Chapter 15
CHAPTER FIFTEEN
Kung may hindi man ako magawa ay yun ang lulunin ang kinakain ko. Hindi kasi ako kumportableng kasama si Christine. Di ko pa rin kasi matanggap yung ginawa niya samin hanggang ngayon. Kasama pa niya ngayong araw yung mga 'pinalit' niya samin.
Magkatabi kami ni Trid na nakikisali sa usapan nila. Ako naman ay tahimik lang. Sana pala ay hindi na ako pumunta pero hindi naman pwede.
"Tahimik ni Tin. Okay ka lang ba, par?" tanong ni Trid kaya lumingon sakin yung mga tao.
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Oo naman."
"Na-miss ko na si beb eh. Di kami ganung nakakapag-usap." sabi ni Christine at niyakap ako. Tumingin ako kay Trid na may mapanuring tingin sakin. Naiilang akong tumingin sa kanya at bumaling kay Christine.
"Hehehe" ilang kong tawa at pasimleng inalis yung braso ni Christine sa bewang ko at tumayo. Inilagay ko sa lababo nila yung plato ko. Kaunti lang yung kinuha ko pero hirap akong ubusin.
Bumalik ako sa sala ay nagbubukas na ng soju si Trid. Inaayos na nila. Umupo ulit ko sa tabi ni Trid. Nag-tatawanan sila pero di ako makasali. Ayaw kong sumali. Sana lang ay bumilis na ang oras at maka-alis na kami dito. I cant take it anymore.
"Shobe, okay lang?" pabulong na tanong sakin ni Trid. Tumingin ako sa kanya at binigyan lang siya ng maliit na ngiti.
Nag-start na ang inuman namin at dahil don medyo naubos ang oras sa kwentuhan nilang lahat. Tawanan dito, tawanan don. Kwento niya, kwento ni ganire. Selfie dito, selfie don. At salamat naman na natapos na ang pakikipag-plastikan sa kanila.
Naglalakad na sa kami palabas sa may kalsada. Kasunod lang namin si Christine dahil ihahatid niya daw kami. Nasa labas na kami at niyakap ako ni Christine.
"Ingat kayo, beb ah. Thank you sa pag-dating." sabi niya.
Ngumiti ako ng maliit sa kanya. "Happy birthday ulit. Thank you sa pag-imbita."
"Happy birthday, Par! Mag-jowa kana!" sabi ni Trid.
"Thank you! Sa susunod ulet!" magiliw na sabi nito.
Kung may susunod pa pagkatapos nito. Piping sabi ko sa sarili ko. Nang may makita akong tricycle ay mabilis akong pumara.
"Saan kayo?" tanong nung driver.
"Sa bayan po." sagot ko at tumango yung driver. "Trid, tara na." sabi ko at nauna ng sumakay. Sumunod sakin si Trid.
"Sige, Par. Una na kami. Salamat!" sabi ni Trid at pumasok na din sa trike.
Nang malayo na kami ay dun lang ako nakahinga ng maluwag. Matatanggap ko rin naman. Hindi palang ngayon. Malungkot akong napangiti sa kawalan. Habang buma-byahe kami ay naalala ko yung mga panahong pupunta kami sa bahay nila at don tatambay. Puro lang kami tawanan noon at puro lang saya.
Bakit ba kasi kapag nasira hindi na pwedeng ibalik sa dati?
Nang dumaan kami sa bayan ay sinabi ko kay Trid na mag-punta muna kami sa may cuevas dahil bibilhan ko si mama ng tinapay para kay mama. Baka kasi magalit siya kapag umuwi ako ng walang dala. Pagkatapos naming bumili ay umuwi na rin kami.
Wala akong kibo habang bumabyahe. Wala rin naman kasi akong sasabihin at mukhang alam ni Trid na wala ako sa mood magsalita.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at humiga sa kama. Wala akong ibang kasama dito ngayon. Mag-isa. Na naman. Palagi. Tumingin ako sa kisame. May kakaibang emptiness sa dibdib ko. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko pa dapat 'to maramdaman.
Hindi ba ako nagging mabuting kaybigan? Masama ba talaga yung ugali ko? Wala ba akong kwentang kaybigan? Bakit nila akong iniiwan? Hindi ba talaga nila kayang mag-stay sa tabi ko?
Paulit ulit yung mga tanong ko kahit paulit ulit ko rin naming alam ang sagot. My mind is always messing with me.
"Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na!" bumangon ako at sinapo ang mukha ko gamit ang pareho kong palad at sinabunutan ang buhok ko.
Napatigil ako ng mapansin kong umiiyak ako. Pinunasan ko ang pisnge ko at nakitang basa nga ang kamay ko. Tumingala ako at pumikit.
Huminga ako ng malalim at humiga ulit sa kama. Kinuha ko ang isang akapan at niyakap yon. Tumalikod ako paharap sa pader at hinayaan lang tuluo ang luha ko.
Ilang oras pa ang lumipas at pumasok sa loob ng kwarto si Aly. Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya.
"Ate, sabi ni mama lumabas ka raw. Kakain na." sabi niya,
Huminga ako ng malalim at pasimpleng nag-punas ng luha. "Mamaya na kamo ako. Masakit ulo ko. Busog din naman ako. Mauna na kayo."
Naramdaman ko ang pag-titig niya sakin.
"Sure ka ba?"
"Oo. Sigurado ako. Mauna na kayong kumain." Sabi ko sa tonong pinipigilan ang pagiging ngongo dahil sa sipon.
Hinintay ko siyang makaalis bago ako bumangon at pinunasan ang luha ko. Huminga ako ng malalim at kinalama ang sarili ko. Para akong nasusuka na ewan. Sumasakit na rin ang ulo dahil sa pag-o-over think ng mga bagay sa paligid.
Lumapit ako sa may cabinet ko at binuksan yon. Kumuha ako ng damit at nagpalit. Humiga ulit ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko si Dino sa messenger. Ilang ring lang bago niya sinagot.
"Nahihirapan na ako." Mahina kong daing sa kanya.
"Okay ka lang ba?" tanong niya sakin. "Gusto mong pumunta ako jan?" aniya pa.
Wala sa sariling napa-iling ako kahit na wala namang nakakakita. "Hindi na. gusto ko lang may makausap ngayon." Sabi ko.
Suminghot pa ako at umupo. Sumandal ako sa pader at tumingin sa bintana. Madilim at makikita sa labas ang mga bitwin.
"Sige, sabihin mo sakin lahat ng nararamdaman mo." Sabi niya pa.
I sigh again and I start to tell him what I really feel. I know he can understand me. His the only one who did.
"Kasi diba? Nag-punta kami kina Christine?"
"Oo,"
"Alam mo ba yung pakiramdam na parang andaming nag-iba. Oo alam ko. Madami naman talagang nag-iba eh. Kaya lang, iba pa rin pala pag nakita mo siya sa personal. Parang di ko na rin siya kilala. Madami na akong di alam sa kanya." Ani ko.
"Okay lang yan. May mga kaybigan rin naman akong ganiyan pero okay lang sakin."
Napatigil ako. Ngumiti ako ng malungkot. Yeah Kristine. He can understand you. Really. Bait ng boyfriend mo.
"Oo. Sige. Tulog na ako." Sabi ko at binabaan nalang siya ng telepono.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top