27

#BWB27

"Can you hear the heartbeat of the baby ma'am Victoria?" the doctor asked me

I smiled and nodded. "Yes," nangilid ang luha sa mata ko habang tinitignan ang anak ko sa maliit na monitor. It's all just black and white but I can see the body.

"So there's the heart, and the head. Medyo nakatalikod siya e, ayaw magpakita ng ulo," the doctor chuckled

"Pwede ko na po ba malaman kung anong gender ng baby ko?"

"The gender of your baby is a girl ma'am," she smiled at me

My eyes widened. "What? Really?" binalik ko ang tingin sa ultrasound

"Yes. You're baby is healthy girl. Malapit na siyang lumabas, soon."

Nangilid bigla ang luha sa mata ko. "Oh my God. Sorry doc, naiiyak nanaman ako ano ba 'yan," I awkwardly said

Whatever the gender of my baby is, I'll still be happy. Aalagaan ko siya at palalakihin siyang isang mabuting bata.

I looked at my belly and smiled. "Mommy can't wait to meet you anak."

"Have you thought of any names already?"

Napatingin ako sa doctor ko. "Uh, wala pa po e. I'm still undecided. Ang dami kong pangalan na naiisip pero hindi ko pa alam."

She gave me a small smile. "Well, hope you'll have a safe delivery kapag dumating na ang bata."

"Thank you po."

Pagkatapos kong mag-paultrasound ay pumunta ako sa mall upang magtingin ng mga damit para sa anak ko. Nakabili na rin ako noong nakaraan at pati si mama ay binilhan din ako. Hindi ko alam pero nahihiligan kong bumili ng damit para sa kanya. I guess I'm just too excited to meet her already.

"Hello ma? Opo. Nandito ako sa mall. Namimili ako ng damit sa anak ko. Ang cucute nga e, hindi ako makapili," sabi ko nang tumawag si mama sa'kin

"Tapos ka na magpa-check up sa doktor mo?"

Naglakad ako patungo sa kabilang side kung saan makikita ang iba pang damit ng mga newborn babies. May mga dress, t shirts, at shorts. They all look so cute especially the designs. Dinampot ko rin ang isang pares na pink na sapatos.

"Yes. And guess what? I'm gonna be having a girl!" tumili ako

"Talaga?! Ay naku, dapat pala sinamahan ka namin. Hindi mo naman sinabi na malalaman mo na pala gender ng baby mo."

I smiled. "It's fine mom. Alam kong may mga trabaho rin kayo. Si Adam nag-aaral pa. Ayoko naman kayong abalahin."

"O siya sige na. Magluluto pa ako ng tanghalian namin. Kumain ka na ba? Pagkatapos mo mamili, diretso uwi ka na. H'wag mo masyadong pagurin ang katawan mo."

"Okay mom. Bye," paalam ko at binaba na ang tawag

Pagkatapos kong mamili ay kumain muna ako ng lunch sa isang restaurant dito sa mall. Habang kumakain ay napapansin kong tinitignan ako ng dalawang teenager na babae katabi ng lamesa ko. Nahuli ko silang mahinang nagtatawanan at nagbubulungan. Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang pag kain.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na may pumasok na panibagong customers sa restaurant. My eyes widened when I saw a familiar face. The guy that I loath for years, which is my baby's daddy. He's with a girl. A new girl, I suppose. Umupo sila sa katapat kong lamesa. Yumuko ako upang hindi nila ako makita.

I took a peak. Confirmed, it really was Jared.

Bakit bigla bigla ko nalang nakikita ang mga taong nanakit sa'kin noon. What a fucking coincidence.

I looked at Jared again. He still looks the same. Humaba ng konti ang buhok niya at meron siyang lip ring. I also noticed that he has a cut on his eyebrows. Nagmukha siya lalong badboy. He still has that cocky look on his face. Nakangisi siya habang nakatingin sa babaeng kaharap niya. Hindi ko naman siya makita dahil nakatalikod siya sa'kin.

The girl has long wavy hair that's below her hips. Her body is like an hour glass. She has a nice ass. She's wearing a super short red fitted bodysuit that emphasizes her curves and wide hips. Kahit hindi ko na tignan ang harap niya ay sigurado akong malaki ang boobs niya. Nahuli ko pa si Jared na pasulyap sulyap doon pabalik sa mukha ng babae. I don't know why but I feel like the woman is older than him. Pakiramdam ko malayo age gap nila. Is she her sugar mommy?

