Chapter 45
CHAPTER FOURTY-FIVE
Pauwi na dapat ako sa bahay ng tawagan ako ni Kuya Jonjie. Sinabi niyang mag-punta daw ako sa prisinto sa malolos na kinataka ko. Anong gagawin namin don?
Malapit lang naman ang Police Station dito sa BSU. Sumakay ako ng jeep at nagpunta na sa kung saan ako dapat magpunta. Nanghihinayang ako dahil sana ay sinama ko na si Yan-Yan para di ako mag-isa.
Nang makarating ako don ay wala pa halos bente minuto. Naabutan ko si Kuya na naghihintay sakin sa labas ng . Nagtataka akong lumapit sa kanya.
"Buti naman nandito kana. Kanina pa ako nandito."nagmamadaling sabi niya.
Napangiwi ako don. "Sorry Kuya. Nasa sakayan na kasi ako sa labas nung nag-text ka." Sabi ko at tumingin sa mismong police station. May mga labas masok na pulis na animo nagmamadali. Malamang, pulis lalabas diyan. Ano ba sa tingin mo?
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya ng tumikhim siya. Nagtataka akong nakatingin. May nababasa akong pagka-bahala sa mukha niya. Para saan?
"Okay ka lang, Kuya? Bakit paa kang tensed?" Hindi ko maiwasang itanong.
Huminga ito ng malalim at matiim akong tiningnan. Bigla yata akong kinabahan dahil don.
"Huwag kang mabibigla." Mabagal niyang sabi.
Kinunutan ko siya ng noo at pagkatapos ay tinaasan ng kilay. Nag-cross arm pa ako.
"Kuya, nasabi na yan sa lahat ng napanood kong palabas dito sa Pilipinas. Kaya sabihin mo na. suspense pa ih." Medyo inis kong sabi.
Tumawa ito ng mahina sandali bago sumersyoso ang mukha. Hinawakan niya ako sa braso at ginaya papasok sa Police Station. Tumango muna ito sa isang Pulis don bago kami nakapasok. Sa mahabang pasilyo ay napahinto kami sa harap ng isang pinto. May Pulis rin sa labas.
"Nasa loob na ba?" tanong ni Kuya.
"Opo, Sir. Muntikan pa nga po naming hindi madakip. Patakas na eh." Sabi nung Pulis. Tumango lang si Kuya at hinila ako papasok. Napatigil ako sa may pinto ng makita ko kung sino ang taong nasa loob.
Nakatitig lang ako dito. Hindi makapaniwalang nandito siya.
Anong ginagawa niya dito?
Ano bang nangyayari?
Ba--....
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Mukhang naramdaman naman niya ang presesya namin kaya nag-angat siya ng tingin. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Walang anumang emosyon ang mababasa sa mga mata niya. Walang kahit ano.
Dahan dahang tumingin ako kay Kuya Jonjie. Nakatingin lang din siya sakin na may pag-aalala sa mukha. Nangungusap ang mga mata niya na para bang sinasabing mamaya niya ipapaliwanag ang lahat.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay may naka-bara sa lalamunan ko.
"A-Ano talagang.... Nangyayari?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtanong na ako. Hinawakan niya ako sa likod at tinulak papasok. Ipinaghila ako nito ng upuan na katapat ng upuan ni Tita Claire.
Ngumisi lang sakin si Tita Claire.
"Oww... ang kawawang si Kristine. Gulong-gulo." Sabi ni Tita at para bang wala siyang pake sa nangyayari.
Tumikhim si Kuya Jonjie at tumingin sakin.
"Nakita sa CCTV ng hospital na siya ang huling nag-punta sa Lola mo bago siya pinatay." Sabi ni Kuya na kinagulat ko.
"PINATAY?!" di makapaniwalang tanong ko dito at tanong.
Tumango siya at may kung anong inilabas sa dala nitong attaché case. Pinakita niya sakin ang picture ni Tita Claire na pumasok at lumabas sa kwarto ni Lola. May oras ding nakalagay.
"Wala siyang nakuhang mana kaya nagalit siya sa Lola mo. She's been using drugs since she left her work in States. Ayaw na siyang bigyan dahil nahati na ang mana sayo at sa isa mo pang Tita." Dagdag pa niya.
