Chapter 32
CHAPTER THIRTY-TWO
"Kaylan nagsimula yang sakit mo?" tanong ni Kuya Caligh. "Kung okay lang sayong sagutin ha. Baka kasi mamaya ay hindi mo pa pala kayang magkwento."
Kaming dalawa nalang nanditong naka-upo sa likod. Si Demani ay naglalaro. Sina Jonjie at Ashley ay pumasok sa loob dahil may kaylangan raw gawin.
Malungkot akong ngumiti. "Hindi po. Okay lang."
"Osige."
"Nag-start siya nung mamatay yung Lola ko." Mahina kong sagot.
"Condolences." Aniya.
Tumango lang ako. "Nung araw kasi na umalis ako ay okay pa siya. Tapos kinabukasan ay sinabi nalang samin na wala na raw siya dahil sa heart attack. Ang hirap lang paniwalaan kasi bago ko siya iwan non okay pa siya. Malakas pa siya at nakangiti sakin. Nakakatayo pa nga siya non dahil sabi niya ay gusto na raw niyang umuwi sa bahay." Sabi ko.
Napatango siya at tinapik ang likod ko.
"Tapos non alam kong sinisisi ako ng mga anak ng lola ko kasi ako nga yung huling kasama niya."
"Hindi mo naman kasalanan yun kung sakali."
"Alam ko po pero sinisisi ko rin naman yung sarili ko." Tumingin ako sa mga mata niya. "Wala ako nung oras na kaylangan niya ako. Iniwan ko siya."
Umiling siya sakin at ngumiti ng maliit.
"Wala kang kasalanan don. Ginawa mo naman siguro yung best mo para alagaan siya. Hindi natin kontrolado ang buhay ng tao. Hindi natin malalaman kung kailan tayo mawawala." Sabi niya pa.
Napatango nalang ako dahil naninikip talaga ang dibdib ko.
Hindi na nagsalita si Kuya Caligh pero ramdam ko ang tingin niya. Nakaka-ilang kaya yumuko nalang at nag-cellphone ako.
"Alam mo ako... may ginawa rin ako noong sobra kong pinagsisisihan. Hanggang kabilang buhay siguro ay pagsisisihan ko ang nagawa kong yon." Ani Kuya.
Tumingin ako sa kanya.
"Siguro ganun talaga. Nasa huli ang pagsisisi. Pero ang isang naturo sakin ni Angeline ay yung patawarin ko yung sarili ko. Siguro di ko pa ganun napapatawad yung sarili ko. Pinupunan ko ang pagsisisi ko araw-araw. Di ko kinalimutan pero di ko rin hinahayaang kontrolin ako."
Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Subukan mong kalimutan yon. O kung di mo kayang kalimutan ay wag mo nalang hayaang kontrolin ka." Sabi niya at tumayo na. "Sige, mauuna na ako. May klase pa kasi ako bukas." Lumakad ito palapit kay Demani at hinila ang kapatid sa loob ng bahay.
Naiwan naman akong nandito. Mag-isa sa likod bahay.
Kung di mo kayang kalimutan ay wag mo nalang hayaang kontrolin ka
Kung di mo kayang kalimutan ay wag mo nalang hayaang kontrolin ka
Paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang sinabi ni Kuya. Hinahayaan ko bang kontrolin ako ng pagsisisi kong yon? Hinayaan ko ba?
Paano ko papalayain ang sarili ko? Paano ko papatawarin ang sarili ko kung di ko alam kung paano?
Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-ring yon. Si Mama ang tumatawag kaya naman agad kong sinagot.
"Hello Ma?"
"Nasaan ka na? Wala raw pasok tapos wala ka pa rin." Aniya.
Bago sumagot ay tiningnan ko muna ang oras at ng makita kong hapon na ay napatayo ako. Hindi ko namalayan ang oras.
"Ma, nandito po ako sa pagt-trabahuhan ko. Maya maya po ay uuwi rin ako." Sabi ko kay Mama habang naglalakad papasok sa loob ng bahay.
Narinig kong nag-buntong hininga siya sa kabilang linya. "Dalian mo lang Kristine. Umuwi kana. Madilim na." sabi niya pa bago ibaba ang telepono.
Hindi ko alam kung makakahinga na ba ako ng maluwag? Baka kasi mamayang pag-uwi ko dun ako mapagalitan. Pumasok ako sa loob ng bahay at naglakad papunta sa sala. Naabutan ko don si Ash na nagbabasa ng libro. Agad akong lumapit sa kanya.
"Ashley, uuwi na ako." Sabi ko dito.
Tumingin siya sakin at tumingin sa relo nito. "Uuwi ka na? Hindi mo na ba hihintayin si Doctora?" tanong niya.
Umiling ako sa kanya.
"Hindi na. Mapapagalitan kasi ako kapag hindi ako umuwi kaagad eh." Sabi ko.
Nakaka-intindi siyang tumango. Tumayo siya. Lumakad kami palapit sa pinto. Binuksan nito ang pinto at lumabas ako. Tumingin siya sakin.
