tuldok (zhang hao x oc)

tuldok (n.)

Sinisimbolo ng tuldok ang pagtatapos ng pangungusap. Ngunit, para kina Isha at Kylo, ito ay ang pinigpipilitan ng mundo sa kanila — ang tapusin ang pagmamahalang ni kailanman ay hindi maaari. Paano nga ba ipagpipilit ang tadhana para sa isang abogado at artista?



characters

oc as Justice Hyacinth Fuentes

Zhang Hao (from ZEROBASEONE) as Kylo Alastair Esquivel




Tuldok


"Sino naman ang next na iinterview-hin natin?"


Tanong ni Lana nang mailapag ni Rios ang kape nilang apat nina Vaughn at ang nobya nitong si Isabella. Nakailang interview na sila pero determinado pa rin ang dalawang estudyante na dagdagan pa ito.


"Dami niyo nang na-interview, ah?" Sambit ni Vaughn bago humigop sa kanyang kape. "Kailangan niyo pa?"


"Delikado grades namin this sem, pre," sagot ni Rios. "Kailangan namin ng kabog."


Nagkatinginan sina Vaughn at Isabella.


"Maybe, I can ask my tito?" Isabella suggested. "Their love story is nice rin, e."


"Totoo!" Panggatong ni Rios. "Pati ako naiyak!"


"Salamat, Isa!"


Hindi inakala ni Lana na big time nanaman ang taong makakapanayam nila. Una, si Dr. Del Varde. Ngayon naman, 'yung pinakasikat na aktor at musikero noong kapanahunan ng kanyang mga magulang.


"Grabe naman mga nahahakot natin..." Sabi ni Lana na ikinatawa ni Isabella. Hinihintay nila ang dalawang tao na nakapaloob sa love story ng tito ni Isabella.


"Medyo Spanish time sila ha," saglit na reklamo ni Rios.


"Gago, mahiya ka naman," natatawang pambabara ni Vaughn. "Ikaw na nga nakagambala sa tito ni Isa. Artista si tito, oy!"


Sakto naman ay mayroong kumatok sa silid na kinapaparoonan nila. Napangiti agad si Isabella at binuksan ito.


Hindi nga lang nila in-expect na ganito kagandang babae ang bubungad sila.


"Tita Isha!" Yakap ni Isabella sa nakatatandang babae. "I missed you! I'm so glad nakarating ka!"


"Hindi naman ako bitter na ex para hindi ito masipot 'no!" Para palang tropa-tropa lang ang inaya nilang babae.


"Good morning po, Atty. Fuentes!" The rest greeted.


"Ang formal niyo naman..." Isha chuckled. "Tita Isha nalang! 'Yung tita matatanggap ko pa, e."


Nagtawanan ang grupo bago umupo at nagchikahan. Hindi nila mapagkakaila na masaya kasama si Isha. Pero, hindi nawala sa pansin nila na may hinahanap yata ito.


"Nasaan si Alas?" Tanong ni Isha. Sikreto tuloy na napangiti ang grupo. "Late nanaman?"


"He has a shooting po," sagot ni Vaughn. "Hanggang ngayon, in demand pa rin ex niyo, tita."


"What can I say?" Isha smiled. "Pogi, e."


"Sinong pogi?"


"Tito!" Agad na tumakbo si Isabella sa paborito niyang tito. Bigla namang kinabahan si Vaughn dahil alam nito na ama-amahin ni Isabella ang artistang nasa harap nila.


Napako lamang sa pwesto sina Lana at Rios dahil starstruck sila. It was not everyday they could meet a celebrity. What more the biggest star before.


"Good morning po, tito!" Bati ni Vaughn na sinundan nina Lana at Rios. Masigla namang binalik ng nakatatanda ang energy noong binata.


Natahimik lahat nang magkatinginan sila ni Isha.


"Long time no see, Attorney." He flashed a gorgeous smile.


"Kylo..." Napangiti si Isha. "I wish I could say the same pero lagi kong nakikita sa TV 'yung mukha mo. Kamusta?"


"That's Alas for you." Isha chuckled at what Kylo said. "Ayos naman. Ikaw ba? Big time ka na, ah!"


"Hindi mo pa rin talaga pinalitan hairstyle mo," sagot ni Isha. "That's so 2020s!"


Matapos ang isang muling pagkikita na sobrang ikinakilig ng grupo, napagpasyahan silang simulan na ang panayam.


"Good morning po! Before we start, kindly introduce yourself po," Lana cheerly began.


Nagkatinginan sina Isha at Kylo na para bang nag-usap gamit ang kanilang mga mata. It was clear they were discussing sino ang mauuna.


"Ladies first," pagpapaubaya ni Kylo.


"Okay," Isha chuckled. "Good morning! I am Atty. Justice Hyacinth Fuentes. I have been a Criminal Lawyer for 10 years already."


Kylo's proud smile did not escape the group's eyes.


"Dali, ikaw na..." Pag-uudyok ni Isha sa katabi.


"Good morning! Ako si Kylo Alastair Esquivel. I have been in the showbiz industry since... I think... since I was in 3rd year college."


It was clear that Kylo was frantic. Sa katotohanan, ayaw niya pang balikan ang nakaraan niya. Hindi rin naman ganoon kadali 'yon. Pero para sa pinakamamahal niyang pamangkin, sige lang.


"How did you start po?"


Nagmamahal, Kylo

"Our champion is Charms Box! That places Limeline second!"


Tangina, second place nanaman.


