Unang Kabanata
UNANG KABANATA
"CALEIGH, tara inom muna tayo!" aya ni Mang Tonyo ng madaan ako sa harapan nila. Ngumisi ako at umiling.
"Hindi na muna, Mang Tonyo. May trabaho, baka maamoy!"
"Tsk! Mga kabataan talaga ngayon puro bahag ang buntot! Isang tagay lang!" ani pa nito at akmang iaabot ang baso ng umatras ako ng kaunti.
"Hindi na ho talaga. Mauna na ko at baka mahuli pa sa trabaho," pagkasabi ko no'n ay mabilis akong umalis para 'di ako maabutan. Umiling na lang ako ng nasa labasan na ko. Puno kasi ng manginginom ang lugar kung sana ako nakatira ngayon kaya palaging naayang uminom.
Sumakay ako sa jeep na dumaan. Nagbayad ako ng kinse bago umayos ng upo. Nagbuntonghininga ako habang nakatingin sa traffic. Ano na Manila? Habang buhay ka na lang bang traffic?! Hindi ko naman mailabas ang cellphone ko dahil baka ma-nakaw pa. Isa na nga lang mawawala pa. Dahil madami na ding sumasakay ay umusad ako sa gilid para 'di mahirap bumaba mamaya.
Dumating ako sa pinagtra-trabahuhan ko ng late dahil sa lintik na traffic na 'yon, tapos hindi man lang ako naka-upo ng maayos kasi panay pasakay kahit siksikan na kami sa loob. Pumasok ako sa loob ng locker room at nagsuot ng uniform ko.
Napalingon ako sa pinto ng bumukas. Pumasok ang katrabaho kong si Andrei. Nginisihan niya ko.
"Gago ka, late ka na naman," anito.
Sinarado ko ang locker at nilingon ito. "Paanong hindi, eh, traffic sa daan. Tangina may nagbanggan kasi."
Inilingan niya na lang ako saka inabot ang cap ko na kaylangan naming isuot sa labas.
"Yari ka na naman kay Manager. Alam mo namang madaming tao ngayon saka opening." Hindi ko alam kung kaybigan ko ba talaga 'tong gagong 'to. Imbis na palakasin ang loob ko lalo pa kong pinapakaba ng gago. Tangina. Kinuha ko ang sombrebro at lumabas na. Magkasabay kaming nagpunta ng kusina. Naabutan kong magulo ang ibang kasamahan ko at rush ang kilos nila.
Nagkibit balikat ako at lumabas na. May nakita akong bakanteng mesa sa labas kaya nilinisan ko na. Sunod-sunod na ang naging trabaho hanggang sa mag-lunch na kami. Nasa may likod kami ng kitchen, ang pagkain namin ay chicken at spaghetti. May pina-add pa kong fries para naman mabigat sa tiyan.
"Caleigh Santos, pumunta ka mamaya sa office. Kakausapin kita," ani ng boses sa likuran ko.
Lumingon ako. Nakita kong nakatayo sa may pinto si Sir Jay, seryoso ang mukha niyang nakatingin sa'kin. Tumango lang ako bago hinarap si Drei na kasabay kong kumakain.
Palihim niya kong tinatawanan pero nakikita ko naman. Tanga talaga amp.
"Patay ka talaga, boy!" pasaring pa niyang pang-aasar.
Biilisan ko ang pagkain ko para maka-usap na si Bossing. Baka mamaya magalit 'yon mawalan pa ko ng trabaho. Kumatok muna ako ng tatlong beses sa pinto bago ko pinihit pabukas ang doorknob. Tinulak ko ang pinto at pumasok sa loob. Naka-upo sa likod ng mesa si Sir Jay at may ginagawang kung ano. Nag-angat ito ng tingin sa'kin.
Sinarado ko ang pinto saka tumayo sa harap nito.
"Santos, palagi kang late ah. Pang-ilan na 'yan ngayong buwan. Gusto mo ba talagang masuspinde?"
"Traffic po kasi kanina, Sir, kaya na late ako. Hindi na ho mauulit," pagpapakumbaba ko pero tiningnan lang ako ng masama nito.
Mapakla niya kong tinawanan. "Alam mo na kasing traffic ayaw mo pang agahan ang pasok! Ngayon papalagpasin ko 'yan, Santos pero hanggang closing ka dito hanggang next week double shift ka bilang parusa. Kung 'di ka papayag suspendihin na lang kita—"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sir pero kung magiging suspendido naman ako ay ready akong mag-double shift. 'Yun lang pala. Ang dali-dali no'n kesa kapag nawalan ako ng trabaho.
"Sir! Okay lang sa'kin mag-double shift! Wala namang maghahanap sa'kin sa bahay kaya okay lang talaga!" nakangiti kong putol sa sinasabi niya. Inirapan ako ni Boss bago tinaboy gamit ang kamay. "Thank you, sir!"