Jared is still a boy and I don't think he'll ever become a man.

I hate boys like him.

I feel bad for the woman. I'm sure he's just playing with her, just like what he did to me.

I lowered down my gaze to my baby bump.

I have nothing to do with him anymore. Wala na akong pake kung pinabayaan niya kami. Wala akong pake kung siya masaya ngayon sa buhay niya habang ako naghihirap. I don't care if he doesn't want my child. I won't fucking beg him to stay for us. Sa totoo lang ay ayaw ko na rin siyang palapitin sa anak ko. He's fucking toxic and abusive. Natatakot ako sa kung anong gawin niya sa'min. It's better this way, to be strangers. I already cut my connections towards him. I'm doing absolutely fine without him. I'm actually so grateful that he's gone now in my life or else I would have been in major trouble.

I don't need him to raise our child. And most certainly, I don't need a man to raise her. I can raise her all by myself.

Kagaya ng utos ni mama ay umuwi na ako pagkatapos kong kumain. Bumaba na ako ng taxi at binitbit ang mga pinamili ko. Nagulat ako dahil nakita kong nagkakagulo ang mga kapitbahay ko. Nakita kong nagkukumpulan sila sa labas ng gate.

Kumunot ang noo ko at naglakad palapit sa kanila. "Excuse me. Ano pong nangyayari rito?"

"May nag-aaway na kapitbahay natin. Nagkakagulo sila ngayon sa loob," ramdam ko ang takot sa boses ng matanda

"Po?! Sino pong kapitbahay?"

"Yung bago atang lipat Tori. Yung dalawang mag-jowa ata," singit ng isa

Umawang ang labi ko. "Bakit...bakit sila-"

"Malapit na akong tumawag ng pulis. Nagkakagulo na sa subdivision natin!" sigaw ng isang matanda sa likod ko

Nilingon ko siya. "Kumalma lang po kayo."

Binalik ko ang tingin sa harap at nakita kong nanonood lamang sila habang nagkakagulo sa harap. Agad akong sumigit. "Excuse me. Padaan po."

Pagkarating ko sa pinakaharap ay nagulat ako sa nakita. Bigla kong naibitawan ang mga bitbit ko. Tumambad sa harap ko ang magkasintahan na si Beth at Derrick. Nag-aaway sila mismo sa labas ng apartment namin. Tumingin ako sa paligid at nagkakalat ang mga damit at gamit sa sahig.

"Get the fuck out of my house Derrick! Ayoko na sa'yo! I'm sick and tired of all your bullshits!" sigaw ni Beth. Pumasok siya sa loob ng apartment nila at bigla niyang tinapon sa labas ang mga gamit ng boyfriend niya, particularly his clothes.

"You crazy woman! Hindi ka ba nahihiya sa mga pinagagawa mo?! Papalayasin mo ko? Gago ka ba? This is not your fucking house. I'm paying for this rent!" Derrick exclaimed

"I don't fucking care. Leave Derrick!" lumabas ulit si Beth habang hila hila ang isang maleta at bitbit ang malalaking bags. Tinapon niya ito lahat sa sahig at pinagsisipa. Napaatras si Derrick. Kumuyom ang kamao niya at umigting ang panga niya habang masamang nakatingin kay Beth. He was breathing heavily. He gritted his teeth in anger. Biglang namula ang buong mukha niya sa galit. Kinilabutan ako sa takot dahil mukha siyang papatay ng tao.

Nagulat ako dahil bigla niyang hinila si Beth at malakas na sinampal. "What did you say to me huh?!" hinawakan niya ito sa leeg. "Sa tingin mo papayag ako na palayasin mo ko? Iiwan mo ko?! Iiwan mo ko, ha?! Answer me!"

Nangilid ang luha ni Beth. Pumikit siya ng mariin habang sinisigawan. "Tama na Derrick. Nasasaktan na ko! Iiwan na kita! Ayoko na sa'yo! Hayop ka!"

Kinwelyuhan niya si Beth. "Di ba sabi mo sa'kin mahal mo ko? Tapos ngayon, iiwan mo ko? Para saan pa yung pagtanan natin ha?! Tigil tigilan mo nga ako sa kaartehan mo Beth. Nakakasuka ka."

She shook her head and glared at him. "I don't fucking love you anymore. You monster!"

Everyone gasped when Derrick slapped her again. Maslalong lumakas ang bulungan ng mga tao. Ramdam ko ang takot na bumabalot sa'min. Everyone began to panic. Wala silang pake kung pinapanood namin sila ngayon. Para silang may sariling mundo. Hinahayaan lang nilang saktan ang sarili nila.

