Chapter 28
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Nang tumapat sa bahay namin ang van ay nakangiti akong bumaba. Humarap ako kina Doc at Yan-Yan. Ngumiti ako sa kanila.
"Thank you, Doc." Sabi ko dito. Tumingin ako kay Yan-Yan na masama pa rin ang tingin sakin at panay ang irap.
Ngumiti si Doc. "Walang anuman. Bukas ay ipapasundo ko kay ni Yan sa school, ipagpapa-alam na rin kita sa mga magulang mo. Gagawa ako ng letter para naman may maipakita ka sa mother mo na totoo." Sabi niya.
Tumango ako. "Aasahan niyo po ko bukas. Salamat po ulit." Sabi ko sa kanya at tumingin ulit kay Yan. "Yan-Yan, thank you rin ah." Sabi ko. Pero imbis na sumagot ay inirapan lang niya ako.
"This is my card. Para naman alam mo kung saan ako tatawagan or pupuntahan." Sabi ni Doc at inabot sakin ang calling card niya. Ngumiti ako at kinuha yon.
Nagtanguan lang kami ni Doc bago niya isara yung pinto at umaandar paalis. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa mga mata ko.
Tumingin ako sa langit. Madaming mga bitwin. Nahihirapan rin kaya sila? I mean, kada hiling ng mga tao. Alam ko namang hindi magkakatotoo ang pag hiling sa mga bitwin dahil mga dead star lang sila. One day mawawala rin ang kinang non.
Some people are living in a fairy tale at masasaktan kapag sinabi ang totoo. They cannot grow up with out hurting. Pain will be their water to glow, every trials will leave a lesson to know, accepting the truth can make you grow.
Bago ako pumasok ay huminga muna ako ng malalim dahil baka mamaya ay kaylangan ko pala non at ng dasal. Baka mamaya ay bumubuga na ng apoy ang nanay ko.
Makalipas ang ilang sandali ay pumanik na ako sa taas at nang buksan ko ang pinto ay naabutan ko sa sala si mama.
Tumingin siya sakin. Yung mga mata niya may mga emosyon pagod, galit, at pag-aalala. Pumasok ako sa loob ng bahay at sinarado ang pinto. Hinubad ko ang sapatos ko at nagpalit ng slippers. Lumakad ako palapit sa kanya.
Nagmano ako.
"Bakit ngayon ka lang? hindi mo ba naisip na nag-aalala kami sayo?" tanong niya.
Napalunok ako. "Sorry po, Ma. Pinakain po muna kasi bago ako ihatid pauwi." Mahina kong sagot.
Akala ko ay bubulyawan niya ako pero binigyan niya lang ako ng huling tingin. Tingin na disappointed siya sakin. Inilingan niya lang ako saka iniwan akong mag-isa sa sala.
Her eyes looked like really disappointed with me. Maybe I really don't deserve to be happy. I'm just a big disappointment.
Dahan dahan akong lumakad papunta sa kwarto namin. Pumasok ako sa loob at binaba ang bag ko sa tabi. Nakita ko si Aly na nakatingin sakin. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-tataka. Syempre. Gabing-gabi ba naman uuwi ako.
Hindi na rin siya nagtanong. Ako ay humiga na sa higaan ko at hindi na nag-abala pang mag-palit ng damit. Sobrang dami ba namang nangyari sakin ngayong araw. Pumikit ako at di namalayang kinain na ako ng dilim.
NAGISING AKO DAHIL sa alarm clock. Dahan dahan akong napadilat at nakita ang kisame namin. Bumangon ako at kinuha ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Tiningnan ko ang oras at seven thirty na ng umaga. Ang aga pa. Ang klase ko ay ten am pa.
Tumingin ako sa bumukas na pinto. Pumasok don si Aly na nakatapis lang ng towel. Tinaasan ko siya ng kilay ng tumingin siya sakin.
"Late kana" mahinang sabi ko at pumikit ulit. Gusto ko pang matulog ng matulog. Para ngang ayoko ng pumasok.
Narinig ko ang pagbukas ng cabinet.
"Exam lang kaya okay lang." sagot niya. "Nga pala, sabi ni Mama gumising kana daw. Kumain at pumasok. Yung baon mo ay saka nalang ibibigay dahil gagawa pa raw siya ng paraan."
Napadilat ako. Nakaramdam naman ako ng guiltiness dahil sa sinabi ni Aly. Dahil sa ginawa ko ay nahihirapan si Mama ngayon. Dalawa na kaming pag-aaralin ni Mama. Pwede ko kayang makausap si Papa? Kapag kaya sinabi ko yung ginawa sakin pag-aaralin niya kami ni Aly?
Aasa ka pa? Alam mo namang wala ring trabaho ang papa mo.
Napabangon ako dahil sa inis. Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto. Kinuha ko muna yung towel ko sa may sampayan sa labas bago ako pumasok sa loob ng banyo. Naligo ako ng mabilis.
Pagkalabas ko pagkatapos ng isang oras ay walang tao sa labas. Lumakad ako papasok sa kwarto namin at sinarado yon. Ni-lock ko ang pinto at saka ako nagbihis. Hindi ko pa rin napapansin si Tito Andy. Kataka-taka dahil maaga pa para umalis ito ng bahay.
Mabilis akong kumilos at nang matapos na akong magbihis ay kinuha ko ang bag ko. Kinuha ko sa loob non ang calling card ni Doc. Angeline. Kinuha ko rin ang phone ko saka dinial ang number sa card.
Nakatatlong ring bago sumagot ang nasa kabilang linya.
"Hello, good morning. This is Ashely from the House of Mental Illness, what I can do for you!" ani ng boses sa kabilang linya.
Nagatataka akong napatingin sa calling card. Mali ba ako ng natawagan?
"Hello?"
Napabalik ako sa reyalidad ng magsalita ang nasa kabilang linya.
"Ahm... number ba 'to ni Doc Angeline?" tanong ko sa kanya.
"Yes! Ako yung namamahala sa in-coming calls niya. Dito kasi sa bahay yung number na yan eh." Sabi sa kabilang linya.
Napatango naman ako kahit alam kong hindi na niya ako nakikita.
"Ahm... ako si Kristine. She said she will give me a job. I want to ask if its still stand. I really need a work now." Ani ko.
"Ah! Ikaw yung sinasabi niya!" aniya na at narinig ko itong may tinawag na pangalan. "Wait lang ha. Naliligo pa kasi yon. Kung gusto mo pumunta ka nalang dito sa lugar na itetext ko sayo."
"Okay. Pupunta ako agad." Sabi ko at binaba na ang tawag. Mabilis akong nag-ayos at lumabas ng kwarto. I-t-text ko nalang siguro si Mama na maaga kong aalis.
Naka-ayos na ako. Naka-make up ako at nakasuot ng pant at t-shirt sa loob. Pero nakapatong ang isang sweater.
Alam kong mainit pero wala akong pake. Gusto ko yung ganito. Yung tago ako.
Nang makalabas ako ay pumara ako ng trike at nagpahatid sa Sto. Nino.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top