Chapter 17

CHAPTER SEVENTEEN

Dahan dahan kong dinilat ang mata ko. Tumambad sakin at putting kisame. Tumingin ako sa paligid ko. Nasa kwarto ako sa Calumpit. Oo nga pala. Umuwi ako dito noong nakaraang araw.

Isang taon na yung lumipas simula ng mangayari lahat ng yon. Bumangon ako at inayos ang kama. Nagtuloy ako sa banyo at naligo na. pagkatapos kong maligo ay nagpunta ako sa labas.

Bumaba ako sa sala at naabutan ko don ang mga pinsan ko. Naglalaro sa tablet nila. Nagpunta ako ng kusina at naabutan ko don si Tita Maggie. Ngumiti siya sakin. Eighteenth birthday ko na kasi sa susunod na araw at uuwi ulit ako mamaya para don makapag-celebrate.

"Good morning po." Marahan kong sabi.

"Good morning. Kumain kana. Alam ko namang kaylangan mong umuwi sa inyo." Sabi niya at binaba ang hawak na tasa.

Umupo ako at nag-lagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako sa titig ni Tita. Ang hirap lununin nung kinakain ko.

"Oo nga pala. Kaylan ka uuwi dito? After nung birthday mo?" tanong niya.

Napangiwi ako sa isip ko. Hindi pa ako nakaka-alis ay pag-uwi ko na agad ang tinatanong niya. Kinuha ko ang baso ng tubig at tumingin sa kanya.

"Baka po sa kapapusan po." Mahina kong sagot. Napatango siya.

"Okay. Mabuti yon. Sige, kumain kana diyan. Advance happy birthday. Enjoy ha." Sabi niya at tumayo na. lumakad siya paalis ng kusina.

Para akong nawalan ng mabigat na pasanin sa dibdib ko. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Dapat kasi ay dito gagawin ang birthday ko. Dapat ay may party rin dahil nga debut ko na pero di natuloy. Um-order na rin kami ng cake pero pina-cancel.

Okay lang naman na hindi ako dito mag celebrate. Wala rin naman sina Mama dahil di pa siya pwedeng mag-gagalaw o mag-punta sa malalayo dahil bagong opera siya.

Mabilis ang naging pagkain ko. Nang matapos ako ay dinala ko sa lababo at hinugasan ang pinag-kainan at pinag-inuman ko. Pati yung tasa na ginamit ni Tita hinugasan ko na rin. Nang matapos ay umakyat na ako sa kwarto at kinuha ang dadalhin kong gamit.

Isang bag lang ang dala ko. May mga damit pa naman ako sa Sta. Monica.

"Tita, aalis na po ako." Pagpapa-alam ko. Tumango siya at di na nag-abalang tingnan ako. Huminga ako ng malalim at lumabas nang bahay. Sinuot ko ang mask ko at naglakad palabas ng subdivision. Sumakay ako ng jeep pauwi ng Hagonoy.

Tanghali na siguro ng maka-uwi ako. Traffic kasi bigla. May nasiraan daw kaya naman wala akong nagawa kundi ang mag-intay.

Bumaba ako ng trike ay nagbayad. Saktong pagka-angat ko ay nakita ko ang lalaking dahilan kung bakit ako mas lumala. Si Dino. Natingin din siya sakin habang hawak ang gitara niya. Mukhang katatapos lang nila mag-practice.

"Tine." Tawag niya.

"Hi" sagot ko sa kanya. Ngumiti ako ng maayos. Three months na kasi simula ng maghiwalay kaming dalawa. Its my decision dahil sinisira nalang naming ang isa't isa.

"K-Kamusta ka?" casual niyang tanong.

"Okay lang. okay naman."

Tumango siya at ngumiti. "Mabuti naman. K-Kamusta yung mental health mo?"

"Di ko masasabing okay pero, nakakayanan naman." Sagot ko.

"Happy birthday nga pala. Advance."

"Thank you."

Walang gustong mag-iwan ng tingin saming dalawa. May mga trike na dumadaan sa gitna namin. Yun ang mga sanhi ng pagitan saming dalawa ngayon.