"Be quiet you piece of shit! Wala ka talagang kwenta kahit kailan. Puro ka sakit sa ulo!"

"Fuck you! Kung hindi ikaw ang aalis ay ako nalang. Iiwan na kita. Hayop ka!" Beth shouted at him. Nagpumiglas siya sa hawak ni Derrick at naglakad palayo pero bigla siyang hinila ni Derrick sa buhok. Napasigaw siya sa sakit.

"Where do you think you're going huh?! Sa tingin mo makakatakas ka sa'kin ng basta basta? I won't let you leave me Beth. Never. Magsasama tayo hanggang sa impyerno," sinakal niya si Beth patalikod at sabay silang umatras palayo.

Beth screamed in pain. "Let go of me! Help me!"

Natauhan ako at humakbang palapit pero bigla akong natakot. "Let go of her Derrick!"

Napatingin sila sa'kin. "H'wag niyong subukan na lumapit sa'min! Lumayo kayo!" sigaw niya

Nanatiling nasa likod ko ang mga kapitbahay namin. Lahat kami ay tila natakot sa boses niya. Maslalo silang nag-panic. They screamed in terror. Ang ilan ay napaatras sa gulat. Ang iba naman ay nagsialisan na sa eksena. Binalik ko ang tingin sa harap.

"Help! Help me please!" sigaw ni Beth, nagmamakaawa pero tinakpan ni Derrick ang bibig niya.

"I said shut the fuck up!"

I swallowed hard. "Derrick. I swear if you won't let go of her right now, I'll call the police," I warned in a cold an authoritative voice

"Isa ka pa! Manahimik ka diyan!" he fired back

"I'm serious! Tatawag kami ng pulis kung hindi ka pa tumigil!"

Maslalo niya lang sinakal si Beth. "Sige, subukan niyo kundi tutuluyan ko na 'to."

Beth choked on his tight grip on her neck. Tuluyan ng bumuhos ang luha niya at umiyak ng saklolo. "P-please, help me. Tumigil ka na Derrick. I'm begging you, please s-stop."

My lips parted. Kinagat ko ng mariin ang labi ko habang nakatingin sa kanya. "Beth.."

"Tinawagan na namin ang pulis Derrick! Papunta na sila ngayon!" sigaw ng isang kapitbahay namin

Hindi ko inalis ang paningin kay Beth. Pinagpapawisan na siya habang pilit na tinatanggal ang braso na nakapulupot sa leeg niya. "Tumigil ka na sa kahibangan mo!"

Lumapit kami sa kanila pero napaatras kami noong may nilabas siyang patalim mula sa likod niya. "Sige! Subukan niyong lumapit!" nanginginig ang kamay niya habang tinatapat sa'min ang patalim

"You're crazy!" I shouted

"Walang hiya ka! Makukulong ka diyan sa mga pinagagagawa mo!" sigaw ng isang kapitbahay

"Manahimik kayong lahat!"

We all gasped when he pointed the knife at Beth's neck.

"Don't! Derrick stop! H'wag mo siyang sasaktan. Para awa mo na!" sigaw ko

Hindi niya ako pinansin. "Gawin mo yung inuutos ko sabi e," sabi niya kay Beth sabay tulak sa kanya sa sahig. "Pulutin mo yung mga kalat diyan at ipasok mo ulit sa loob."

Wala ng nagawa si Beth kundi umiyak at sumunod sa utos niya.

Umiling ako. "No," I was about to walk towards her but I winced in pain when my belly hurt. Napahawak ako roon at napapikit sa sakit.

"Tori. Ayos ka lang?" inalalayan ako ng isang babae

Pilit akong tumango. "O-okay lang ako."

Binalik ko ang tingin sa harap. Nakaluhod pa rin si Beth habang pinupulot ang mga sira nilang gamit sa sahig habang nakatapat ang patalim sa leeg niya. "Bilisan mo diyan!" napapikit siya sa sigaw. Umiyak siya at humikbi

Ilang sandali ay narinig nalang namin ang siren ng pulis. Nanlaki ang mata ni Derrick at napaatras ng konti. Napatingin siya sa gate. Tumingin ako kay Beth at nakita kong may pinulot siyang kahoy. Nagtama ang mata namin. Tumango ako. Everyone was distracted beside us. She took the opportunity. She slowly rose up from her knees and hit Derrick's face with the wood. He groaned in pain.