Napatingin ako sa mga groupmates ko na napangiti na lamang nang mariin. Lagi nalang kaming nalalagay sa pangalawa.


"May susunod pa namang competition, guys," pag-comfort ko sa kanila. "Hindi tayo susuko, okay?"


Nagkatinginan sila. Nadismaya ako dahil nakita ko nanaman ang malungkot nilang mga mukha. Sabi ko sa sarili ko: this time, ipapanalo ko na sila. Kaso wala nanaman.


May daya siguro.


"Congrats, guys! Pop-up mamaya!"


Nairita ako nang marinig nanaman ang boses na 'yon. Napalingon ako at doon ko nakita si Isha, ang leader at lead vocals ng Charms Box.


Matagal na kaming sumasali sa mga band competitions pero hindi pa namin natitikman ang tagumpay. Matagal na rin ako sa industriya kaya nakita ko paano lang biglang umusbong si Isha at kinuha na lagi ang first place.


"Balik muna kami sa hotel room, pre," paalam ni Zero sa akin. Sumabay na rin sina Kio at Aiden.


Hindi ko mapigilan ang disappointment na nararamdaman ko.


"Paano ba 'yan, Esquivel? Second place ulit?" Napabuga ako ng hangin nang marinig ang boses ni Isha sa likod ko. Hinarap ko tuloy siya at sinamaan ng tingin.


Kahit kailan talaga, kuhang-kuha niya ang inis ko. Mapagpasensya akong tao pero kayang-kaya talaga niya akong sagarin.


"Mas okay nang second place kaysa sa laging first place pero hindi naman magawang sumali sa mga international competitions."


Lakas ko doon, ah.


Masyado yatang malakas dahil nabigla rin si Isha sa sinabi ko. Akala ko naman wagi na ako pero bigla siyang naglabas ng mapang-asar na ngiti.


"Dream mong ma-sign ng label, right?" Tanong nito. Tinaasan ko siya ng kilay. Napaawang ang labi ko nang ipakita niya sa akin ang Email sa kanya ng DC Records — ang pinakatanyag dito sa bansa.


"Sila lang habol nang habol sa akin, Esquivel. I just push them away..." Isha grinned.


Sa sobrang galit ko kay Isha ay dinala ko talaga 'yon hanggang sa susunod na meeting ng Limelines. Parang sasabog na ako sa inis. DC Records is my dream!


"Stick with Paskuhan gigs muna kaya tayo?" Tanong ni Aiden. "Hindi na tayo nakakapag-gig kasi puro tayo competitions."


"Hindi!" Saway ko. "Pwede tayong sumali sa Battle of the Bands: The Doubleton. Last nalang for this year, guys! Ito lang!"


"Pre, may problem, e," alinlangang pumagitna si Kio. "Kailangan diyan dalawang lead vocals. Duo songs kasi 'yung requirement diyan. Isang babae, isang lalaki."


"Edi, we'll hold auditions!"


Akala ko madali lang 'yung pagpapa-audition. Pero maliban na sa hindi akma ang mga boses namin, nahihirapan din ang mga aplikante sa mga nais naming kantahin.


"Wala na tayong chance, ssob," malungkot na sambit ni Zero. "Okay na rin naman sa amin na mag-gig nalang muna tayo."


Hindi ko kayang sumuko. Kailangan maaya rin ng DC Records ang Limeline na mag-sign sa kanila. Ito ang pangarap ko para sa amin.


"Huy, gago! Nabalitaan mo ba?"


Nagulat ako nang biglang nagsipuntahan 'yung tatlong gunggong sa condo ko. Ano naman kaya ang nangyari at bakit feeling ko matutuwa ako?


"Ano?" Tanong ko.


"Na-kick si Isha sa Charms Box!"


Tangina?


Tila bang pumresko ang hangin. Parang ngumiti rin ang sun sa akin. Parang lahat ng mga nasa laylayan ay maihahaon ko.


"Totoo ba?!" Masaya kong sigaw at kinuha ang phone ni Kio para basahin 'yung chismis.


Walang nakalagay na dahilan bakit tinanggal si Isha. Ang nakalagay lang dito ay pinalitan siya ng isang lalaking nagngangalang Kaeden.


"Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" Nakangiting tanong ni Zero. Sakto rin namang napangiti si Aiden.


Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang ibig nilang sabihin.


"Hindi! No! No! Never!" Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa pandidiri. Hindi ko kayang makipag-interact sa nilalang na 'yon! Never! Over my dead body!


"Mamaya na deadline ng registration, oh..." Pagpapaalala ni Aiden. "Parang dapat kausapin mo na."


Hindi kami magkakasundo. Masisira lang ang banda at wala kaming chemistry kung magpe-perform man kami. Hindi ganito.


Wala akong binigay na sagot sa kanila. Napagpasyahan ko na lamang na pumunta sa auditorium. Mabuti nalang at walang tao.

Sa UST ako nag-aaral at isa akong student sa Conservatory of Music. Dati ko pa talaga pinapangarap maging musikero. Supportive naman ang pamilya ko.


Akala ko walang tao pero napatigil ako nang makarinig...


"Kapag damdamin na'ng nagsalita

Wala ka nang magagawa kundi sundin ito kahit ayaw

Wala na ngang natitira, lahat-lahat, naglaho na

Konting pilit pa'y masusugatan, bumitaw ka na."


Ang ganda ng boses niya pero sobrang pamilyar sa pandinig ko. Nagtago ako sa kurtina sa tabi ng stage at sinubukang silipin ang babaeng kumakanta sa entablado.


