CHAPTER EIGHTEEN | Hindi maamin

THIRD PERSON

"Sorry kung napatawag ako sa'yo habang may ginagawa ka."

Ganito ang pahayag ni Martin nang sagutin mula sa kabilang linya ang kanyang tawag pagkatapos itong patunugin kanina lamang. Alas-sais na ng gabi at kasalukuyang bumababa ang sikat na araw mula umaga, at tanaw mula sa kanyang mga mata ni Arianne ang lila at rosas na kaulapan na umuugnay galing sa langit. 

"Ayos lang iyon," sagot niya pabalik — ngayon ay nagbabalot ng regalo na siyang gagamitin sa Christmas Party sa makalawa. Huminto muna ang dalaga at inutusan ang kanyang kapatid na si Marco na ipagpatuloy ang kanyang ginagawa at pumunta sa labas upang doon ituloy ang pag-uusap nilang dalawa. 

Umupo muna siya sa kulay itim at tinanong ang binata, "Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba sa Christmas Party, 'yung decorations—"

"Hindi ito ang gusto kong mapag-usapan." Napahinto si Martin sa kanyang sinabi, kasabay nito ay ang saglit na katahimikan maging sa paligid ng dalaga. Ang tangi niyang nararamdaman ay ang pagkaluskos ng tape sa loob ng bahay, simoy ng hangin na umuusob sa labasan at ang buntong-hininga ni Martin na naririnig sa tabing linya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Sa kabilang banda ay madaraanan si Martin na nag-iisip kung ano ang kanyang sasabihin gayong tila nabibigatan ang kanyang katawan habang ginagawa ang isang bagay na hindi pa sumasagi sa kanyang isipan — ang pag-amin nito sa kaibigan niyang si Arianne Jade.

Napailing na lamang ang binata sa kanyang sabihin bago siya magsalita nang buong tapang, "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Arianne Jade, gusto kita, matagal na."

Samantala, tikom ang bibig ni Arianne habang sinasabi ni Martin ang anim na salitang magpapabago sa ihip nitong hangin. Sapagkat pagkatapos ng nangyaring halikan sa kanilang dalawa sa Detention Room ay bigla siyang nagulat nang sinabi ng binata ngayong gabi na may lihim siyang pagtingin sa dalaga. 

"'Yun lang?"

"Meron pa. Mula noong tumagal ang pagkakaibigan nating dalawa ay saka ko napagtanto na iba na ang nararamdaman ko dahil sa'yo. Even on my first day at SBNHS, I got struck by your senses and your cheerfulness. Kaya lang…"

Sa kabilang banda, siya'y napatigil sa kanyang sinabi, "Kaya lang naisip ko, infatuation na ba itong nararamdaman ko? Kasi kung oo, 'di dapat pala itinigil ko na ito, pero wala. Sabi sa kanta, 'Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.' Hayun, sa'yo at sa'yo nga talaga ang bagsak ko." 

Huminga siya ng malalim bago siya napayuko, iniisip kung may dapat ba siyang sabihin para sa kanya subalit, ito na.

Nasabi na niya. 

Gustong-gusto na talaga ni Martin si Arianne. 

Nothing more, nothing less.

"I'm sorry," paghingi nito sa kanya. Sa tono ng kanyang boses ay nakaramdam ito ng lungkot kasi pagkatapos ng ilang buwan ay saka siya umamin nang deretsahan.

Nang silang dalawa lang.

Gayundin ang nangyari kay Arianne, na ngayon ay unti-unting namumuo ang patak ng luha sa kanyang mga mata, kasabay nito ay ang pagbalik sa kanyang mga alaala noong kaarawan ni Benj pagkatapos umamin ni Martin sa kauna-unahang pagkakataon.

"Hindi mo ba alam na anti-romantic ako? Oo, alam mo ang tungkol sa nakaraan ko, pero hindi ibig sabihin nito ay pwede mo akong mahalin muli. Martin, are you out of your mind? Sariwa pa rin sa'kin ang break-up namin ni Gio kung kaya't hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko, even my parents!"

 "I'm sorry if I say those feelings for you once again. Yes, I know your struggles, but honestly, I don't know… those feelings for you keeps bugging me. Sinantabi ko siya noong una pero bumalik iyon noong birthday mo kaya… I'm sorry. And, I do apologize as well because of one mistake — I kissed you for the first time."