"Fuck!" he exclaimed

Beth dropped the piece of wood and ran towards me. Bago pa siya makalapit sa'min ay hinarangan ko si Beth. I immediately put her behind me. Umatras kaming lahat sa kanya.

I looked at Jared again. His forehead was covered in blood. Tumulo ang dugo sa mukha niya. Hinawakan niya ang noo niya at nagulat siya pagkakita ng dugo. Tumingin siya sa'min pagkatapos. Kinalabutan ako sa mga mata niya.

"You bitch!"

Akma niya kaming susugurin pero biglang dumating ang mga pulis sa eksena. Tumingin ako sa gate at isa isa silang nagsipasukan.

"Ibaba mo 'yang hawak mo," tinutukan siya ng pulis ng baril

Nanlaki ang mata niya sa takot. Tumingin siya sa hawak niyang patalim. Pinalibutan siya ng mga pulis. Umatras kami lalo. Humarap na ako kay Beth.

"Are you okay?" I held her face

There's still tears in her eyes but she managed to gave me a nod.

"Are you hurt?" I checked her arms and neck. Nakita kong may mga pasa siya sa katawan. Tumingin ulit ako sa kanya pero hindi niya magawang tumingin sa'kin

Hinawakan ko ang kamay niya at hinanap ang mata niya. "It's okay. You're safe now."

Tumingin ako sa harap at nakita kong hinuli na ng pulis si Derrick. Pinosasan na rin siya. I looked back at Beth who's crying while watching the police take away her boyfriend.

"Bethany! Help! Hinuhuli nila ako!" nagmakaawa si Derrick sa kanya

I swallowed hard and squeezed her hand. "Don't listen to him Beth."

"Baby help me! They're taking me to the station!"

Napapikit ako ng mariin sa boses niya. He suddenly turned into a child begging for help. He became desperate. Even the tone of his voice changed. He was not the same person two seconds ago. It feels so familiar.

Umiwas ng tingin si Beth habang umiiyak. "Is he going to jail?"

"He deserves to be in jail."

Mas lalo siyang humagulgol.

"Look at me Beth," lumapit ako sa kanya at hinawakang ang kamay niya. Unti-unti siyang tumingin sa'kin. I sighed and wiped her tears away. "It's over. He's gone now. Okay?"

She slowly nodded. I couldn't help but to hug her. "It's okay," I caressed her back

You're free now, Angel.

After the incident, I let her stay at my place for the meantime. I let her take a bath at my bathroom and I also lend her some of my clothes. Habang hinihintay siyang matapos ay nagluto naman ako ng dinner namin.

Bumalik bigla sa'kin lahat ng nangyari. I was terrified. That guy was crazy! I already knew he was a bad guy. Unang beses ko palang siyang nakita ay masama na ang pakiramdam ko sa kanya. He scared the shit out of me. But most of all, I was scared for my baby. Thank God nothing bad happens to me or else, madadamay ang anak ko. Masyado akong nagpaka-hero. Nonetheless, I'm just relieved that Beth is safe.

"Uh, ate?"

I startled when I heard a voice behind me. Nahulog tuloy ang hawak kong sandok. I was about to pick it up but then she picked it for me.

"Thanks."

Tumingin ako kay Beth at nakita kong bihis na siya ngunit basa pa rin ang buhok niya.

"Upo ka na doon sa dining. Sasandukin ko lang yung pagkain natin," tipid akong ngumiti

"Sige po," naglakad na siya palabas ng kusina

Pagkatapos kong magsandok ng ulam at kanin ay dinala ko na iyon sa dining area. I placed the food on the table.

"Kain na."

"Thank you."

Pinauna ko siyang magsandok ng kanin at ulam pagkatapos ay ako naman. At dahil gutom na gutom na ako ay kumain na ako agad. Tahimik lang kami habang kumakain.

"Ayos lang ba yung lasa? Hindi kasi ako magaling magluto e," I chuckled

"Ayos lang po," nahihiya niyang sabi

Uminom ako ng tubig. "By the way, how old are you? Medyo naawkward ako kapag tinatawag mo kong ate kasi mukhang magkaedad lang tayo."

"I'm twenty."

"Omg! Sabi na e. Same tayo. I just turned twenty last month. Ano zodiac sign mo?"

"Gemini."

"Oh. Scorpio naman ako. Share ko lang."

