Chapter 05


CHAPTER FIVE

Napakunot ang noo ko habang sinusundan ng tingin si Tita Maggie. Kanina pa kasi siya hindi mapakali at hindi ko malaman kung bakit. Bukas na ang uwi namin sa Sta. Monica.

"Tita, mag-papa-alam na po kami--"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil sa tingin niya saking masama.

"Kaylangan niyo na ba talagang umalis? Hindi ba pwedeng dito na muna kayo pansamantala? Mas maayos naman ang buhay niyo dito diba?" aniya.

"Opo, kaylangan na dahil may pasok na kami bukas. Kaylangan ko na din pong umuwi. Walang kasama si Mama sa bahay." maganda nga ang buhay dito isusumbat naman ninyo ang mga nagawa ninyo kapag nagalit kayo. Gusto ko sanang isudlong kaya lang baka sabihan naman akong maldita.

Nalukot ang mukha nito dahil sa sinabi ko at tumaray ang mukha. Nakita ko ang pag-irap niya sakin. Padabog na umupo sa sofa at tumingin sakin habang naka-cross arm.

"Edi umalis na kayo. Siguraduhin mo lang na uuwi kayo dito sa susunod na linggo. Baka mamaya ay hindi na naman kayo mag-punta!" paasik niyang sabi.

Tumango ako sa kanya at nagmano bago lumabas ng sala. Nag-punta ako sa labas at dun nalang hinintay si Aly. Mamaya ay may sabihin na naman si Tita at hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa kung anong lalabas na sagot sa bibig ko.

Ilang sandali akong nag-hintay at nakita kong lumabas na si Aly sa pinto. Dala niya ang bag namin at medyo kunot din ang noo. Pahagis niyang ibinigay ang bag ko sakin.

"Hindi mo kinuha yang bag mo" naiinis niyang sabi.

Inayos ko ang pagkaka-hawak sa bag ko at tumingin sa kanya. "Tinawag kasi ako sa ibaba."

Umirap siya sakin at nauna ng lumabas ng gate. Mula dito sa bahay ng mang-Tita ko ay lalakarin namin palabas. Wala naman kasing ibinigay saming pamasahe man lang.

"Ano ba sinabi niya sayo?" tanong ni Aly habang nauunang maglakad. Nasa likod niya ako.

"Hindi raw ba pwedeng mag-stay pa tayo dito" tumigil ito sa paglalakad at hinirap ako. "Sabi ko hindi pwede. Totoo naman eh. Two weeks na tayo dito. Next week may exam kami" dahilan ko sa kanya.

Napatango siya dahil 2 weeks na din siyang absent sa school dahil ayaw kaming paalisin ni Tita Maggie. Ayaw niya nung una pero napilit din kami kasi nag-text samin si mama at galit na galit. Bakit raw napaka-arte namin. Pera na daw gagawin pa naming bato.

Nang makalabas kami ng subdivision ay sumakay kami ng jeep pauwi sa Hagonoy. Matagal-tagal rin ang naging byahe naming dalawa. Pagod rin ako dahil sa ilang araw na walang tulog kaya naiidlip ako sa byahe. Nagising lang ako ng huminto na ang jeep.

Saktong pagbaba namin ay napatingin ako sa harap at nag-tama ang mata namin ni Dino. Ilang araw na din kaming hindi nag-uusap dahil sa matagal kami sa Calumpit.

Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Naramdaman ko ang pag-haplos niya sa likod ko pero hindi ko naramdaman ang pag-ganti niya ng yakap. Nararamdaman ko ng lamig.

Lumayo ako kay Dino at tumingin sa mga mata niya. Malabo ang paningin ko dahil sa luha pero malinaw kong nakikita ang walang emosyong mukha ni Dino. Malinaw kong nakikita na parang hindi siya masaya.

"D-dino.... s-sorry na. Sorry na. Sorry. Sorry. Sorry" paulit ulit kong sabi sa kanya at yumakap ulit sa kanya. Pinigil ko ang sarili kong umiyak. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Hindi ko na pinansin ang mga taong tumitingin samin habang dumadaan.

"Dino. Sorry na. Sorry. Sorry"

"Tumigil kana sa pag-hingi mo ng sorry. Okay lang naman yun. Wala naman ng magagawa yang sorry mo." sabi niya at inalis ang pagkaka-yakap ko sa kanya. Lumayo siya sakin. Wala pa ring emosyon ang mukha niya.

"B-bakit cold ka?" mahina kong tanong.

Nagkibit balikat siya sakin at tumingin sa nakapilang jeep. Bago tumingin sakin na walang emosyon pa rin.

"Aalis ako. Umuwi kana. Mamaya tayo mag-usap" mabilis niyang sabi at sumakay na ng jeep. Napatingin ako sa jeep na sinakyan niya. Naka-sunod ako ng tingin sa papalayong jeep. Hindi man lang tumingin sakin si Dino.

