Chapter 13
CHAPTER THIRTEEN
"BAKIT DI KA SINAMAHAN NI ASTRID?! PAANO KUNG MAY NANGYARI SAYONG MASAMA?" galit na tanong ni Dino habang naglalakad kami papunta sa 7/11.
Nung sinabi ko sa kanya kanina na nakasabay ko yung Ex nung Mama ko na medyo may pagka-sira ulo ay nawala nalang bigla ang away namin. Sinabi niyang susunduin niya ako.
Natakot ako kanina na baka harass-sin ako ng lalaking yun dahil nga Ex siya ni Mama. Tapos ay di pa naging maganda ang pag-hihiwalay nilang dalawa. Natakot akong may gawin siyang iba sakin. Nasa gilid pa naman ako kanina.
"By, wala naman kasalanan si Astrid." malumanay kong sabi. Pumasok kami sa loob ng 7/11 at umupo ako sa may upuan don. Napatingin ako sa shopao don at hotdog. Nagugutum na ako. Tumingin ako kay Dino.
"By, kahit na. Sa iisang school kayo nag-aaral tas iiwanan ka niyang mag-isa? Anong klaseng kaybigan siya?" aniya pa. "Ano bang gusto mo?" sabay tanong niya.
Nagkibit balikat ako. "Kahit ano. Ikaw na bahala, by" sabi ko sa kanya. Nagbalik sakin yung away namin ni Mama kanina. Kung hindi siguro kami nag-away di rin ako magkaka-ganito eh.
Tumayo si Dino at lumapit sa counter para bumili. I smiled bitterly. Nakakahiya ako. Inaaway ko siya but look at him now. Buying me foods. You're lucky to have him and called him yours. Yes, indeed.
He glanced at me and smiled. I smiled and mouthed 'I love you'. He mouthed 'I love you too'.
Napatingin ako sa phone ko at nakita ang messages ni Christine. Kumunot ang noo ko dahil she doesn't talking to me almost a month. We have this... little wall between us.
Beb: Tinnnnnnn!
Me: ow?
Beb: birthday ko na bukas.
Beb: punta ka?
Beb: punta kayo ni Astrid. Sama mo si Dino.
Tiningnan ko ang calendar ko at tama nga. 28 na bukas. Birthday na niya. Mag-re-reply na sana ako pero umupo si Dino sa tabi ko. Inabot niya sakin yung shopao at hotdog. Mayron ding delight.
"Sino yan?" tanong niya at tumingin sa cellphone ko.
Tumingin ako sa kanya. "Si Christine. Sabi punta raw tayo bukas sa birthday niya" sagot ko at kumagat na sa hotdog.
Umiling siya sakin. "Anong oras ba? May pasok ako bukas eh. Tanghali hanggang hapon o gabi na." tanong niya.
"Ewan ko ba. Tatanong ko handale" sagot ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng reply dito.
Me: Anong oras? Baka mamaya di na q payagan.
Mabilis namang nag-reply si Christine.
Beb: mga hapon. Pagkatapos ng klase ko. Daanan ko kayo sa vgtech. O kaya kita nalang us sa may 7/11 sa bayan?
Tumingin ako kay Dino. "Mga hapon daw. Pagkatapos ng klase niya."
Umiling siya sakin ulit. "Di ako makakasama. Paki-bati nalang siya para sakin. Mag-hapon yung klase ko bukas eh."
Tumango ako sa kanya at nag-type ng reply kay Christine.
Me:Di raw makakasama si Dino bukas. Bale kami nalang ni Astrid?
Me: chat mo si trid. Sabihin mo yan.
Me: di kami magkasama ngayon eh. Di nagrereply sakin.
Beb: sige, beb.
Beb: I miss you, beb! Set tayo pagkatapos ng birthday ko.
Beb: yung tayong tatlo lang. Tulad nung dati.
My brows snapped together to what I read. Is she serious?
Me: baka naman drawing eyang set mo
Reply ko at nilagyan ko pa ng tumatawang sticker.
Ilang sandali pa at di na nag-reply si Christine. I rolled my eyes. Christine. I know you better. Escaping my question?
Napatingin ako kay Dino na may nag-tatanong na tingin at umiling lang ako sa kanya. Tinapos namin ang pagkain namin at lumabas na ng 7/11. Ang sabi ko ay gusto kong sa kanila muna. Nag-kwento rin ako sa kanya about sa mangyari kanina sa bahay namin.
KINAGABIHAN ay di ako nag-online at paderecho na sana sa pag-tulog kaya lang ay nag-pop ang message sakin ni Trid. Binuksan ko ito at binasa.