Napakurapkurap siya. "Twenty ka rin? Pero mukha kang-"

"I know, I know. I look way younger than my age," I bragged

"Sasabihin ko sana mukha kang nasa mid twenties. Tsaka.." bumaba ang mata niya sa tiyan ko

I gulped and held my belly. "Right. Uh, I'm pregnant."

"Sorry po. I mean- I didn't mean to-"

Tipid akong ngumiti. "It's fine. Just drop the 'po' and the 'ate.'"

She nodded. "Ilang months na?"

"Almost four months now."

"Hindi...hindi siya halata," tipid siyang ngumiti

"Yeah but that's because I'm really skinny. I don't gain weight easily. Medyo nag-alala ako kasi sabi ng doctor ko masyado raw maliit yung anak ko. I don't know what she mean by that tho," I chuckled

"You still look pretty even if you're pregnant."

Palihim akong ngumiti. "Salamat."

Pagkatapos naming kumain ay ginamot ko ang mga sugat niya.

"Madalas ka ba niyang saktan?" I asked

She winced in pain. I immediately apologized.

Yumuko siya at tumango.

"Kailan pa?"

"We were happy at first but he suddenly turned violent in the middle of our relationship."

"Ilang taon na ba kayo?"

"Two years."

"And in those two years, masasabi mo bang naging masaya ka talaga?"

Nagulat siya sa sinabi ko. Napatingin siya sa'kin. Nilayo ko ang bulak sa noo niya.

My lips parted. "Sorry."

"Mahal ko siya e," nabasag ang boses niya

"Pinadama niya rin ba sa'yo na mahal ka niya?"

"Oo.."

My eyes lowered down on her bruises. "But why would he hurt you when he loves you?"

"I don't know. Ang hirap kasi mahal ko pa rin siya-"

"Pagkatapos ka niyang saktan? I don't think he loves you Beth," I cut her off

Nangilid ang luha niya sa mata. "Why? Okay naman kami noong umpisa ah. Hindi ko alam kung anong nangyari. May mali ba sa'kin? Ako ba yung problema? Baka kailangan kong baguhin yung sarili ko para mahalin niya ulit ako. Sino ba naman kasing magkakagusto sa'kin? I mean, look at me. I'm fat and ugly. I'm short and I have dark skin. Hindi ako kasing ganda at sexy ng ibang babae. Hindi ako marunong mag-ayos ng sarili ko. Baka dahil doon ay nagbago ang tingin niya sa'kin."

I shook my head. "No Beth. You don't have to change for him. Hindi ikaw yung problema. Alam kong kakakilala pa lang natin. Hindi ko alam ang buong kwento ng relationship niyo at ayoko ring bigla biglang manghusga pero mali yung ginagawa niya sa'yo. Mali yung sinasaktan ka niya. He's toxic and abusive. Remember what he did to you an hour ago? He pointed a sharp object at you. It's like he's threatening to kill you kapag hindi ka sumunod sa utos niya. Who knows? He can do much more worse."

Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa'kin. Nantubig ang mga mata niya.

"Don't ignore the red flags Beth. Don't let his words get inside of your head. H'wag mong hayaan ang sarili mong malunod," I paused. "Kasi mahirap...mahirap makaahon," my voice broke when I remembered my dark past

It's so fucking hard to get out of this black hole. I'm saying this to her because I know how it feels. Ayokong maranasan niya yung nararanasan ko ngayon. If she continues to be with him, then she'll just put herself in danger.

Umawang ang labi niya habang nakatitig sa'kin. "I c-can change him. I know he's a g-good person on the inside. He just gets angry easily. He may look rough and ruthless but," she paused. "Alam kong magbabago siya."

I shut my eyes and sighed. "It's not your job to fix him Beth. It's not our job nor our responsibility as women to fix a sadboy. Masisira lang tayo sa huli. We shouldn't tolerate our abusive and toxic relationship."

"You think it's easy for me to get out of that toxic relationship? Hindi madali Tori. Hindi madali lalo na kapag naawa ka sa tao at gusto mo siyang tulungan. Sometimes, I don't even care if we're in a toxic relationship. I just love him too much and I don't want to leave him."

"Beth. I know you love him, pero huwag mo rin namang kalimutan yung sarili mo. Look at you. I can see how broken you are. He's the reason why you are broken. Where's the love there? How can you fix someone when you're broken too? Parehas lang kayong masisira."

Yumuko siya at umiyak. "I...I don't know what to do. May pinagsamahan pa rin kami. I can't just forget everything that we shared together just like that. Maybe if we give our relationship a second chance then, maybe it'll work out."