Napaawang ang labi ko nang makita si Isha.


Alam ko namang maganda at malamig ang boses niya... Bagay na bagay sa akin. Sa boses ko, ha! Ang weird pakinggan noon, shet.


"Sa pagtakbo ng ang oras, unti-unting kumupas

Ang dating wagas ay magwawakas."


Doon ka na-consider ang sinasabi nina Zero na ayain si Isha. Huminga ako ng malalim.


"Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?

Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho

Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba

Ika'y lumalayo, tadhana ba ito?"


Nagulat siya nang bigla ko nalang siyang sinabayan sa pagkanta. Pero, like the professional she was, she did not stop singing. Hindi ko rin naririnig sa boses niya na gusto niyang i-overpower ang akin.


Siguro, okay rin naman pala.


"Anong ginagawa mo rito?" Masungit na tanong niya sa akin.


"Parang sa'yo ko 'yon dapat tinatanong." I crossed my arms. "Ako ang Thomasian dito. Paano nakapunta rito ang taga-UP Diliman?"


Natahimik ito at inayos nalang ang gamit, aalis na yata. Binabasa ko ang mukha niya at bakas doon ang pagkalungkot. Mahirap din talaga matanggal sa bandang ikaw mismo ang bumuo.


Aaminin ko, ang unfair ng ginawa kay Isha. Kung ano mang dahilan 'yon.


"May proposal ako..." Panimula ko. Napatingin siya sa akin.


"Ano? Luluhod ka?" Tinaasan niya ako ng kilay. Aba, palaban pa rin talaga. "Nasaan singsing mo?"


"Sumali ka sa Limeline," sa wakas, nasabi ko na rin. "Balak naming sumali doon sa Doubleton."


Napahalakhak ito.


"At bakit naman ako sasali sa inyo?" Siya pa ang nagmataas. "For all I know, baka maging second place ako."


"Kung ako sa'yo, hindi ko man iisipin anong place ang makukuha mo," panlaban ko na ikinatahimik niya. "At this point, wala kang banda. 'Yang Charms Box mo na laging 1st place? Tinanggal ka. Wala ka ring mapupuntahan."


"DC Records is trying to sign me," she shot back. Napansin kong mas nandilim din ang paningin nito. Pikon naman. "May mapupuntahan ako."


"So, bakit ka nagmumukmok dito?" Tumingin ako sa taas, umaakto na parang nag-iisip. "Ah, alam ko na! Kasi sa UPD nagpa-practice ang ex band mo."


Hindi ko naman inakalang kaya ko palang kumbinsihin si Isha. Pero, mas hindi ko inakala na makakagrupo ko siya. Never once kong naisip na magsama kami. Ni magkasundo nga hindi namin magawa, e.


"Welcome sa Limeline!"


Bati noong tatlong tukmol nang pumasok si Isha sa rehearsing room. Walang ekspresyon itong si Isha at tinanguan lamang sila.


"First things first..." Panimula ko. "Ano ang kakantahin natin?"


"I think we can go for rock," suhestiyon ni Isha. "Maganda kung kantahin natin 'yung 'Bring Me to Life ni Evanescence."


"I don't agree," saway ko. "Hindi 'yon bagay sa boses natin. I was thinking more of Jet Lag ni Simple Plan. Feel ko maiindak ang mga tao roon."


"Kung gusto mo ng pasabog, mas maganda kumanta ng rock." Napabuntong-hininga ako. Pinaglalaban talaga ni Isha ang kanya.


"Ako ang leader dito," tinaasan ko siya ng kilay. "I say go tayo sa Jet Lag."


Hanggang sa nag-away na kami.


"Sabi sa inyo, having Isha in Limeline is a bad idea!"


Tatlong araw nang hindi nagkikita ang Limeline since nung incident. Mainit pa talaga 'yung ere sa amin ni Isha. Ayaw ko ng ganoon. Ayaw ko sa presensya niya. Masyado siyang makulit.


Kaso, hindi ko rin mapagkakaila na kailangan ko rin talaga ang boses niya. Hindi lang sa pagkanta pero sa pagdedesisyon din.


Dahil sa sobrang stress na nararamdaman ko, napagpasyahan ko nalang pumunta sa Tomas Morato. Nakakaganang uminom muna.


"What's your IG?" Nakakailang tanong na yata sa akin nito at hindi ko pa rin ubos 'yung alak ko. Ayaw ko naman din kasi magpalasing lalo na't mag-isa lang ako.


Napakunot ang noo ko nang makakita ng pamilyar na babae sa dance floor.


tw // sexual harassment

"I said, don't touch me!" Agad akong napalapit sa kanya nang marinig niya 'yon. Kaharap niya ang dalawang lalaking hindi ko kilala.


Pero mas napansin ko ang pagbigat ng paghinga niya.


"Layo, pre," I warned. "Huwag na huwag kang hahawak sa girlfriend ko."


"Boyfriend mo?" Turo sa akin nung isa habang nakatingin kay Isha. Tumango ito. "What a downgrade, ha."


Aba, gago?


"Ulol, kung kaasiman lang din ng mukha ang pinag-uusapan, sa'yo na ang korona," sinagot ko si gago. Buti nalang umalis din agad.


Nagulat din ako noong bigla nalang tumakbo palabas ng bar si Isha. Tangina, saan nagpunta 'yon?


Nakita ko nalang siyang nakaupo sa gilid ng kalsada. Mas nag-alala ako dahil nakahawak siya sa puso niya. Hirap na hirap huminga.


