Special Chapter

Bakit nga ba palaging naiiwan ni Soonyoung ang brief niya sa bahay nina Jihoon? OH ITO, BASAHIN NIYO.

"Jihoonie~" Pambungad ni Soonyoung pagkapasok sa bahay ng kanyang bestfriend slash kapitbahay na si Jihoon.

"Oh, ano na namang ginagawa mo rito?" Pambungad naman sa kanya ni Jihoon.

"Jihoonie~ makikiligo ulit si ako~ ang tagal kasi maligo ni Tita." Sagot nito habang pasayaw-sayaw pa sa harap ni Jihoon.

"Oh siya, sige. Punuin mo 'yung balde after mong maligo ha." Sagot ni Jihoon at tumakbo na kaagad si Soonyoung papunta sa palikuran habang dala-dala ang tuwalya niya at ang mga kasuotan na kanyang susuotin.

Nanunuod kasi si Jihoon nang biglang pumasok si Soonyoung sa loob ng bahay nila, mabuti na lang at siya lang mag-isa.

After several minutes...

Sa loob ng CR, (nako, tsk tsk)

"Buti pa sina Jihoon, ang ganda ng loob ng CR nila." Kinuha na ni Soonyoung ang mga pinaghubarang damit saka lumabas mula sa loob ng CR, hindi niya namalayan na may naiwan siyang nakasabit sa sabitan.

"Infairness Jihoon, ang bango ng CR niyo." Sabi ni Soonyoung habang dala-dala ang tuwalya at mga damit na pinaghubaran niya.

"Oh, lumayas ka na." Sabi ni Jihoon habang nakatuon ang mata sa TV.

"Hala grabe, pinapalayas mo na agad ako? How sad, Jihoonie." Sabi ni Soonyoung at kunwari pang nalulungkot, nag-pout pa ang loko.

"Nakiligo ka lang naman, 'di ba?"

"Tatambay muna ako rito sa bahay niyo. Mag-isa ka lang naman, 'di ba?" Biglang ngumisi si Soonyoung at napatingin naman si Jihoon sa kanya.

"Anong iniisip mo? Siraulo ka talaga. Lumayas ka na nga!" Tinulak-tulak pa siya ni Jihoon palabas ng bahay nila.

"Grabe ka talaga sa 'kin! Eto na, lalayas na nga. Salamat nga pala, Jihoonie." Ngumiti pa 'tong si Soonyoung nang napakalapad.

"Oo na, lumayas ka na."

Tumawa na lang si Soonyoung bago tuluyang lumabas mula sa bahay nina Jihoon.

Sinara naman ni Jihoon ang harapang pintuan ng bahay nila. Naisipang pumunta ni Jihoon sa CR nila para tignan kung pinuno ba ni Soonyoung ang balde ng tubig.

Pagkapasok niya, napatingin siya sa sabitan ng damit, at do'n ay nakitang nakasabit ang isang brief.

"What theㅡ kay Soonyoung ba 'to? Wala naman akong ganitong brief." Sinigurado niyang hindi sa kanya ang brief na 'yun, at oo, kay Soonyoung nga ang brief na 'yun.

"Aish, KWON SOONYOUNG!"

At sa tuwing makikiligo si Soonyoung kina Jihoon, palagi niyang naiiwan ang brief niya sa loob ng CR. Minsan ay hindi lang brief, pati na rin ang pinaghubarang T-shirt, sando, pantalon, at kung anu-ano pang kasuotan ni Soonyoung.
-

A/N

Ang corny talaga -___-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top