Astrid: Par, ano nangyari sayo kanina?
Me: wala naman.
Me: nakasakay ko lang yung ex nung nanay ko kanina. Natakot ako.
Reply ko sa kanya. Ibababa ko na sana ulit yung phone ko ng maaala kong di ko naman sinabihan si Trid kaya paano niya nalaman. Binuksan ko ulit ang data ko at nag-chat sa kanya.
Me: pano mo nalaman? sino nagsabi sayo?
Nag-hintay akong ma-seen niya at nag-send siya sakin ng isang picture. Nanlaki ang mata ko dahil sa nabasa ko.
Dino: bakit di mo sinabayan si tine sa pagpasok niya kanina?
Dino: alam mo bang muntik na siyang maharass?
Dino: anong klaseng kaybigan ka?! kasama ka sa school tapos di mo naman pala sasabayan sa pagpasok?
Dino: kung may nangyari kay tin na hindi maganda. Tandaan mo. Ilalayo ko siya sa inyo. Wala kayong kwentang kaybigan niya.
Dino: sana iwan niyo nalang kung di mo rin pala sasamahan. Kung may nangyaring masama sa kanya ikaw ang sisihin ko. Sinama-sama niyo sa lintik na school na yan tas di mo sasamahan?
" Ano ba 'tong pinag-sasabi ni Dino?" mahina kong ani sa sarili ko. Nagtype ako ng reply ko kay Trid.
Me: par, sorry. Di ko alam kung bakit ganiyan mag-salita yan. Sabi ko naman sa kanyang wala kang kasalanan.
Me: sorry. Nakakahiya. Dapat di niya sinasabi yan.
Astrid: okay lang par. May kasalanan din naman ako pero bakit di mo sinabing nakasakay mo yun?
Astrid: nainis lang ako diyan sa boyfriend mo. Kasi ako nga palaging nag-babati sa inyo kapag mag-ka-away kayo tas babantaan niya akong ilalayo ka samin?
Astrid: nakakatawa siya. Mukha siyang tanga, t*ngina siya.
Napa-pikit ako dahil sa kahihiyan. Gusto kong umiyak. Inaway ni Dino yung kaybigan kong alam kong totoo sakin. Nakakahiya kay Astrid.
Nag-type ulit ako.
Me: sorry.
Me: sorry par.
Astrid: sira! Okay lang yun.
Astrid: wala ka namang kasalanan. Yung boyfriend mong ogag meron.
Me: nakakahiya sayo. Sorry talaga. Kakausapin ko si Dino. Dapat di niya sinabi yun.
Astrid: okay nga lang. Hayaan mo siyang ogag na siya.
Astrid: sa susunod di ko na tutulungan kapag nag-away kayo. T*ngina siya.
Astrid: mukha kamo siyang tubol. Buti nalang kamo bati kami ni G wen
Napatawa ako sa huling chat niya sakin. Kahit alam kong nasaktan si Trid dahil sa mga sinabi ni Dino.
Toxic na nga ako. Toxic pa si Dino. What a great combination for a disaster? Pinatay ko yung data ko at inilagay sa ilalim ng unan ang cellphone ko.
Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kisame. Bakit nga ba nag-s-stay pa sakin si Trid? Why she's still here. Supporting even though she know i'm a wreck. Bakit ba nandito pa sila para sakin? Bakit ba? Or aalis din sila? Aalis din siya.
Iiwan nila akong lahat. Bakit ba kasi sila mag-s-stay sakin diba? Sino ba ako? Isa lang naman akong babaeng nawala na sa kanya ang lahat. HAHHAHA. Funny. Wala naman palang sakin kundi ang sarili ko lang.
Eventually, they will all leave me. One by one. First, my best friend. Christine. Alam ko naman, aalis siya but not this soon. Ang mas masakit? She's acting like nothing happen. She forgot us because she have new friends. Sa Sta. Monica di makapunta pero nakakapag-malolos kahit walang pasok.
Ano ng mangyayari sakin kapag umalis silang lahat? Kapag iniwan nila ako? Makakaramdam ba ako ng sakit? Mas sasakit pa ba or I'm just too numb to feel pain.
I looked at my wrist. What if I killed myself? Iiyak ba sila? What if I drown myself at the bathroom. Papasukin ba ako sa langit kung meron man?
Umiling ako. If I die, pinatunayan ko ng tama nag mga kamag-anak ko. I will be a disappointment to them.
Ilang oras siguro akong pinipilit ang sarili na matulog pero wala. Ayaw makisama sakin. Attitude daw ako eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top