Chapter 12


CHAPTER TWELVE

Sampal agad ang bumunga sa pisnge ko. Pagka-gising na pagka-gising ko kinabukasan. Napa-awang ang bibig ko dahil don at nanlalaki ang matang tumingin kay Mama. Si Aly na tahimik na nanunuod ng TV at nagulat din sa ginawa ni Mama at napalingon samin.

"P*TANG*NA KA KASI! IKAW MAY KASALANAN KUNG BAKIT SIYA LUMAYAS DITO. P*TANG*NA KA! WALA KA NA NGANG PAKINABANG NAGDADALA KA PA NG PROBLEMA! SANA DI NALANG KITA PINANGANAK! PINALAGLAG NALANG SANA KITA!" nang-gagalaiti niyang sigaw sakin habang sinasabunutan ako at sinasampal.

Gusto kong umiyak dahil sa sakit ng anit ko. Dahil sa namamanhid kong pisnge pero walang lumalabas. Naubos na yata. Pinagsasampal niya lang ako hanggang sa mag-sawa siya. Yung kapatid ko? Hindi pinansin ang ginagawa sakin ni Mama basta nanunuod lang siya ng TV.

"Wala kang kwenta! Dahil sayo kaya umalis si Andy!" aniya at binigyan ako ng huling sampal na natulig ang utak ko.

Napatawa ako ng mapakla saka tumingin kay Mama. Namumula ang mga mata ko. Naka-kuyom ang kamao ko at pinipigilan ko ang sarili kong umiyak.

Madiin kong pinahid ang luhang tumulo sa mata ko saka ngumiti sa kanya ng pilit.

"Ako?" tinuro ko ang sarili ko. "Ako pa? Sino bang nag-palayas sa kanya? Ako ba? Sino bang kaaway niya? A-ako ba?" nag-crack ang boses ko sa huling sinabi ko.

Nanlaki ang mata niya at dinuro ako. "Wala kang respetong bata ka! Sumasagot sagot kana?! SINO ANG PINAGMAMALAKI MO?! YANG BOYFRIEND MO?!"

"Wala pa akong maipag-mamalaki, Ma. Wala pa. Oo, pinagmamalaki ko si Dino kasi ang better niya. Oo, pinagmamalaki ko yun kasi halos siya na ang mag-pa-aral sakin. Halos siya ng magpakain satin! Pinag-mamalaki ko yun, Ma na halos kinahihiya ko na yung sarili ko." di ko na napigilan ang luha ko.

"Nakakahiya na kasi wala naman siyang responsibilidad satin pero siya. Siya yung bumibili ng bigas. Siya yung bumibili ng ulam natin. Siya yung nagbibigay ng baon ko kapag wala kang maibigay. Nakakahiya na kasi ang better niya pero ako hindi. Nakakahiya na girlfriend niya alng ako pero mukha na akong palamunin niya."

"KASALANAN MONG P*TA KA! SINO BA KASING NAGSABI NA MAG-ARAL KA SA ISANG PRIVATE SCHOOL?! SINO BA KASING NAG-SABING BOYFRIEND MO ANG PABILIHIN MO NG PAGKAIN NATIN?!" ganti niyang sigaw sakin.

Napa-iling nalang ako sa kanya. "Ako" mahina kong sabi at ngumiti ng pilit sa kanya.

"Ako kasi I want to be better, Ma! I want to achieve something na di mo nagawa! Gusto kong patunayan na kaya ko kahit na nilalait kana nila. Kung isusumbat mo din pala sakin na ipinanganak at binuhay mo ako sana hindi mo nalang ako----"

Isang sampal na naman ang sumalubong sakin at ilang ulit na kalmot sa braso.

"Wala kang utang na loob!" madiin niyang sabi at dinuro-duro ako. "Wala ka kung wala ako! Mabubuhay ka ba ng tatay mo?! Hindi! Wala nga siyang balak kuhanin kayong mag-kapatid! Wala! Kasi nga iresponsable yang tatay niyo! Ako! Ako lang ang nag-tiya sayo! Kaya ayaw ng bumalik ni Andy dito eh. Wala ka kasing respeto!"

