#ASerendipitousYearWithMarJade | April 10, 2021

Dear Arianne and Martin,

Magmula noong sinulat ko ang nobelang iyon ay hindi naging madali ang mga pinaghirapan kong mga araw, buwan at linggo upang matapos ko ang nobelang ito. Simula sa mga araw na pinag-isipan ko ang mga eksena sa mga nakalipas na kabanata hanggang sa hindi kinakailangang mga outline on some of my chapters ay ginawa ko, maipagpatuloy ko ang inyong nasimulan.

Kung babalikan ko kung paano ko kayo nasimulan, Biyernes Santo ng April 10, 2020 noong una ko kayong nakilala. Sa hallway kung saan unang nagkita at unang ginawan ng kwento. Habang tumatagal at sinusulat ko ang nobelang iyon ay marami kayong napagdaanang hirap at pasakit bago kayo bumangon at pinagpatuloy ang buhay niyong dalawa, yet you gave them hope to the readers na sa kabila ng lahat, it's alright na madapa ka, pero balang araw at makakatayo ka na rin sa sarili mong paa at makakabangon at the same time.

Natutuwa na rin ako sa mga hirit niyong magkakaibigan, pati na rin kina Kenzo at Marco. Kasabay na rin ang pagkakilig ko kapag sinusulat ko ang mga linyahan niyong dalawa at ang mga moments niyo nang magkasama. Doon ko talaga napatunayan na kahit sa fictional world ay minahal ko kayong dalawa, higit pa sa pagmamahal ko sa istoryang ito.

Pero ngayon, sa nakalipas na tatlong daan at animnapu't-limang araw ay nagpapasalamat pa rin ako kasi kahit coincidential man ang mga nangyayari sa paligid ko, hindi ako magsasawa na sumuporta at mahalin kayo hanggang dulo. Hanggang ngayon ay namimiss ko pa rin ang kulitan niyo nina Kenzo at Marco, yung moments niyong dalawa ni Martin, yung bistuhan pero matibay niyong friendship nina Andrea at TJ, at iba pang mga bagay na namimiss ko. Lalo na yung detention room.

Haaaay... hindi ko na ito papatatagalin pa at hanggang dito na lang ang sulat ko. Alam kong magulo, pero ginawa ko ito para sa inyong dalawa ni Martin---hindi. Para sa mga karakter na nakilala ko sa loob ng labing-isang buwang pagsulat sa nobela niyo.

Mahal na mahal ko kayo. And with that, may isa lang akong sasabihin sa inyo.

HAPPY FIRST ANNIVERSARY!

Love,
Ayeng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top