Lumakad ako palabas ng Office at nagtuloy sa kusina. Naabutan ko si Drei na nakatayo sa may counter at mukhang naghihintay ng mga gagawin. Tinabihan ko siya.
"Ano sabi sa'yo?" tanong nito.
"Double shift."
"Puta na 'yan! Double pay din?"
Nagkibit balikat ako saka kinuha yung tray na isusunod sa isang customer. Tiningnan ko siya. "Hindi ko alam.Wala namang sinabi."
"Gago! Sa susunod kasi agahan mo na gising! Dumaan ka pa ata sa inuman!" pahabol nito.
Dala-dala ang tray ay pumanik kami sa second floor. Huminto ito sa may gilid sa pinakalikod. Ibinaba ko ang tray sa mesa at saka lumipat sa kabilang table. Kinuha ko ang mga gamit na plato at saka bumaba. Routine ko na 'to araw-araw simula ng maka-graduate ako ng college at hindi makapasa sa LET. Para lang hindi maging professional tambay ay pumasok ako sa fast food.
ALAS DOS ng madaling araw na ko naka-uwi sa bahay namin. Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay hindi na ko gumala. Sinarado ko ang pinto saka sumandal doon. Binuhay ko ang ilaw saka umupo sa kahoy na upuan. Sumandal ako.
Tahimik ang loob ng bahay ko. Ako lang kasi mag-isa sa bahay dahil nasa probinsya ang mga magulang ko kasama ang kapatid ko. Nang makapagtapos ako at hindi makapasa sa board ay umalis ako sa'min. Paano ba naman, lahat ng kapit-bahay namin pinag-uusapan ako dahil sa pagbagsak ko. Nima-inam ko ng lumisan kesa magtiyagang tumira sa gano'ng neighborhood.
Pumasok na ko sa kwarto ko. Hinubad ko ang mga damit ko't iniwan lang ang boxers. Binuhay ko ang kakarag-karag kong electric fan saka humiga sa kama. Mamaya ay may trabaho pa ulit ako kaya kaylangan ko ng makapagpahinga.
Humihiwalay pa lang ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko ay nag-ring na ang cellphone ko. Napabalikwas ako ng bangon at banas na inabot ang cellphone. Sinagot ko ang tawag kahit 'di ko alam kung sino bang poncio pilato 'yon.
"Hello?! Madaling araw na tumatawag pa! Anong kaylangan mo?!" Bwisit naman kasi. Kung kaylan gabi saka tumatawag. Hindi ba pwedeng mag-message muna para alamin kung gising o hindi yung tao.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makilala ang boses ng nagsalita. Napadilat ako.
"Anak, pasenysa na sa istorbo—"
"Nay!"
"Oh?!"
Mabilis akong bumangon. "Sorry ho! Bakit po kayo napatawag? Madaling-araw na, ha, may nangyari po ba?" mahinahon kong tanong.
Gusto kong sapakin ang sarili. Bakit ba hindi ko naisipang tingnan kung sinong tumatawag at sinagot ko agad? Tangina!
"Eh, nakaka—"
"Nay, wala ho kayong dapat ikahiya," pigil ko sa akmang sasabihin nito. Tumahimik sandali ang kabilang linya bago ako nakarinig ng pagbuntonghininga.
"Ihihingi ko lang sana ng pambaon ang kapatid mo, anak. Paano kasi'y dumaan ang bagyong Paeng dito sa'tin at medyo matindi ang pagkakatama sa mga gulay pati na din sa ibang tanim ng Tatay mo. Sakto lang sa pang-kain namin sa araw-araw ang perang napagbilan ng bagsak presyo naming tinda. Walang pambabaon si Demani," mahabang sabi nito.
Napahilamos ako sa sarili bago tumingala.
Tanggap ko naman ng kaylangan kong suportahan ang mga magulang ko dahil ako ang panganay. Wala namang problema do'n dahil nakita ko kung paano nila iginapang ang pag-aaral ko makapagtapos lang ako ng kolehiyo pero kasi...may kapatid pa kong may kapansanang hindi ko alam kung ba't nakakapag-aral pa. Wag sanang masamain pero kasi, malaking masyado ang perang kaylangan para mapag-aral ang kapatid kong may sakit na Autism.
"Magkano po ba, Nay?"
"Kahit magkano lang sobra mo, anak..."
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Sige po, Nay. Ipapadala ko po sa Smart Padala bukas. Kumusta po ba kayo ni Itay diyan? Hindi po ba kayo binaha?"
