalawa lalo pa't maraming mga mapanghusga ang sasalubong sa mga paningin ng dalawa kung kaya't pinili nila na manahimik.

Noong una.

"Arianne, nakapagdesisyon ka na ba?" Napalingon kaagad ang dalaga sa sinabi ng binata bago ito bigyan ng isang malapad at abot-tengang ngiti galing sa kanya. "Desidido na ako."

"Sure ka ba?"

"Oo."

"Wala nang atrasan 'to, a?"

"Wala nga!"

Napatayo ang dalawa sa inuupuan nilang bench nang naispatan ng dalawang mata ni Martin ang isang lugar na nakapaskil na free wall sa gilid nito. He firmly grasped her soft left hand while staring at her hazel colored eyes, "Let's free ourselves from the chains that we locked up. Walang atrasan."

Ang araw ay naging linggo, at ang linggo ay naging mga buwan. Ganito katatag ang samahan nina Arianne at Martin bilang magkaibigan at higit sa lahat, magkaklase. Libre rito, libre roon, dyahe rito, dyahe roon... pero ang kapansin-pansin ng ilan sa mga kabigan ni Martin ay noong isinantabi niya ang kanyang nararamdaman para kay Arianne nang sa gayon ay mapangalagaan niya ang samahang mayroon sila.

O akala niya pala iyon.

***

ARIANNE

Happy birthday to our Campus Queen x Grade 8 - Section 2's Vice President! We love you!

- Class 8-2

Ito ang mensaheng binigay sa'kin ng mga kaklase ko pagkatapos kong sorpresahin sa araw mismo ng aking kaarawan. Suprisingly, my tears started to fall as I saw the short and sweet messages, pictures and flowers attached and gave just for me on this special day when suddenly, Samara asked me, "Arianne, why are you sad? Hindi ka masaya?"

Lumingon ako sa kanya bago ko siya yakapin nang pagkamahigpit na agad niyang ikinagulat, "Wala. Masaya lang ako. Masayang-masaya, Miss President."

Naramdaman ko ang lambot ng kamay na binigay ni Samara para sa'kin, senyales na ayos lang ang lahat dahil magiging mas maganda ang araw na ito para sa'kin. Subalit nabasag ang moment na iyon nang sumabat si TJ sa listahan, "Masaya ka, pero ba't parang umiiyak ka? Ikaw Jade, a!"

Binatukan siya nito ni Andrea pagkatapos, "Siraulo ka Tyler Jude! Tears of joy iyan, tanga ka ba?"

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya bago ko punasan ang aking luha gamit ang dalawa kong mga kamay. Nag-iinit na halos ang aking pisngi sa sobrang saya at napapansin ng ilan ko pang mga kaklase na nangangamatis na ito. Agad kong tinanong ang adviser namin kung siya ba ang nagplano ang lahat ng ito, at halos kaming lahat ay nagulat nang narinig namin ang sagot:

"Oo, pinlano ko ito. Hindi lang ako at ng mga kaklase mo ang nadamay, maski mga pinsan mo ay kasama sa listahan. Sa totoo lang, nararamdaman nila na ikaw ang pinakamabuting bise-presidente ng klaseng ito, at kahit lagi mo silang dinidisiplina at gaano pa sila kakulit, ikaw pa rin ang tagabigay ng good vibes, lalo na sina Samara at TJ. At bilang pasasalamat ay tulong-tulong kaming lahat: sa ambag, set-up, maski sa sulat na nagmumula sa puso nila, lalong-lalo na si Martin. Kumbaga, ball of sunshine ka para sa Class 8-2 — ang gem na dapat nating ingatan at alagaan hanggang sa kayo'y maka-graduate."

Isang luha. Isang luha ang pumatak sa'king mga mata matapos aminin sa'kin na ako ang ball of sunshine ng section namin, na hindi ito makukumpleto kung wala ako sa tabi nila. I did a 90 degree bow as a way of saying thank you and also, apologies for being absent this past 3 days due to my personal reasons.

Napatayo ako sa dati kong posisyon at pinilit na magsalita, pero kahit na ganoon ay hindi pa rin mapipigilan ang luhang bumabaha papunta sa'king pisngi sa sobrang saya. Kaagad namang sumalubong si Martin upang saluhin ng yakap nang biglang pumeke ang ubo ng mga kaklase namin na parang may sakit kung iisipin.

"Pahinging Robitussin!" ani ng Marites naming kaklase na nasa tabi ni Alexis na agad namn itong ikinatugon. At ang nakakainis, may isang lalaki ang may hawak na 1 whole illustration board ang nangahas na ipakita ang nakasulat mula sa kanyang ginawa:

"JAN MARTIN MAPAGMAHAL! Gwapo na, mabait, mapagmahal pa! Saan ka pa?"

Bumaklas si Martin sa'king bisig bago niya puntahan ang lalaki sa likuran nito nang bigla siyang magsalita na tila isa siya sa mga mangangampanya, "Sandali. Bago ako sapakin ni JM nang 'di oras, aamimin ko sa'yo — he's lovable than you think. Lagi ka niyan ililibre, bibigyan ka niyan ng regalo, tuturuan ka niya sa other subjects kapag hindi mo naiintindihan ang isang topic, ganun. In short, pasasayahin at paliligayahin ka palagi. Ganyan si Jan Martin! O, ayos ba?"

Kinilig ang mga kaklase ko nang dahil sa sinabi ng kaklase namin, kasabay nito ay ang pagtama ng pagtingin namin na agad kinandado para sa isa't isa. Napangiti na lang ako saka ko siya pinagmasdan mula sa maunat niyang buhok hanggang sa kulay blue long sleeved na uniform with neck-tie and patch na sinuklian pa ng isang kindat sa kanyang kanang mata.

"Hoy Arianne, ano iyan?" kinikilig na tanong ng isang kaklase namin na babae. Tanging tanggi na lamang ang aking nasagot pero pinilit niya pa ito pagkatapos, "E anong ningiti-ngiti mo diyan?"

Pakli akong tumawa sa kanya, "Please lang manahimik ka na, lalo na kayo. Huwag niyo kaming tanungin ng ganyan at isa pa, 'di pa ako handa na magmahal muli kasi kakagaling ko lang sa isang failed relationship. Martin and I are just friends, okay? No commitments. Just us."

"Totoo ang sinasabi ni Arianne," sumabat si Martin sa listahan bago niya ako akbayan sa kaliwang balikat ko na agad itong niresponde ng nakabibinging hiyaw at kilig para sa'ming dalawa. "I love her, not as a friend but as her classmate. Bahala na kung bibigyan niyo kami nang malisya, ang mahalaga ay nasambit ko na sa inyo na magkaibigan talaga kami ni Miss Vice President. Kulang na lang..."

Hinaplos niya ang aking buhok pero agad kong pinigilan ang aking sarili na makilig sa gestures niya. Friendly gesture lang naman iyon hindi ba?

"Ayayain ko siya ng friendly date, e."

Sumabat si TJ sa usapan, "Friendly date? Hmmmm... baka mamaya more than iyan, a!"

"Pwede rin."

***

umiiksi na word count ko, a... y nmn gnun?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top