Prologue


Bakit ba ang kulit mo?


Sa una pa lang nating pagkikita, alam ko nang istorbo ka lang.

Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Yung walang gulo. Walang issue. Wala nang kadramahan na kailangan problemahin. Dito lang ako sa isang tabi, dun ka sa malayong malayo. Dito ako sa isang tabi, dun ka sa mga taong gustung gusto kang kausapin. Dun ka na sa ngumingiti sa yo kapag nginitian mo. Kasi, alam mo, wala ako dun. Hindi ako ganun. Wag ako. Don't me.

Hindi porket nakita mo ko at my worst, may karapatan ka nang maki-eksena sa buhay ko na alam kong hindi ka naman dapat parte. Ano ka, gatecrasher?

Oo na. Supladita ako. Oo na. Wala akong pakisama sa tao. Oo na. Mukha akong mayabang na feelingera na akala niya naman kung sinong maganda na kayang isnabin ang ibang tao. Oo na.

Bakit? Pinili ko ba maging ganito?


Malamang, oo. Duh. Obvious ba?


Pero kahit ganun ako, bakit ang kulit mo? Bakit nandito ka pa? Bakit mo ko laging binabati?

Bakit ka laging nakangiti pag nagkikita tayo?

Hindi ko alam. Hindi ko pa alam.

Ang kulit mo. Kala mo naman madadaan mo ko sa ganyan. Sabi mo pa sa kin, balang araw, mapapasayo rin ngiti ko? Ano? Excuse me. Sino ka ba?


Ah, oo nga pala.


Ikaw si Xander Williams.

At ako si Ericka Ramirez.


Isa kang Mr. Nice Guy na alam kong gusto lang "makatulong" sa isang katulad kong hindi nakikihalubilo sa klase. Alam ko na yung mga katulad mo. Kunwari makikipagkaibigan, pero once na supladahan, susuko na rin.

Pero sabi mo, iba ka.

Ha!

Sige. Fine. Go ahead. Kung kaya mo.



Break me with your smile.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: