Chapter 33
CHAPTER THIRTY-THREE
Tahimik lang kaming tatlo habang magkakaharap kami sa lamesa. Magkatabi kasi sina Mama at Aly samantalang ako ay nasa harapan nila. May ice pack na nasa pisnge ni mama para mawala ang pasa niya. Lumiit man lang. Si Aly ay namumula ang mata kakaiyak kanina.
Ilang oras na rin ang nag-daan simula ng umalis si Tito Andy. Tumikhim ako at napatingin sila sakin.
"Ma? Ano po bang nangyari?" marahan kong tanong. Mahirap na baka mamaya magalit pa sakin 'to. "Nung tumawag kayo sakin kanina okay lang kayo. Bakit bigla nalang ganito?" tanong ko pa.
Ibinaba ni mama yung ice pack. "Hindi ko alam. Kauuwi ko lang din non galing sa bayan dahil bumili ako ng ulam. Tapos babalik siya na sinasabing kulang daw yung pera niyan at ninakawan ko daw."
"Saan naman siya galing non? Baka mamaya nahulog niya sa daan o kaya naman naipang-sugal niya." Kunot noong sabing ko.
"Sinabi na rin namin yan pero wala. Ayaw niyang makinig. Pati ako pinagbibintangan niya." Sabat ni Aly.
Napahawak ako sa sintido ko at napapikit habang nakayuko. Pag pala sobrang saya mo may kapalit talaga yun sa huli. Kaya pala kanina masaya ako tapos ngayon hindi na.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay mama. Tama si Tito Andy. Isa sa mga araw na 'to, si Mama mismo ang lalapit kay Tito. Si Mama ang makikipag balikan dito. Ayokong makipag balikan siya dahil baka saktan na naman siya nito.
"Ma, bakit niyo hinahayaang saktan niya kayo? Hindi ba't matapang ka. Dapat ay hindi niyo siya hinahayaang gawin yun sa inyo."
Ngumiti siya ng malungkot. "Matapang nga ako. Pero sinasaktan na niya yung kapatid mo. Sa tingin mo ba uunahin ko pang makipag bangayan imbis na ipag-tanggol ang kapatid mo?"
Napahinga ako ng malalim. Ang bigat sa dibdib ng makita mong may pasa ang nanay mo at tulala yung kapatid mo. Nakaka-panghina ng kalamnan.
Tumayo ako at lumakad na papasok sa loob ng kwarto. Binaba ko ang gamit ko sa gilid saka kinuha ang cellphone ko. Kaylangan kong gumawa ng paraan para hindi na makipag balikan si Mama kay Tito Andy. Kaylangan kong tulungan si Mama pero paano? Nag-aaral pa lang din ako. Wala pa akong gaanong matutulong sa kanya para sa pag-aaral namin ni Aly. Sa gastusin at bills dito sa bahay.
Napahiga ako sa kama at napatingin sa kisame.
Gaano pa ba katagal ang hihintayin ko bago ako matapos sa pag-aaral? Gaano pa ba katagal? Gustong gusto ko ng matulungan si mama.
At ilang sandal lang ay nilamon na ako ng antok. Hindi ko na nalamang ang mga sumunod na nangyari.
NAGISING NALANG AKO sa pag-tama ng sikat ng araw sa mukha ko. Napatingin ako sa orasan. Alas-osto na ng umaga. Mabilis akong bumangon at kinuha ang towel ko. Pumasok ako sa banyo at naligo.
Pagkalabas ko ay naabutan ko si Mama na may kausap sa telepono. Dahil sa pakikipag-usap nito ay nahuhulaan ko na kung sino yon. Napailing nalang ako. Sana mali lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos ng nangyari kagabi.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at nagbihis na. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at lumapit kay Mama.
Tumingin siya sakin.
"Aalis kana?" tanong niya.
Tumango ako. "Opo. May trabaho ako bago pumasok sa school. Baka mamaya rin po ay kabihin ako sa pag-oover time. Hahanap na rin ako ng ibang trabaho para makatulong sayo." Mahina kong sabi.
Ngumiti siya sakit at inabot sakin ang 100 pesos.
"Yan na muna sa ngayon. Wala kasi akong pera. May gastusin pa rin sa school ang kapatid mo." Sabi niya.
Nagbless lang ako sa kanya pagkatapos ay lumakad na rin palabas ng bahay. Napansin kong may tao sa may kalsada habang nakatingin sakin.
Napairap nalang ako.
