B-Lies Prologue

 

Pagmulat ng kanyang mata ay tumambad sa kanya ang puting kisame. Iginala niya ang paningin sa paligid at nakitang puti lahat ang kulay ng dingding kung kaya't napagtanto niya na nasa ospital siya.

Nadako ang tingin niya sa lalaking nakaupo at nakaunan ang ulo sa kanyang kama. Napabalikwas ang lalaki at biglang sumilay ang tuwa nang makitang gising na siya.

"Jelna, you're awake! Thank God!" bulalas niya. Napakunot-noo siya. Sino si Jelna?

Hinawakan ng lalaki ang kamay niyang naka-dextrose at hinalikan. Napapiksi siya. Hindi pamilyar sa kanya ang lalaki.

"Sino ka?" naguguluhang tanong niya rito. Bahagya naman itong napakunot-noo.

"Hey, nagbibiro ka ba? This is me Nate, your husband!" napapailing nitong hayag habang tinitingnan siya ng may pagdududa.

Pumikit siya at pilit na inalala ang lalaki. Pero wala siyang maalala. Pinilit niya ring inalala kung  saan siya nakatira at kung sino ang mga magulang niya pero nabigo siya.

Pagmulat ng mata niya ay nakatunghay pa rin ang lalaki.

"Jel, I know I pissed you off before your accident pero wag ka namang magbiro ng ganyan." He sound frustrated pero maging siya ay nafrustrate din dahil blangko ang kanyang memorya.

"Wala talaga akong maalala." Nababahala niyang saad. Matagal na napatitig sa kanya ang lalaki bago ito nagdial sa intercom.

Dumaan ang katahimikan.

Ilang minuto lang ay dumating na ang isang doctor at sinuri siyang mabuti.

"She had a head injury and it's possible that she is suffering from amnesia." Saad ng doctor.

"How long can she regain her memory?" malungkot na tanong ng lalaki.

"That I'm not quite sure. It could be sooner or later or never at all. We only hope for the best." Saad naman ng doctor.

Napahawak siya sa ulo. Pinilit niyang alalahanin ang lahat pero blangko talaga.

Bahagyang kumirot ang kanyang ulo kung kaya't minabuti niyang ipikit nalang muna ang mga mata.

"Jel, wala ka ba talagang naaalala? Please wag mo naman akong biruin ng ganito." Nagsusumamong saad ng lalaki sa tabi niya.

Gusto niyang magsalita at sabihing nahihirapan din siya dahil talagang walang pumapasok sa utak niya pero parang hapung-hapo ang katawan niya at di niya magawang magsalita.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top