Hindi ko na siya hinintay makapag salita pa ulit at tinalikuran ko na siya. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at kinuha ang towel. Lumabas ako at nag-tuloy sa banyo.

Ayoko na dito. Gusto ko ng umalis. Ayoko na.

Habang nag-bubuhos ako ng tubig ay umiiyak ako. Yung lamig ng tubig? Wala na para sakin. Namanhid na yung katawan ko. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko. Ako yung may problema.

Napaupo ako sa tiles habang umiiyak. Naka-hawak ako sagilid ng timba. Napatingin sa laman nong tubig. Kung ilulublub ko ba yung sarili ko dito matatapos na lahat? Kung mag-la-laslas ba ako aayos na?

Kung mag bibigti ako, hindi maganda dahil naka-labas yung dila ko. Kapag naman naglaslas ako, masusugatan ako. Kung iinom ako ng mga gamot, babaho ang amoy ko non, pers day palang ng burol. Kaya huwag nalang.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang tabo. Nag-buhos ulit ako na nagbaba-sakaling maisama ng tubig lahat ng sama ng loob ko. Kasama na ang suicidal thoughts ko. Lahat ng pain ko pero alam kong hindi pwede.

Nang matapos ako ay lumabas na ako ng banyo. Nakatapis lang ako at mabilis na nag-tuloy sa kwarto. Nagbihis ako ng simpleng school uniform at kinuha ang bag ko. Nang maayos na ako ay lumabas ako ng kwarto.

Dumaan ako sa sala pero di ako pinansin ni Mama. Wala siyang balak bigyan ako ng baon pero okay lang. May kaunti pa naman akong pera na pwede ko ng ipamasahe. Maalis lang ako sa bahay na 'to.

Habang nag-lalakad ako pababa ng hagdan ay narinig ko ang pag-mura sakin ni Mama. Narinig ko lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sakin. Wala akong magagawa don. Yun naman ako eh. Pagkakamali. HAHAHA.

Nasa labasan na ako ay nag-hintay ako ng daraang tricycle. Medyo tanghali na pero papasok pa rin ako. Habang nag-aantay ay chinat ko si Astrid at sinabing papasok ako. Ang tagal ko naghintay ng reply niya pero wala kaya di ko na kinulit.

Napatingin ako sa paraan na tricycle. Pinara ko yun at huminto naman sa harap ko.

"Sa may VGTech po."

"Sige"

Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan bago tumawid. Sumakay ako sa tricycle at umandar na yun. Malapit lang naman kaya wala pang 15 minutes ang byahe. Busy ako sa cellphone ko at busy ako sa pag-seen kay Dino ng huminto ang trike.

Umusad ako sa gilid dahil may papasok sa loob. Nakikipag-away pa ako kay Dino ng mapansin kong may pumasok sa loob na.

Napatingin ako sa kung sino yon ay nanlaki ang mata ko. Napa-awang ang bibig ko dahil sa gulat. Tumingin din sakin yung lalaking sumakay pero mabilis din namang nag-iwas. Di niya ako pinansin na para bang di niya ako kilala.

Namumutla ako. Mabilis akong nag-type kay Dino na ayoko ng makipag-away. Nanginginig ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga.

Sana bumilis ang takbo nitong tricycle. Sana umalis na siya. Sana bumaba na siya. Pinapakiramdaman ko ang kasabay ko sa trike. Tahimik lang.

Ilang sandali pa at nasa may San Agustin na kami. Bumaba ang lalaki at nag-tuloy mula sa VGTech ang sinasakyan ko.

"Miss, andito na to"

"Nene?!"

Napaigtad ako at tumingin sa driver. Tumingin ako sa labas at nakitang nasa tapat na kami ng school. Nang-hihina akong bumaba at nag-abot ng bayad sa driver. Dahan dahan akong lumakad papasok sa loob ng gate. Tumingin pa ako sa pinanggalingan namin at chineck kung nandon pa yung lalaki. Nang makitang wala na ay nakahinga ako ng kaunti. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top