CHAPTER ELEVEN | Is this the love that he needs?
GIO
A year ago...
"Narinig niyo na ba ang latest? Sina Gio at Arianne, sila na?"
"OMG! How can an achiever from elementary to high school decide to date a walking red flag like him?"
"Swerte naman ang naging boyfriend ni Umali! Gwapo na, matipuno pa!"
"Oo nga. Iyon nga lang, kung titignan mo sa mukha ng Gio na iyon e medyo basagulero tignan pero mabait naman."
"Ako, tingin ko parang hindi ako natuwa. Kasi kapag nakikita ko ang mga mag-jowang naglalakad e dito ako naki-cringe ng sobra. I don't want to put all the blame on the two of them because they have the rights to do what it takes, but then there are limitations to follow."
Pagpasok naming dalawa sa school ay laman na kami ng tsismisan sa buong campus. Matapos akong sagutin ni Arianne kahapon ay samu’t sari nang mga balita ang dumating sa’min, maski uwian ay dala-dala pa rin nila ang isyu tungkol sa’ming dalawa.
Umakyat kami papunta sa hallway, hindi namin napansin ni narinig man lang ng aming mga tenga ang tungkol sa'min, bagkus ay nagpatuloy kami sa paghakbang papunta sa Class 7-3. Subalit nang nakapa ko ang kamay ni Arianne ay agad siyang nabigla nang naramdaman ko ang lambot ng kanyang kamay papunta sa’kin.
"Anong ibang sabihin nito?" nauutal na tanong niya sa'kin. Nilingon ko ang kanyang pabilog at hazel niyang mga mata bago ko siya halikan sa pisngi, "Arianne, simula ngayon, hahawakan natin ang ating mga kamay. Ito'y magpapatunay na hindi natin bibitawan ang isa't isa at hindi na tayo magkakalayo pa, kahit anuman ang sabihin ng ibang tao tungkol sa'tin. Huwag tayong magpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao sa campus, okay? Lalo na sa lunch. Doon tayo magkikita, naiintindihan mo?"
Tumango naman siya bilang sagot, sumisinag sa kanya ang ngiti na siyang bumalot sa kanyang kaluluwa bago niya ako yakapin sa’king bisig.
"I love you, Gio."
"I love you too," I replied before nudging our nose together. Sa totoo lang, hindi muna kami nagpansinan sa eskwelahan — pwera na lang kapag lunch time. Bukod dito ay lumalabas din kami lalo na sa park, na kung saan sa unang buwan ng relasyon namin ay unang beses pinagsaluhan ang aming mga labi nang magkasama.
"Did you enjoy our celebration, bub?" I asked, holding our hands while looking at each other. Our smiles radiated to our senses as we enjoyed the first month of our relationship, and now that it is over I'll accompany her to the tricycle station where she hangs out every morning with her cousins before going to school.
"Syempre naman," magiliw niyang banggit sa'kin. "Lalo na kapag kasama kita. Hindi ko alam kung bakit pero itong celebration natin, katumbas ito ng 70% bolahan at hampasan at ang natirang tatlumpu ay pawang PDA ang kinalalabasan."
Humagikhik na lamang ako sa kanyang sinabi bago ko haplusin ang malambot at mapula niyang pisngi, "Pero seryoso. Kahit anong mangyari, mamahalin at mamahalin pa rin kita kahit mga bata pa tayo. Wala namang masama doon, diba? Kahit tumanda man, umabot tayo ng tatlong taon, magsasama pa rin tayo. Promise?"
A small teardrop escaped on her face as I said those words to her. Napayuko na lamang siya sa sobrang hiya, "Hala, pinapaiyak mo na naman ako!"
"Masyado ba akong madrama? Sorry na. Pero totoo ang lahat ng sinasabi ko. Sabay-sabay nating aabutin ang mga pangarap natin; kahit mahirap, kaya natin itong suungin. Basta't magkasama tayo, okay?"
Tumango si Arianne kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata, "Basta't magkasama tayo. O siya, mag-iingat ka, Gio."
"Oo, mag-iingat ako. Katulad ng relasyon natin."
Naging masaya ang ilang buwan naming dalawa ni Arianne, kahit patago man ito dahil ayaw sa’kin ng pinsan niyang si Kenzo ay kaagad pinaglaban ang aming relasyon.
Subalit may nagbago.
At inaamin ko — ako ang nagkaroon ng problema at hindi siya.
Barkada, inom, pero ang pinakamasaklap na ginawa ko ay noong nagawa kong mambabae nang hindi nalalaman ni Arianne ang tungkol dito. Nagbalik ako sa pagiging bully at basagulero, nakakilala ng mga bagong kaibigan na sobra ang pagiging bad influence, hanggang sa hindi ko namamalayan na medyo nawawala ang pagmamahal ko para kay Ari dahil imbes na sa kanya ang punta ko ay sa bagong babae ang naging atensyon ko.