Nitong nakaraang araw kasi'y binagyo ang probinsya namin at sa ibang karatig lugar ay matindi ang pagbaha kaya nag-aalala din ako sa mga magulang ko. Matatanda na sila at walang katulong sa bahay kung sakali.
"Okay lang naman kami, 'nak. Eto nga't nasa itaas lang kami kasi yung baba may tubig. Ayaw pumayag ng Tatay mong bumaba pa ko o si Demini dahil baka daw kami madulas sa putik," aniya.
"Mabuti naman po. May iniinom pa ba kayong gamot ni Tatay, Nay?"
"Merong kaunti pa naman, anak. Si Demini ang paubos na ang gamot. Alam mo namang mas mahal ang gamut no'n sa'min ng Tatay mo." Nahihimigan ko ang pagka-ilang ni Nanay sa pagsasabi sa gamot ni Demini, sa palagay ko ba'y gusto rin niyang pakahulugang dagdagan ang pera para sa kapatid ko.
"Sige po. Bukas na bukas ay magpapadala ako para sa inyo. Mag-ingat po kayo. Tatawag na lang po ulit ako mamaya kasi kaylangan ko ng matulog. May pasok pa ko bukas, Nay," paalam ko.
"Ingat ka diyan, anak ha. Tandaan mo palaging mahal na mahal ka namin ng Tatay mo. Kayo ni Demi. Salamat ng madami, nak. Yaan mo kapag nakabawi ibabalik namin yung pera—"
"Huwag na po, Nay. Mag-ingat lang po kayo diyan masaya na ko. Mahal na mahal ko din kayo. Sige po." Ibinaba ko na ang tawag at hinagis ang cp sa may kama. Napasapo ako sa mukha. Paano na 'to? Hindi pa naman sweldo.
Kinuha ko ang pantalong nasa may ibaba ng kama. Inilabas ko ang luma kong wallet at tiningnan ang laman. Mayroon pa kong 4,500. Kung ibibigay ko ang 3,500 kina Nanay, isang libo na lang ang sa'kin. Kasya naman na 'yon siguro bago ko sumuweldo. Tama. Kasya na 'yon. May libre namang pagkain sa trabaho. Tama. Ibinalik ko ang wallet sa may pantalon saka nahiga ulit.
Pinag-iisipan ko kung kaylangan ko na bang kumuha ng isa pang trabaho. Paano'y gusto ko na ding ipagawa yung bahay ng mga magulang ko sa Probinsya. Gaya na lang niyan, kapag may bagyo palagi silang binabaha. Yun ngang alang bagyo palaging malaki ang hightide ngayon pa. O kaya naman ay ililipat ko na din sila dito sa Manila, kaya lang iiwanan ba nila ang buhay sa probinsya, eh, mahal na mahal nila 'yon.
Napangiti ako ng marinig sa isip ang sinabi sa'kin ni Nanay noong unang beses ko silang ayaing manirahan sa Manila.
"Ku, Caleigh. Huwag na! Sa Maynila puro usok at pulosyin. Ano? Makikisiksik pa tayo do'n. Dito ang ganda-ganda ng buhay natin. Hindi man mayaman, may nakakain naman. At saka, anak. Wala na tayong titirhan doon. Kung gusto mo'y ikaw na lang. Dito kami ng Tatay mo para kapag gusto mong umuwi, may uuwian ka. Saka si Demi, gusto niya dito."
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pag-iisip ng mga nangyayari sa'min. Nagising na lang ako sa sigawan sa labas ng bahay na normal naman na sa'kin. Yun kasi ang nagsisilbi kong alarm clock sa araw-araw. Bumangon ako at lumabas na ng kwarto. Sa banyo ako nagtuloy. Kinamusta ko si Manoy sa loob bago lumabas at nagtimpla ng kape.
Lumabas ako para hintayin ang nagtitinda ng Pandesal. Nang makita ko 'to ay agad akong pumara.
"Ang aga yata natin ngayon, ah!" ani ng nagtitinda ng pandesal.
Ngumisi lang ako. "Maaga din kasi trabaho, 'Tang. Bente nga ho."
"Aba, wala ka bang balak mag-asawa? Mukhang kaya mo naman ng buhayin ang sarili mo ah," anito habang kinukuha ako ng mainit na pandesal.
Napa-iling ako. "Hindi ko pa ho kasi natatagpuan yung babaeng para sa'kin talaga."
"'Di matagpuan o mapili? Gwapo ka naman kasi, hijo. Lahat ng babae magkakagusto sa'kin. Moreno ka nga lang pero makapal naman 'yang kilay mo, manipis labi, pango lang din hahabulin ka na ng mga babae," pagde-describe pa niya sa'kin.
Hindi na ko sumagot at inabot na lang ang binili kong pandesal. Ayokong pag-usapan ang pag-aasawa-asawa na 'yan.