"Mag-ingat ka ha. Sorry di na kita maihahatid sa mismong labasan." Aniya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Okay lang yon, Ashley. Salamat rin. Pakisabi nalang kina Kuya Jonjie na umalis na ako." Sabi ko.
Tumango siya at tumalikod na ako. Lumakad na ako paalis don. Pinatay ko ang data ko at binilisan ang paglalakad. Alas-singko na ng hapon at baka mamaya ay alas-sais na rin akong makauwi.
PAG-DATING ko sa bahay ay sinalubong ako ng mga sigawan. Kumabog ang dibdib ko at napatingin sa pintuan ng bahay namin. Mabilis akong tumakbo papunta don at padabog na binuksan ang pinto. Nagulat ako ng makita ang gulo ng bahay namin.
Umiiyak si Mama habang yakap yakap si Aly. Mabilis akong tumingin kay Tito Andy na ngayon ay nagtataas baba ang dibdib dahil sag alit. Mabilis akong lumapit kina Mama na basang basa na ang mukha ng pinag-halong pawis at luha.
Akamang sasampalin ni Tito Andy si Mama ng mabilis kong tinabig ang kamay niya.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko habang pinupunasan ang mukha ni Mama at Aly. Tumingin ako kay Tito Andy.
"YANG WALANG-HIYA MONG NANAY! NINANAKAWAN AKO!!" sigaw nito.
Pinaningkitan ko siya ng mata saka tumayo at humarang sa harap ng Mama ko para protektahan sila ni Aly.
"HOY!!!! Hindi mag-nanakaw ang Mama ko!" sigaw ko sa kanya.
"Anong hindi?! Bakit nawalan na ako ng pera?! HA?! Magnanakaw yang nanay mo! Sinungaling pa katulad niyang kapatid mo!" sigaw nito at dinuro duro pa kami.
Kinuyom ko ang kamao ko at pagalit na tinabig ang daliri niya.
"YOU DON'T HAVE ANY RIGHTS TO POINT YOUR FUCKING FINGER TO MY MOTHER, YOU FUCKING ASSHOLE!" sigaw ko.
"Tingnan mo?! Walangya kayong mag-anak!" sigaw niya pa.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Mabuti ng maging walanghiya di katulad mong walang natutulong sa bahay na 'to!" matapang akong tumingin sa kanya. "Palamunin ka lang dito! Di ka nga nagbibigay ng pera pangkain man lang. kahit di na sakin sa Nanay ko nalang! Wala kang binibigay! Pag nandito yang mga anak mo si Mama pa rin nagpapakain niyan!"
"Gago ka ba? Anong gusto mong gawin? Wag palamunin mga anak ko?!" sigaw niya.
"WOW! Kung gusto mo palang pakainin yang mga anak mo edi sana nagbibigay ka kapag dito sila kumakain! Hindi yang pati sila papalamunin ng Nanay ko!" sigaw ko at tinuro ang pinto. "LUMAYAS KA!" sigaw ko.
"HAH! Ako papalayasin mo?! Tapos ano? Magmamaka-awa na naman yang Nanay mo para bumalik ako dito?"
"WALA AKONG PAKIALAM! LUMAYAS! KA!" asik ko sa kanya.
"Tandaan mo 'to. Kayo rin ang gagapang pabalik sakin! Di mabubuhay yang Nanay mo ng wala ako!" sigaw niya at mayabang na lumabas ng bahay namin.
Nang wala na siya ay napa-upo ako. Tumingin ako kina Mama na umiiyak pa rin. Ang pisnge ni Mama ay namumula. Mabilis kong binaba ang gamit ko at inayos ang buhok niya.
"Ma, sorry! Ngayon lang ako. Sorry mama!" paulit ulit kong sabi at inayos ito. Tumingin naman ako kay Aly na tulala at tahimik na umiiyak.
"Walanghiyang lalaki yon! Wala naman akong ninanakaw sa kanya." Sabi ni Mama habang umiiyak.
Para sa isang anak ay masakit na makitang umiiyak ang Nanay mo. Masakit na pag-bintangan ang nanay mo lalo't alam mo ang totoo. Saktan na ng lahat ng tao ang lahat huwag lang ang mga nanay natin. Kasi sila yung hindi tayo iniiwan. Sila yung nagmamahal sakin na higit pa sa inaakala natin.
Niyakap ko si Mama at Aly ng mahigpit. Hinalikan ko sila sa ulo.
"Wag kang mag-alala, Ma. May trabaho po ako. Susubukan kong maghanap pa ng ibang trabaho. Hindi mo po kaylangan lumapit sa lalaking yun. Tutulong po ako dito sa bahay." Pumipiyok kong sabi.
Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Ayokong umiyak dahil ako nalang ang inaasahan nilang dalawa. Ayokong ipakitang pati ako ay nanghihina. Dapat isa samin ang maging malakas. Dapat ay maging malakas ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top