Chapter 40


CHAPTER FOURTY

Niyakap ako ni Mama ng mahigpit at dun ako umiyak sa mga balikat niya. Umiyak ako na parang bata. Umiyak ako at pakiramdam ko ligtas ako. Ligtas na ligtas ako sa braso ng Nanay ko. Parang walang makakapanakit sakin.

"Ma, ang hirap na g-gabi gabi akong binabangungut. Gabi gabi akong hindi pinapatahimik nung isip ko. My anxiety never leave me." Humihikbi kong sabi.

"Shhh... andito na si M-Mama.... andito na ako." Paulit-ulit niyang sabi habang hinahalik-halikan ang ulo ko.

Ilang sandali pa kaming nasa ganung pwesto ng kumalma na ako at sabay kaming humarap kay Doc. Nakangiti siya samin.

"Gusto ko lang po i-suggest na ilayo si Kristine sa mga taong nagtr-trigger ng anxiety niya." Sabi ni Doc at tumingin sakin. "Ang sabi niya kasi ang Aunt niya and ex-boyfriend niya yung madalas makapagpa-trigger nung anxiety niya. Kaylangan niyang lumayo sa mga taong yon until maging okay na siya."

"Ex-boyfriend?" tanong ni Mama at bumaling ng tingin sakin. "Hiwalay na kayo ni Dino?"

Dahan dahan akong tumango. Ayoko na sanang sabihin sa kaniya 'to pero kaylangan. Nung unang beses kasi akong magkwento about sa heart break ko sa unang boyfriend ko. Umiiyak siya habang nagkwe-kwento ako. Paano nalang ngayon diba?

"Opo, Ma. Ilang buwan na rin po."

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Ayoko po kasi kayong magalit, syempre po. Ni-legal ko sa inyo. Tapos po alam ko namang masasaktan kayo para sakin."

Umiling siya at suminghot singhot. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Gumanti naman ako.

"Sorry, Nak. Wala ako sa tabi mo nung kaylangan mo ako." Naiiyak na sabi ni Mama. "Baguhin na natin 'to. Gusto kong malaman lahat." Umiiyak na niyang sabi at inilayo ako.

Pinunasan niya ang luha ko at pilit na ngumiti.

"Huwag ka ng umiyak. Papangit ka niyan." Sabi niya pa.

Napatawa ako sandali don at tumingin kay Doc. I mouthed 'Thank you' to her. She just nod and smile.

"Sana po ay matulungan mo kami." Ani Doc na nakapag-hiwalay samin ni Mama. "Kaylangan niya munang malayo sa mga taong yon para gumaling po siya. Hindi siya gagaling kung may madalas makapag trigger ng anxiety niya."

Mabilis at ilang beses na tumango si Mama. "Okay lang, Doc. G-Gawin po natin lahat para gumaling ang anak ko."

Tumango si Doc at sinabi pa ang kaylangan naming gawin. Nakinig kami ni Mama. parang interesadong-interesado talaga si Mama. Yung takot sa dibdib ko bigla, nalang nawala. Para akong nakahinga. Tama, dapat kong iwasan ang mga taong toxic sa buhay ko. Kaylangan kong bitawan.

Lahat naman ng tao aalis eh. They will leave a lesson.

Ilang oras pa silang nag-usap bago napag-pasyahan ni Doc na umalis na. May mga ilan pa siyang bilin bago umalis. Madami raw siyang pasyente sa clinic kaya hindi pwedeng hindi siya mag-punta.

"Thank you ulit, Doc." Sabi ko habang hinahatid ko siya sa labasan.

Ngumiti siya sakin. "Your welcome. And besides, it still my job." Sabi niya.

Magsasalita pa sana ako ng may dumaan ng trike at huminto sa tapat nito. "Sige na. maauna na ako. Pupunta pa ako ng San Juan dahil nandon ang kotse ko."

"Okay po. Ingat." Sabi ko.

Ngumiti lang siya at sumakay na ng trike. Napatingin ako sa mga kapit bahay naming nakatingin na naman sakin. Sila yata ang toxic na kahit kaylan ay hindi mo iiwasan dahil kahit saan ka mag-punta dito ay may mga ganiyang tao.