"Then you might just end up like me."

Napatingin siya sa sinabi ko. Tumungo ako at hinawakan ang malaking umbos sa tiyan ko. "I got pregnant at the age of nineteen. Hindi ako pinanagutan ng tatay ng anak ko. He was toxic, manipulative, and abusive too."

She sniffed and wiped her tears.

"I was in a toxic relationship too, just like yours. Magkaiba tayo ng experience pero somehow, nakikita ko yung sarili ko sa'yo," sabi ko at umiwas ng tingin. "It was hard. Masakit pa rin hanggang ngayon. It was so hard for me to get out of that toxic relationship, especially when he's manipulating me. He made me feel guilty for what I did to him, even if he's actually the one's to blame," I began

Tahimik lang siya habang nakikinig sa'kin.

Yumuko ako at pinisil ang daliri. "Hindi ko rin naman kasi narealize yun agad kasi...naguilty rin ako kasi pakiramdam ko may mali rin ako kaya ako nalang yung sinisi ko sa huli."

I smiled bitterly. "This is the consequences of my own actions. Kaya eto ako ngayon, nahihirapan. Until now, I still couldn't accept and move on from my dark past. The wounds are still fresh. From time to time, bumabalik sa'kin lahat at wala na akong magawa kundi umiyak. Sising sisi ako. Ang dami kong pagkakamaling ginawa."

"I'm sorry Tori. I didn't know. Fuck, I'm so sorry," tinakpan niya ang mukha niya

"Hindi ko sinasabi ito para maawa ka sa'kin. Hindi ko rin sinasabi ito para pagkumparahin at pagtimbangin kung sino yung mas mabigat na may pinagdaanan. No one deserves to feel invalidated of their own feelings. May kanya kanya tayong pinagdadaanan."

I moved closer to her and held her back.

"I'm telling you this because I want you to know that you're not alone. I want you to open your eyes and see the bigger picture. We're still young afterall. We don't deserve this pain. We also deserve to live a happy life katulad ng ibang kabataan. I know it's hard but you still have the chance to save yourself. I'm not rushing you. I just want to remind you and I hope you understand what I'm trying to say."

I always feel insecure of other girls my age, even younger than me, that's living their best life as youths meanwhile, my life just turned upside down in just a snap. Biglang nahinto yung buhay ko. Kung yung ibang kabataan ay unti-unti na nilang naabot ang pangarap nila samantalang ako, hindi ko alam kung may future pa ba.

I held her hand that's on top of her lap. "Know your worth Beth."

She swallowed hard. "Naiintindihan kita."

I smiled weakly and went back to treat her wounds again.

"Dito ka muna matulog ngayong gabi, pero kung gusto mo, pwede ka ring tumira dito pansamantala-"

"H'wag na Tori."

"Hindi ka naman pwedeng bumalik sa apartment niyo. Hindi natin alam baka bumalik ang boyfriend mo. You're not safe here Beth."

"I know. Uuwi nalang muna ako sa'min."

Tumango ako. "Mas mabuti pa yun. Mas ligtas ka."

She nodded as well.

"But it's already late at night. Matulog ka nalang muna rito tapos tsaka ka nalang umuwi sa inyo."

"Alright," she agreed and looked at me. "Thank you Tori. I'm sure you'll be a great mom to your child."

I gave her a small smile. "You're welcome."

The next morning, we woke up at around 10am in the morning. Nakaligo at nakapagbihis na ulit ng damit si Beth. Tinulungan ko rin siyang mag-impake ng gamit niya. Nag-break fast muna kami bago kami magpaalam sa isa't isa.

"Salamat ulit Tori sa lahat. For helping me and for letting me stay here. I'll make it up to you-"

"Okay lang. There's no need," tipid akong ngumiti

Hinawakan niya ang maleta niya at binitbit ang bag niya. "I'll get going then. Bye Tori."

"Wait."

Lumingon ulit siya sa'kin.

Ngumiti ako at nilapitan siya upang yakapin. "I hope soon you'll find the strength and courage to walk away if you cannot take it anymore. Stay strong Beth. Until we meet again."

She hugged me back. "Thank you. I'm praying for your healing and for the baby. We'll definately see each other again."

Kumalas na kami sa yakap. I opened the door for her. "Ingat ka pauwi ah."

She smiled and went out. "I will. Salamat ulit."