"Bakit ganun kayo ni Dino?" tanong ni Aly sakin.

Tumingin ako sa kanya at umiling nalang. Ayokong sabihin sa kanya dahil problema namin ito ni Dino. Baka mamaya sabihin ni Dino naghahanap ako ng kakampi.

Sumakay kami ng tricycle pauwi sa bahay. Tumingin ako sa labas habang pauwi kami. Malapit lang ang Sto. Nino sa Sta. Monica kaya sandali lang ang byahe namin.

Nang makarating kami sa bahay ay mabilis akong bumaba at pumasok sa bahay. Hindi ko nga nabati ang nanay ko dahil sa sama ng loob ko kay Dino. Bakit pakiramdam ko kasalanan ko ang mag-stay sa lugar na yun?

Naalala ko pa yung sagutan naming dalawa nung nakaraang araw.

F L A S H B A C K

Ngayon lang ako nagkaroon ng free time dahil kaaalis lang ng mga bisita ni Tita. Si Aly naman kasi ay nasa kwarto at natutulog. Mamaya pa siyang gabi tutulong dahil siya ang mag-babantay kay Lolo. Bukas ako. Salitan kaming dalawa ngayon.

Napangiti ako ng makitang tumatawag sakin si Dino. Ilang araw ko ng nakaka-usap ng maayos ang baby ko dahil sa sobrang busy namin dito.

Mabilis kong sinagot ang tawag niya at ang ngiti sa mga labi ko ay nawala dahil sa sinabi niya.

"Hanggang kaylan mo ba ako itatago sa kanila?! Isang taon na tayo ah. Dapat ngayon ay kilala na nila ako" asar na asar na bungad nito sakin.

Hindi man lang niya ako tinanong muna kung kamusta na ba ako dito. Buhay pa ba ako. Kumain na ba ako.

Huminga ako ng malalim at sinagot ang mga tanong niya.

"Kamusta ka na ba jan? Kumakain ka ba ng maayos? Ako kasi hindi gaano dahil puro utos sakin eh. Kakapahinga ko pa lang. Thank you sa pag-tatanong ha." sarcastic kong sabi at narinig ko ang pag-palatak nito sa kabilang linya.

"Huwag mo akong idaan sa pagiging sarcastic mo." naiinis niyang sabi.

"Bakit kasi ganun naman yung una mong sinabi sakin. Hindi mo man lang ako kinamusta muna. Alam mo naman diba? Alam mo yung dahilan kung bakit hindi kita pwedeng ipakilala sa kanila. Alam kong isang taon na tayo. Alam na alam ko. Ako yung unang bumati sayo non." naiinis ko na din sabi,

Narinig ko ang pag-mumura nito sa kabilang linya.

"Lintik naman na yan. Bakit ba kasi? Hindi ba pwedeng ipakilala mo na ako? Ako mag-papa-aral sayo"

"Paano mo ako pag-aaralin kung nag-aaral ka rin? Huwag mong madaliin. Alam mo ang kalagayan ko dito. Pag nalaman nilang may boyfriend ako ay siguradong hindi na nila ako pag-aaralin!" medyo pasigaw kong sagot.

Mabilis akong napalingon ng makarinig ako ng boses. Nakaramdam ako ng takot...

"Bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong ni Aly sakin pagka-pasok niya sa terrace. Nakahinga ako ng maluwag dahil siya lang pala. Akala ko kung sino na.

"Kausap ko si Dino. Akala ko si Tita eh" sagot ko at binaba na ang tawag. Saka ko nalang kakausapin si Dino kapag malamig na ang ulo niya. Ayokong mag-usap kami ng galit siya.

Tumango lang ito sakin at umupo sa katabing upuan ko.

Napatingin ako sa cellphone ko ng makitang nag-chat si Dino. Binuksan ko ang message at binasa ko.

Baby: BAKIT PINATAYAN MO AKO NG TAWAG?!

Baby: PORKE MALAYO KA GAGANITUHIN MO NA AKO?!

Baby: KAYA AYOKONG UMALIS KA EH. GANIYAN MANGYAYARI. TATAWAG AKO! SAGUTIN MO! SINO KA BA SA AKALA MO? ANG TAAS TAAS NG TINGIN MO SA SARILI MO EH HANGGANG GANIYAN KA LANG NAMAN. KAYA KA LAGING INIIWAN EH, TAAS NG TINGIN MO SA SARILI MO. TINGIN MO LAGI KANG MAGALING KAHIT HINDI NAMAN.

Imbis na sagutin siya ay pinatay ko na ang wifi ko at binaba ang cellphone ko. Mapait akong napangiti. Sino nga lang ba ako? Am I worth it? Para kasing hindi naman. Kaya ako iniiwan dahil sa ugali ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top