Ang sarap nilang ipadala sa Mars, chour.

Mabilis akong bumalik sa bahay namin. Wala akong naabutan sa sala kaya naman nagpunta ako sa kusina. Don ko nakita si Mama. tahimik na nagliligpit ng mga ginamit namin kanina. Nakatalikod siya sakin kaya malaya kong mapapag-masdan ang likod niya.

Tumingin ako sa wall clock namin at nakitang 9:00 am na. pumasok ako sa loob ng kwarto at nagpalit ng damit. Sinuot ko ang uniform ko pagkatapos ay lumabas na. Nakatingin sakin si Mama. Bahagyang namumula ang mga mata niya dahil sa kakaiyak kanina. Ako rin naman.

"Ma, aalis na po ako."

"Osige. Mag-ingat ka"

Tumango lang ako at nagmano pagkatapos ay lumakad na palabas ng bahay namin. Binilisan ko ang kilos ko dahil baka mahuli ako sa klase. Ayokong isipin nilang nagpapabaya ako.

DUMATING ako sa school na sakto ang oras. Mag-isa lang akong pumasok. Hindi naman kasi papasok ngayon si Trid. Mukhang tinatamad siya.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay umupo agad ako sa likod. Wala naman akong ibang makaka-usap dito. Wala akong masyadong close.

Halos kasunod ko lang pumasok ang Prof namin sa Mathematics of Investments.

"Our topic is calculus... I know some of you or all you have your pre-calculus in your SHS. I hope na hindi kayo mahirapn." Aniya at nagsunod sunod na ang mga sinasabi niya. Nakinig lang ako at nagtake-down notes para sa exam at quiz.

Natapos ang mga sumunod kong klase na-smooth lang ang lahat. Walang masyadong naging problema. May mga lessons na hindi ko mabilis maintindihan pero mapag-aaralan naman.

Nandito ako sa likod ng school kung saan ako madalas tumambay noon. Hinihintay ko si Dino. Ang sabi ko ay dito kami magkita pagkatapos ng mga klase namin. Ayokong sa public place pa kami mag-usap kasi panay tinginan naman ang mangyayari. Pag-uusapan lang nila kami.

Ilang sandali akong naghintay don ng makita ko ang isang bulto ng lalaki na papunta sa gawin ko. Napatayo ako at tiningnan ito ng maigi. Huminto siya sa harapan ko. Ngumiti ito ng maliit.

"Mabuti naman nakaipag-usap kana sakin. Akala ko ay hindi mo na ako papansinin ng tuluyan." Sabi niya at inabot sakin ang isang rosas. "Para sayo. Nakita ko yung nag-bebenta niyan kanina bago ako pumasok. Ibinili kita."

Tiningnan ko yung bulaklak ng ilang minuto bago ako tumingin kay Dino. Umiling ako sa kanya.

"Salamat pero hindi ko matatanggap yan." Mahinahon kong sabi at dahil don. Dahan dahang nawala ang ngiti niya at ibinaba ang kamay na may hawak na rosas.

Huminga ako ng malalim at umupo sa may inuupuan ko kanina. Sumunod sakin si Dino at umupo sa katapat kong upuan. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Nakikiramdam.

Tumikhim ako at tinapos ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Kaya gusto kong makipag-usap sayo...kasi gusto ko na ng closure."

"Closure? Para saan pa?"

"Para sa sarili ko." Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Para na rin sayo. Para masara na natin yung mga chapter ng buhay natin na magkasama."

Umiling ito sakin at tinapon ang rosas sa kung saan saka naka-taas ang kilay na tumingin sakin.

"Hind---"

"Maybe, you don't need this closure but I need this." Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Tiningnan ko siya sa mata na may mariing tingin. "I just want us to talk. To clear things. Because, from now on. I want to live my life alone. Without any regrets or something. Can you please give me my closure?"

Huminga ng malalim ang binata saka tumango sakin na mas kinangiti ko. Alam kong mamaya yung mga ngiting 'to maglalaho. Mapapalitan ng luha pero okay lang.

I know that this tears is already worth it. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top