"Isha..." Nilapitan ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang sumigaw at napaatras. Napaawang ang labi ko nang makita siyang umiiyak.


"Isha, si Kylo 'to..." Hindi ko alam bakit pero naiiyak na rin ako. First time ko rin kasing nakitang ganito ka-vulnerable si Isha. "Ligtas ka sa'kin. Wala na sila... Huwag kang mag-alala."


Hindi ko na inakalang nakayakap na pala ito sa akin.


"Thank you... Thank you..." Paulit-ulit niyang bulong habang humihikbi.


"Anong ginawa nila sa'yo?" Bumitaw ako sa yakap at tinitigan siya. Pinipigilan ko talaga ang galit sa puso ko. Baka anong magawa ko.


"T-they tried to touch me!" Isha sobbed. Hindi ko alam kung alam niya ba talagang si Kylo ako o sadya ito. "Just like what Kaeden did! T-they all tried to t-take advantage."


Nanghina ang mga tuhod ko sa mga sinabi niya. Putangina, pinagsamantalahan siya ng ex niya? At pinasok ng Charms Box 'yon sa banda?


"Putanginang gago." Akma sana akong babalik sa bar nang hilahin ako pabalik ni Isha. "Makakatikim 'yon!"


"Huwag na," she sniffed. "Just stay, please."


At tinotoo ko talaga 'yon.


Hindi ko talaga nilubayan si Isha matapos noon. Inayos na namin ang differences namin at napagpasyahang dalawang kanta nalang ang kakantahin namin. Mas gumanda rin ang chemistry ng grupo.


"Kain tayo!" Nagulat nalang ako nang makita siya sa harap ng building! Paano 'to nakapasok?!


"Transferee ka ba rito?" Tanong ko at sinabayan siya sa paglalakad. "Paano ka nakakapasok? Ang strict kaya ng mga guard!"


"Sa akin ka pa nagduda?" Hindi ako makapaniwala sa kanya! Pakiramdam ko nga tino-tropa niya 'yung mga guard dito, e. Laglag ko nga siya. Charot.


"Saan mo gustong kumain?" Nahiya ako at siya na ang tinanong ko. Layo pa ng binyahe nito para makita ako, e. May crush siguro sa akin. Biro.


"Balita ko masarap daw 'yung Shawarma sa Dapitan!" Masigla naman nitong sagot. Feeling ko nagpunta talaga ito rito para magpalibre, e.


"Ginagawa mo akong sugar daddy." Pag-iling ko.


"Baby mo ako?" Napatigil ako. Pakiramdam ko ang init na ng mukha ko! Bakit ba humaharot 'to?! "Kinilig ka naman!"


"Hindi enemies to lovers ang trope natin ah," saway ko.


"Sino namang nagsabing lovers tayo?"


Oo nga naman. At talagang ilang araw din naming binibigyan ng oras ang isa't isa sa hindi ko malamang dahilan. Tinutulungan ko siyang mag-memorize ng theories dahil Political Science student ito at tinutulungan niya naman ako mag-practice ng mga kantang ipe-perform ko sa kurso ko.


Feeling ko nga malilibot ko na ang buong UPD dahil sa kanya. Kung saan-saan kasi ako hinahatak.


Katulad ngayon, nasa Sunken Garden na kami.


"Nga pala..." Sabi ko. "Bakit Isha pangalan mo? Ayun lang ba 'yon?"


Napansin kong natahimik siya kaya hindi ko na rin pinursue ang pagtatanong. Baka malalim ang dahilan niya at hindi pa siya handang sabihin.


"Ayaw ko kasi 'yung totoo kong pangalan... Justice Hyacinth," sagot nito matapos ang ilang minuto. "Kasi, hindi ako pinanigan ng hustisya noong kinasuhan ko si Kaeden."


Hindi ko inakalang ganoon pala ang pinagdaanan niya. Sana hindi ko nalang siya inaway noon. Sana noon palang naging magkaibigan na kami.


Sana nandoon nalang ako para protektahan siya.


Dahil nga sa kaartehan neto, ni lamok hindi ko hinayaang dumapo sa kanya. Pagsamantalahan at sirain pa kaya?


"Handa ka bang magmahal ulit?" Gago! Bakit ko tinanong 'yon?!


Hindi naman sa interesado ako pero parang ganoon na nga. Ewan ko rin ba bakit ko natanong 'yon. Wala rin naman akong dapat pake sa ganoong parte ng buhay niya.


"I never lost hope naman..." She gave me a small smile. "Kung merong someone, why not?"


Ilang buwan na rin kaming nagre-rehearse and so far, so good! Sa sobrang good, minsan nadadala na rin ako. Kasi nagbabago talaga 'yung ihip ng hangin tuwing nandiyan siya. Parang hindi ako makahinga.


"Saan ka?" Tanong ko over the phone. Inirapan ko ang mga bandmates namin na binibigyan ako ng mapang-asar na ngiti.


"May bake sale org namin sa UPD!" Ang lakas ng boses niya. Siguro nasa labas 'to. "Baka ma-late ako sa rehearsals! Sorry!"


Binaba ko agad ang telepono. Tumingin ako ka Zero, nagpapa-cute kasi kailangan kong ipahiwatig sa kanya na may kailangan ako. Agad akong napangiti nang ilabas niya ang car key niya at binigay sa akin.


"The best ka talaga, pre! Labyu!"


