Chapter 20
CHAPTER TWENTY
New day, New Start.
First day of being a college student. Wow, time fly so fast huh. Nung nakaraan lang ay grade 11 kami then now college na ako. Yung matagal ko ng inaasam na pagkakataon. Yung pag-uumpisa ng totoong buhay.
At tulad ng inaasahan ay kasabay ko si Astrid. She's walking with me but her eyes in intently looking at her phone. I think she's chatting with her girlfriend.
"Saang building ka?" tanong ko dito ng tumapat kami sa mga naglalakihang building ng Bulsu. Tumingin siya sakin at tinago ang phone niya.
"Sa building na kasunod nung inyo." Sabi niya.
Sa dulo kasi yung building ng mga taga Criminology at Legal Management. Same building lang din. Ibig sabihin sa dulo rin pala ito. Napatango ako sa kanya.
"Sabay us umuw mamaya?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo. Kaya lang magkahiwalay na tayo ng sasakyan. Sa Calumpit na ako uuwi eh."
"Sige, daanan nalang siguro kita mamaya sa room mo? Chat mo nalang sakin kung saan para madali kitang mapuntahan?" aniya.
Tumango ako. "Sigi" sabi ko at naglakad na kami agad papunta sa nakatakdang building namin. Naghiwalay lang kami ng nasa dulo na. Inilabas ko ang phone ko at chineck kung saang classroom ang papasukan ko. Nang makita ko ay agad kong ibinalik ang phone ko at umakyat sa third floor.
Napansin kong madami daming magkakaybigan ang magkakasama habang umaakyat. Or di naman siguro ay mga senior dito. Nang makita ang classroom niya ay agad naman siyang pumasok sa loob at naglakad papunta sa likod. Umupo siya sa malapit sa bintana.
Wala siyang gaanong kausap. Napatingin siya sa isang gilid kung nasaan may mga nagkukumpulang mga estudyante. Mukhang mga nagkaka-kilala na sila. But me? Alone. As always. Kinuha ko ang cellphone ko at head phones pagkatapos ay sinuot yun sa tenga ko. Nakinig nalang ako ng music hanggang sa dumating ang prof namin.
TAPOS NA ang tatlong klase ko. Break time namin ngayon. May isa akong nakasundo. Katabi ko siya at madalas akong kinakausap. Sabay kaming tumayo at nag-punta sa kabilang classroom kung saan kami pupuntahan ng next prof namin.
"Bea, anong next sub natin?" tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "Ewan ko lang. di ko sure eh." Sagot niya sakin.
Tumango ako at di na ulit nagsalita. Alam mo yung pakiramdam na sumama lang siya sayo or sila sayo dahil naawa sila. Maybe ganun din siya. Naawa lang siguro siya sakin kaya niya ako sinamahan. Wala rin naman akong gaanong alam sa kanya except sa name niya at kung taga-saan siya.
Nakaka-miss din pala yung papasok ka pagkatapos ay nandon yung mga kaybigan mo. Yung first day of school alam mong may naghihintay sayo. Yung makikita mo silang nag-gagala at hihinto sila kapag nakita ka. Ituturo ka at ngingitian ka. Magtatawanan kayo habang hindi pa kayo pinapapila sa labas.
I feel like an outcast. Iniwan kasi ako ni Bea at sumama sa iba dahil hindi ko naman siya kinikibo. Mag-isa ako ngayong kumakain dito sa canteen. Wala rin si Trid dahil di pa tapos yung klase niya. Napatingin ako sa tray na pumatong sa mesang inuukopa ko. Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa kung sino yon.
Nakangiting si Dino ang sumalubong sakin.
"Sabi ko na nga ba ikaw yun eh." Aniya at umupo siya sa katapang kong upuan. Nag-umpisa na rin siyang kumain.
"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Wala pa eh. Mamaya pa sigurong mga two pm ang sunod kong klase." Aniya at kinuha ang mineral water kong hindi pa nabubuksan at siya ang nagbukas. "Ikaw? Kanina ka pa dito? Bakit wala kang kasama?"
"Thank you." Sabi ko at kinuha ang tubig. "Break kasi. Mamaya pa yung sunod kong klase." Sabi ko at uminom ng tubig. Medyo na c-conscious ako dahil sa paraan niya ng pagtitig.
"Ah. Wala si Astrid?"
"Wala pa. Magka-iba yung schedule namin." Sagot ko. Tumango naman siya at nag-umpisa na ring kumain. Tahimik lang kaming dalawa. Wala ng nag-tangka pang magsalita. Nagiging iba ang paraan ng pag-hinga ko. Pakiramdam ko ay nasasakal ako at mag-aaway kami sa anumang sandal.
Kinuha ko ulit ang hawak tubig at uminom pagkatapos ay nag-umpisa ng iligpit ang mga pinag-kainan ko.
"Aalis kana?" mabilis na tanong ni Dino.
Tumango ako sa kanya. "Oo, baka mahuli ako sa klase dahil sa third floor pa yung classroom namin."
"Ihahatid na kita?" aniya.
Umiling ako at ngumiti ng maliit sa kanya. "H-Huwag na. Hindi ka pa rin naman tapos sa pagkain mo." Mabilis kong sagot.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya na kinagulat ko.
"Ano?"
"Iniiwasan mo ba ako? Kasi nung umupo ako dito halos di mo naman ako kinikibo kaya di rin ako makapag-salita. Sa chat naman di ka na ganun ka-bilis mag-reply kapag magka-usap tayo. Minsan kapag nasa inyo ako di mo rin ako kinikibo" aniya pa.
Kumunot ang noo ko. Kinokonsensya ba niya ako?
"Wala naman kasi tayong dapat pag-usapan. Matagal na tayong hiwalay." Mahina kong sagot at huminga ng malalim.
"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya habang nakayuko. "Alam ko naman... hindi ako perpekto. Hindi rin naman ako pogi. Hindi ako matalino gaya ng mga gusto mo." Tumingin siya sakin at ang mga mata niya ay nagungusap.
"Dino, alam mong walang halaga sakin kung gwapo ka o matalino ka." Madiin kong sagot sa kanya.
"Kung ganun bakit mo ako iniiwasan? Gusto kong maging tayo ulit. Promise, magbabago na ako. Promise, di na ako magiging gago. Promise, iintindihin na kita." Sunod sunod niyang sabi.
Eto na naman kami. "Dino, hiwalay na tayo. Tatlong buwan na. iniiwasan kita kasi gusto ko ng maka-move on. Ayokong maging dependent sayo tulad noon."
"Bakit? Pwede naman tayong maging magkaybigan kahit na nagm-move on ka. Promise. Hindi naman ako tulad ng dati. Nagbago na ako." Sabi niya at kinuha ang kamay ko. Hinawakan niya yun ng mahigpit.
"Dino, saan ka naman nakakita ng ex-lovers pero magkaybigan in a process of moving on? Paano ako makakapag-move on kung kikilos ka at magiging magkaybigan tayo?" naiinis kong sabi sa kanya. Binawi ko ang kamay ko sa kanya.
"Oo nga naman diba? Sino ba naman kasi ang magtatagal sakin? Sa pangit kong 'to?" aniya at tumawa pa ng malungkot. "Gusto ko lang naman bumawi sayo eh. Gusto ko lang naman maging tayo ulit. Sasaya ka naman sakin. Pipilitin ko namang maging perfect kahit di ako yon. Ganun kita kamahal. Mahal na mahal kita, Tin."
Napahawak ako sa noo ko dahil sa sinabi niya. parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil sa nakikita kong pasakit niya. Tin, akala ko ba graduate ka na sa pagiging marupok?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top