Phase I.

AFTER ALL that's happened in your life, do you think you're heading to where you're supposed to be going? If your answer is a big NO, then we're certainly in the same track.

I don't call myself a pessimist. I'm just aware that life gives us unending sufferings and we're supposed to enjoy the ride. We may not be riding the same bus or trains. We may also have different destinations, but I guess we're all heading somewhere.

"Promise natin, even when we already become successful someday, walang makakalimot."

Napataas ang kilay ko sa narinig na usapan ng tatlong estudyante sa pinakamalapit na mesa ng kasalukuyan kong inuupuan dito sa cafeteria. Napatikhim ako. Solid kung mangako. Promising. Kaso halatang mapapako naman.

Bahagya akong gumalaw sa puwesto. Hindi lang iyon ang ingay na naririnig ko ngayon. May ilan na nakakairita. May ibang nakakacurious. Ang iba naman katulad nito, nakahahatak ng atensyon kahit na hindi mo naman talaga gustong makinig.

Sa tuwing naririto ako sa cafeteria, at kapag sa mismong oras na ito, halos puno ang bawat mesa at kulang na lang ay magsigawan ang mga estudyante habang pumipili ng pagkain. Yeah, high schoolers tend to be this active and wild. Katulad lang namin noon. But things aren't the same now. I guess realizations don't come for free for everyone. It's costly. It doesn't require money as price. It requires more.

May i-ilang mga estudyante ang tumingin sa akin. Naglagi ata ang mga mata nila sa mukha ko at sa suot kong lumang reading glasses, oversized na damit na suot, at sa libro, notebook at ballpens na nagkalat sa mesa na ako lang mag-isa ang nakaupo. Maybe because I'm wearing a P.E uniform from another school. Did it also ever cross their minds that I'm too old to wear this? Siguro iniisip nila na naligaw ako ng university? Tapos nang-aangkin pa ako ng table? Actually, people, I'm not.

Pero wala naman talagang nagtatanong kaya hindi ko na lang din bastang sinasabi ang dahilan.

Hinarap ko pang lalo ang mga libro na nakabukas sa harapan pero hindi ko pa nasisimulang basahin dahil sa ingay ng paligid. Kaya ayaw na ayaw ko sa lugar na 'to dahil hindi talaga ako makakapagfocus sa pag-aaral para sa exams namin! Puros tsismis ang nasasagap ko at walang ni isang information na needed para sa exam ang na-process ng utak.

Pero kailangan kong tulungan si Mama paminsan-minsan. Lalo na't halos hindi naman na kami loaded ngayong huling sem ko sa college as a senior. Yup, konting tiis na lang at ga-graduate na ako. I'm already in my last year. It excites me. But it scares me at the same time. Hindi ko alam kung handa na ba akong makipagsalaran sa tunay na mundo. Pero kailangan magpatuloy.

Dahil nga lunch break, hindi pa agad umaalis ang mga estudyante sa mga mesa. Napapikit na ako. I actually understand these people. At this point, gusto ko na lang panggigilan ang sarili.

Napadapa ako sa mesa na ako lang ang umuukupa. Napapikit at kulang na lang ay magsisigaw.

Narinig ko ulit ang pag-uusap ng tatlong mga babae.

"Ikaw, Mai baka yumaman ka lang hindi mo na agad kami papansinin," ani ng isa.

"I'll treat you with a vacay kapag naging flight attendant na ako," sagot naman ng isa.

"Free pass kayo sa first ever major concert ko in the future," sabi noong tumawag kay Mai.

"Sinabi mo 'yan ha. Basta let's remain this close," anang unang nagsalita, si Mai. Iyon ay kung hindi ako nagkakamali.

Naglapat ang mga labi ko at mas napapikit pa. Hindi ba puwedeng hindi ko na lang marinig ang usapan ng mga batang 'to? Ang wholesome. It reminds me of those days...

I still have almost thirty minutes before my next subject starts. Ayoko pa sanang umalis kaso hindi ko na talaga matagalan ang ingay sa paligid. Magpapaalam na lang ako kay Mama at sasabihing mamayang alas singko ko na lang huhugasan ang mga hugasin. My mother has been working in this school's cafeteria since I was a kid. Mahirap ang buhay pero mas mahirap kung walang trabaho.

Growing up, alam ko na iyon. Janitor din si Papa sa eskwelahan nato kaya hindi na nakapagtataka na dito na ako nag-aral ng elementary at high school. Private school kaya talagang may bayad. They availed for a discount. Dahil dalawa naman silang nagtatrabaho rito, nakayanan din.

They had massive hope for me. Kasi matalino raw. They believed that I'll be able to reach great heights. But here I am spending 2 additional years in college. Dahil umalis ako sa university na 'to para lumipat ng ibang eskwelahan at bumagsak ako ng dalawang sem, natagalan ako sa pag-graduate at napag-iwanan na ng iba. Lalo na ng mga kaibigan ko. Kaya matapos marinig ang usapan ng tatlong babae... hindi ko magawang hindi maapektuhan.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo na. Dumaan ako sa tabi ng mesa ng mga babae bago nagtungo sa stall ni Mama.

"Hi," marahan kong bati sa kanila. "Enjoying the food?"

Napatitig sila sa akin. Natapos na pala sila sa pagkain at nag-uusap na lang. "Opo, Ate?"

Matamis akong ngumiti sa kanila. "Medyo malakas ang boses n'yo kanina. I didn't mean to but narinig ko."

"It's fine," ani ng isa, iyong gustong maging flight attendant at magli-libre daw sa kanila ng trip sa kung saan.

Hindi nagsalita ang isa sa kanila at ang isa ay napatango-tango lang.

Hindi na rin sana ako magsasalita pa pero nang makita ang inosente nilang mga mata habang nakatitig sa akin, hindi ko mapigilang maisip kung ano'ng mararamdaman nila kapag napagtanto nilang hindi lang puro saya at pagtupad ng parangap ang buhay.

Even when they didn't ask any advice, I found myself giving them an unsolicited one.

"Sa buhay natin, may mga darating at aalis. 'Wag mong pilitin ang mga tao na manatili sa buhay mo. Kung gusto nila, iyon mismo ang gagawin nila. And friendships? Sad to say but some are meant to get burned. Ang iba, nalulusaw na lang. Naglalaho sa hangin."

Kahit pa alam kong hindi nakakagaan ng loob ang sinabi ko, I still smiled at them. Back then, I've yearn for advices about life but no one has given me. And so, I'm telling them as early as now. I hope these students could appreciate it.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at agad na sinalubong ni Mama. Suot pa niya ang apron at gloves. Handa nang maghugas ng iilang mga plato pero nagtanong muna. "Papasok ka na?"

"Five po ang uwi ko."

Tumango lang siya. "Nakita mo ang invitation na dumating sa bahay?"

"Invitation, Ma? Kanino galing?" Inayos ko na sa balikat ang shoulder bag ko.

Nagpatuloy siya sa paglilinis sa takip ng mga kaserola habang sinasagot ako. "Wedding invitation..." Tumigil muna saglit si Mama sa sasabihin. "Galing kay Theo."

Natigilan ako sa narinig.

"Ikakasal na siya anak," dagdag niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top