Nang makarating ako sa UPD, hinanap ko muna ang stall na nasaan siya. Pero bago noon, nakasalubong ko ang isang stall na nagbebenta ng mga bulaklak. Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko at bumili ng isang sunflower.


Oo na, ito paborito niya.


"Ma'am, pabili po," sabi ko nang makarating ako sa stall nina Isha. Nang tumalikod siya, nabigla siya dahil una, nandoon ako, at pangalawa, may dala akong bulaklak.


"Yie! Isha!" "Pumapag-ibig na!"


Pinaulanan tuloy kami ng mga asar. Not gonna lie, sana tinuloy pa nila. Charot.


"Hindi ko in-expect na dadating ka rito." Naglalakad-lakad lang kami around UPD matapos ang shift niya. Bumili rin ako ng limang boxes ng cupcakes para maipamigay sa pamilya't mga kaibigan ko.


Of course, para suportahan din ang babyloves ko.


"Hindi ko rin in-expect, e." Kinamot ko ang ulo ko. Bumibigat nanaman ang paghinga ko. Ano ba 'to?


"May pa-bulaklak ka pa." Tinitigan ko siyang tinititigan ang sunflower na binigay ko. Ang ganda naman. Nakakaloka. "Para ka namang nanliligaw."


"Manliligaw nga ako."


Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin. Puta, pati ako nagulat sa sarili ko, e. Alam ko namang balak ko siyang i-pursue pero medyo inisip ko pa maging torpe. Kaso, gago, gusto ko talaga siya.


Ayon, pumayag naman siyang manligaw ako. Hindi siya umamin pabalik pero ayos lang 'yon. Willing to wait ako. Plus, hindi naman siya required na magustuhan ako pabalik.


Ito na 'yung oras na pinakahihintay namin. It was already the competition.


"Just like what we rehearsed, guys!" Pagmo-motivate ko sa kanila bago kami umakyat sa entablado. "Enjoy niyo lang!"


And, that was what we did.


Sinimulan namin ang performance ng isang sentimental yet very explosive na version namin ng Bring Me to Life. This was Isha's moment. This was her song. This was made for her.


"Wake me up inside (save me)

Call my name and save me from the dark (wake me up)

Bid my blood to run (I can't wake up)

Before I come undone (save me)

Save me from the nothing I've become."


Habang tumutugtog ako ng gitara, napapansin ko siyang pasulyap-sulyap sa akin. Sa kanya lang din ako tumitingin habang kinakanta ko 'yung rap part ko. She makes me happy. She inspires me to dream.


Isha is my dream.


Nang matapos ang unang song namin, doon na kami sa Jet Lag. Sobrang saya namin dahil nakiki-jam ang audience sa amin.


"You say good morning when it's midnight

Going out of my head alone in this bed

I wake up to your sunset

And it's driving me mad, I miss you so bad."


Ang ganda talaga ng boses namin ni Isha kapag ipinagsama. Tunay na cino-compliment namin ang isa't isa. Ngayon, winning did not matter. It was only us. It was our stage. The world was ours.


"So jet lagged!"


Natapos ang performance namin and we took a few seconds to hug each other on stage. Pagkarating ko kay Isha, nakangiti na agad siya sa akin. Hulog na hulog na ako.


"I love you," bulong ko sa kanya. Ine-expect ko na magugulat siya pero iba ang nangyari.


"I love you," sambit niya pabalik. "Now would be the best time siguro na i-hard launch ka as my boyfriend, 'no?"


Hindi lang 'yon ang panalo ko noong gabi na 'yon. We even won the first place! Pati tuloy ang mga bandmates namin sobrang saya.


"I had the time of my life fighting dragons with you guys," panggagago ni Kio at paiyak-iyak pa ang gunggong.


"To our next performance, ha!" Isha smiled, glancing at me. "The best and banda na ito. Walang hiwalayan!"





Tuldok

"Grabe 'yung emotional roller coaster ride sa story niyo!" Komento ni Rios. Si Lana naman ay hindi na makausap dahil kilig na kilig. Sa lahat pa naman, paborito niya ang enemies to lovers.


Napatingin si Kylo kay Isha.


Hindi makapagsalita si Isha pero bakas sa mukha niya na naiiyak siya. Tila bang binabalik sa kanya ang mga araw na masaya pa... na pwede pa.


Kasi sa susunod na parte ng kwento, hindi na.


"Para pala kayong mag-asawa kung mag-away," natatawang sabi ni Vaughn. Napangiti na lamang si Kylo roon.


"Pero, ito na ba 'yung sad na part?" Lana pouted. Isa nanamang araw para siya ay masaktan sa relasyon ng iba.


"Mas maganda kung si Isha ang magkwento nito..." Napahawak si Kylo sa kamay ni Isha.





Nagmamahal, Isha

It has been the best months of my life. Masaya ang relationship namin ng boyfriend ko, very successful ang banda ko, I get good grades. Parang wala nang makakasira sa buhay ko nito.


"Bebe time!" Natawa ako nang makita nanaman si Kylo sa harap ng condo unit ko. Mabuti nalang ay wala akong roommate.


The next thing I know, parehas na kaming nakahiga sa kama ko. Nakayakap ako sa kanya habang hinahagod niya ang buhok ko.


"Kapag kinasal tayo, gusto ko ganito rin kalaki 'yung bedroom," sabi niya na para ba talagang vini-visualize na niya ang future namin. "Tapos 'yung mga chikiting nagtatakbuhan diyan."


