CHAPTER FOUR | Friend Request
ARIANNE
"Walang hiya ka, Arianne!" ani TJ sa'kin noong na-realize niya na kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng canteen. Wala nang mga tao sa labas dahil lahat sila'y umakyat na papunta sa kani-kanilang mga campus at kasama na roon sina Andrea, Martin at Alexis. "Nakakahiya ang binigay mo sa'kin na tanong, a!"
"Bakit ba?" banat ko sa kanya habang umiinom ng tubig sa basong babasagin, bagay na ibato ko sa pagmumukha ni TJ kapag nagsinungaling siya sa'kin.
Joke.
"Anong hindi? Simula noong kumakain tayo kanina e di maalis ang tingin mo sa kanya habang kumakain! Alam na namin nina Andrea iyon, kaya tatanungin kita ulit since ganito ang naibato ko last year."
Sasabihin ko sana ang tanong na ibabato ko sa kanya nang bigla siyang dumighay… at sa tabi ko pa mismo!Diring-diri ako sa ginawa niya sa'kin na siyang dahilan para ako'y lumayo mula sa pwesto niya.
Pero bago iyon ay kaagad ko siyang binatukan nang mahinahon, "Bwisit ka, TJ!"
"Bakit na naman?" anito na tila ito'y naiinsulto sa nagawa ko kanina. Kumunot naman ang noo ko sabay iwas ng tingin sa kanya bago isukbit ang wallet sa bulsa papunta sa klase.
Hindi pa ako nagtatanong e nagawa niya pa akong ikahiya! Sa bagay, alam ko naman ang sagot sa tanong niya — kalog, matalino, cute tignan… nakakaasar! Sige TJ, ayos lang. Sino ba naman ako para masabihan ng ex-boyfriend ko about sa'kin? Sana hindi masarap ulam niyong dalawa ng nobya mo, bahala kayo diyan.
***
Mula sa dalawang oras kong pagkatulog nang mahimbing sa kama ay dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata kasabay ng pagtanggal ng konting mga muta sa'king mga mata. Tinignan ko ang oras sa digital clock — 5:43pm. Kinuha ko ang bag ko upang hanapin ang Math notebook at quiz pad bago ko ito ilagay sa kama para kunin mamaya. Hindi pa ako nakakakain ng meryenda sa lagay kong 'to kung kaya't agad akong pumunta sa kusina para buksan ang refrigerator sa tabi ng dingding, nang biglang may isang note ang nakadikit sa may pintuan nito:
Ate Arianne, may turon po sa lamesa. Binili ko po iyan kanina pagkatapos ng klase namin, iyon nga lang tulog ka kaya kinain namin ni Kuya ang dalawa. Tatlo po kasi dapat iyon, e.
— B.M
Napangiti na lamang ako sa sulat ni Marco na tila isang bata na tuwang-tuwa sa pasalubong na binigay sa kanya ng mga magulang pagkatapos ng kanilang trabaho. Iniwan niya sa itaas ng tupperware ang isang ube cheese turon sapagkat napansin niya siguro na pagod ako galing sa klase at gusto ko nang magpahinga sa bahay.
Umupo ako sa lamesa at kinuha ang pagkain bago ko ito kainin, nang sa gayon ay maganahan ako sa pagsagot sa assignment bago maghapunan. Dala ang aking cellphone ay binuksan ko ang wifi at hintayin na sumabog ang notifications ko sa phone ko, mabuti na lang at naka-silent ang phone ko para kahit papaano ay maramdaman namin ang katahimikan na tila isang lugar na kung saan ang tangi mong ramdam ay ang ihip ng hangin at ang umiikot na tumbleweed sa lupa nito.
Mahigit isang minuto ang nagdaan at kinuha ko ulit ang cellphone at pagkakita ko — 56 new uploads, 11 new notifications at may mga ilan naman na nagsasabing live na ang favorite kong bias sa isang streaming app. I cleared those notifications that popped up on my screen, except for one thing.
Jan Martin Lacanlale sent you a message.
Jan Martin Lacanlale sent you a friend request.
Napakunot noo ako sa nakita ko. Paano ba niya nalaman ang profile ko? Napaka-stalker ba niya para gawin ang bagay na iyon? At ang mas malala…
Paano niya ako kinausap via Messenger at sinendan pa ako ng friend request? E puro GCs ng pamilya at mga nasa Class 8-2 ang naroroon pati nung sa'min nina Andrea at TJ. Hindi rin naman ako gumagamit kasi sayang ang oras… unless kung may bagong tsismis na nasagap mula sa kanilang dalawa o sa'kin; samantalang ang sa'kin naman ay puno ng mga shared posts at walang kakwenta-kwentang mga selfies na nakatambak sa profile ko na kahit kailan ay hindi ko pa ito nalilinis.
Napailing na lamang ako sa'king sarili habang hinahanap ang request ni Martin at pagkakita ko ay bumungad sa'kin ang isang mensahe:
Jan Martin:
May assignment ka sa Math? Hindi ko kasi nakopya 'yung numbers 8-10 sa sobrang busy ko mag-solve
Ay wag na pala, meron na ako
Kanina pang 4:24 ang chat niya sa'kin, a? Wala akong ibang pinili kundi ang replyan ang sinabi niya sa'kin:
Arianne Jade:
Sorry Martin!
Nakatulog kasi ako kanina
Jan Martin:
Ayos lang
Makalipas ang ilang saglit ay hindi na muling nagparamdam si Martin. Siguro, naging busy na siya kakasolve ng mga problems sa Math kaya ganoon ang nangyari. Kinuha ko ang ilang mga gamit ko sa itaas ng kwarto bago ako umakyat sa rooftop para sagutan iyon and at the same time — magpahangin.