Kinawayan ko siya bago sinara ang pinto. I sighed and smiled in relief. Pumunta na ako sa kusina at nagsimulang maghugas ng pinagkainan namin. I also cleaned the kitchen after. I was in the middle of cleaning when I heard a knock at my door. Nagulat ako doon. My brows furrowed, confused while looking at the door.

Who could that be?

Hindi kaya bumalik si Beth? Wala pang ten minutes simula noong nakaalis siya.

Binaba ko ang pamunas ko at naglakad patungo sa pinto. I then opened it. "May nakalimutan ka ba Beth-"

My eyes widened in fear when I saw a familiar man standing outside my door. Nanlamig ang buong katawan ko. Pinagpawisan ako bigla. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

He's staring at me with sharp hawk-like eyes. Magkasalubong ang makapal niyang kilay. Mabibigat ang paghinga niya at kita ko kung paano umigting ang panga niya. He also clenched his fist tightly. Kinilabutan ako sa tindig niya.

"It's nice to see you again Tori," he said sarcastically in a cold voice before stepping inside

"W-what are you doing here Jared?" my voice began to shake

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang address ko. Pamilya ko lang ang nakakalaam no'n.

I startled when he slammed the door shut behind us without breaking eye-contact with me. I glanced at the door and back to him.

His lips twitched. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa'kin kaya napaatras naman ako.

"What do you want?!"

I don't know why he looks so angry right now. I'm terrified. He looks like he could kill me with his eyes alone.

I swallowed hard. "Umalis ka na-"

I gasped when he suddenly grabbed my neck. Bumaon ang daliri niya sa balat ko. "Ikaw yung peste na ayaw mawala sa buhay ko. Hindi mo ba talaga ko tatantanan?!"

I coughed. Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa leeg ko pero maslalo lang iyong humigpit. "What are you talking about?! Let...let go of me," I stammered

He smirked. "Talagang nagmamaang-maangan ka pa ah! Hindi mo ko maloloko Tori. Alam ko ang ginagawa mo! Gusto mo ba talagang sirain yung buhay ko ha? Hindi ka na nadala?!"

I swallowed hard. Nangilid ang luha ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala akong ginagawang masama sa'yo! Ikaw yung sumira sa'kin!"

At dahil doon ay bigla niya nalang akong sinampal ng malakas. Napapikit ako sa sakit. Sobrang hapdi ng pisngi ko. I licked my lips and I taste some blood on it.

"Tang ina mo talaga 'no?! Don't you dare lie to me! Hindi ka talaga aamin ha?" hinawakan niya ng mariin ang magkabila kong pisngi

May nilabas siya sa bulsa niya at pinakita niya sa'kin ang phone niya. I looked at it and saw a bunch of pictures.

"How dare you to ruin my image? Naghihiganti ka ba dahil sa mga ginawa ko sa'yo?! Nag-rant ka pa talaga sa social media kung paano kita sinasaktan at inaabuso. Ang haba pa ng post mo oh, may kasama pang pictures ng mga sugat mo," nilapit niya lalo sa mukha ko ang phone niya

Tumingin ako doon at tama siya na may mahabang caption ang post doon pero hindi ako ang nag-post no'n. Naningkit ang mata ko at sinubukang basahin iyon pero bigla niya ulit akong sinigawan.

"Ano?! Totoo 'di ba? Ikaw ito 'di ba?! Pwede kitang ipakulong sa paninira mo sa'kin!"

Umiling ako. "Nagkakamali ka. Hindi ako ang nag-post niyan-"

"H'wag mo kong gawing tanga. Kita ko yung pangalan mo dito sa post," sabi niya at pinakita ulit ang phone niya. Nagulat ako dahil nakita ko nga ang pangalan ko doon.

I was about to speak but he shouted at me again. His eyes are burning in rage and anger. Halos pumutok na ang ugat sa leeg niya sa galit.

"I told you. It's not me! I didn't post that! Baka fake account lang 'yan. Wala akong alam diyan at maslalong wala akong kasalanan! Hindi ako ang dapat mong sisihin!"

I inhaled sharply when his grip tightened on my neck. Halos hindi na ako makahinga. Nagulat ako dahil bigla niya akong tinulak sa sahig. Tumama ang braso ko. Hinawakan ko agad ang tiyan ko dahil kumirot iyon.

Napasigaw ako noong hinila niya ang buhok ko at hinarap ako sa kanya. Nakaluhod siya ngayon sa harapan ko. "Bakit ba ayaw mo kong tantanan ha? Nanahimik na ko dito tapos nagawa mo pang sirain ang buhay ko? Sa tingin mo mahihila mo ko pababa? Gusto mo kong matulad sa'yo na may miserableng buhay?!"