Sinuri ko ang mga larawan at oo nga. Drug user si Tita Claire. Alam ba 'to ni Tita Maggie? I'm sure she will be mad. May picture don na mug shot, mayron ding picture na gumagamit siya at ang iba pa nitong mga kaybigan.
Di ako makapaniwala. May kamag-anak akong adik?
Tumingin ako kay Tita at dahan dahang binitawan ang mga larawan. Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"I-Ibig bang... sabihin—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sinagot na ni Kuya ang di ko pa man tapos na tanong. Mukhang nahulaan niya eh.
"Oo, inamin niya yon sa kasamahan niya. Hindi atake ang nangyaring pagkamatay sa Lola mo. She's been killed by her own daughter." Animo nandidiri si Kuya sa huling sinabi niya.
Hindi ko alam kung paano pero namalayan ko nalang ang sarili kong umiyak. Hindi namatay si Lola. Hindi siya namatay ng mapayapa. Pinatay siya. Pinatay.
"Wala namang silbi yung matandang yon! Nanghihingi lang ng kaunti tapos ayaw akong bigyan?" ani pa ni Tita Claire.
Mag-sasalita pa sana ako ng padabog na bumukas ang pinto. Pumasok don si Tita Maggie na namamaga ang mata dahil sa kakaiyak. May galit na umaapoy don. Animo isang dragon na anumang oras ay maglalabas na ng apoy.
Dahil sa mabilis nitong kilos ay di ko na namalayang nakalapit na pala siya sa pwesto namin at sinasabunutan ang sariling kapatid. Inilayo lang ako ni Kuya Jonjie. Nasa may gilid kami. Nasa likod niya ako at prino-protektahan ako sa maaring mangyari.
"DEMONYO KA TALAGA!" sigaw ni Tita Claire habang hawak ang kamay ni Tita Maggie at inaalis ang pagkakahawak nito sa buhok. Pero mas lalo lang yong humigpit at gigil na gigil si Tita Maggie.
"WALA KANG KWENTANG HAYOP KA! ADIK! ADIK!" paulit ulit na sabi ni Tita Maggie habang sinasampal si Tita Claire.
May mga pulis na pumasok pero hindi sila maawat.
"Tanga! May nag-drugs bang di adik?" tanong ni Tita Claire at sinabayan pa ng nakakainis na tawa.
Joke na yon?
"Shit! Lumabas ka muna dito baka masaktan ka." Sabi ni Kuya at hinila na ako palabas ng kwarto. Nang nasa labas na kami ay tumawag pa ito ng ibang pulis para pumigil sa mga nag-aaway kong tiyahin sa loob.
"Pumasok kayo sa loob. I-detain niyo na yung suspect pagkatapos ay inalabas niyo yung isa. Hindi pa tapos ang questioning." Sabi niya.
"Yes, Attorney." Sabi ng tatlo pang pulis at pumasok na sa loob. Di ko maiwasang di sumilip. Mula sa pwesto namin ay kitang kita mo ang magkapatid na nag-aaway. Nasasabong sila sa loob.
Hindi ko namalayang nakalabas na kami sa mismong Station. Hila hila lang ako ni Kuya pero napatigil ako. Napatingin siya sakin. Hindi ko siya masagot dahil hindi ako makagalaw. Nanlaki ang mata nito.
"Bakit ka namumutla?!" eskandalosong tanong niya.
Hindi ko siya masagot dahil nahihilo ako. Mukhang bumaba na naman ang dugo ko. Nahihirapan rin akong huminga.
"A-Anxiety A---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binuhat niya ako ng pa-bridal style at tinakbo ang Provincial na katabi lang ng Police Station.
Nagmamadaling tumakbo si Kuya.
"TABI! TUMABI KAYO! EMERGENCY!" sigaw ni Kuya habang tumakbo. Napatigil ito at naghahanap ng masasakyan. Nang may humintong trike ay sumakay kami. "SA PROVINCIAL PO. PAKIBILISAN!" nagmamadaling sabi ni Kuya at tumingin sakin.
"Wag kang mamatay ha." Sabi niya.
Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano eh. Huminga ako ng malalim at sumandal sa balikat nito. Pumikit ako dahil pakiramdam ko ay sobra ang pagod ko. Hinila at nilamon na ako ng antok.
Is this the end?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top