Chapter 19


CHAPTER NINETEEN

Napatingin ako sa mga nakapasa sa Bulsu. Kumuha kasi ako ng exam sa magkakahiwalay na school. May private at public para sure na kung di ako makakapasa sa iba ay di ako mapag-iiwanan. Kaylangan ko rin kasing maging practical ngayon.

Kinakabahan na ako dahil baka kako hindi ako makapasa. Baka mamaya di ako makapasa. Knowing na mahirap talagang makapasa sa Bulsu. Minsan kapag may backer ka madali nalang.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang pangalan ko sa name list ng mga pasado.

"YESSS!!!!!!!! THANK YOU!!!!!!!!" sa sobrang saya ko ay nagtatalon pa ako. Di ko talaga inaasahan na makakapasa ako.

Legal management ang kinuha ko sa college. Gusto ko kasing maging abodago. Gusto kong higitan ang nagawa ni Miriam Defensor-Santiago. Gusto kong mahigitan ang Iron Lady.

Napatingin ako ng bumukas ang pinto. Pumasok don si Aly na nagtatakang tumingin sakin.

"Bakit ka ba sumisigaw?" mataray niyang tanong sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Kahit siguro pag-matarayan niya ako buong araw ay okay lang sakin.

"Pasado ako sa Bulsu. Doon na ako magc-college." Masayang pagbabalita ko sa kanya. Ngumiti siya sakin at lumapit. Niyakap niya ako.

"Congrats! Sabi sayo eh, papasa ka." Sabi niya sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko talaga mapigilan ang pagiging masaya. Ang saya-saya ko ngayong araw.

"Excited na akong mag-aral. Gusto ko ng makatapos para maka-alis na tayo dito at matulungan ko na si Mama." Wala sa sariling sabi ko habang naka-tingin sa screen ng laptop na gamit ko.

"Tanong lang, paano na after mo kumuha ng Legal Management? Ano ng plano mo?" tanong ni Aly.

Nawala ang ngiti ko sa labi at tumingin sa kanya. "Magtra-trabaho ako." Sabi ko.

Tumango siya. "Okay. Goodluck!" sabi niya at lumakad na palabas ng kwarto.

Napaupo ako at muling nagbalik ang tingin sa screen ng laptop. Ang kaninang masayang mood ko ay nawala na. Andito na naman ang mga tanong na pumapasok sa isip ko.

Tama ba na Legal Management ang kinuha ko?

Makakatapos ba ako?

Magagawa ko ba talagang malagpasan ang taong hinahangaan ko?

Kaya ko ba?

Bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo kaya pinatay ko na ang laptop. Tinabi ko yon sa gilid at humiga sa higaan. Nakapikit ako pero ramdam ko ang paligid ko.

Kumunot ang noo ko ng marinig ang ingay sa labas ng pinto. Naririnig ko ang mga sigaw nina Tita Maggie. Mukhang pinapagalitan ang mga pinsan ko. Naririnig ko ang panaka-nakang pagbanggit sa pangalan ko. Nakapagtataka at di pa pumasok si Aly.

Madalas kasi kapag galit si Tita ay nagtatago kami para hindi kami ang mapag-buntunan ng galit nito. Siguro ay nagtatago yon sa kung saan.

KINAGABIHAN ay kumakain kami sa kusina. Tahimik lang ako dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sakin ni Aly. Anong mangyayari sakin pagkatapos ng lahat ng ito?

"Kanina ka pa tulala Kristine." Puna ni Tita Maggie.

Kumurap ako ng ilang beses bago tumingin sa kanya. "Ahm... nakapasa po kasi ako sa Bulsu." Mahina kong sabi.

Nanlaki ang mata niya at tumango siya. Sumubo ulit ito ng pagkain.

"Mabuti naman. Akala ko sa private ka pa mag-aaral. Mahal ang tuition fee ngayon at siguradong madaming magagastos." Sabi niya sakin.

