CHAPTER EIGHT | Winning moment
MARTIN
"Kinakabahan ka na ba?"
Ito ang naging tanong ko kay TJ habang kami ay nasa labas ng school at hinihintay si Arianne — ang kapartner niya sa last day ng Intrams. Dagsaan ang mga taong nagkukumpulan sa loob at labas ng SBNHS dala ang kanilang mga banners at kung minsan ay may kanya-kanya silang mga lobo na siyang gagamitin bilang suporta sa mga representatives ng bawat kulay mula sa bahaghari. Bukod dito ay may mga nakaparadang mga sasakyan na nakapark sa likod, at ang kulang na lamang ay kay Arianne na ngayon ay parating pa lang base sa nasagap kong chat.
"Oo, e. Lalo na't rarampa ka sa harap ng maraming tao," saad niya sa'kin bago niya ako harapin sa'king mga mata. "Tignan mo ako, pang-boy band ang visuals, may talent ako pero sadyang pinairal ang pagiging mahiyain ko, at ang mas malala, e bakit pa ako ang napili nila na maging representative?"
Tinapik ko ang likod niya bago ko siya linungin at sagutan nang simple, "Kasi nakikita nila ang potensyal mo bilang isang tao. You see, if you keep telling yourself that you're shy, there is no room for you to improve yourself, right? Kaya kailangan mong harapin ang takot mo at sanayin ang sarili, kumbaga practice lang. Train yourself until you get better, okay?"
Napatango ako sa sagot niya bago niya guluhin ang buhok ko na tila ako'y isang aso na inaalagaan niya. Sa suot niyang plain purple shirt, itim na maong pants, rubber shoes at medyas ay tumitingkad pa rin sa kanya ang charm at karisma niya — mahiyain nga lang.
Napasarap ang pag-uusap namin nang bilang dumating ang car truck ni Arianne na kulay itim na may kulay lilang lobo sa likod na siyang hudyat upang salubungan siya ng bulung-bulungan galing sa mga so-called "Marites" sa campus.
"There she is! Our precious Jade!"
"Go, Arianne Jade!"
"Para sa Purple Skies! Fighting!"
Samu't-saring mga hiyawan ang maririnig mo mula sa mga tao ng SBNHS dahil sa kanya, lalo na't noong lumabas na siya ng sasakyan ay mas lalo siyang hinangaan pa ng husto dahil sa mga sumusunod: una, natural ang make-up niya at maganda ang pagkakatali ng buhok nito, pangalawa, parehas sila ng suot ni TJ, at panghuli, hindi ko alam pero kahit ako mismo, nalulula at nabihag sa kagandahan na kanyang tinataglay.
"Tignan mo TJ, ang ganda niya!" I complimented her from afar habang nakatitig sa nakakabibighani at mala-porselanang mukha niya, "Kahit malayo, she's still beautiful…"
Bigla niya akong binatukan nang mahinahon, "Gago ka, anti-romantic iyang si Jade! Hindi ka ba nadala simula last week?"
"Walang hiya ka—"
Napatigil ako sa kakasalita nang bigla kong naalala ang sinabi ni Arianne sa'kin noong isang linggo sa labas ng bahay ni Kuya Benj, na alam ko ang tungkol sa nakaraan niya pero hindi ibig sabihin nito ay pwede niya na akong mahalin muli.
Bawat singhal sa'kin ay kapalit ng pagiging indecisive ko sa'king nararamdaman para sa kanya. Unti-unti na lamang akong napayuko at napalitan ng lungkot na namuo sa'king damdamin, tinikom ko na lamang ang aking bibig at ang bawat mabigat na pinagdaanan niya ay tuluyang naglalaro sa'king utak.
"JM? You okay?"
Tumango ako bilang sagot, "May inalala lang kasi ako."
Hindi nagbigay ng kahit anong tanong si TJ nang biglang tumunog ang xylophone sa campus, hudyat na magsisimula na ang announcement para sa lahat ng estudyante ng SBNHS.
