Chapter 02
CHAPTER TWO
I smiled when I felt my man's body behind me. He hugs me tight and kiss my cheeks. My boyfriend, Dino, he's a older than me. Isang taon lang naman kaya okay lang. Nandito kami sa bahay nila. Malapit lang samin.
Lumayo ako sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Dino have this, singkit eyes na hindi ko alam kung kaylan ko nagustuhan. Ang singkit lang na mahal ko ay si Lee Jung Suk pero dumagdag siya.
"By, baka next year lumipat na ako sa Calumpit" mahina kong sabi.
Kumunot ang noo niya at nagtatakang tumingin sakin. "Bakit?"
Nagkibit balikat ako saka ngumiti sa kanya ng mapait. "Alam mo naman di'ba? Di naman ako kayang pag-aralin jan. Saka pag nandon ako eh mapapag-aral ako kaya lang kaylangan kong tumulong don."
Napatango siya sa sagot ko na para bang naiintindihan na niya. Matagal ko ng gustong lumipat sa Calumpit, Grade 9 pa yata kaya lang ay di ko kinaya yung ugali nila don kaya umuwi ulit ako dito. Anong klaseng kamag-anak kasi ang hihilahin ka pababa imbis na tulungan kang I-angat.
Yumakap ulit ako kay Dino at pinakinggan lang ang tibok ng puso niya. Malumanay. Sana ganito rin palagi ang tibok ng puso ko. Malumanay.
"Bakit antahimik mo yata ngayon?" tanong niya habang pinag-lalaruan ang buhok ko.
"Hmm?"
"Antahimik mo kako. Hindi ako sanay ng hindi ka nagsasalita." puna pa niya at hinalikan ako sa buhok.
Huminga ako ng malalim. "Wala naman kasi akong sasabihin eh. Gusto ko lang yung ganito tayo. Nag-c-cuddle."
Pumasok sa isip ko ang ngiti niya dahil naramdaman ko ang pag-higpit ng yakap niya sakin. Napangiti ako.
"Sa higpit ng yakap mo parang takot na takot kang mawala ako ah" biro ko.
"Syempre. Nag-iisa lang kaya si Kristine Morales-Jose" aniya, kunot noo akong tumingala sa kanya.
"Jose? Kaylan pa naging apilido ko ang apilido mo?" nakangiti kong tanong.
Ngumiti siya ng malawak sakin. "Syempre, sa future. Pag kinasal tayo. Dapat nga ay pinag-aaralan mo ng gamitin ang apilido ko."
Nakaramdam ako ng kilig sa sinabi niya. Hindi ko masupil ang ngiti sa labi ko dahil sa tuwa.
"Oo nga, ako si Attorney. Kristine Jose."
"Oo, nanay ng magiging mga anak ko." aniya pa.
Ngumisi ako sa kanya. "Weh? Baka naman iwanan mo din ako" birong totoo ko.
Umiling siya sakin. "Hindi. Hindi kita iiwan. Ikaw ang aalis kasi diba magtra-trabaho ka din? Ako mag-aalaga sa tatlong anak natin."
"Ikaw din ang maglalaba"
Kunwaring nanlaki ang mata niya. "Bakit ako?"
Pinandilatan ko siya. "Bakit may angal ka? Magtra-trabaho kaya ako, ikaw din mag-aalaga sa mga anak natin."
"Oo napo. Wala na pong angal" aniya na kinatawa ko.
"Tapos titira tayo sa subdivision dito lang din sa Hagonoy. Tapos tutulungan natin si Mama. Ibabalik ko sa kanya yung mga naging sakripisyo niya sakin."
"Tapos mag-aalaga tayo ng kapatid ni Fender. Siguro si Lucifer naman yung isang pusang aampunin natin tapos yung isa naman ay Caramel."
"Oo, hingi tayo kay Badje ng mga pusa pa." tumingin ako sa kanya. "Ikaw siguro non ay isa ng prof sa university dito satin. Math ang subject. Sige ah. Mga bata pa ah. Bata pa ah. Sige talaga. Kapag ikaw napag-alaman kong may pinopormahan sa magiging student mo sasapakin talaga kita." pagbabanta ko sa kanya. Nakataas pa ang kamao ko na pormang pasuntok.
Hinawakan niya yun at ginagap. Tumingin siya ng matiim sa mga mata ko. Napalunok ako.
"Hindi mangyayari yang sinasabi mo, by. Kasi ikaw lang ang mamahalin ko. Mahal kita. Mahal na mahal kita. I love you. I love you. I love you." hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung iiwan mo ako. Mabubuhay nga ako pero di naman masaya."
May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niyang yun. Parang gusto kong umiyak. Siya siguro yung taong hinihintay ko. Yung taong matatakot na mawala ako sa kanya.
"Thank you, Dino. I love you!" maiiyak kong sabi at hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Sarap naman" sabi niya pa.
Napatawa ako at hinampas siya ng pabiro sa likod. "Basta By. Wag mo akong iiwan ah. Ikaw nalang ang meron ako."
"Hindi kita iiwan. Promise ko yan." mahina niyang sabi.
Napapikit ako habang yakap siya. Sana nga ay hindi mo baliin ang pangako mo.
BANDANG mga ala-sinco ay umuwi na ako. Five pm lang kasi ang alam ni mama na uwian namin eh. Hindi pa man ako nakakapasok sa bahay ay nakasalubong ko na si Aly.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
Ngumuso siya sakin. "May bibilhin lang. Sabi ni Mama umuwi ka daw don bilisan mo na. May sasabihin siya sayo." pagkasabi niya non ay iniwan na ako paalis.
Napairap nalang ako sa hangin at lumakad na pauwi samin. Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay sinalubong na ako ni Mama.
"Tin, uuwi ka muna sa mang-tita mo." salubong niya sakin.
Kumunot ang noo ko. "Saan?" tanong ko at tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin. Iniwan ko ang sapatos ko sa may gilid ng pinto.
"Sa Calumpit. Para magkabaon ka. Dun kayo ni Kate kapag biyernes hanggang linggo."
"Bakit? Di ba sabi kapag bakasyon na."
Tumalim ang tingin niya sakin. "Aba! Bakit ba parang ayaw mo pa? Para nga masanay na kayo don. Wala ka ding pam-baon. Bakit kasi nag-private ka pa ng school! Sabi sayong sa public nalang. Di ka naman nakikinig sakin!"
Nagbaba ako ng tingin at huminga ng malalim. "Tss, oo na po. Kaylan ba ako pupunta don?" labag sa loob kong tanong.
"Sa Friday nga. Dun na kayo ni Aly."
Tumango nalang ako at pumasok sa loob ng kwarto namin ni Aly. Pabagsak kong binaba ang gamit ko sa lapag at humiga na sa higaan. Di na ako nag-abalang mag-hubad ng damit.
Okay lang sana kung andun ako eh. Kasi nandon din si lolo. Kaya lang ay kakamatay lang ng Lola ko. Ayoko sanang pumunta sa mga lugar kung saan siya o kung saan ko siya maalala. Medyo hindi ko pa rin kasi tanggap eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top