Napayuko ako. Alam ko naman yun. Pero anong magagawa ko? Gusto ko lang naman maging handa kung di ako makakapasa. Pero nakapasa ka. Ani ng munting tinig sa utak ko.

Pero paano kapag bumagsak ako?

Hanggang sa matapos ang hapunan ay tahimik ako at naging walang kibo. Alam kong nagtataka sakin ang kapatid ko. Miski ang ibang kasama namin sa bahay pero okay lang. Hindi naman kawalan sa kanila ang di ko pagsasalita.

"Anong kinuha mo, Tin?" tanong ni Tita sakin habang nag-huhugas ako ng plato.

Napatingin ako sa kanya. "Legal Management po, Tita." Sagot ko at tinapos na ang ginagawa ko.

Napatango siya. "Okay. Kaya mo ba? Hindi ba masyadong mahirap yun para sayo?" tanong niya sakin.

"Kaya ko naman po. Kaylangan kayanin dahil hindi po pwede ron yung balat sibuyas." Mabilis kong sagot. Nag-punas ako ng kamay. "Mauna na po ako sa itaas."

Umalis ako ng kusina at nagtuloy sa kwarto namin sa second floor. Ganun naman kasi palagi eh.

Kinuha ko ang cellphone ko pagkapasok ko sa loob ng kwarto. Nag-online ako at nag-pop up agad ang message sakin ni Dino. Binuksan ko yon.

Dino: Hi, kamusta ka?

Kumunot ang noo ko at nag-reply sa kanya. Matagal na rin kasi kaming hindi nag-uusap. Simula siguro nung mag break kami. Ngayon lang ulit. Binura ko na nga ang nick name niya sa chat namin dahil seryoso talaga ako sa pakikipag break ko sa kanya.

Kristine: okay naman ako. Ikaw ba?

Ilang sandal lang ang hinantay ko at nag-reply na agad ito.

Dino: Okay lang din ako. Congrats nga pala. Nakita ko yung post ni Aly.

Kristine: thank you. Naunahan pa pala niya akong mag-post. HAHA.

Dino: Oo nga. Bale, sa august papasok kana sa Bulsu?

Dino: Gusto mo bang sabay na tayo pumasok? Hihintayin kita sa may gate one ng Bulsu.

Napa-isip ako. Gusto ko ba siyang makasabay sa pag-pasok sa school? Gusto ko bang magkalapit kami ulit?

Kristine: di ko sure, si Trid kasi yung alam kong kasabay ko sa pag-pasok

Dino: Ah,sige. Kumain kana.

Para naman akong kinilig sa sinabi niya. Syempre, mahal ko pa siya. Hindi naman ganun kadaling alisin ang nararamdaman ko sa kanya lalo na at halos two years din naman kami. Kung tatanungin ako kung mahal ko pa siya oo ang sagot ko.

At yung nangyayari ngayon, kahit di ko aminin may kaunting saya akong nararamdaman. Gusto kong umasa na maayos pa namin yung relasyong nasira. Umaasa ako.

Kristine: oo, tapos na. ikaw?

Dino: Tapos na din.

"Comeback na ba?"

Tanong bigla ng kung sino sa likod ko. Humarap ako sa kanya. Si Aly, may malokong ngiti sa mukha na handing makipag-asaran.

Umiling ako sa kanya. "Hindi pa. Hindi rin naman mangyayari yon." Sagot ko at humiga ako sa kama.

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman?"

"Kasi..."

"Kasi?"

"Kasi mahirap ipaliwanag. Yung gusto mo. Gusting gusto kong makipag balikan pero mas tahimik yung buhay ng wala siya."

"Malay mo naman diba? Bigyan mo ulit ng chance. Three months palang naman eh." Panghihikayat pa niya.

Di na ako kumibo at inisip ang sinabi niya. Makikipag balikan ba ako? Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para tuluyang makipag hiwalay sa kanya ng matagal. Sasayangin ko ba 'to para lang sa chance na ibibigay ko para subukan ulit? What if di na siya mag-work out diba? What if sinasaktan nalang talaga namin yung mga sarili namin? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top