"Calling all candidates of Mr. and Ms. Intramurals, please proceed to Class 7-3 for some important announcement," rinig ng principal namin sa campus na siyang umulit hanggang sa kumumpas ulit ang xylophone, hudyat ito na tapos na ang announcement. Nang makatayo na kaming dalawa ay agad ko siyang tinulak-tulak papunta sa loob ng klase, "O, Tyler Jude Moreno! Pumunta ka na roon dali!"
Sumigaw siya sa likuran ko, papalayo papunta sa itaas ng high school lobby, "Oo na, oo na, sige na, Jan Martin! Huwag mo akong itulak, okay? Kung maka-asta akala mo, pinapalayas ako…"
***
The event starts with a special dance number made for the fourteen candidates after the grand parade. Samu't-saring hiyawan mula sa mga manonood lalo na sa mga kapwa kong kaklase ang bumungad sa'ming apat nina Kuya Kenzo, Kuya Benj at ni Marco na ngayon ay kasama ko sila sa parehas na team. Naunang rumampa ang mga muses sa stage bago ang escorts, hudyat upang mapasigaw si Marco bilang suporta sa kanyang pinsan na nasa stage.
"Go, Ate Arianne! Fighting!" anito habang umiindak ang mga kandidato sa harap ng maraming tao. Isang matamis at magiliw na ngiti mula kay Arianne ang sumilay sa harapan ng mga manonood, maski ako ay abot-langit ang naabot kong ngiti nang dahil sa kanya. Ang agaran kong pagpigil habang nasa parade ay napapalitan ng pagkalabog ng aking puso na konti na lang ay hahatakin na ako nito papunta sa kanya.
Samantala, si TJ naman ay kahit hindi siya kagalingan sa pagsayaw, sige lang siya sa ganito habang siya'y ngumingiti at napapalitan ng pagkaseryoso, kaya pati ang mga kababaihan na nahuhumaling sa kanya sa team namin ay sadyang kinikilig nang dahil sa duality na ginawa niya habang siya'y nagpe-perform. May ilan naman ang nagtititili na animo'y makakapusan sila ng hininga at may ilan naman na kinukuhanan ng litrato at video para sa kanya na talaga nga namang kinaaliwan ko ng husto.
The ear splitting noises from around the court made a harmony as all of the students from SBNHS gathered around to support and witness the representatives fighting their spirits to bring back the crown. For the final flourish, they danced again with energy and fluidity after all of the candidates introduced themselves in front of the jam-packed audiences. They danced gracefully than I could, struts their stuff while synchronizing the beats together before ending the song in pure bliss.
In my peripheral view, Arianne's pose looks like an ending fairy — leaning a close-up shot to the camera before flashing a brilliant and beaming smile in front of the audience. I don't know why but it resonates with my self-esteem whenever I see her charms, making myself strike as loud as a thunder that bangs my whole self.
Sinipat ko ang buong paligid hanggang sa makita ko na lamang si Marco na tumayo kaagad sa kinaroroonan niya para sundan si Kuya Kenzo na ngayon ay nasa backstage para sumayaw pagkatapos ng special awards. Tinanong siya nito ng kuya ko, "Marco saan ka pupunta?"
"Kila Kuya, i-che-check ko sa backstage kung handa na sila sa performance nila. Sama ka?"
"Sige! Hindi ba't magpeperform pa tayo pagkatapos nila?"
"Alam ko. Tara punta na tayo!"
Tumakbo kaagad si Marco sa pwesto niya bago siya sundan ng kuya ko, "Hintayin mo ako, 'oy!"
***
"Next candidate is female candidate number 7, Arianne Jade Umali!" the announcer said as she waltzed down the stage, plastering a smile on her face with pure bliss. She's wearing a purple off-shoulder gown that shines brightly even from afar that made the boisterous audience chant and clap at the same time.