"Salamat, 'Tang!" ani ko saka tumalikod. Isinarado ko ang pinto saka nagtuloy sa kusina. Narinig ko na ang 'Pandesal, kayo diyan' na papalayo senyalis na umalis na siya.
Bago ko magtuloy sa kusina ay napahinto ako sa harapan ng salamin. Tiningnan ko ang sarili ko. Gwapo ba ko? Kasi wala namang nagkakagusto sa'kin nung bata pa ko, miski ngayon. Sabi-sabi may crush daw pero wala naman akong napatunayan sa mga iyon. Oo nga, Moreno ako, pango pero makapal kilay, manipis eh labi tapos medyo singkit na namana ko kay Tatay na may lahing Chinese. Medyo maganda din ang pangangatawan ko kasi batak sa trabaho kaya bakit walang nagkakagusto sa'kin?
Nginitian ko muna ang sarili ko sa salamin bago umupo sa maliit kong hapag. Inilabas ko ang umuusok na tinapay at kinagatan. Sinabay ko na rin ang pag-inom ng mainit na kape.
Sarap talaga ng buhay dito.
Pagkatapos kong mag-almusal ay naligo na ko para pumasok sa trabaho. Inagahan ko na talaga para 'di na ko makagalitan. Saka dadaan pa ko sa Smart Padala. Lumabas ako sa labasan at sumakay ng jeep. Huminto ako sa palengke malapit sa kung saan ako nagtra-trabaho. Pumasok ako sa loob at naghanap ng Padalahan. Nang makakita ay huminto ako agad.
"Ate papadala," ani ko.
Tiningnan ako ng bantay mula ulo hanggang paa bago ibinalik sa mukha ko ang tingin. Inirapan pa ko nito. Umiling ako, kung hindi pa pagka-nipis-nipis niyang drawing mong kilay.
"Magkano?" mataray nitong tanong.
"Three-five."
Padabog niya kong inabutan ng papel at ballpen. "Sagutan mo tapos one-fifty yung patong."
Inilagay ko ang pangalan ko at ni Nanay kasi siya ang magre-receive, pati number naming dalawa nilagay ko din. Tapos no'n ay inabot ko na yung papel saka yung pera.
"Pirma," ani nung babae saka inabot sa'kin yung pipirmahan. Pumirma naman ako saka tumingin dito.
"Okay na?" tanong ko.
"Sandali."
Pinanood kong magsulat at mag-text yung babae bago tumingin sa'kin. Nakataas pa kilay.
"Okay na. One-fifty," naglahad ng kamay ito sa harapan ko.
Kinuha ko ang pera at inilagay sa palad niya. Umalis na ko pagkatapos kong makuha ang resibo ko. Naglakad ako papasok ng trabaho. Pagpasok ko ay wala pang masyadong customer. Maaga pa kasi masyado kaya gano'n. Mamayang mga almusal niyan meron na. Pumunta ako sa locker ko at nagpalit ng uniform. Lumabas ako sa counter pagkatapos.
Tiningnan ako ng iba kong kasamahan.
"Himala, ang aga mo yata," ani Veronica.
"Oo nga. Anong nakain mo?" sulsul pa ni Jessie.
Inilingan ko sila at kinuha ko ang isang basahan. "May dinaanan kasi ako, saka bad shot ako kay Bossing. Baka tanggalin na ko no'n."
Nagtawanan ang dalawang babae.
"Akala ko pa naman wala kang kinakatakutan."
"Same!"
"Bakit? Anong tingin niyo sa'kin? Bato?" asar kong tanong sa dalawa bago nagpuntang kusina. May dalawa na kong kasamahang nakita. Tutulong na lang ako sa kanila habang wala pang tao kesa sa labas ako tumambay. Baka makasapok lang ako ng babae kapag nagkataon.
May naghahanda na nang paglulutuan at meron ding naglilinis-linis pa ng konti. Dahil ako ang closing kagabi ay sinigurado kong malinis ang kusina namin para wala silang masabi. Nagtapon na din ako ng basura para malinis na. Kaya ayan, wala na silang masyadong gagawin kundi ang magluto na lang.
"Anong pwede kong gawin?" tanong ko.
Nilingon ako ni Christian. "Maglagay ka, pre ng mantika do'n tapos i-pre-heat mo na."
Lumapit ako sa kakalanan. "Asan mantika?"
"Sa ilalim," rinig kong sigaw nito.
Sinunod ko naman siya at tiningnan ang ilalim, andon ang dalawang balde ng mantika. Naglagay ako sa kakalanan tapos ay pre-ni-heat ko na. Kaylangan kasi niyan mamaya mainit talaga ang mantika para masiguradong malutong ang manok.
"POTAENA! TOTOO BA 'TO?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top