***
Halos isa't kalahating oras ang tinagal ng asignatura kong 'to bago ko siya tapusin kasabay ng pag-usbong ng kumikinang na buwan at tala na kumukuti-kutitap kapag nasa gabi. Kinuha ko ang aking tubig at kaagad ko itong nilagok nang tumunog ang notifications sa phone ko:
Jan Martin:
Arianne!
Kamusta ka na? Are you done?
Napangiti na lamang ako habang tinitigan ang message niya sa'kin, unang kita ko pa lang sa kanya pero bakit agad ako nakaramdam ng iba?
Arianne, you need to calm down. Sure that he's chatting with you but why are you giggling like you've seen your crush for a long time? Gosh, this is insane…
Arianne Jade:
Good, so far
Kakatapos ko lang kasi gumawa ng assignment
Ikaw?
Jan Martin:
Kanina pa
Still double checking
I reacted to his answer by liking it. I cannot resist my adrenaline rush over him and aside from that, I need to control my feelings for him because I don't want to get hurt once again.
I don't want to be left again because of my past that still haunts me after one year.
Arianne Jade:
Matanong lang
I hope you don't mind but
Paano mo nalaman ang account ko?
Jan Martin:
Simple lang — sa ID mo.
Rito ko nalaman ang pangalan mo and yet
Huwag ka sanang mabibigla a
Pero
Ang ganda mo sa pic
Hindi ako stalker or what
Baka i-judge mo pa ako pag tinanong mo sa'kin iyan
Napatango naman ako sa sinabi niya, naisip ko tuloy na nadala na yata siya ng kuyrosidad kaya ganoon na lamang ang nangyari. Hinayaan ko na lang ang aking notebook na mabuksan kasama ang black ballpen na patuloy na nakasabit sa konting pahina nito dahilan para maipagpatuloy ko ang pag-uusap naming dalawa.
Jan Martin:
May ginagawa ka ba aside for this?
Arianne Jade:
Wala naman. Manonood lang ako
Minsan nagbabasa, ganoon
Ikaw?
Jan Martin:
Bonding kami ng kuya ko
Maglalaro kami, ganun
Xbox, Nintendo Switch
Arianne Jade:
Hala, same pala tayo???
Jan Martin:
I mean, aren't we all for the two of us, Arianne?
Two of us.
Iba na yata ang pahiwatig ng sinabi ni Martin sa'kin, a. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko — matatawa, kikiligin, mapapakunot noo…
Maya't-maya pa ay nahagip ng mata ko si Marco na ngayon ay kasalukuyang umaakyat sa rooftop, "Ate Arianne, kain na po kayo!"
"Wait lang!" ani ko sa kanya, pero bago iyon ay sinabi ko muna sa kanya na kakain muna ako bago siya pumayag. Dinala ko ang phone ko at binulsa iyon papunta sa lamesa para roon na ako magsimulang kumain kasama sila.
***
"Arianne, 'di ka pa tulog?" tanong ng pinsan ko sa'kin, nakahiga ako sa sala at nakatingin ako sa pinsan kong nakasuot ng puting sando, asul na shorts at pulang tsinelas at kasalukuyang umiinom ng gatas sa lamesa.
Napalingon ako sa kanya, "'Di pa po, Kuya Kenzo. Sasabay na lang po ako sa inyo mamaya."
Sa totoo lang, may hitsura talaga itong si Kuya Kenzo kung kaya't maraming tao sa campus ang nagkakandarapa sa kanya. Kapag nakikita namin siyang sumasayaw ay dagdaan ang mga taong pumipila sa kanya dahilan para panoorin siya at nang ma-amaze sa ginawa niya. Subalit, sa likod ng kamera ay isa siyang "professional" prankster kung saan lagi niya akong dinadamay at inaasar, maging ang kapatid niyang si Marco, pero responsable siyang panganay.
Wala naman siyang ibang gawin kundi ang tumango na lamang at ipagpatuloy ang ginagawa niyang pag-inom ng gatas bago matulog. Subalit nabasag ito nang narining niya akong tumatawa habang ka-chat ko si Martin dahilan upang tanungin niya ako habang inuubos niya ang isang baso nito.
"Hoy, Jade! Ano iyan?" tanong niya sa'kin na malayo pa lang ay tanaw ko mula sa view niya ang basag kong ekspresyon habang tumatawa. "Sinong ka-chat mo? Malapitan nga…"
Nilayo ko ang phone ko sa kanya,"No! Huwag niyo pong babasahin!"
"Atin-atin lang ito, Jade. Don't worry, hindi ito malalaman ni Marco."
Hindi na ako nakatanggi pa at iniabot ko na sa kanya ang phone ko na tila isang kriminal na sumuko kaagad sa mga pulis pagkatapos ng matagal na paghahanap.
Habang bina-backread niya ang mga chats namin ay napansin niyang kinikilig siya sa mga reply namin sa isa't-isa. After reading, his expression changed into confusion with brows furrowed into his.
"Kuya, ba't parang dismayado ka yata?"
"Kinilig ako kanina sa chat mo," anito nang malumanay. "E kaso bakit ka kaagad bumigay? Huwag muna dapat."
"Malay ko po ba? Isa pa, magkaibigan po kami ni Martin kaya huwag niyo po akong bibigyan ng malisya kung bakit po namin ito ginawa. I know my limitations, okay?"
"Sabi mo, e."
Hinugasan niya muna ang baso subalit agad siyang nakaramdam ng antok kasabay ng pagod niyang kaluluwa kung kaya't umakyat siya sa itaas ng kwarto para sundan si Marco.
Bumulyaw muna siya sa'kin, "Matulog ka na, Arianne!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top