"Okay, Arianne, how's your day so far?"
"Maganda naman po," panimula niyang sagot sa host. "Sa totoo lang po, mula po noong bata ako e hindi po ako nakaranas na sumali sa mga beaucon sa barangay lalo na po kapag sa school, pero ngayon, nandito na po ako sa harapan niyo. I am here, standing in front of you, willing to fight for our team and also, to win the crown as well."
Naghiyawan ulit ang mga manonood nang dahil sa kanya, tila ito'y isang rally na kung saan may isa sa kanila ang magbibigkas at siyang gagayahin ng mga umaattend sa nasabing event, ngunit sa kasamaang palad, hindi ito sa kalsada naganap kung saan may effigy na nakaplastar sa gilid — kundi korona.
Korona na siyang pag-aagawan ng mga kandidato upang ito'y masungkit sa dulong bahagi nito.
"So, handa ka ba para sa mga inihain nilang tanong mula sa mga judges?"
Saka sumagot si Arianne, "Handang-handa na po."
"Sige, bunot ka ng mga tanong mula sa bowl."
Bumunot si Arianne sa medyo malaki na transparent bowl bago niya ibigay ang nakarolyong papel na siyang bubuklatin ng host. "Thank you, Arianne. So here's your question: If you could write a book about your life, what would it be, and why?"
Indefining silence surrounds us, leaving ourselves speechless on saying that question to Arianne. Maging sina Marco at Kuya Kenzo ay napanganga na lamang, nanigas at hindi nakapagsalita habang inaalisa ang tanong na binigay nito sa kanya hanggang sa lumiwanag ang utak nito nang nakaisip na siya ng sagot.
"Thank you for that wonderful question. If I could write a book about my own personal experience, I would call it 'AJ's Diary,'" she started. "This diary tells about a teenage woman who experienced some of the challenges in this situation, such as being in love, and experiencing hardships that made it to the end. Hindi hadlang ang magkaroon ng ganitong nakaraan para sa ating sarili, kahit mabigat sa kalooban ko ay naranasan ko na po, pero sa pagkakataong iyon ang susubok sa'kin kung paano mas maging matatag at maging mas better si Arianne Jade at sa mga tulad niyo kaysa dati.
"This diary explains that no matter what happens, stay positive and also, stay strong even though you're sad or when other people drag you down. And here I am, standing in front of you, saying that you are loved, keep fighting and lastly, remember to love yourself. And I, thank you!"
Natapos ang kanyang sagot na may ngiti sa labi na sinabayan pa ng bawat dagundong ng palakpakan at hiyawan ng mga manonood sa court, maging ako ay namangha dahil sa sinabi niya. Ilang saglit pa ay nilinga niya ang aking pagtingin, kitang-kita ko sa mga mata niya kung bakit ito'y kumikislap sa tuwing nakikita ko siya at ang bawat ngiti niya ay para na akong lumilipad nito sa sobrang ganda ng nakikita kong anghel na bumalot galing sa langit.
Pero napatigil ako nang biglang may istorbo sa tabi ko, at iyon ay si Kuya Benj. "Jan Martin! Anong tingin-tingin mo diyan?"
"Wala po. Bakit po ba?"
"Aysus! 'Yan tayo, e! Kay Arianne na naman ano?" ika niya habang tinatapik niya ang balikat ko at napailing sa kanyang sinabi. Umamin ako sa kanya, "Obvious po ba? Sa simula pa lang, sa kanya na po talaga ang bagsak ko, e."
"Martin, ayan ka na naman!"
"Sa hindi ko mapigilan ang sarili kong magustuhan siya—"
"Kahit na!" naiirita niyang banggit sa'kin. "Hindi ba pwedeng kahit minsan e kontrolin mo muna ang emotions mo? Dahil kapag hindi mo ginawa iyon, makakabuhol-buhol na ang lahat sa inyo, tandaan mo iyan."