"Bilis mong magplano, ah," I chuckled. "Paano kung hindi tayo nagkatuluyan?"


"Don't say bad words, mahal!" Pagsaway nito sa akin na ikinangiti ko. "Ang hindi lang maaaring mangyari ay ang pagpasok ng mga chikiting dito tapos naamoy nila tayo matapos natin gawin 'yung ano."


"Ang bastos ng bunganga mo!" Hinampas ko tuloy 'to at napahalakhak si gago. Gosh, bakit ang lakas ng trip ng jowa ko?


"Gusto kong name Brownie at Whitey," panggagago nanaman nito.


"Ikaw nalang ang gawin kong aso kaya?" I glared at him. Minsan, hindi ko alam kung seryoso ba talaga 'to o ano, e."


"Ah! Oo nga pala." Bigla siyang napaupo at mayroong kinuhang box sa kanyang tabi. Umupo rin tuloy ako para tingnan ito. "May regalo ako sa'yo."


Nanlambot ang puso ko nang makakita ng necklace sa loob. Necklace with an ace pendant.


"Para lagi mo akong maalala," sambit niya habang isinusuot sa akin. "Na kahit anong mangyari, habang buhay kita mamahalin."


"Ikaw ang Alas ko..." Ngiti ko bago pumaslit ng halik sa labi niya. "Dito ka lang sa'kin."


I could never have a better relationship. Ito na 'yon. Alas also made me realize some things about my life that are worth letting go na rin. Isa na roon 'yung DC Records na habol nang habol sa akin.


Someone deserves that more than me.


"Mahal!" Nagulat ako nang bigla nalang akong pinaulanan ng halik. "Sina-sign kami ng DC Records! Ayaw noong tatlong tukmol pero this is my chance!"


"I'm so happy for you!" Yakap ko sa kanya. "Ito ang dream mo. Go for it!"


I was really happy that Alas was achieving his dreams. Malaking saya ang dulot na nakikitang masaya ang mahal mo. Alam ko na magiging non-showbiz girlfriend ako and napag-usapan na rin naman na namin 'yon.


Lowkey nalang muna. Ayos ako roon.


"Ang lala raw ng face card mo sabi ng mga fans mo," pagbasa ko roon sa isang comment ng fan niya. Napag-isipan kasi namin na basahin ang mga comments sa kanya para alam namin ano ang tingin sa kanya ng mga tao.


Currently, naghahanda si Alas for his debut single and sure akong papatok 'yon! Syempre, boyfriend ko pa!


"Abangan mo debut single ko." Tumingin siya sa akin. "Sinulat ko 'yon para sa'yo."


Ang lala naman magpakilig!


"Tama na muna 'yan, mahal," sabi niya sa akin. Lumapit naman ako sa kanya. "Kain muna tayo. Pasensya na, ito nalang muna, ha? Kahit gusto kitang yayain mag-date sa labas..."


"Ayos lang, mahal," niyakap ko ito. "Wala na akong hihilingin pa."


Nagdaan ang mga buwan at inilabas na rin ang debut single ni Alas na "Langit." Ngayon, papunta na rin ako sa sa mall para manood ng mall show niya.


Supportive girlfriend ata 'to!


"Halik at yakap mo ang minimithi

Ako'y dalhin mo sa langit sandali (langit sandali)

Ikaw ang pinakamagandang panaginip at ayaw nang magising

Ang sagot sa panalanging higit pa sa hiniling."


Napangiti ako dahil ang ganda ng kanta. Para sa akin nga talaga. Akin lang.


Kaso, noong napatingin ako sa mga fans niya, naghalo-halo ang mga emosyon ko. Kaya ko bang mahalin siya kasabay ng mga maraming taong nagmamahal din? Oo, kaya ko. Kasi ito ang pangarap niya.


He was meant for this.


Naging busy na rin siya dahil kailangan niyang i-promote ang bago niyang kanta. Kung saan-saan nga siya napapadpad, e. Ayun, napadalas na rin ang alone time ko pero mabuti nalang ay nandito 'yung tatlong tukmol para samahan ako.


"Kailan ulit tayo magkikita, mahal?" Tanong ko over the phone. "Miss na miss na kita."


"Konti nalang, mahal," pag-assure neto. "Uuwi ako sa'yo."


Napatagal ang uwi niya kasi halos isang buwan kaming hindi nagkita. Kung mag-usap din sa phone ay minu-minuto nalang. Kaso naiintindihan ko naman. Mahirap nga talaga maging artista.


Kaso mahirap din pala siyang makitang nalalapit sa iba.


"Mahal, inutos lang 'yon ng agency, ha?" Ilang beses naman niyang assurance. "Sa'yo lang ako."


Alam ko naman 'yon.


Ako ang tahanan niya. Ako ang pahinga niya. Kaya kung mapagod man siya o hindi na niya kaya, nandito lang ako lagi para salubungin siya. Ako ang hihilom ng mga sugat niya.


Pero, ano ba ang gagawin kung ako na mismo ang napagod?


"Mahal, bukas na thesis defense ko! Kain tayo bukas kung free ka." Straight to voicemail.


Kung dati, minu-minuto sila nag-uusap. Ngayon, parang nagiging multo nalang si Alas.


Sobrang busy na rin kasi niya dahil kabi-kabila ang mga imbitasyon sa kanyang mag-perform. Pinasok na rin niya ang acting industry.


Mukha na niya ang nakapaskil sa lahat ng posters at billboards. Sobrang sikat na niya at wala na ring makahagilap sa kanya.


