B-Lies (Four)

 

Mag-aalas dose na ng magising siya. Muli niyang binuklat ang albums na nasa side table. Siya nga ang nasa lumang mga larawan simula pagkabata pero wala talaga siyang maalala.

Minabuti na lamang niyang tumayo. Iginala niya ang paningin sa malawak na silid. May couch ito sa isang side at malaking LED TV.

Binuksan niya ang isang pinto at tumambad sa kanya ang malawak na walk-in closet na maraming damit. Para na itong isang boutique sa mall. Yung isang side ay mga suit at damit panlalaki. Sa kabila naman ay mga gowns at cocktail dresses na halatang mamahalin. May mga casual dresses din.

Tiningnan niya ang mga nakatupi at kumuha ng Capri pants at baby tee. Hinila niya rin ang ibabang drawer at kumuha ng underwear.

Lumabas siya sa walk-in closet at binuksan ang isa pang pinto. Tama nga siya. Yun na ang bathroom. Malawak din ito at may Jacuzi. May sliding door din papunta sa shower room pero kita naman ang silhouette pag naligo.

Para itong bathroom ng isang presidential suite sa hotel.

Minabuti niyang maligo nalang bago lumabas ng room.

"Gising ka na pala."  Saad ni Nate nang makasalubong niya ito. Napamaang ito nang makita ang ayos niya.

"Why?" naguguluhan naman niyang tanong.

"Nothing, di lang ako sanay na naka-shorts ka." tugon ni Nate ng nakangiti.

"Talaga?"

"Yup, you look simple. Lagi ka kasing naka-sunday dress dati. But that's better sweetheart." Saad nito at inakbayan na siya pababa ng hagdan.

Napatingin naman ang ilang maids sa kanya nang makarating sila sa kusina. Talaga bang di siya nagsusuot ng ganito dati?

"Hi, mommy!" bati ni Janella nang makapasok sa komedor pero natigilan din ito nang makita ang ayos ng ina pero agad ding nakabawi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top