"Pasok na ako. Medyo pagod ako sa byahe." Sabi ko sa kanya matapos ang ilang minutong pakikipag-titigan. Tumango siya. Ngumiti ako at pumasok sa loob ng bahay namin.

Pagkapasok ko ay naabutan ko sina Aly kasama si Carlo, boyfriend nito.

"Yo!" sabi ni Carlo.

Ngumiti ako sa kanya. "Aga mo. Bukas pa diba?" tanong ko. May photo shoot kasi kami. Para sa eighteenth birthday ko. Photo shoot lang para naman may remembrance.

Ngumiti ito. "Nagugutom yung baby ko." Sabi niya at niyakap si Aly. Napatango ako at pinigil ang sarili ng makaramdam ng pangungulila.

Ganiyan din noon sakin si Dino. Madalas siyang may dalang pagkain sakin lalo na kapag nag-crave ako. Minsan kahit mapag-tripan ko lang siya. Kapag wala kaming makain siya yung nagdadala ng bigas para may masaing kami.

Gusto kong umiyak pero bago pa ako bumigay ay lumakad na ako papasok sa kwarto at sumandal sa nakasaradong pinto. Pumikit ako at kinagat ang lower lip ko para mapigilan ang mga hikbi.

Oo, marupok ako dahil ilang beses na kaming nag-hihiwalay. Ilang beses na kaming nag-aaway at paulit-ulit nalang pero bumabalik pa rin kami sa isa't isa. Ito na siguro yung pinaka-mahabang pagkakataon na naghiwalay kami.

Noon natatakot akong gumising araw-araw na wala na siya. Na hindi na talaga kami pwede. Pero isang araw magigising ka nalang na... hindi mo na siya mahal. Nagising ako na hindi ko na siya mahal. Magaling siguro manalangin yung kaybigan ko dahil natauhan na ako. Ang lakas niya kay Lord.

Dumilat ako at huminga ng malalim. Hinawakan ko ang tapat ng puso ko. Kumalma ka. Huwag kang marupok self.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Dino ng makita siyang nasa ibaba ng hagdan. Nakasuot siya ng maong pants at t-shirt. Yan yung always ready get up niya.

Ngumiti siya sakin. "Sama ako. Gusto kong makasiguro na ligtas ka." Sabi niya pa.

"W-Wala ng ... tayo." Mahina kong sabi.

Ngumiti siya ng malungkot sakin at tumango. "Oo, wala nan gang tayo pero... gusto ko lang talaga makasiguro na hindi ka mapapahamak sa photo shoot niyo ngayong araw." Sabi pa niya.

Napalunok ako dahil sa argresibong pag-tibok ng puso ko. Self, sabing huwag kang marupok. Hindi pwede, gusto mong katayin ka ng mga kaybigan mo?

Huminga ako ng malalim at tatanggi na sana ng makitang may mga dala siya. Kumunot ang noo ko. May mga gamit ng mabili pero kakaunti at mag re-recyle nga lang kami.

"Saan galing yan, Aly?" tanong ko dito.

Ngumiti siya sakin at nginuso si Dino na nakangiti. "Di ba kasi ang gusto mo sa debut mo, maganda. Gusto mo maging special kasi minsan lang sa buhay ng babae ang debut. Kaya tinanong ko si Aly kung ano pa yung mga kulang niyo. Binili ko." Pagpapaliwanag niya.

Ilang beses akong lumonok. "D-Dino"

"Huwag kang mag-aalala. Okay lang yan. Basta ba isasama mo na ako eh. Gusto ko lang talaga makasama ka--- I mean, gusto kong makita yung gagawin niyo." Sabi niya.

Tumango ako at pumanik na ulit. Dito muna sa kwarto gagawin yung unang shot. Nakausot ako ng pink top at flared pants. May dala akong one and eight number balloon. Kulay gold yon. Yung mahaba kong buhok at curl sa dulo. Ang suot kong pam-paa ay Lita Boots.

Ngumiti ako kay Carlo na siyang kukuha ng larawan ko ngayong araw. Siya na rin ang bahalang mag-print non.

Nag-start na siyang kumuha ng larawan at ginawa ko naman ang mga pose ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top