Maririnig sa kabilang linya ang bawat hikbing bumabalot sa puso ni Martin, "Alam kong sobrang bata pa natin kaya lang, sadyang hindi ko na mapigilan itong nararamdaman ko simula kanina. At kahit anong pilit kong pag-iyak sa banyo… mula sa nakaraan ko hanggang sa kasalanang hindi ko naman ginusto ay kinimkim ko na lang para wala nang makaabala pa sa'tin. Kaya… pasensya ka na. Pero ibababa ko na ang tawag."

Magkahalong lungkot at pait ang dinaranas niya pagkatapos marinig ang mga huling salita, kasabay nito ay ang pagbaba ng linya ng telepono dahilan upang mapahagulgol nang mahinahon si Arianne sa kanyang kinauupuan. Oo, naiintindihan niya ang pag-amin niyang iyon kaya lang… may mali sa kanyang nararamdaman.

Ang hindi niya alam, sa kanyang puso't isipan, may gusto siya kay Martin.

May gusto siya kay Martin subalit hindi pwede sapagkat maraming gulo ang pumapasok sa isipan niya. Pero nandiyan na. 

Ang tadhana ang nagdikta sa nararamdaman ng dalaga.

Isusugal niya ba iyon?

***

"Mukha na ba akong gwapo sa suot ko?" tanong ni Marco kay Kenzo na nasa harapan niya habang iniikot ang suot niyang white plain shirt na may black at white checkered polo on top. Sinabayan pa nito ng kulay black na pantalon na ripped ang parte sa tuhod at white rubber shoes na kakaregalo sa kanya ng tito niya — na anumang oras ay tatapak-tapakan ito ng mga kaklase ni Marco mamaya pagdating. 

He thinks using his left hand, seeing if his outfit was too fit for him or what, "Ayos naman. Tsaka perfect ang suot mo. Iba talaga ang datingan." 

The older jests at him, leaving his younger smiling like there's no tomorrow. Pinalo siya nito sa puwitan, "Sira ka talaga!" 

Sa suot ni Kenzo na red t-shirt with white pants and white deck shoes ay kapansin-pansin ang kanyang taglay na kagwapuhan, kahit hindi naman talaga. Bukod pa rito, hindi rin siya gaanong katalino tulad ng bunso niya at ni Ate Arianne, pero pagdating sa hatawan, aba! 

Hinding-hindi talaga siya magpapahuli! 

Kaya noong nagperform siya sa Mr. and Ms. Intramurals, grabe ang tili ng mga kababaihan mula Grade 9 nang dahil sa kanya. Not for his killer moves, but also in his charisma and appeal.

Napansin ni Marco na parang ang tagal ng pinsan niya kaya agad siyang nagpaalam muna sa kuya niya, "Wait lang Kuya, check ko muna si Insan. Ang tagal niya kasing mag-ayos."

"Sige lang." Umakyat siya sa itaas papunta sa kwarto ni Arianne at pagkaraan nang tatlong katok, bumungad sa kanya ang isang napakagandang parte ng pagiging pinsan nito sa kanya The younger mesmerizes his cousin as she wears his purple floral dress up to her knee length size. Simple ang make-up niya at naka-rope twist braid ang buhok nito na babagay sa mahaba at itim niyang buhok. 

"Ayos ba, Marco?" aniya habang iniikot ang suot niya na may kasamang pink sandals. "Gusto ko lang malaman yung thoughts mo sa suot ko."

Napasandal siya sa tabing kahoy, iniisip ang sasabihin niya sa Ate Ari niya. Pero mukhang alam na niya ang kanyang masasabi. 

"Well, I have nothing else to say. Bagay sa inyo po."

Tumakbo siya sa kanya bago niya yakapin nang buong galak, "Thank you, pinsan!"

"Grabe ka kung maka-thank you! Hindi lang para sa'kin, maging kay kuya tsaka kay mama!" 

Nang matapos siyang yakapin ay kinuha niya ang isang bagay mula sa bulsa at ibinigay niya ito sa kanyang insan dahil malapit na ang Pasko. "Here, Ate. A token of appreciation for you. Advance Merry Christmas."