Tatlong araw pagkatapos ng Bagong Taon, sa hindi ko inaasahan ay may nangyari sa'ming dalawa ng bago kong babae. Nagising na lamang ako isang araw nang wala na ang mga saplot at ang mga damit ay nagkakalat sa buong sulok ng kanyang kwarto. Napapasapo na lamang ako sa’king ulo habang binubulungan ko ang aking sarili, “Ano na lang ang gagawin namin ni Trisha? What if mabuntis ko siya?”
Nang mga panahong iyon ay kapusukan ang unang pumasok sa’king maapoy kong utak. Hindi ko naman inisip magmula noong naging kami ni Jade, pero anong nangyari? Dahil ba sa inosente ang kanyang mukha kaya hindi ko magawa-gawang akitin siya? O baka dahil sa conservative ang girlfriend ko kaya ganoon na lang ang hanap ng katawan ko…
Mahirap.
Sobrang hirap.
Labag sa kalooban ko ang magsinungaling sa harapan niya dahilan para maniwala siya sa mga sinasabi ko. Kahit naroon pa rin sa’kin ang kutob ay kinakain pa rin ako ng aking konsensya at sinasabihan na aminin ang totoo. Na mali ang nagawa ko at dapat ko nang hiwalayan si Arianne. Pero paano?
Paano na lang kung may isa sa amin ni Jade ang tuluyang makakapagsasabi ng totoo? Ang sagot: face the consequences. Haharapin mo kung ano ang magiging katumbas nito dahil pagsisisihan mo ito sa bandang huli.
Ano kaya kung aminin ko na kaya kay Arianne ang totoo?
Na ayoko na.
Tama na.
Tigilan na ang relasyon naming dalawa.
Dahil hindi ito maiiwasan na may nagaganap na tampuhan, sigawan at awayan, kung minsan ay ako ang mas cold sa relasyon namin kaysa sa kanya.
But cheating?
Ibang usapan na iyon.
At walang sikreto ang hindi nabubunyag.
Dahil noong bakasyon pagkatapos ng hiwalayan namin ni Arianne ay nabisto na lahat ng pagsisinungaling ko — at ang pagbunga ng mga magiging anak namin ni Trisha.
***
"Anong ibig sabihin nito?" panimulang tanong ng papa ni Trisha, bakas sa tono nito ang galit at sakit nang makita ko ang pregnancy test ng anak niya — na ngayon ay hawak-hawak niya dala pati ang kanyang mga luha sa mga mata. "Bakit mo binuntis ang anak ko, ha? Alam mo bang maraming pangarap itong si Trisha subalit sinira niya nang dahil sa iyo?"
"Pakiusap, magpapaliwanag po ako..." pagmamakaawa ko sa kanya bago niya ako binigyan ng isang malakas na suntok galing sa kanya. Kasingbilis ng ipo-ipo ang kamay na bakal na pinatos sa'kin hanggang sa noong nadamay ang aking tiyan ay rito na ako nadaing nang husto.
"Anong ipapaliwanag mo? Na may nangyari sa inyo kaya niya sinapit ang lahat na iyon?"
"Tito, hindi ko naman po sinasadya ang lahat na iyon. Nadala lang po ako ng kalasingan—"
"Gago ka pala, e! E di sana noon pa lang nag-iingat na kayong dalawa! Anong ginawa?"
Umuusok ang ilong ng tatay ni Trish na sa sobrang galit ay mukhang aabutin na ako ng mga panibagong sipa at tadyak.
Pero ayos lang.
Haharapin ko naman ang lahat, e.
Ang kanyang matigas na bakal ay siyang nagpakunekta sa'king pisngi dahilan para umusbong ang madilim na pasa na nagmumula sa kanya, mabuti na lamang at nakita ito ni Trisha na dalawang linggong buntis kaya bumaba siya papalapit sa'ming dalawa.
Pero minalas ako.
Dahil noong dumating si Arianne kasama sina Kenzo at Marco, dumilim ang buong paligid. Sinipat ko si Trisha na ngayon ay isang buwan nang buntis habang siya ay bumubugso ang luhang pumapatak patungo sa kanyang pisngi.
Kaagad ko siyang lumapit bago ko hawakan ang kanyang pisngi, "Jade, magpapaliwanag ako—"
Sa kasamaang palad ay isang malakas na sampal ang umalingasaw sa buong paligid ng pamamahay ni Trisha, nang ako'y hindi makapagsalita ay siya namang nilalabanan ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa ito'y sumuko nang nakita niya ang babaeng nasa harapan ko — buntis na at walang mapaglagyan ng reaksyon nang dahil sa nakita niya.
"Gio, anong masasabi mo sa nakita ko? Kasi sa totoo lang, alam ko na e. Alam ko na lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top