Maski ako.


"Mahal? Kamusta ka na? Sana ayos ka lang! Nag-iwan ako ng gamot diyan sa condo mo kasi nag-aalala ako baka nagkasakit ka na."


"Mahal! Ga-graduate ako whoo! Sa 28 'yung grad. Punta ka ha! Kahit saglit lang!"


"Mahal, miss na kita huhu. Paramdam ka nalang siguro in spirit hehe. I love you!"


Wala talaga. Ni isa.


"Inom nalang tayo!" Aya ni Zero sa akin.


Wala naman sigurong masama kung uminom. Sina Zero naman ito, e. Nagpunta tuloy kaming BGC. Nabigla nga ako. Dati, kuripot sila kung uminom. Ngayon, ang lakas gumastos.


"Oh, shot na!" Binigyan akong Black Label netong si Aiden. Tangina, nakarami yata ako at hindi ko na rin alam ang mga pinagsasabi ko.


Miss ko na si Alas, gago. Boyfriend ko pa ba 'yon? Baka na-fall na roon sa ka-loveteam niya. Kilala pa ba ako?


Pinagpasyahan ko nalang na kalimutan at i-enjoy nalang ang gabi na ito.


tw // indirect mention of rape


Sana hindi nalang pala. Sana nag-stay nalang ako sa bahay. Sana dinamdam ko nalang 'yung sakit.


Pinaglaruan ako nina Zero, Aiden, at Kio.





Tuldok

"Teka..." Biglang napatayo si Isha at pumunta sa sulok. Hindi na yata siya makahinga nang balikan ang mga malalagim na alaala.


"Isha." Agad namang pinuntahan ni Kylo ang babae. Hinagod-hagod nito ang likod bago muling yakapin. "Nandito ako. Huwag mong pilitin kung hindi kaya."


Kahit nakatalikod si Kylo, bakas ng grupo sa kanya ang pagkagalit. Tila bang binalik din siya sa oras na pinahirapan sila ng mundo.


"We can stop na po the interview, tita," nag-aalalang sabi ni Lana. "It's okay po! You're more important po!"


"No... no..." Pag-iling ni Isha bago bumalik sa kaniyang kinauupuan. "I can continue."


"Huwag na." Hinawakan ni Kylo ang kamay nito. "Ako na."





Nagmamahal, Kylo

"Mahal!"


Maligaya akong pumasok sa condo ng babyloves ko dahil sobrang miss ko na siya. Siya ang pahinga ko.


Oo, siya ang maghihilom ng sugat ko.


Hindi ko na nasagot ang mga tawag niya kasi cinonfiscate ang phone ko. Ilang beses kong sinubukang tumakas pero lagi akong nahuhuli. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin. Maski graduation niya hindi ko nasipot.


Pakiramdam ko ang sama-sama ko talaga. Pero, hirap na hirap na ako. Hindi ko na kaya ito.


Sa kanya ko lang gustong umuwi.


Kaso wala yata siya rito.


Binuksan ko ang phone ko para tawagan ito pero unattended. 'Yung huli niyang usap sa akin ay noong nagpaalam siyang iinom siya kasama nina Aiden. Tanungin ko nga mga 'yon.


"The subscriber you are trying to reach is currently not reachable."


Gago. Anong kayang nangyari?


Nabigla ako noong may pinagse-send na links sa akin 'yung mga kaklase ko noong college. Putangina? Putangina!


Napamaneho ako papunta sa regional court. Putangina, makita ko lang 'yung mga hayop na 'yon, patawarin sana ako ng Diyos sa gagawin ko.


Paglabas ko ng sasakyan, agad akong tumakbo papaloob kaso nakita ko si Isha kasama ang babaeng batid ko ay 'yung abogado niya. Iyak nang iyak ito.


"Mahal..." Sambit ko.


Sinalubong niya ako ng isang malakas na sampal.


Deserve ko ito. Deserve na deserve ko. Hindi ko masikmurang nilalabanan niya ito mag-isa. Na sa panahong pinaka-kailangan niya ako, doon pa ako wala.


"W-where were you?" Humikbi ito. Lumalabas na rin ang mga luha sa mga mata ko.


"I'm sorry..." Wala na akong ibang masabi kung hindi ayun lang.


tw // mention of rape


"Sorry?!" Tumaas ang boses niya. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. "I was raped! I was fucking raped! Again! Fucking again!"


Napaluhod ako.


Sobrang sakit nito. Saktan niyo na ako, huwag lang ang pinakamamahal ko, pakiusap. Kaya ko ang ginagawa sa akin ng agency ko pero 'yung gawin 'yun kay Isha? Haharapin ko ang demonyo.


"N-nasaan ka?!" Ang sakit-sakit marinig ang bawat pag-iyak niya. Ang sabi ko ako ang poprotekta sa kanya pero bakit ako pa ang nanakit sa huli?


Kaso, ako rin naman.


"I-isha..." I sobbed. "Pinagsamantalahan din nila ako... Kaya hindi kita ma-contact kasi kinuha nila ang phone ko. Ayaw nilang magsumbong ako."


"Sinira rin ako..."


Hindi ko na kinaya. Ilang buwan ko itong tiniis.


Tangina, ang daya ng mundo. Bakit kami ginagago ni Isha? Deserve ba namin ito? Paano ko siya aayusin kung ako sirang-sira rin?


"M-mahal..." Napayakap ito. "Who the fuck touched you?"