Pinagmasdan niya ang isang nakabalot na regalo bago niya ito kinapa. Suddenly, she tore the gift before realizing something, leaving herself speechless. 

Ate Arianne,

This Christmas, may your love fill with joy, happiness and laughter with you and your friends. Even us. Don't forget to smile!

Yun lang. :)

— B.M

"Thank you, Marco! You're such a best boy talaga," she delights, flashing her giggling smile. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya na maski siya, hindi makakahinga sa ginawa niya. 

"Ate, baka hindi po ako makakahinga pagkatapos nito!" Kumalas na siya sa kanya mula sa pagkakayakap niya, "Shall we go?"

"Sige ba! Baka hinintay na tayo ni Kuya Kenzo."

Naglakad sila pababa ng hagdan nang bigla nilang nakita si Louisse na nakatayo sa pintuan ng bahay dala-dala ang mga regalong ibibigay nila sa party. Napaisip tuloy ang binata kung pinapapunta sila ni Kuya Kenzo dahil sa sila raw ay sasabay sa kanila…

O bibisita?

Kumaway si Louisse kina Arianne at Marco, kasabay ng malapad na ngiting umuusbong sa kanya, "Hi, Ari! And, hello, Brent Marco."

"Hello, Brent Marco."

"Hello, Brent Marco."

"Hello, Brent Marco." 

Tatlong salita na nagpangiti sa kanya mula sa kaibigan niya hanggang sa umulit nang umulit sa kanyang utak. Hindi na naman naalis ang tingin ni Marco sa crush niya kaya binati niya ito pabalik. Nauutal pa si Marco sa sobrang kahihiyan, paano ay kinakabahan kapag nandyan si Louisse. Subalit kapag nag-uusap ang dalawa ay parang wala nang hiya-hiya kapag sa kanila. 

Minsan, tatahimik na lang na parang dead air na humihigop mula sa kanilang dalawa.

Bumulong naman si Jade sa kawalan, "Marco, pahiya-hiya ka pa, babatiin mo rin naman."

***

"Arianne, you look beautiful today!" ani Alexis sa kanyang kaibigan na siyang nagpangiti sa sinabi nito. Nagpasalamat naman ito sa complement niya, "Ikaw rin! Maganda ka naman talaga. No wonder, nagustuhan ka ni TJ."

"Naku, maliit na bagay!" Nagtawanan ang dalawa sa kanila habang sina Samara at Andrea ay nagpapapicture sa kanan ng blackboard at ngumingiti na parang walang bukas. Tumingin silang dalawa nang niyaya sila ni Samara, "Arianne, Alexis, join us!"

"Wait lang!" 

Tumakbo si Alexis sa kanyang pagkasabi at nagsimula silang mag-groufie. Andrea's wearing her pink off-shoulder na dotted crop top na may ribbon sa ibaba with white and pink dotted skirt and white boat shoes as well, while Samara's wearing her plain yellow shirt na naka-tuck-in, blue fitted pants and gray rubber shoes.

The four ladies did some wacky and smiling shots when suddenly, TJ and Martin joined the party. "Hoy boys! Huwag naman kayong makisama!"

"Langya ka, Andeng! Gusto naming sumama!" pagpupumilit pa ni TJ bago sumabay ang dalawa na para bang mga bata na magpapabili ng mga laruan. "Please???"

Huminga naman siya nang malalim. "O siya, sama na kayo. Kami naman ni Samara ung fifth and sixth wheel, hindi ba?"

Tumango ang dalawa bago sila kunan ng litrato, at nang matapos ay lumayo ang apat sa kanila para makipag-usap sa iba pang mga kaklase, leaving Arianne and Martin behind.

Tanging kaba lamang ang naramdaman ng dalaga sa kanya na siyang hudyat upang mapatingin siya nito nang diretso. Pinakiramdaman niya ang malamlam na mata ni Martin dulot ng nangyari sa kanila, na kahit hindi man ito sabihin sa kanyang bibig ay alam na niya kung ano ang pinahihiwatig nito sa kanya.

May gusto si Martin kay Arianne. May pag-asa bang matugunan ang kanyang nararamdaman?

***

got republished once again. well, see you on 2nd anniversary!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top