I glared at him and spat on his face. "Putang ina mo! Hinding hindi ako tutulad sa'yo. Halimaw ka!" I gritted my teeth in anger

Maslalong nandilim ang mga mata niya. Hinila niya lalo ang buhok ko at kinaladkad palayo.

"Bitawan mo ko!" napasigaw ulit ako sa sakit

"You think I'll let you go just like that? Pagbabayaran mo yung ginawa mo sa'kin!" hinila niya ako patayo at tinulak sa pader.

Malakas na tumama ang likod ko roon at napaluhod nalang ako. Pakiramdam ko dumudugo ang likod ng ulo ko. My vision became blurry and I feel like I'm about to pass out. My body ached when I tried to move. I was breathing heavily as I try to catch my breath. I want to stand up and escape but I was weak to do so. Above all, I was worried about my child.

Nakita ko nalang ulit siyang papalapit sa'kin habang ako'y nakaupo pa rin, hinang hina. Umatras ako kahit na pader na ang nasa likod ko. Sinubukan kong gumapang sa sahig, unti-unti, palayo sa kanya. Ginamit ko ang isa kong braso dahil pakiramdam ko ay may sugat ang kabila. I continued to crawl using all my strength and tried to reach my phone.

"Help! Help me!" humingi na ako ng saklolo. Pinagdasal ko na marinig ako ng mga kapitbahay

Tumingin ako sa likod ko at nakita pa rin siyang sinusundan ako. Pinilit kong tumayo pero nanghina ang tuhod ko kaya natagpuan ko ang sarili sa pinakasulok ng apartment ko.

"Hindi mo ko matatakasan Tori," he said and cracked his knuckles

Umiling ako at pumikit ng mariin. "Please Jared. M-maawa ka sa'kin. Maawa ka sa anak ko," I was already crying while begging for his mercy

"I don't fucking care! Bakit ako maawa sa'yo, e sinira mo ang buhay ko!"

I know he's already a few inches away from me. I know he's going to hurt me again.

Pinagsiklop ko ang mga daliri ko at nagmakaawa pa rin. "I s-swear. Hindi ako yung nagpost nun," my voice began to shake. "B-believe me. Please don't hurt me. Maawa ka sa anak ko, please. I'm begging you." Bumuhos lalo ang luha sa mata ko.

He scoffed. "Sa tingin mo maawa ako sa'yo?"

Naramdaman ko siyang lumuhod sa harapan ko kaya maslalo akong umatras at niyakap ang tuhod ko. Hindi ko siya magawang tignan dahil pinangunahan ako ng takot. Takot na baka tuluyan niya ako. Natatakot ako sa maari niyang gawin sa'kin. I'm so scared to death. All I can think about now is my baby.

Humikbi ako habang patuloy na nagmamakaawa. "Please Jared. Please don't hurt us. Maawa ka sa anak mo."

Nagulat ako noong hinila niya ang buhok ko. Inangat niya ang ulo ko para tignan ko siya. Nakaluhod siya ngayon sa harapan ko. "Listen to me very carefully Tori. I will never be the father of your child. Sa oras na malaman ko na ikalat mo sa internet na ako ama ang bata niyan ay hinding hindi ko iyon palalagpasin. Naiintindihan mo?" he warned. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya kitang kita ko kung paano mamula ang mata niya sa galit.

Mabilis akong tumango. Tinignan niya ako ng ilang segundo bago binitawan ang buhok ko atsaka tumayo. Umubo ako at hinawakan ang leeg ko. Ramdam ko pa rin ang daliri niya na bumaon doon.

I startled when I heard the loud shut of the door. Napapikit ako at tahimik na umiyak. Nanginginig pa rin ang kamay ko hanggang ngayon. Napasigaw ako sa sakit ng tiyan ko kaya agad kong tinakpan ang bibig ko. Sa isip ko ay pinagdadasal ko na sana walang masamang mangyari sa anak ko. My body hurt like hell but all I can think about is her.

Pinilit kong tumayo pero bumagsak lang ulit ako sa sahig dahil nakaramdam ako ng hilo at kirot sa likod ng ulo ko. I touched the back of my head and I saw blood on my fingers. Umawang ang labi ko. My head started to spin and my vision became blurry again by the sight of blood. I felt my body fell on the floor. The next thing I knew, everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top