***
"Kuya Kenzo? Marco? Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko sa kanila habang nagdarasal nang taimtim na sana manalo si Arianne sa pageant na ito, pero kung hindi papalarin ay ayos lang. Ang mahalaga ay nakasali naman siya sa patimpalak na ito. Ganyan sila ka-suportado sa pinsan niya, ano pa kaya ang mai-expect sa tatlong 'to?
"JM, nagdadasal pa silang dalawa," rinig kong saad ni Kuya Benj bago niya ako itapik sa'king balikat. "But we're hoping that someday, Arianne would win."
I replied, "And TJ as well."
"And now, the moment of truth," the host started, leaving the indefinite atmosphere that surrounded us throughout the event. Saktong timing ay natapos na ang dalawa na magdasal bago siya magsalita, "Isa sa mga inyong mga representatives ang tatanghaling Mr. and Ms. Intramurals, so be ready to cheer your candidates okay? Simulan na natin!"
All of the sudden, the atmosphere turned overflowing when the audience crammed their heads off while the other ones raised the cartolinas, tarpaulins and balloons to show their support for the candidates who's still standing in front of the audience. Nilabas namin mula sa kanya-kanyang mga bag ang mga boteng naglalaman ng mga batong napulot namin sa kung saan-saan na siyang iwawagayway bilang pagpapahayag ng suporta kina Arianne at TJ mula sa casual wear hanggang sa patapos na ang pageant.
"The Mr. Intramurals goes to..." the host announced kasabay ng pagwagayway naming apat ng boteng may bato sa loob nito at ang pagcheer ng pangalan ni TJ — ang mahiyain pero full force na representative ng Team Purple. Nakabuo ng ganitong klaseng tunog ang covered court na tila isang concert na kung saan jam-packed ang mga audience kasabay ng bawat tili na sumasabaybay sa atmospera namin.
Napakapit kaming apat ng kamay nang 'di-inaasahan, senyales na sana marinig ni Bathala ang dasal namin kasabay ng pagdagundong ng drum roll sa buong paligid. At nang mabasa ng host kung sino ang nanalo...
"Male candidate number... 7! From Purple Skies!"
...napasigaw kaming apat na malamang si TJ ang tinanghal na Mr. Intramurals ng taong ito at halos napaiyak na lamang siya sa tuwa nang narinig niya ang kanyang pangalan sa harap ng entablado. It's so unexpected to see him winning the title after all those times saying to myself that he doesn't deserve to win the prize because of him being worried and nervous… and now here he is. Standing in front of everyone, crying his heart out not because of him, but he became the one who overcame his fears in living the dream that he wanted.
"Yes Martin! Nadinig na Niya ang dasal natin!" magiliw na banggit ni Kuya Kenzo saka niya niyakap ang bunso niyang kapatid at halos hindi siya makahinga sa ginawa nito sa kanya bago sila napatalon nang sabay sa sobrang tuwa.
Nang matapos ay tinignan namin si TJ na ngayon ay sinusuotan siya ng sash, samantalang ako naman ay nagdasal ako ng mabilis na sana ay manalo si Arianne. Hindi lang iyon, siya din ang nakakuha ng Best in Casual Wear and Best in Formal Wear awardee at ang titulo ng Mr. Intramurals ay naipasa na sa kanya.
"Ang susunod naman ay tatanghaling Ms. Intramurals, so be ready to cheer your representatives dahil ang susunod naman is candidate number..."
Muli ay winagayway namin ang bote saka namin sinigaw ang pangalan ni Arianne nang pagkalakas-lakas hanggang sa mapaos na kami kakasigaw nang dahil sa kanya. Ang iba naman ay sinisigaw ang ibang representatives ng bawat team kaya noong nag-announce na ang host, tila narinig na ni Bathala ang dasal nilang dalawa ni Kuya Kenzo at halos napatakip sila ng bibig sa anunsyo nito.
"Female candidate number... 7! From Purple Skies!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top