Ang aga aga tsismis agad ang inaatupag. Sige, hala. Pag-kwentuhan niyo yung buhay naming mag-iina. Mabila-ukan sana kayo mamaya pagkain niyo.
PAGDATING ko sa bahay ni Doc ay pumasok agad ako. Hindi naman naka-lock ang pinto eh. Lumakad ako papasok at walang tao sa sala.
"Hello?!" tawag ko ng pansin sa mga tao dito. Ilang sandal akong nag-hintay pero walang sumasagot.
Naglakad ako papunta sa kusina. Nang malapit na ako ay narinig ko ang mga tawa na para bang bata kaya mabilis akong lumakad palapit sa pinto.
Nakita ko ang likod ng dalawang babae.
"Anna, gusto mo pa ng spag?" tanong ng babae na nabobosesan ko. Para itong si Doc.
"Opo!" magiliw na sagot ng isa pa.
Kumunot ang noo ko at pumasok sa kusina. Lumakad ako sa may gilid para makita kung sino yon. Napa-awang ang bibig ko ng makitang si Yan-Yan yon.
"Doc?" tawag ko dito. Tumingin sila sakin.
Natakot yata yung bata kaya nagtago sa likod ni Doc. Samantalang si Doc ay ngumiti sakin.
"Ikaw pala Kristine." Sabi niya.
"Hello po. Pumasok na po ako. Wala po kasing sumasagot sakin kanina."
"Okay lang"
Tumingin ako sa nagtatago sa likod niya.
"Hi Yan!" bati ko dito pero mas nagtago lang ito sa likod ni Doc. Tumawa ng mahina si Doc kaya napatingin ako sa kanya.
Tumingin ako sa kanya. "Parang di po yata ako kilala ni Yan-Yan." Sagot ko at nagtatakang tumingin dito.
"Kilala ka niya kaya lang ay nahihiya. Hindi kasi siya si Yan-Yan ngayon." sabi ni Doc.
Gulat na napatingin ako dito. "Ano po?"
"Siya si Anna, ang baby mode ni Yan-Yan." Sabi nito at tumingin sa dalagang katabi. "Anna, siya si Kristie. Kilala mo siya diba?" tanong nito dito.
Dahang dahang tumango si A-Anna at tumingin sakin. "S-Sinabi ni Yan-Yan na kaybigan niya si Kristine. Kaya lang si A-Alfred.... Ayaw niya kay Kristine....." mahina at boses batang sabi niya.
Namamangaha akong napatingin dito. Alam kong may mga taong may sakit na DID pero hindi ko akalaing makikilala ko ang isa sa kanila.
"Bakit ayaw ni Alfred kay Kristine?" tanong pa ni Doc.
"Kasi inaaway daw ni Kristine si Yan-Yan."
"Hindi sa ganun---"
Hindi pa natatapos magsalita si Doc ay tumayo at tumakbo na paalis ng kusina si Yan--- Anna.
Napahinga ng malalim si Doc tapos ay tumingin sakin at ngumiti. Iniligpit nito ang platong pinagkaininan ni Anna.
"Sorry about her attitude. Bata kasi kaya ganun." Sabi ni Doc habang inilalagay sa lababo ang plato. Tumingin siya sakin. "Kakausapin ko nalang siya mamaya."
Tumango ako at ngumiti ng kaunti.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Doc at lumakad palapit sakin.
Tumingin ako sa kanya. "Hindi ko po alam."
"Anong nangyari?"
"Nung nakaraang araw po, napalayas ako dahil sa hindi ako pumasok sa school. Wala na pong mag-papa-aral sakin sa college. Nag-away po kami ng ex ko at sinabi niyang magbabago siya pero hindi naman nangyayari. Nauuwi pa rin kami sa dati. Yung nanay ko sinaktan ng ka-live in niya.
"Hindi ko na po alam yung mararamdaman ko. Hindi ko alam yung gagawin ko para makatulong sa nanay ko. Hindi ko alam kung makakapag-aral pa ba ako." Hinaing ko dito.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mo pong sabihin?"
"Ako na mag-papa-aral sayo sa college. Balita ko, kaya mo kinuha ang Legal Management dahil gusto mo ring maging abogado sa future kaya naman ako na magpapa-aral sayo. Kung gusto mo ay pti ang kapatid mo ako na rin ang magpapa-aral." Parang wala lang sa kanya na sabi niya.
Lumayo ako sa kanya at tiningnan siya sa mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top