"Hindi na mahalaga, mahal," hinawi ko ang buhok niya at sinubukang pakitaan ito ng assuring na ngiti. "Ang mahalaga, nandito na tayo."


Natahimik ito.


"Mahal?" Pag-uulit ko.


"Hindi pwedeng ganito..." sagot nito. "H-hindi ko kayang mahawakan ulit. Natatakot ako. Hindi ko pa kaya. I'll get hurt because of you and you'll get hurt because of me. Mata-trauma tayo sa isa't isa."


Napaawang ang labi ko.


Pati sa akin ay takot na siya.


"Mahal..." Napahagulgol ako. Sobrang sakit na ng puso ko. Ganito pala ang katapusan namin.


"Lahat ng lalaki..." Pag-iyak niya. "Sinira lang ako. 'Yung buong mundo... sinira tayo."


"Hindi kita sisirain, mahal," sagot ko. Pero, alam ko rin sa sarili ko ang dapat mangyari. Kaso, ayaw ko, e. Mas pipiliin kong mawala nalang sa mundo kaysa sa mawala siya.


"Magpagaling muna tayo." Sigurado siya sa desisyon niya.


After three years, nakamit na niya ang hustisya. After five years, nakamit ko ang akin. Noong mga panahon na 'yon, malapit ang komunikasyon namin sa isa't isa.


Na kahit hindi na kami, sinusuportahan pa rin namin ang isa't isa.


Paano ko nasabi? Dahil si Isha ang abogado ko.


"Sa wakas..." Ngiti ko. Yayakapin ko sana siya kaso napaatras naman ako agad dahil baka hindi pa siya handa.


Napangiti ako noong siya ang yumakap.


"Sobrang proud ako sa'yo, Alas," bulong niya sa akin. "Pahinga na tayo."


Mahal na mahal kita.


Gusto kong sabihin 'yon pero alam kong magiging makasarili ako kung ginawa ko. Ayun na 'yung huling usap namin. Alam ko nga kinasal din siya pero nag-divorce din matapos ang isang taon.


Akala ko nga iiinvite ako sa kasal nila, e. Charot.


Nag-focus ako sa sarili ko. Gumawa ako ng sarili kong agency at marami akong mga magagaling na artistang kinukuha sa kumpanya ko. Sinisigurado kong tama ang pamamahala sa kanila at nagbibigay ako ng tamang gabay.


Habang si Isha, balita ko nagtayo na rin siya ng sarili niyang law firm and aspiring to be judge daw. Grabe, ka-proud si ex.


Kahit hindi kami, masaya ako sa mga nangyari. Na sa wakas, hindi na kami nagpapasira sa mundo. Na unti-unti na kaming naghihilom sa sarili naming mga sugat.


Dati, akala ko sapat na 'yung kasama ang isa't isa para magamot ang sakit. Ngayon, mas mahalaga pala na kasama ang sarili.


Hindi pa ako handa pero alam ko, papunta na ako roon.





Tuldok

"Pwede pa po ba?" Maingat na tanong ni Isa.


Ni minsan, hindi inakala nina Isha at Kylo na ang magtatanong pa noon ay ang pamangkin nila. Marahil ay dahil sila mismo ay takot ding sagutin ang tanong na 'yon.


Divorced si Isha. Single si Kylo. Baka this time pwede na.


"Huwag niyo po sana i-showbiz ang sagot..." Pati ang chismosong si Vaughn ay nakikisali na rin.


"Isha?" Nanguna si Kylo.


"H-hindi ko alam..." Hindi makasagot si Isha. "Aaminin ko..."


"Mahal kita, parang hindi naman 'yon nawala. Pero, may minahal din akong iba noong wala ka." Hindi ito makatingin kay Kylo. "Baka masyado lang akong nadala noong dinala mo ulit tayo sa nakaraan kaya ganito."


"Matagal nang nakalipas since nangyari 'yon," sumegunda si Kylo. "Marami na rin ang nangyari. Nasanay na rin ako na wala ka. Sirang-sira pa rin ako hanggang ngayon. Sinira ako ng mga nangyari noon."


"Hindi ko alam kung may pwedeng mangyari sa future pero kung ako ang tatanungin... Kahit pwede na ngayon, hindi pa pwede."


Alam naman nina Isha at Kylo na bago sila pumayag sa panayam nina Lana at Rios ay baka madala sila sa mga bagay-bagay. Matagal na rin noong nag-break sila at marami na rin ang mga nagbago sa kanila.


Tama si Kylo. Kahit pwede na para sa kanila, hindi pa rin pwede.


"May isa lang ako hiling," sambit ni Isha.


"Kahit ano." Kylo smiled. "Kahit ano para sa'yo."


"Pwede mo ba akong kantahan noong Langit?" Isha requested. "Na-miss ko 'yon, e."

[There should be a GIF or video here. Update the app now to see it.]

"Biyaya... Biyaya..." Para kay Kylo, nananatiling biyaya si Isha sa buhay niya. Mahal na mahal niya, oo. Pero kailangan niya munang unahin ang sarili niya.


Sinira ng mundo sina Kylo at Isha. Pinagsamantalahan nila ito. Pero ngayon, unti-unti na nilang binubuo ang sarili nila. Walang kasiguraduhin ang mangyayari sa kanila sa kinahaharap.


Kaya sana kahit itong saglit na panahon nalang muna, sa kanila nalang.


"Ikaw ang pinakamagandang panaginip at ayaw nang magising

Ang sagot sa panalanging higit pa sa hiniling."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top